Nathan thinks he can't love again after getting his heart broken. But when Mary literally falls on his lap from a tree top, he soon realizes he's wrong. Mary is not his usual type of girl. She wears Gothic dresses, listens to loud music, and lets people treat her like an outcast. But the more Nathan gets to know her, the more he begins to realize that Mary is equally beautiful, talented and unbelievably brave. And just when they've decided to open their hearts to each other, their time together is cut short. Nathan doesn't want a happy ending for his and Mary's story. He simply wants a story where he and Mary can stay together forever, always. He prays for a miracle and his prayer is answered...but not in the way he expected.
This is also written in my tumblr blog. =D.. Last January 1... =D Dinagdagn ko lang ng kaunti. (para sa contest... LOL)
Bago ang lahat, mas gusto ko yung Filipino Wattpad Version kesa sa book na English version. Nababawan kase ako sa choice of words na nakaapekto sa pag-contain ng emotions.
Kung yung Kwento ang pag-uusapan, watt man o PF versh. Sobrang nagustuhan ko ito kase kakaiba yung plotting. Yung kakaiba ay ayon lang naman sa depinisyon ko nang kakaiba. Ewan ko ang sa iyo.
Paano ito naging kakaiba sa akin?
Una, Yung ending nito kung saan natuwa si Nathan sa kakaiba niyang Miracle. Naisip ko dito na kailangan lang nating hanapin yung magandang bagay kahit na sa pinaka-shitty na situation na makakaharap natin.Kase di ba syempre mahal mo yung isang tao tapos namatay na tas malalamn mo ikaw din may nakakamatay na sakit. Count it all Joy. It's a matter of appreciation kesa naman icurse mo ang buong mundo di ba?
Pangalawa, Romanticize Reality. Exaggerated man kung iisipin yung mga naranasan ni Mary, pero di ba nangyayari naman talaga yun sa totoong buhay? Yung halos sinalo mo na lahat nang malulupit na misery sa buhay. And at the end of the day, may darating na miracle, kagaya ng pagdating ni Nathan sa buhay ni Mary. It implies na kahit gaano man kalala lahat nang naranasan natin, hindi pwedeng palaging ganun. Balanse ang buhay. Magiging masaya ka rin. Hindi man sa una o sa gitna, pero sa huli. Oo.
Overall, ang kwento ay isang napakalaking paradox. Sinasabi nito na palaging may maganda sa lahat ng bagay kahit sa pinaka-evil na pangayayaring dadanasin mo. Kailangan mo lang tingnan. Palging may miracle kase kahit ang buhay mo ay isang miracle.
With all my honesty, isa ito sa mga paborito kong books at madami rin akong lessons na natutunan. Kagaya ng dapat hindi tayo mawalan ng pag-asa. Kahit may pagka-dark ang romantic scenes, eh hindi ako kinilig kasi dun ko lang narealize na para mas mastrengthen pa ang faith natin at hindi para kiligin (in my opinion only). Nung nabasa ko ito, pinush nya ako sa pinkalimit ko at yung ang kaadikan ko sa isang story. Hindi ako nagrate para sa contest kundi malaman mo po kung gaano kaganda ang story niyo (well, kung gusto nyo po akong manalo sige ate payag ako!!! xD). Salamat Ate sa lahat ng lessons. At nung nung last chap na, kailangan ko pa ulit-ulitin para maintindihan ko. GANON KADEEP ANG STORY NYO ATE!!! (Ate baka akalain nyo nagrereklamo po ako pero hindi po) Nung binabasa ko po yung part tungkol dun sa diary ni Mary, medyo paiyak na po ako. Napapaginipan ko nga po na ako si Mary at nangyari po lahat yun sa buhay ko. After reading, mixed emotions po ang naramdaman ko. Galit, dahil gun sa ex ni Nathan. Saya, dahil nagkatuluyan na sila niMary sa heaven. Lungkot, dahil alam kong wala nang magiging book 2. Pero kahit ano pa man yun, DA BEST po ang story nyo, NO.1 !!! (Again, opinion ko po ito) Buti na lang po nabasa ko ang story na ito, kung hindi, naku, lumihis na ang landas ko!!! ^_^ >_<
[a reread] when i first read this in college, i immediately loved it and it made me bawl in tears. almost a decade after, it still made me cry so much.
This book, I wouldn't have been able to read it if it wasn't for a certain someone recommending it to me. I'm not a fan of cliched romance story lines like rich/handsome boy "accidentally" meets ugly/poor girl and they ride off into the sunset at the end of the story. I absolutely hated them. And that's why I was really drawn into this book.
The mysteriousness and darkness that surrounded Mary's character was what first attracted me. But,the thing that pinned me to this book was how Nathan tried to pick Mary up from the hellhole that her world put her in. I, personally am a fan of characters that possess deep secrets within them as I can, to a certain degree, relate to them.
The girl who was immune to pain thanks to the things that happened to her in the past would soon meet a boy who would change how she lived her remaining days. I really loved how this was written. It's like a mini version of TFIOS except this was published way before TFIOS was. So you could technically call TFIOS a longer version of this. Anyway, I actually read this in one sitting and I can confidently say that by reading this you would experience an emotional roller coaster. From the way Nathan uncovered Mary's secrets one by one to Mary's recognition of what has happened and what was gonna happen to her. You will definitely feel the characters' emotion while reading this. Everything was perfect for me except for this one tiny detail. I know it may sound like exaggerated but for me it isn't. You know back in Chapter 5 where we learn of Mary's past and all the terrible things that she's gone through? I was really saddened while I was reading that but then when I read the part where her aunt told her that she was just found at the airport alone I was surprised. Because everything that she has gone through was relateable except for that one. I mean there could be someone who could relate to that but that would be like one in a million or something. That was the only part that I found "out of place" but aside from that everything was perfectly written.
