What do you think?


Katutubo at Banyaga: Pagtalunton sa Usaping Pangwika sa Pilipinas
Ang aklat na ito ay unang bahagi ng serye ng dalawang aklat na kritikal na pag-aaral sa pinagdaanang kasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Sa unang bahagi ng serye, tinalunton ang naging papel ng mga institusyon, indibidwal, at grupo o mga samahan kaugnay ng pagbubuo ng bansa sa pamamagitan ng wikang pambansa, sa panahon ng Amerikano at Hapon, hanggang sa pagkakamit ng kalayaan noong 1946. Partikular na tinalagay dito ang papel ng mga indibidwal na Amerikano na hindi sumang-ayon sa patakarang pangwika ng gobyernong Amerikano sa Ingles, ang mga indibidwal na Pilipinong karamiha’y mga manunulat at peryodista, at mga samahang pangwika na nabuo sa panahong iyon bilang reaksiyon sa pagdomina ng Ingles lalo na sa larangan ng edukasyon. Naglista rin ng mga pahayagang nalimbag sa panahong iyon na tumalakay sa mga isyung pangwika. Ang bilang o dami ng mga pahayagang ito, di lang sa Pilipinas kundi maging sa Amerika ay nagpatunay na gintong panahon ng pamamahayag at pagsusulat ng mga saloobin at opinyon ang panahong ito.
230 pages, Unknown Binding
Published January 1, 2014
Ratings & Reviews
Friends & Following
Create a free account to discover what your friends think of this book!
Community Reviews
Displaying 1 - 1 of 1 review
October 4, 2026
Masinsinang tinalakay ang isyung pangwika mula sa panahon ng mananakop hanggang sa kalayaan, gayundin ang papel ng ekonomiya at politika hinggil dito. Masusi ring ipinakilala ang mga nagsulong at may ambag sa sitwasyong pangwika sa Pilipinas.
Displaying 1 - 1 of 1 review


