Medyo hindi nakakatakot ung iba, pero maganda naman siya, worth it basahin. So irarate ko nalang sila isa isa.
Ang Babae Sa Daan- 2/5 since marami nakong naencounter na ganito atsaka nangyayari den talaga siya sa totoong buhay
Ang Third Eye ni Peter-4/5 ung plot niya marami ng nakakagawa nun pero the way na dineliver ung kwento eh hindi ko napredict kaya napawow ako sa kwentong to.
Car Center Agent- 3/5 kakakilabot siya kasi parang may curse.
Have Fun at Midnight- 5/5 the way na isinulat ng writer ung kwento maganda at detalyado
Ka Elias- 1/5 masyadong predictable ung mga kaganapan
Marka- 3/5 spg siya I adviced na sana kapag may mga ganong eksena ung mga patayan and then drug and sex scene maglagay ng note kasi po may makakabasa Im sure na below 18.
One Night Initiation- 3/5 nagandahan ako sa kwento kaso dapat mas inexplain pa ng mas maayos
ROOM 424
The Research Club
Yakap ng Kabilang Buhay
This entire review has been hidden because of spoilers.
This book anthology is a mixbag when it comes to story and scare factor, as usual when it comes to anthology genre. There are some okay stories, and then there are some cringe-worthy and unscary ones, most of the stories here aren't particularly scary.
Ang babae sa Daan - (3/10), a generic horror story, nothing scary, there's a twist at the end, but it's not shocking enough.
Third Eye ni Peter - (7/10), the creepiest story in this book and my personal favorite, has a twist at the end that has been done many times, but I didn't predict it, it still manages to creep me out.
Car Center Agent - (6/10), it reminds me of an episode of KMJS: Gabi ng Lagim involving a ghost caller in a call center named Junjun. It also has a twist, and I see it before it happens.
Have Fun at Midnight - 6.5/10; it's an okay curse/creepypasta story, it has dumb characters.
Ka Elias - 1/10 predictable story; you can see the twist coming right after you read the first page, and it's not scary because it's not really a horror story. I don't know why they included this one in this anthology.
Marka - 5/10; too mature, but it's not the scariest; a typical hero-to-villain story; nothing scary.
One Night Initiation - 6/10, Not that scary; it could've been scarier given its premise and setting, but unfortunately it's not, but it's interesting enough to keep you wondering what's going to happen.
ROOM 424 - 4/10, I thought this one would be the scariest among the bunch given its title, but sadly it's not, actually, it's a love story and it's cringey.
The Research Club - 4/10 It's cringe to think there's a group or club of people in school who are paranormal experts/psychics; I mean, it's unrealistic.
Yakap ng Kabilang Buhay - 3/10, too short and not that interesting; it's the last one, but it's certainly the best.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Hindi ko masabi na natakot kahit pa katatakutan ang kaniyang genre. Kawili-wili siyang basahin. Hindi nakakasawa dahil iba't iba ang mga kuwentong kasama sa Anthology na ito. Maganda ang mga twist ng kuwento.
Gud evening po sir , pwde po bang magtanong or humingi ng pahintulot maari ko pu bang lagyan ng boses ang mga kwento dito sir at iupload po sa facebook page ko ? pero ilalagay ko naman po sa discription ang name mo na katunayan po na sayo yung stories , maaari po ba sir for entertainment lang po , hilig ko pu kasi talagang magbasa ng mga horror stories at pangarap ko po maging narrator , sana po payagan niyo po ako 🙏
each story was written by a different author, (iirc) which made it very inconsistent and pretty hard to read. i liked some of the stories, but none of them were super scary.
Nang simulan kong basahin ang unang kuwento ng "Librong Itim: An Anthology of Short Philippine Horror Stories", "Ang Babae sa Daan", hindi ko alam kung anong aasahan ko. Baka kasi katulad na naman siya ng mga tipikal na ghost o horror stories na may dadaan na white lady habang nagmamaneho ang pangunahing karakter. Hindi naman siya gano'n. Sa katunayan, nagustuhan ko ang unang kuwentong 'to.
Nagustuhan ko rin ang twist ng ikalawang kuwento na pinamagatang "Ang Third Eye ni Peter", nakuha nito ang atensyon ko at hinikayat ako nito parang magbasa lang nang magbasa hanggang sa malaman ko ang nangyari sa dulo.