Congrats on the publication of this book! :) (although I'm a little more than late) Hoping to read more of your works!
First, mas gusto ko yung wattpad version. First time ko 'tong nabasa when I was 15 years old. Nasa jeep ako noon nung binabasa ko yung story na yan. Sobra sobrang damang dama ko lahat ng feelings nung binabasa ko yung A miracle.
Humahanga ako sa tapang na ipinapakita ni Mary, na kahit ang dami dami na nyang dinanas na problema ay hindi sya sumusuko. Parang nahiya naman ako kasi minsan ang simple simple lang ng problema ko sumusuko na ako agad. Sya yung tipo nang tao na mas pipiliin pang maging masaya kesa ipakita sa taong malapit sa kanya na nalulungkot at nahihirapan sya. I admire her sa mga ugali nyang 'yun. Ang isa pang gusto ko sa kanya ay yung mas nagawa pa nyang mag give way para sa best friend nya. Kahit masakit ang maagawan ng boyfriend, mas inintindi nya pa rin yung bestfriend nya.
Nung nandun na ako sa part na bilang na ang mga buwan na pwede syang mabuhay, hindi ko talaga napigilan yung luha ko. As in nag tiniginan yung mga nakasakay sa jeep at nagtataka sila kung bakit ako umiiyak. Ang nasbi ko na lang ng oras na 'yun ay 'Si Mary kasi eh. Pinapaiyak ako. Ayaw ko pa syang mamatay.' Tapos lahat ng tao sa jeep nakatingin na sa akin. Yung katabi ko naman tinatanong kung sino daw si Mary.
She's the type of girl na takot magmahal dahil ayaw nyang maiwan na nasasaktan ang taong mahal nya. That time, narealize ko na maswerte ako dahil 'yung problema ko wala pa sa kalingkingan ng problema ni Mary.
And then nung kumanta sya dun sa contest mas lalo pa akong naiyak. Yung katabi kong lalaki sa jeep noon ay inabutan pa ako ng panyo dahil todo ang pag iyak ko.
Yung feeling pa lang na alam mong may taning na ang buhay mo ay masakit nang isipin pero si mary ay kakaiba.
Ang Love and Miracle ay dumadating sa buhay natin ng hindi inaasahan. In my case, yung A miracle pala ang magiging daan para makilala ko yung lalaking mamahalin ko. And now, I found the Nathan of my life.
Thank you for sharing this story. Yung story na ito ay may malungkot na katapusan. Pero 'yung katapusan na iyon ang naging dahilan para magsimula ang magandang istorya namin ng taong mamahalin ko. .
"A Miracle" is the first story, I had read that game me so many lessons, especially a lesson that teaches you how to love people even you first met in unexpected time, or the lesson "Don't judge a person by its family background or its clothes."
I also learned the lessons:,
"If you are disgusted or maltreated by people, don't fight them back because you know in your heart that you did not do anything bad to them." "Whatever challenges or problems you are facing, don't ever lose hope and keep in mind that every problem has its solution." "Huwag kang matakot na gawin ang mga bagay na Hindi mo pa nagagawa hanggang buhay ka pa, dahil baka magsisi ka kapag mamamatay ka na." "Tunay na pag-ibig ay Hindi nasusukat sa mga nakikita mo Lang..."
"Bat mo iiyakan ang taong wala na? Iyakan mo ang taong andyan pa o yung taong andyan pa pero alam mong mawawala na. Buti na yung iyakan mo siya na may tsansang alam niyang may umiiyak dahil sa kanya, kaysa yung iniiyakan mo siya na wala na talagang tsansang malaman niya kung gaano siya kahalaga sayo"
After reading a few chap. naiiyak na ko, lalo na yung mga nakasulat sa dairy. Sobra talaga ang iniyak ko sa libro na ito... And I'm happy because they continue their love story in heaven...
Thank you ate peach for sharing a beautiful story :)
A Miracle- Noong mabasa ko ang title na 'yan, alam ko na tragic ang magiging ending nito. Ako pa naman ang klase ng tao na hindi mahilig sa mga nakakaiyak na story dahil ayoko lang talaga sa mga story na puro drama at ayokong sayangin ang luha ko nang dahil lang sa story na hindi naman totoo. Gusto kong story ay 'yong comedy o 'yong tipo na tatawa ka hanggang sa ending. Pero hindi ko alam kung bakit ko ito binasa. Maybe, dahil na rin sa title. Baka kasi magkaroon ng milagro sa ending o 'yong tipong mabubuhay yung taong mamatay dahil ganoon ang paniniwala ko sa miracle. Pero no'ng bago ko ito binasa, pinag-isipan ko talaga kung babasahin ko siya. Bakit? Ang simple ng title. Ang hinahanap ko kasing title eh yung kumplikado at mapapaisip ka talaga kung bakit ganoon 'yong title. "A Miracle" title pa lang, alam mo na ang flow ng story nito. Pero noong binasa ko siya, nagkamali ako.
Simulan natin sa mga tauhan:
Nathan- POV niya ang ginamit sa kuwento. To be honest, medyo may pagka-gay ang character niya para sa akin. Iyon ang napansin ko pero dahil alam ko namang babae 'yong author nito, pinagsawalang bahala ko na lang 'to. The way he describes Mary, parang hindi appropriate sa isang lalaki. Doll shoes, headband, mini skirt, skinny jeans- hindi ko alam kung kailangan pa bang pansinin 'yan ng isang lalaki. Pero dahil POV niya yan, sa tingin ko ay kailangan niya talagang ilarawan ang itsura ng isang character para maimagine ng mga reader. Pero huwag lang sobra sa paglalarawan. Pero kahit ganoon ay gusto ko 'yong character niya. Hindi ko man nagustuhan ang paglalarawan niya sa itsura ng isang tao ay nagustuhan ko naman ang paglalarawan niya sa damdamin at emosyon nito. Ramdam na ramdam ko kasi lahat ng nararamdaman niya. Simple lang pero tagos. Ang galing no'ng author kasi kaya niyang mapaglaruan ang mga simpleng salita para mafeel no'ng reader niya ang gusto niyang maramdaman ng mga ito. Good job kasi naramdaman ko talaga na halos hindi na ako makahinga sa bawat salitang binibitawan ng mga characters niya. Kapag sinasabi ni Nathan na bumibilis ang tibok ng puso niya ay bumibilis din 'yong akin. Kapag lumuluha siya ay napapaluha na rin ako. Hindi ako ganito sa ibang story pero sa story na ito, naging weirdo ako. Hindi ako nagbibiro, totoo yan.
