Pinalaking konserbatibo si Sheila Mariano kaya nang siya’y magka-boyfriend pinairal niya ang no-sex-before-marriage rule. Pumayag nga ang nobyo, pero lingid sa dalaga’y may kinakalantari pala itong iba. Nang malaman ito ni Sheila, labis niya iyong pinagdamdam. Dahil sa sobrang himutok at galit, pumunta siyang mag-isa sa isang club at sumama pa sa hindi kilalang lalaki. Ang matagal niyang iniingat-ingatang puri ay basta na lang niya ibinigay sa taong may nakaukit na swastika sa braso. Ibabaon na sana niya ang lahat sa limot nang makalipas ang isang buwan ay napag-alaman niyang nagbunga ang isang gabing pagpapakawala. Mahahabol pa kaya niya ang estranghero kung ang tanging pagkakilanlan lang niya rito ay ang kakaibang tattoo sa kanang braso?
Medyo nakakapanibago na makabasa ng Filipino story in 3rd POV. Pero nagustuhan ko naman yung kwento ni Shiela at Magnus. Yung dating "too proud" sa sarili niya, nabago lahat dahil sa mga anak niya. What I liked most about this story ay kahit hindi ganun kahaba, nagawa niyang i-express yung sa tingin kong gusto niyang makuha ng mga mambabasa, (para sa akin) yung dapat palagi pa din tayong nalapit kay Lord at kahit na anong mangyari, pamilya pa din natin yung laging nanjan para sa atin, sa kasiyahan man or kalungkutan. Kudos, Author!
Masasabi ko na ang author na ito ang isa sa underrated authors sa wattpad. Ni-recommend sa akin ng kapatid ko ang story na ito at nag-enjoy talaga ako sa pagbabasa. Maganda ang flow ng story at once na masimulan na basahin ay mahihirapan ka ng bumitiw. Ngayon ko lang napansin na may part 2 and 3 na pala ito at ang bida ay ang twins! More power Ms. Maggie at sana ay makapagsulat ka pa ng madaming kuwento tulad nito.