Sa mahigit na 40 informal essays na tinipon sa Personal: Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita, nagbalik sa kanyang unang 20 taon ang itinuring na isa sa pangunahing contemporary playwrights at awtor ng kuwentong-pambata, si Rene O. Villanueva, na ang unang hinangaang characters sa fiction ay sina Engot at Tekla ng Liwayway; at ang literary education ay hinubog ng radyo, komiks, sine, "bomba" at BTS. Di tulad ng karaniwang memoir na umiinog sa mundo ng mga cultured at sophisticated, ang ginugunita rito'y ang daigdig ng mga istambay, nangungupahan sa mga entresuweldo, belyas, burlesque dancers, mga tinakasan ng tuwa at ipinahamak ng pangarap sa isang distrito sa Quezon City na natatangi sa kawalan ng kahit anong landmark sa La Loma.
Rene O. Villanueva (September 1954–December 2007) was a Filipino Dramatist and Children's Story Writer who made his mark in Philippine Literature in the late 1970s and well into the first decade of the 21st century. He had a remarkable contribution to Filipino culture as shown in his prolific output which generates continuing interest in his plays and books for young people.
Villanueva was born in La Loma, Quezon City and studied in public schools, the Lyceum of the Philippines, and the University of the Philippines. As a young person, he already had the inclination to the arts, telling stories to playmates and winning in national school writing contests. In college, he was active in the theater as a writer and as a performer. Later when he got into the writing workshop circuit, he joined the literary group Galian sa Arte at Tula (GAT) to learn from veteran writers.
In a children's literature workshop, he stood out as a fellow, and critic National Artist Virgilio S. Almario recognized his writerly gifts. His drama auspiciously began in 1978 with "Entreswelo" and "Pag-ibig ni Mariang Makiling" which won an award in the playwriting workshop, Palihang Aurelio Tolentino. Then in 1980, he won his first Palanca Award with the one-act play "Kumbersasyon" and from then on his pen did not falter a beat. He came out with memorable dramatic works like "May Isang Sundalo"(1981), "Sigwa" (1984), "Botong" (1990), "Kalantiaw" (1994), "Dobol" (1994) and "Watawat" (1999).
Villanueva's stories for children garnered prestigious prizes, including Palanca Award-winning works like "Bertdey ni Guido" (1989), "Ang Unang Baboy sa Langit" (1990), "Tungkung Langit at Alunsina"(1990), "Nemo, Ang Batang Papel" (1992), and "Tatlong Ungas" (1999).
For his pioneering contribution to local children's literature, Villanueva was nominated by the Philippine Board on Books for Young People (PBBY) to the 2002 Hans Christian Andersen Award for Children's Writer, the most prestigious international recognition in the field of writing for children. He is the first Filipino writer to have been nominated to the award.
His indomitable spirit as a writer, teacher and cultural worker found him travelling all over the country to share his views on children's welfare, creative writing, curriculum enrichment, and teaching materials development.
Before I die, I will write a book similar to this.
Rene O. Villanueva (1954-2007) was a Filipino playwright and author. He wrote this beautiful memoir in 1999 when he was 45 years old. Eight years after, he died of cardiac arrest. His last blog is found in this site that bears the same title as this book Personal.
Personal: Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita (Personal: Essays in the Land of Memories) is the best Filipino memoir that I've read so far. It is written in pure current Tagalog but I am writing this review in English for the benefit of my foreigner friends. Villanueva was ten years my senior so the experiences that he had in life were almost similar to mine despite the fact that all his growing up years were spent in the city while mine were a combination of city and province. However, we both came from poor families so the struggles that he had to endure while trying to have a decent life were not totally different from mine. Most importantly, the choices and the dreams he had? Same as mine. I would have reacted the same in almost all the situations he found himself in.
That's why I really like this book. Aside from seeing myself in him, I also find his writing very moving. Villanueva was a playwright and he was so good in making sure that his reader could imagine the scenes in those stories. There were times while reading that I could almost feel his settings: see the thick bougainvillea flowers in front of their house, feel the cold gutter where he used to sit, smell the leche flan that he delivered to their neighbor's houses, taste the condensed milk that he secretly sipped straight from the can when his aunt and uncle were not looking. On my way to the office yesterday morning, I heard Victor Wood's In Despair on the car's radio and then last night, I came across that story where Villanueva wrote that it was one of his favorite songs to hear on the radio while helping his uncle to prepare for his business when he was in high school. (Radios nowadays rarely play Victor Wood music). Then also last night, while I was halfway reading the book, I decided to google him and I was so sad when I found that he was already dead. He died at the age of 53. Too young. What a waste. At 48, I also realized that I could die anytime. So, I felt quite scared considering that I have not written something like this.