Mary- hindi ko alam kung bakit siya nilalayuan ng mga tao, e sa pagkakadescribe pa lang ni Nathan ng itsura niya ay mamahalin mo na agad siya. Iyong nilalarawan kasi siya ni Nathan, parang ang cute cute cute niya talaga. Iyong mata niya, gusto kong makakita ng ganoon. Well, sa tingin ko ay nagustuhan ko naman ang paglalarawan ni Nathan sa kanya sa part ng mga mata at labi niya. Pagkalabas na pagkalabas pa nga lang niya sa kuwento ay minahal ko na agad siya. Siguro ay mahilig lang talaga ako sa manika at gusto ko siyang maging kaibigan. Pero hindi talaga, e! Parang sinasabi ng puso ko na kaya ko minahal ang character niya ay dahil siya si Mary. Si Mary na hahangaan mo dahil sa tatag ng loob niya. Kung ako ang nasa posisyon niya, siguro ay nagpakamatay na ako. Pinandidirihan siya ng mga tao at kinatatakutan. Ayokong maranasan 'yon at kung mararanasan ko man 'yon ay sisisihin ko ang Diyos kung bakit hindi siya fair sa lahat. Pero 'yong character niya, hindi katulad ko. Maka-Diyos parin siya. Kahit sinasabi ni Nathan na may nakatago sa mga ngiti niya na kalungkutan. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako hindi naniniwala. Para kasi sa akin, lahat ng ngiting pinapakita niya ay totoo at walang halong pagkukunwari. Iyon ang pinaniniwalaan ko kahit hindi ako 'yong sumulat ng kuwentong ito.
Sam- noong sumulpot ang pangalang 'yan sa kuwento, kahit hindi ko alam na antagonist siya ay nakaramdam na agad ako ng inis at nadagdagan 'yon sa bawat existence niya sa kuwentong ito. Hindi ko alam kung makapal lang talaga ang mukha niya dahil siya ang may kasalanan pero siya pa ang may ganang mag-inaso. Alam ko naman na mahal niya talaga si Nathan kaya siya nagiging masama pero kung ayaw na talaga sa kanya ay huwag na lang niyang ipagpilitan, hindi 'yong gagawa siya ng paraan para bumalik ito sa kanya. Sinasaktan lang niya ang sarili niya. Kung sila Nathan at Mary ay masokista. Para sa akin, mas masokista si Sam.
Ethan- kahit kaibigan siya ni Nathan ay hindi ko siya gusto. Para kasi sa akin, ang kaibigan ay siyang sumusuporta at nakakaunawa sa'yo. Pero hindi ko 'yon naramdaman kay Ethan. Alam naman niyang sinaktan ni Sam si Nathan pero bakit parang siya pa ang nagtutulak na maging sila ulit. Napapaisip tuloy ako kung iniisip niya ba ang kung anong nararamdaman ng kaibigan niya. Dapat nga ay siya pa ang gumagawa ng way para hindi makalapit si Sam kay Nathan. At dapat din ay sinusuportahan niya si Nathan para kay Mary. Dapat nauunawaan niya ang kaibigan niya. Kung kaibigan nga siya ni Nathan ay dapat masaya siya rito.
Prologue and Epilogue: Simple lang pero iba ang impact. Bawat words, may meaning. 'Yong prologue niya ang isa sa dahilan kung bakit ko siya pinagpatuloy na basahin. Bigla na lang akong nacurious sa story at hindi ko alam kung bakit. Iyong epilogue, hindi ko talaga inexpect. Doon ko lang rin napagtanto kung ano 'yong miracle na sinasabi ni Nathan at Mary.
Plot: I really really like the plot! Walang halong biro o bola. Hindi siya cliché at lahat ng inakala kong mangyayari ay mali. Kaya nga sabi ko kanina doon sa first paragraph ko ay "nagkamali ako." Sa kuwentong ito, nagbago ang paniniwala ko sa miracle. Hindi porket miracle ay gagaling 'yong bida kahit may taning na ang buhay nito. Pero sa kuwentong ito, iba ang sinasabi nitong miracle.
Dati na akong naniniwala sa forever pero noong binasa ko ito ay mas lalo akong naniwala. Para doon sa mga nagsasabi na walang forever, tip ko lang ay basahin mo itong story na ito at baka katulad ko ay magbago rin ang pananaw mo sa buhay.
Sabi ko kanina na ayokong umiyak sa mga story dahil puro kathang isip lamang sila para iyakan pero noong matapos ko ito, kahit puro kathang isip lamang ito ay WORTH IT naman ang luha ko rito. Ang ganda naman kasi! Doon ko lang narealize na kahit babae 'yong author ay nadala niya pa rin 'yong POV no'ng lalaki (kahit medyo may pagka-gay). Pero wala akong pakialam kung medyo gay 'yong POV basta, IN LOVE ako kay Nathan!
Kinikilig ako kay Nathan! Ang gentleman niya. Tama nga siya na magkatulad lang si Mary at Jamie ng A walk to remember dahil may lalaki namang nagmamahal sa kanila. Pati rin naman si Nathan ay may similarities kay Landon. Dating tarantado (sorry for the term) pero nagbago nang dahil sa isang babae. Kaya nga mahal ko si Nathan, e.
