Got this from NBS OUTLET STORE sale, suggested by Julienne, and pinabasa sa akin ng pinsan kong si Jewel nang buksan niya 'to, dahil bagay daw sa akin... dahil produkto din ako ng broken family. But we are never broken, sabi nga naman ng libro na 'to.
This is just an easy read book, manipis lang kasi. Ang ganda ng kulay ng cover.
We have three stories here ng mga anak na may hiwalay na magulang, added to that are these 'aesthetic' typographie (which I found distracting, kaya tinapos ko muna yung stories saka ko isa-isang tiningnan yung typographies.)
Uhm, the stories are shallow. I mean, kulang ng laman. Kumbaga sa sabaw, wala siyang masyadong karne. Kumbaga sa maja blanca, wala siyang masyadong mais. The three stories also follow the same format: (1) sadness and feeling of being lost after discovering the separation, then (2) healing and acceptance. Kulang ng background story para mas maattach at madifferentiate mo ang experience ng tatlong characters.
Anyway, feeling ko masyado nang mahaba 'tong review ko para sa ganito kanipis na libro. So, ayern.