I thought that this could be a good book for our Pinoy Reads Pinoy Books (Filipino Reads Filipino Books). We try to aim for books with still living local authors so we can invite him or her during the book discussion. Really, nothing beats having the author in front of you when you talk about his or her book.
The only bit of a comment that I'd like to say about this book is that at times it is too melodramatic. However, I guess that's the playwright in him or maybe because being poor is a tragedy rather than comedy. Maybe this is the answer to my friend Beverly's (who lent me this book, thank you!) question of why I am fond of reading sad books: my life, like that of Villanueva's, is more of tragedy rather than comedy.
Where was I when Villanueva was still alive? Why did I come across this book only now? Good heavens, I'd like to meet him so I can hug him and say "Hey, we can be buddies!"
Ako'y napabilib sa iyong talino't determinasyon Hindi ko maapuhap kung saan galing iyon Mga magulang mo'y mababa ang pinag-aralan Subalit masipag at mapag-alaga naman.
Sa iyong aklat na Personal Sabi mo'y.."ang lahat ay isang desperadong ego trip?" O kaya'y bunga ng itinatagong kayabangan? At tanong mo pa'y.."May interesado kaya bumasa ng nakaraan mo?"
Hindi ako nagdalawang-isip sa pagbili ng aklat at ako'y napahanga mo! Naging interesado ako dahil puno ito ng butil ng karunungan at aral Dapat ka ngang ipagyabang Sapagkat napagtanto mo na mayaman sa kwento ang mahihirap.
Ang mga walang mataas na pinag-aralan, Ang mga kapos sa sopistikasyon at urbanidad, Sumibol sa iyo ang bagong pagpapahalaga sa mga karanasan Mahirap,marangal,praktikal,at may kultura na dapat isulat at ilimbag.
Sabi mo'y.."Hindi mapagkakatiwalaan ang memorya?" "Hindi tapat at totoo ang alaala?" Ang gunita'y maaring katha lamang Ng isipang estranghero't ligaw sa binabalikang nakaraan.
Sabi ko'y .."Ikaw!..Ang pinagkatiwalaan ko! Tapat at totoo ang mga aral ng iyong karanasan Nangingibabaw sa alalahaning pangkasalukuyan Estrangherong ligaw ka man ngunit gumigiit sa lakas ng kapangyarihan
Salamat at sinundan mo ito ng Impersonal Ginawa akong tunay na manunulat Salamat sa iyong talino't galing Salamat sa iyong inspirasyon at pusong manunulat
Sabi mo'y..."sawimpalad ang bayang dahop" Mas sawimpalad ang bayang di kumalinga sa kanyang mga manunulat
Sabi ko'y mapalad kami At may Sir Rene V. sa aming bayan Kahit nagdarahop, dahil sa iyong aklat Kami'y kinalinga mo.
Isang mahusay na alagad ng sining si Rene O. Villanueva, ibinahagi niya ang makulay niyang buhay. Sana ay maisa-pelikula ang mga katulad nito. Puno ng kwent0, inspirasyon,tawa,pamilya,pait,pagtitiis,trahedya... Mula sa pagkabata, pagbibinata at pagpasok sa kolehiyo ay kahangahanga ang iyong pinamalas na mga karangalan,impluwensiya ng Liwayway,komiks,pagkanta,ang pagtula niya ng Huling Paalam ni Rizal. Mga kwentong umikot hindi lamang sa kanya kundi pati mga nakapaligid sa kanya tulad nila Teddy at Ludy,Pastor Sam,Linda, Aling Bining,Charito,Edith. Naranasan ko rin magpalipat-lipat ng lugar o bahay,makipag-away sa kamag-aral at kalaro kaya masasabi kong totoo ang pangyayari sa kanyang buhay. Salamat at lumaki siyang taga-La Loma, ipinakilala niya ang mga kasaysayan tulad ng Kampo na ginawang taguan ng Giyera ng Hapon at Amerikano, Si Torres Bugallion bayani sa panahon ng Amerikano,mga kultura at tradisyon ng La Loma, mga sikat na pagkain at inihahanda sa Fiesta. Salamat at ipinakilala mo sa mundo na hindi lang ang maykaya kundi maging ang mahihirap ay mayaman sa kwento na dapat din maisulat at mailimbag.Pinahanga mo kami sa iyong sipag tiyaga,pagiging matiisin,malakas na imahinasyon,matulungin at mapag-alaga sa iyong tatay.