"Wala kaming tawagan dahil para sa amin, ang pinakamagandang musika na maririnig namin ay 'yong pagtawag ng mga pangalan namin sa isa't isa." <---- itong line na ito ni Nathan ako kinilig ng sobra. Simple lang naman ang sinabi niya pero iba ang impact sa mga readers katulad ko. Napag isip-isip ko tuloy na masarap sigurong magmahal ang isang Nathan.
Over all, maganda siya! 'Yong twist, grabe 'di ko inexpect. Iyong mga salitang binabato ng bawat characters ay sapul na sapol sa akin. Hindi ka magsasawang basahin ito dahil hindi siya nakakasawa. May mga iba kasi akong nabasang story na maganda naman pero hindi na ako magkaka-interest na basahin ulit 'yon. Pero ito, iba. 3 times ko na siyang nabasa. Kahit maikli lang ito ay punung-puno naman ng aral.
Author: Ang galing mo! Hindi ako nambobola dahil iyon ay totoo. Sana ay marami ka pang masulat na magagandang story. Great job, ate Peach!
I honestly didn't expect this book to hurt this much. 'A Miracle' isn't just a typical teen romance. It starts with a unique meet-cute, and while Mary seems like your typical goth/outcast girl at first, her character depth is insane.
What I love most is how it tackles love and loss. It’s not the cliché 'boy saves girl' trope. Nathan and Mary’s relationship felt genuine, and the way the story builds up to the ending is heartbreaking yet satisfying in a spiritual way.
The 'miracle' Nathan prayed for wasn't what I expected, but it was exactly what they needed.
Prepare your tissues. This isn't a fairytale with a conventional happy ending, but it’s a beautiful story about how love transcends everything. Definitely one of the best works.
I REALLY REALLY REALLY LOVE this book. I read it when I was in my 3rd year in high school, and I loved it ever since. Everything that Mary said were engraved in my mind and heart. Kaya super duper saya ko when I heard that it was getting published. Kaso dahil poorita mirasol pa ako, hindi ko afford, so I made it my goal to buy a copy after getting my first salary. And I did it. At hanggang ngayon, everytime I read it, hindi pwedeng hindi ako umiiyak because that's how it is. I always learn something whenever I reread it. And whenever someone asks me what book I would recommend, I always mention it. Ganun kalaki ang naging impact sa'kin ng book na 'to.
This entire review has been hidden because of spoilers.
I love this book.. cause I learn different perspective about life or how it flows.. my softhearted side everytime that I see the cover I can't help but always remember this story..
Nakakaiyak... na imagine ko ng buong buo ung story.. si Mary na sobrang ganda tapos si Nathan na perfect guy. More on reality.. hindi katulad ng iba na biglang buhay pala. I hope malayo marating ni ms. Author.
Hindi ako nag put up ng review for the sake of the contest (pero gusto kong mapansin ito ni at Jessamine dahil sobrang fan ako), infact gusto ko'ng i labas yung feelings ko dahil sa story, pero hindi ko lang magawa dagil wala akong kaibaigan. Ma'y something in common kasi kami ni Mary e. Ma'y miserableng buhay, walang kaibigan at ma'y trying-to-unite-once-again family. Same talaga kami, no lies and doubts,pero hindi talaga ako umiyak kahit kelan, even though na gustong-gusto ko na talaga kagaya ni Mary. gusto ko na din magpakamatay, pero na isip ko lang bigla yung kapatid ko. Na awa ako kaya hindi ko tinuloy. masyadong bata pa naman para iwan yung katawan ko.
Gusto ko ng miracle kaya nag hanap ako sa wattpad ng story that I could relate to, wala akobg nahanap na maganda hanghang sa na hanap ko ang "A Miracle". sobrang na touch ako, dahil parang ako lang si Mary. (Hindi nga lang doll like at walang love life) Na iyak ako sa story dahil dun ko bigla na realize kung gaano ka precious yung buhay ko e. Dito ako nag start mag gawa ng personalized na diary. Isinulat ko ang naramdaman ko about sa story, sa buhay ko at iba pa. Gusto kong magka kaibigan at maranasan yung buhay na enjoy.
Noong nag put up ng event (manga making contest) yung school namin. Sumali ako. Hindi ko inexpect na yung theme ay about "Importance Of Life" na inspired akong gumawa, dahil inspired ako sa "A Miracle" (hindi ko ninakaw ang istoya) in fact, I merged the life of Mary and yours truly. Ako yung huling nag submit, dahil mahaba yun. Noong awarding na, na kuha yung manga ko as 3rd place and out of 7 participants na sali ako. 1st place nga sana yun pero late yung pag sumbit ko kaya dedacted yung points ko. Maraming na tuwa sa akin, dahil na palabas ko yung hidden talent ko, kagaya ni Mary. Hidden talent niya yung pag kanta niya.
Ma'y na encounter akong isang classmate, I consider her as "Nathan" kahit na babae siya, dahil proud siya sa akin, she appreciated my works, she showed me that life is really worth living and its a must cherish thing. Nagkaroon na din akong mga kaibigan, ma'y iba nga lang nag traydor pero hindi parin ako na walan ng pag-asa na kaibigan kami ulit. Nakaramdan an ako ng mga different types of feelings, and it was all thanks to Mary and the author.
Ito lang yung nag iisang istoya na unique, rare and touching. Hindi kasi siya based on romance talaga kasi it was balanced. Balanced yung slice of life, miracle, romance and drama. Hindi ako nag sawang basahin ng paulit ulit. Parang 4 times ko na siya basa. Chapter 2 nanaman ako. Nakakaiyak talga yung ending. I was very happy na basa ko 'to, and gusto kong manalo kasi fan talaga ako ng story na ito. Wala lang akong book dahil, hindi kami mayamam. Ma'y kaya lang at iniisip ko palagi yung parents ko kaya mag tutulong ako aa chores. Naging masipag at naging mabuting anak. Gusto ko'ng manalo dahil fan ako, and in my life, dito lang ako nag seryoso. Ma'y ibang wattpad contest ang nakita ko pero ito lang talaga ang contest na kumuha sa akin ng energy para mag sulat ng review nito.