Ang pangatlong kuwento, "Car Center Agent", ay nagustuhan ko rin naman. Nakakadagdag elemento rin sa kuwento nang hindi nito bigyang kasagutan kung bakit naganap ang mga naganap.
Ang ikaapat na kuwento ang pinaka-nagustuhan ko sa sampung kuwento sa anthology na ito. Ang pamagat nito ay "Have Fun at Midnight". Sa katunayan, dito lang talaga ako nakaramdam ng takot - ginambala ako ng kuwentong 'to bago ako matulog. Naisip ko na sana pala hindi ko na lang nabasa para hindi ako natatakot - kaya naman, eto ang naging paborito ko. Isa yata 'to sa pinaka-mahabang kuwento sa libro, pero hindi ako nabugnot o nainip. Nagustuhan ko na hindi minadali ang kuwento. Nagustuhan ko ang mga nangyari sa dulo at kung paano inilahad ang mga ito. Ito ang kuwento na maituturing kong tunay na nakakatakot at disturbing.
Ang ikalimang kuwento, "Ka Elias", ay may kakaiba namang elemento. Gusto ko ang konsepto, ngunit walang "gulat" ang kuwento. Kumbaga, nalaman ko na kung ano ang mangyayari bago pa man matapos ang kuwento. Walang gulat o takot. Pero ang konsepto? Maganda rin ito.
Ang "Marka" ang ikaanim na kuwento. Mas mahaba siya kumpara sa ibang mga kuwentong nasa libro. Pero hindi siya katulad ng "Have Fun at Midnight" na nahikayat akong basahin ang bawat pahina. Buo naman ang kuwento - ipinaliwanag rin kung bakit nangyari ang mga nangyari. May mga parte lang na masyado akong nabilisan, na parang ibinigay na lang sa akin bigla ang nakaraan ng pangunahing karakter. Ngunit mahusay rin ang ginawa ng manunulat na binigyan niya ng buhay ang kanyang karakter sa pamamagitan ng isang malaman na nakaraan.
Ang ikapitong kuwento naman, "One Night Initiation", ay maganda rin ang pagk-kuwento. Hindi ako masyadong natakot, ngunit nagustuhan ko ang nangyari sa dulo - hindi expected.
Ang "ROOM 424" ang ikawalong kuwento. Sa katunayan, no'ng wala pa akong nababasang kuwento sa librong 'to - no'ng mga pamagat pa lang ang binasa ko - akala ko sa "ROOM 424" ako pinaka-matatakot. Ngunit katulad ng "Ang Babae sa Daan, iba ang kinalabasan ng kuwento sa tipikal na inaasahan ko. Hindi siya nakakatakot o disturbing - kabaliktaran ng inaasahan ko - pero may kuwento at may twist. Napaisip ako kung anong nangyayari sa kalagitnaan ng kuwento, ngunit nakahabol rin naman ako sa takbo nito.
Ang ikasiyam na kuwento ay "The Research Club". Hindi masyadong nakuha ng kuwentong 'to ang atensyon ko. Nakuha ko ang nais iparating ng kuwento, ngunit hindi ako nakaramdam ng takot. Hindi ko "ayaw" ang kuwento, ngunit hindi rin ako nakaramdam ng matinding kagustuhan patungo rito.
Ang ikasampung kuwento, "Yakap ng Kabilang Buhay", ay parang ang "ROOM 424". Hindi ko gaanong nagustuhan ang kuwentong 'to dahil masyado akong nabilisan, at walang gulat o takot sa kuwento.
---
Gusto ko ang pabalat ng "Librong Itim: An Anthology of Short Philippine Horror Stories". Nakuha naman ng pamagat ang atensyon ko, ngunit parang masyadong mabigat ang pamagat na 'to para sa mga nilalaman ng libro. Dahil kung pamagat lang ang pagbabasehan, iisipin ng mambabasa na nakakatakot ang bawat kuwento na nilalaman nito. Katulad ng sinabi ko kanina, hindi 'to 'yung mga tipikal na ghost o horror stories na paulit-ulit na nating nababasa o naririnig. May twist. May iba. Ito siguro ang kagandahan ng libro - may iba't-iba 'tong uri ng pananakot. Sa kabuuan, nagustuhan ko ang libro.
Hindi ko lamang nagustuhan ang ibang mga kuwento na nagpapahayag na ang lalaki ay hindi dapat natatakot o umiiyak o nagpapakita ng emosyon. Nararapat lang na tanggalin na natin ang ganitong pag-iisip.