Hindi madaling isiwalat sa buong mundo ang mga personal na karanasan natin lalo pa't hindi naman lahat ay maganda. Ngunit higit ninoman, sa huli ang sarili natin ang ating kalaban. Ang pagkakaroon ng lakas ng loob na isiwalat ang mga sariling danas, maganda at masalimuot man ay pagpapalaya sa pagkakakulong natin sa ating mga sarili sa hiya at takot na hindi naman talaga nararapat na nananahan sa atin. Hindi sapat ang apatnapung sanaysanay para ipakilala ang ating mga sarili, pero sa palagay ko sapat na ito para maiparating sa mambabasa ang maraming aral sa bawat kwento na isinisiwalat. Nabitin ako sa apatnapu ni ROV. Ngunit hanggang doon lang ang kayang ibahagi ng manunulat sa kanyang mga mambabasa. Habang binabasa ko ang mga sanaysay, hindi ko napigilang balikan at kilatisin ang mga sarili kong sanaysay. Ang pagbabasa ng akdang ito ni R.O.V. ay tunay na personal--hindi mo maiiwasan ang maglakbay sa mga sarili mong sanaysay sa lupalop ng iyong gunita.
Hindi ako tiyak, kapag sinabing "lupalop", nangangahulugan na ito'y buo at malawak. Maaari kong sabihin na ang gunita ng may-akda ay buo at malawak. Hindi ako tiyak. Pero ang natitiyak ko, ang sa akin ay hindi buo. Fragmented ang memorya ko. Kaya kapag ako gumawa ng memoir, alam ko na ang pamagat:
Personal: Mga Sanysay sa Kapuluan ng Gunita
Sabi ng may-akda, hindi lahat ay totoo sa mga kuwento niya. Wala naman akong problema dun. Ang importante sa'kin, kung ang kuwento ay umugnay sa akin at ako ay umugnay sa kuwento. Masasabi ko naman na ilan sa mga gunita ng may-akda ay may kaunting pagkakahawig sa ilan sa aking mga gunita. Sinubukan ko kasing pagsamahin ang aming mga gunita sa isip ko. parang neural-handshake sa pelikulang "Pacific Rim". Nakaugnay ako sa mga kuwento niya. Naka-relate. Naka-konek. Maraming beses akong natawa. May pagkakataon na napabuntung-hininga.
Sinusuntok ako sa mukha ng mga Sanaysay sa Personal ni Rene Villanueva. Ang dami-daming bagay na ibinabalik sa akin at pinapaintindi na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan. May mga sanaysay na sobrang sakit kahit hindi naman talaga nangangako ng sakit. Halo-halo ang emosyon ko habang binabasa. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng mga salita at kuwento. Para akong naroon sa lugar ng La Loma. O para bang habang binabasa ko ang mga sanaysay, lumilikha ako ng isang La Loma sa isip ko na idinidikit ko sa kasalukuyang buhay sa Paranaque.
Nung natapos ko ang libro, naisip ko, makakasulat kaya ako ng ganito kagagandang sanaysay? Siguro. Pero baka rin hindi dahil masakit bumalik sa mga nakaraan na pinipilit kalimutan.
Babasahin ko ulit ang libro. Lalong-lalo na kapag dumarating sa buhay ko ang kaisipan kung may patutunguhan nga ba ang mga pinaggagawa ko sa buhay.
Sa hinabahabang pagbabasa ko nito'y sa Postscript ako tinablan. Dito ko nawari ang katotohanang malungkot rin ang buhay pamilya ko. Ngunit hindi pala ako nag-iisa sa posisyon ko.
Isang mahusay na alagad ng sining si Rene O. Villanueva, ibinahagi niya ang makulay niyang buhay. Sana ay maisa-pelikula ang mga katulad nito. Puno ng kwent0, inspirasyon,tawa,pamilya,pait,pagtitiis,trahedya... Mula sa pagkabata, pagbibinata at pagpasok sa kolehiyo ay kahangahanga ang iyong pinamalas na mga karangalan,impluwensiya ng Liwayway,komiks,pagkanta,ang pagtula niya ng Huling Paalam ni Rizal. Mga kwentong umikot hindi lamang sa kanya kundi pati mga nakapaligid sa kanya tulad nila Teddy at Ludy,Pastor Sam,Linda, Aling Bining,Charito,Edith. Naranasan ko rin magpalipat-lipat ng lugar o bahay,makipag-away sa kamag-aral at kalaro kaya masasabi kong totoo ang pangyayari sa kanyang buhay. Salamat at lumaki siyang taga-La Loma, ipinakilala niya ang mga kasaysayan tulad ng Kampo na ginawang taguan ng Giyera ng Hapon at Amerikano, Si Torres Bugallion bayani sa panahon ng Amerikano,mga kultura at tradisyon ng La Loma, mga sikat na pagkain at inihahanda sa Fiesta. Salamat at ipinakilala mo sa mundo na hindi lang ang maykaya kundi maging ang mahihirap ay mayaman sa kwento na dapat din maisulat at mailimbag.Pinahanga mo kami sa iyong sipag tiyaga,pagiging matiisin,malakas na imahinasyon,matulungin at mapag-alaga sa iyong tatay.
eto ang handog na tula ko para kay sir Rene V.;
Para Kay Sir Rene V.