Salamat talaga miss author, dahil shinare mo yung talent mo. Hindi ako mag sawang supportahan ka. Ang ganda talaga ng story. Sana ma basa mo ito at ma pili mo yung review ko. Im learning a lot from you also. If hindi man ako manalo ok lang. Basta nagustohan mo lang 'to at na pansin ako. Iloveyou po. God bless and thank you.
A Miracle, Storyang gawa ni PeachxVision Maaring basahin mapa-libro o wattpad-version Isang storyang karadapat basahin Manipis at maikli man but its all worth the read, Short yet had it all.
Isang fairy-tale ang kwento nila. Walang fairy pero may magic. Magic na tinatawag nating himala, mga himala na nag-paantig sa puso ng madla
Nang ang bida sa kwento ay nagkatagpo, Instant sparks kanila'y natamo. Isang babaeng nagngangalang Mary, Isang lalaking nagngangalang Nathan. Match made in heaven kanilang tambalan Kinilingan ng mga mambabasa't sinubaybayan
Si Mary isang kakaibang babae. Mula pananamit hanggang paniniwala Siya'y ibang-iba. Ang mga damit niyang gothic dresses, Makikita mong suot niya simula lunes hanggang biyernes
Kami ni Mary ay may pagkakapareho. Hindi dahil ako'y ganun manamit iho, kundi sakanyang paniniwala at mga problema saakin ay saktong-sakto. Mula problema sa pamilya, hanggang sa hindi pagsuko sa problema Oops.Nasabi ko naba? Kami ni Mary ay parehong loner at laging mapag-isa Sa school kami'y never na nnadiscover, sa bahay kami'y parang shadow nila brother at sister.
Junior ako ng aking nabasa, Isa't-kalahating taon kung bibilingan mo iha. Mga feels ko maaring hindi ko na nadarama. Mga pangyayari maaring limot ko na. Pero alam kong itong storya ay nagdulot sakin ng kakaiba Kakaibang leksyon sa buhay na nagamit ko sa sariling problema.
Noon pa nga't pinabasa ko ito sa aking mga kamag-aral. Binasa nila kahit pa nandyan ang aming gurong nagbibigay-aral. Yung feels ko noong binasa ko 'to, kanilang nadama ng eksaktong-eksakto. Same feels, same impact. Pare-parehas tayong na-touch by heart ng storya.
Kilig-saya kanilang nadama nung una. Lungkot-sakit, ramdam nila sa bandang huli ng storya.
Tuwing kinikilig ako sa banat ni Nathan ako'y napapa-wow. Tuwing nasasaktan ako sa nangyayari ako'y napapa-aww Tuwing nakikita kong exra ang kontrabidang Sam ang pangalan ako'y napapa-ROOOAR. At pagkatapos kong basahin ako'y napa-hangulgol saba'y aww-pa-ng-aww.
Bawat kabanata ay masinsinang kong ina-abangan, Hanggang sa mga huling-parte, aking sinubaybayan. Sulit at worth reading naman. Patunay nito ay ang magang mata ko. Worth the read, your eyes will feel it. you feel it? My eyes feel yah.
Mula sa pamagat nitong 'A Miracle' Himala'y never to be forgotten. Kung ikaw noon ay hindi naniniwala sa himala. O'kaya naman faith mo'y unti-unti ng nawawala. Nako nako simulan mong basahin itong sinasabi kong storya. Sigurado akong faith mo kay God ay lalaki ng garbo garbo. Paniniwala mo sa Kanya ay magiging aktibo.
Pinakita dito ang realidad, Pinaramdam dito ang sakit at hinagpis ng mundo Pinadama saatin ang pagmamahal kahit saglit.
Alam niyo ba ang salitang tatatak sa utak mo matapos mo itong mabasa? Walang iba kundi, "totoo ang isang himala"
Miracles do happen. Believe in him. Trust & believe. Fall inlove and Feel the pain.
Salamat sa magandang at kakapupulutan ng leksyon na kwento. Ang nasa likod niton ay ang napakagandang si Peachxvsion na siyang kanyang pen name. Jessamine Verzosa tuna'y niyang pangalan. Gurong kagalang kagalang, Manunulat na kahahanga hanga. Kaya alam niyo na kung bakit ganun kaganda kanya mga akda?
Read the book and be inspired for your whole life :)
May pinagdadaanan ako nang mabasa ko ang kwento na ito. Kaya ngayon palang, humihingi na ako nang paumanhin sa ka-dramahan na naisulat ko.
Unang beses ko palang na mabasa ang pamagat ng kwentong ito, nalungkot na ko. A Miracle, doon palang nalungkot na talaga ako. Kinutuban narin kasi ako na hindi isang happily ever after ang ending niya kaya ayun. Isa yun siguro sa dahilan. Pero ang pinakamalaking dahilan siguro ay dahil sa salitang naisip gamitin ni Ate Peach: a miracle. Milagro. Kiseki.
Isang malaking bagay sakin ang salitang iyon –miracle. Lahat kasi ng tao, naghahagad ng isang milagro sa buhay nila… pero aminin man natin o hindi, hindi lahat ng tao nabibigyan ng milagro. May mga tao sa mundo na naghihirap ng sobra-sobra – mga tao sa squatter’s area, mga nagugutom na bata sa Africa, mga taong ipit sa giyera – lahat sila, alam kong naghahanap ng isang milagro. Pero ang pinakamasakit na katotohanan ay ito: na ang ilan sakanila, magwawakas ang buhay na hindi man lang makakaranas ng pagbabago. Ng isang milagro.
Erm. Di naman halata na pessimistic ako, ano? Hindi ako naniniwala sa mga milagro.
Well, dati yon.
I was sceptic of the word “miracle”. Nakatanim narin kasi sa isip ko na malabo talaga iyong mangyari, lalo na sa mundo natin ngayon. But the book by Ms. Jessamine Verzosa… it made a difference. Isa parin akong true-blue pesimisst, but at least now… kapag naalala ko ang kwento nina Nathan at Mary, napapangiti at nabibigyan ako ng pag-asa.
The story made me realize something. That miracles need not happen in a magnificent, glorious, and large way. Miracles, I found out later on, are the small things in our lives that we take for granted – but nevertheless exist to help us get through the day.
This book gave me an idea that what I was lacking in my life was not a miracle – it was the appreciation of the miracles that were with me all along.
The small flowers beside the road that are trying their best to live despite everything – they’re miracles. Ang mga pamilya natin, ang bawat ngiti sa bawat araw, ang bawat pahinga, ang bawat paggalaw ng mundo – lahat sila mga maliliit na milagro.
Everything around us is a small miracle that when put together becomes the biggest miracle of all – LIFE.
Doon ba sa kwento, ano ang milagro? Yung rose? No. Para sakin, hindi. Para sakin ang totoong milagro ay ang once in a lifetime meeting nina Nathan at Mary. That out of all the billion people in the world, they met each other. That’s the real miracle.
Nakakakilig. Nakakatuwa. Nakakapagpasaya.
And lastly, this book gave me hope. My favorite uncle died weeks before I read the wattpad-version of the story. And at that time, I was still struggling with the confusing feelings inside me – sadness, confusion, hopelessness. Pero habang binabasa ko yung kwento, lalo na nung nabanggit ang kantang Tears in Heaven, napaiyak ako ng todo. That was the first time I cried weeks after my uncle passed away. And it made me feel better.
Because at least, I found the hope that I will still meet him someday. Somewhere. Someday.
So ayun, kay Ate Peach a.k.a Teacher Jessa, thank you for writing this story. I just had to post this here, kung saan mababasa mo talaga. Hehe.
Thank you for giving me a new meaning of the word miracle. :)
Ang weird ko ba masyado na habang nag-iisip kung papano isusulat ang lahat ng nasa isip ko ngayon e nakikinig ako sa Tears in Heaven na boses ni Mary ang naririnig ko?
Ganyan katindi ang epekto sa akin nila Mary at Nathan. Hindi pa rin nagbabago 'yun ngayong katatapos ko lang siya basahin ulit. Pakiramdam ko e kasama ako sa istorya nila dahil ramdam na ramdam ko silang dalawa. Eto rin ang istorya na punong-puno ng feels pero napaka-simple lang ng narration niya.
Mula kagabi hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa rin kung ano ang mga dapat kong sabihin sa A Miracle pero dalawang salita lang ang makakapagdescribe ng story na ito:
Pulchritudinous and Doloruous
Why Pulchritudinous? Kung tao man ang A Miracle ay bagay na bagay sa kanya ang salitang ito. Makatotohanan siyang storya kahit na hindi ganoon ako na-kumbinsi sa mga nakalagay sa diary ni Mary pero sabi nga nila 'walang impossible.' Bukod pa roon e ang simple lang talaga ng pagkaka-kwento, minsan kailangan mo pa ulitin nang maintindihan mo kung ano ang tinutukoy nila. Tatagos talaga sa'yo ang lahat ng sinasabi ni Mary. Na-konsensya nga ako bigla dahil isa ako sa mga taong mabilis manghusga na hindi man lang iniisip muna kung ano ba ang pinagdadaan ng mga taong tulad ni Mary.
Why Dolorous? Medyo ka-level ng A Miracle ang The Fault In Our Stars pagdating sa iniyakan kong mga books. Simula ng ma-ospital si Mary ay palagi na lang ako naiiyak bigla tulad ni Nathan. Speaking of Nathan, hanga ako sa kanya. Isa siya sa mga fictional characters na guy na nagustuhan ko. Walang halong ka-OA-an ang pagdedescribe sa katauhan niya kundi simple lang. 'Yun bang ka-ugali lang nang lalaki mong classmate o kaibigan, totoong-totoo. Tapos, imbes na kay Mary ako maawa ay kay Nathan napunta ang awa ko. Hindi ko alam kung bakit. At saka sobrang sakit ng mga nangyari nung malapit nang matapos ang story. Sobrang sakit talaga. Pakiramdam ko e nagkaroon ako ng connection between the characters. I treated them like my friends, my siblings sometimes like my own children especially Mary. Na sa tuwing masaya sila ay masaya na rin, sa tuwing nasasaktan sila ay doble ang sakit na nararamdaman ko. Nandoon rin 'yung pakiramdam na sana ma-meet ko si Mary at gusto ko siyang alagaan tulad ng ginawa ni Nathan pero ibibigay ko na lang kay Nathan ang responsibilidad na 'yon dahil sila ang nakatadhana. Gustong-gusto ko rin pumunta sa mundo nila at samahan si Nathan na pasukin ang buhay ni Mary pero hanggang sa pagbabasa lang ako dahil bago ko pa 'yun magawa ay wala na sila parehas.
Marami akong natutunan at realizations sa A Miracle. Hindi ko maipapagkaila na nabago nito ang buhay ko, hindi ko rin masasabi na tumino o anghel na akong ituring dahil dito pero naayos ko ang mga ugali ko na kung papanatilihin ko pa rin sa sistema ko e marami pa kong masasaktan na tao. Eto rin ang dahilan na hindi na puro Romance na ang binabasa ko at tumaas rin ang standards ko sa pagbabasa. Mas gusto ko nang magbasa ng libro na mayroon akong matutunan, lalawak ang pag-intindi ko sa isang tao at mababago ang pananaw ko sa buhay.