Ako'y napabilib sa iyong talino't determinasyon Hindi ko maapuhap kung saan galing iyon Mga magulang mo'y mababa ang pinag-aralan Subalit masipag at mapag-alaga naman.
Sa iyong aklat na Personal Sabi mo'y.."ang lahat ay isang desperadong ego trip?" O kaya'y bunga ng itinatagong kayabangan? At tanong mo pa'y.."May interesado kaya bumasa ng nakaraan mo?"
Hindi ako nagdalawang-isip sa pagbili ng aklat at ako'y napahanga mo! Naging interesado ako dahil puno ito ng butil ng karunungan at aral Dapat ka ngang ipagyabang Sapagkat napagtanto mo na mayaman sa kwento ang mahihirap.
Ang mga walang mataas na pinag-aralan, Ang mga kapos sa sopistikasyon at urbanidad, Sumibol sa iyo ang bagong pagpapahalaga sa mga karanasan Mahirap,marangal,praktikal,at may kultura na dapat isulat at ilimbag.
Sabi mo'y.."Hindi mapagkakatiwalaan ang memorya?" "Hindi tapat at totoo ang alaala?" Ang gunita'y maaring katha lamang Ng isipang estranghero't ligaw sa binabalikang nakaraan.
Sabi ko'y .."Ikaw!..Ang pinagkatiwalaan ko! Tapat at totoo ang mga aral ng iyong karanasan Nangingibabaw sa alalahaning pangkasalukuyan Estrangherong ligaw ka man ngunit gumigiit sa lakas ng kapangyarihan
Salamat at sinundan mo ito ng Impersonal Ginawa akong tunay na manunulat Salamat sa iyong talino't galing Salamat sa iyong inspirasyon at pusong manunulat
Sabi mo'y..."sawimpalad ang bayang dahop" Mas sawimpalad ang bayang di kumalinga sa kanyang mga manunulat
Sabi ko'y mapalad kami At may Sir Rene V. sa aming bayan Kahit nagdarahop, dahil sa iyong aklat Kami'y kinalinga mo.
Ilang beses ko nang binalik-balikan ang librong ito. Lagi't lagi may bago akong napupulot. "Lahat ng kalyeng dinaanan ng parada ay parang dinaanan ng bagyo." (86) Sa tuwing mababasa ko yan, hindi ko maiwasang maisip kung buhay ba natin ang inilalarawan ni Rene Villanueva. May halong kirot sa puso pag naalala kong wala na siya.
"Mapapailing na lang ako pagkaraan. Sisisihin ko ang sarili ko sa muling pagsesentimental. Bakit ko ba laging nakakalimutang mahirap sumulat sa hangin?" (190)
40 sanaysay na nagbukas ng pandora's box kay Rene. Pighati, lungkot, saya at iba't-ibang damdamin nag laro sa kayang gunita. Memoryang hindi mapagkakatiwalaan pero sapol sa guniguni ng awtor. Pero isang natira sa kahon ni pandora; Pagasa.
The ups, downs, deaths and lives of our countrymen, shown in wonderful ink and paper format. it throws you into the life of a child growing up, moving around and learning.
Bago pumanaw si Villanueva, mas nakilala ko siya dahil sa aklat na 'to. Lalo pa't nagamit ko ito noong nagtuturo ako ng Filipino sa mga mag-aaral ko. Simple, pero ang henyo pala makagawa ng memoir na ganito. Buhay na buhay pa rin si Rene Villanueva sa mga personal na sanaysay na ito.
Grabe yung unang parte nito. Tagos sa puso, eh. Nanunuot yung sakit. At napakatapang ni ROV na isulat yung pinagdaanan niya. Ako, hindi ko kaya na ibahagi ang buhay ko sa iba. Pero siya, lahat ng trauma, kasawian, tagumpay, kalungkutan at kaligayahan ay isinulat niya. Nakaka-relate ako sa kanya dahil kuwento ng looban at masikip na mundo ang isinasalaysay niya. Nag-iwan siya ng legasiya at marami siguro sa mga nagsusulat ng personal na sanaysay ngayon ang naging padron ang akdang ito.
Nakakatawa sa paraang hindi nagpapatawa. Nakakalungkot na hindi kailangang may cue na malungkot ang isang kuwento. Basta nagkuwento lang siya na parang ang nakaraan ng kanyang kabataan ay kahapon lang.
Paglipas ng halos isang taon na siguro ay muli kong dinampot ang librong ito na napapaligiran na ng alikabok. At nang muli ko itong hawakan ay iba na mula ng akin itong iwan. Minsan talaga may mga kuwentong maiintindihan mo lang pag iyong binalikan.