Maraming salamat Ms. Jessamine dahil patuloy niyong pagsusulat ng mga story na may sense. :)
Isang katha ng pag-asa at pakikibaka, luha at saya, pasakit at ligaya, at pagkakatagpo sa isang tunay na pag-ibig. A Miracle.
Ang bawat pahina at letra sa kwento, matindi ang naging epekto sa'kin. Bawat eksena sa istorya, tumatak sa puso ko. Mula sa pagkahulog ni Mary mula sa puno sa kagustuhang tumulo ang mga luha nya, sa misteryo ng pinakuluang buto ng rosas, lahat yun ay may kinikintal na aral sa isip ko. Bawat pangyayari sa istorya ay nagbubukas at sumasagot sa tanong sa buhay ng bawat karakter:
Saludo ako sa ama ni Mary. Naging irasyunal man sya't pagnanakaw ang kanyang naging kabuhayan sa pagnanais na maipagamot ang anak, pinatunayan naman nya na kaya nyang magbago.
Naaawa ako para sa ina ni Mary. Ipit sya masyado sa sitwasyon, hindi man lang nya magawang makasama ng matagal ang kanyanag anak dahil sa kalupitan ng kanyang bagong asawa, hindi nya.tuloy mapunan ang napakaraming pagkukulang kay Mary.
Matindi naman ang pagkasuklam ko kina Sam at Ethan. Kay Sam dahil matapos nyang iwanan noon at saktan si Nathan, babalik sya na parang walang nangyari at akala mo'y kumukuha lang ng gamit upang muling paglaruan? Lumubos ang pagkasuklam ko sa kanya ng ipahiya nila si Mary sa contest at tawagin syang voodoo doll, ngunit muling nagdiwang ang kalooban ko ng ipamukha sa kanya ni Mary, sa pamamagitan ng kanta ang mga bagay na ni katiting ay walang-wala sya: Yun ay ang pagtanggap sa sarili.
Nainis naman ako kay Ethan dahil sa kanyang sobrang pagpilit na magkabalikan sina Sam at Nathan, para sa'kin kasi, ang tunay na kaibigan ay hindi magpipilit ng isang bagay na posibleng makasakit lang sa kanya. Pakiramdam ko tuloy, ginagawa nya iyon para mapagbigyan si Sam dahil may pagtatangi sya rito.
Hanga ako kay Mary. Sa murang edad nya'y marami na syang masasakit na bagay na naranasan, nadarama ko ang kalungkuta't pangungulilang bumabalot sa kanyang pagkatao, sa bawat salitang namumutawi sa labi nya, nananatili ang kanyang pagiging positibo sa buhay. Nakakamangha kung papanong nagagawa nyang ngumiti sa kabila ng mga kinakaharap nyang mabibigat na sitwasyon, hindi nawala sa kanya ang maigting na kapit sa'ting Ama, sa kabila ng mga pang-aalipusta't insulto, kahit pa may sakit siya, andun pa rin ang pagmamahal nya.
Napakatapang rin ni Nathan, kasi buong puso nyang kinalinga't minahal si Mary, hindi sya nagpadala sa kutya at pagtutol ng ibang tao sa kanila, hindi sya bumitaw. Patuloy lang sya sa pagmamahal rito ng walang katapusan, iwasan man sya ng kanyang mga kaibigan. Bahagya lang akong nainis sa kanya ng mapabayaan nya ang kanyang pag-aaral, kahit pa dahil lang yun sa kagustuhan nyang makasama ng mas maraming oras si Mary.
Nadurog ang puso ko sa parteng iginuhit na ni Mary sa palad ni Nathan.ang puso at pinakanta ito, nalulunod ang puso ko sa luha at sakit na pinadama sakin ng eksenang iyon.
Labis namang kilabot ang naramdaman ko ng mabasa ko ang katapusan nito: hindi ko inakala na may sakit rin.si Nathan, na magiging dahilan upang muli na nyang makasama si Mary- sa kabilang buhay.
Ang kwentong A Miracle ay isang kwento ng pagiging positibo. Nang pagharap sa mga bagay ng walang takot at pag-aalinlangan, ang pagtitiwala sa kung ano mang desisyon Nya para sa'ting buhay. Na ang bawat pangyayari'y may kaakibat na dahilan
honestly, hindi ito yung pinaka.favorite kong story ni idol peach. iba kase yung 'feels' ng story na to eh. anyways, book review? first, about sa characters muna. about MARY, gustong gusto ko yung image ni mary sa story na to. lalo na yung description niya na mahilig magbasa ng books and at the same time mahilig sa rock music. isa lang ang agad pumasok sa isip ko, JESSAMINE/PEACH IS REALLY GOOD WHEN IT COMES TO CONNECTING TO HER READERS. para kaseng si mary din ako in a very little way eh. about SAM. yung character na to ang isa sa mga exception eh. at isa na rin sa mga outstanding sa lahat ng characters sa lahat ng story ni idol. FOR THE 1ST TIME IN FOREVER kase, may MALDITANG ANTAGONIST sa story ni peach :D hindi ko alam ha, pero base sa mga nabasa kong stories ni idol, si sam lang tlaga yung may malditang image ng antagonist. unlike ni anya, may, cara (which is yung mga 2nd girl sa story) iba talaga itong si sam eh. siya lang kasi yung maldita na ginawan ng masama yung bidang babae eh. i mean, yung sinabotahe niya si mary na kumanta sa fiesta sa harap ng madla tapos yung convo nilang apat (mary, nathan, sam ,autumn) sa may sunken garden. first time kong nakabasa ng ganung eksena sa story ni peach. TAKE NOTE, nainis ako kay sam nun. lalo na nung tinanong niya si mary kung ilang araw na sila ni nathan. parang WTH?! SI PEACH BA TALAGA NAGSULAT NETO? BAKIT MAY BITCH SCENE?! about NATHAN, wala akong maicomment sa character niya sa totoo lang. siya ang pinaka-least na favorite ko since mahal ko si JET. HAHAHAHA :D (sorry idol sa comment na to. just being true.)
about sa settings nung story? well, mejo relate din ako dahil tambay akong sta. lucia at antipolo before. although, hindi ko alam saan exactly yung places. pero ASTIG! sa lahat ng nabasa kong stories sa wattpad, si idol lang ang bukod tanging nagdala saken sa realidad. yung iba kase, sisilawin ka sa fancy settings tapos sa nakakaumay na characters. pero gaya nga ng sabi ko, EXCEPTION si idol. actual places ang ginagamit niya as settings kaya hindi mapapagod yung utak mo kakaisip ng kung anu anung kashitan. (sorry sa words idol. i'm just like this. BRUTALLY FRANK)
plot ng story? yeah, may resemblance sa plot ng a walk to remember and the fault in our stars. tragic yung ending. pero, aaminin ko yung kahihiyan na to, UNTIL NOW, HINDI KO PA RIN MA-FIGURE OUT KUNG ANONG NANGYARI KAY NATHAN. KUNG NAMATAY BA SIYA OR WHAT. ang weak ko mag-analyze no? HAHAHAHAHA :D
pero all in all, ASTIG tong story na to. yung bitch na si sam, yung makatotohang settings, yung quotable lines, yung iba't ibang description ng characters. those things that i liked about idol since from the start. kaya nga nung nalaman kong ipupublish yung AM. tuwang tuwa ako eh. deserve kasi hindi lang nung stories pati na din yung author ang mga ganung achievements. so yeah, to sum it up, YOU DID A GREAT JOB NOT ONLY WITH THIS ONE AS WELL AS TO OTHER STORIES IDOL. and i know that you will still continue making great stories so, keep rockin' okay? yaboooooooows! :*
When I read the book, hindi ko mapigilan maiyak. Sa bawat music nito, sineasearch ko at pinapakinggan ko. Nung nakita ko 'to sa National, sabi ko, "Ay ang nipis, sayang pera." But then, ngayon, binasa ko 'to sa Wattpad. At nagsisisi akong hindi ko 'to binili. Halos mangiyak-iyak ako. Sa sobrang ganda, nakalimutan kong kumain. Nung sinimulan ko 'to kaninang 10:00 ng umaga, hindi pa ako kumakain. At ngayong 3pm natapos ko, hindi pa 'rin ako kumain. At ngayong 4pm na, hindi ako magsisisi. Sabi nga nila, wag mo daw basehan ang isang libro sa nipis o kapal nito, sa cover nito, dapat sa storya mo ito husgahan. Ilang beses akong umiyak sa pagbabasa. At halos basang-basa na yung unan ko. Napaka ganda ng story line niya. Si Mary, napaka weird niya pero, nung nalaman ko yung katauhan niya, inisip ko na, tao din siya, hindi dapat siya kinakawawa. Parang isang libro si Mary. Nakakatakot man siya sa labas, pero napaka-ganda ng looban niya, at nakakatuwa si Nathan, isa siya sa mga "endangered species". Siya yung tipo ng lalaking katauhan at ugali ng babae ang tinignan. Kahit anong itsura ni Mary na sinasabing "Multo" siya, isa siyang "Voodoo doll", eh, kinilala niya si Mary ng husto. Hindi siya yung husga lang ng husga. I admire these type of guys. Yung hindi sinusukat ang tao sa kagandahan. Yung hindi dahil maganda eh, gusto niya na agad. At si Sam, bilib ako dito sa babaeng 'to, pero may halong galit sa kanya. Pinaglalaban niya ang taong mahal niya, at sa palagay ko, tamang ipaglaban ang taong mahal mo. Ang saakin lang, mali ang mga pinagagawa niya. Yung sa Singing Contest? Mali yun, isipin niya muna. Ano kaya pwede mangyari sa'kin? Anong pwedeng mangyari kay Mary? Buti na lang, nandun si Nathan at handang sumalo kay Mary kung matutumba man ito. Ako mismo, hindi ako naniniwala sa himala. Pero after reading this book, naalala ko yung sinasabi ng mama ko na "Walang imposible kapag kasama mo Siya." Natutuwa ako kay Nathan dahil kahit mamamatay na si Mary, hindi niya Siya sinisi kung bakit ito ang tadhana niya. Hindi niya Siya sinisi kung bakit maagang namatay si Mary. Tinanggap niyang nakatadhana si Mary na makasama ang Tagapaglikha ng maaga. This book inspired me. #StillABetterLoveStoryThanTwilight Lesson: Tiwala lang. Walang imposible pag kasama Siya.
Thank you for writing the book. You made me happy, you inspired me. Thank you peachxvision.
Year 2011, when I read the book “A Miracle”. Nung time na yun, third year high school ako. And now, I’m third year college. So basically, four years na akong fan. Walang palya yung pagbabasa ko. And I just remembered na di pa uso yung wattpad app sa phone nung high school pa ako so, pinapaprint namin yung buong story. Minsan naman magrerent ako ng PC at babasahin yung chapters sa isang article sa Candymag. So since this is the first book, napahanga ako nung writer kasi males’s POV yung ginamit niya. Late ko na nalaman na babae pala siya. This is just so amazing lalo na kung paano binuo ng emosyon ko yung pagbabasa ng story na to. Plus points na hindi ito cliché katulad nung ibang story na hate and love realtionship tapos nag-end up together.
And this story never fails on surprising me---- realities that I keep on burying to my imagination. Just like the “buto ng rosas”, “101 books you have to read before you die”, “voodoo doll-like girl” and most especially yung nabago ni Mary yung pananaw sa buhay ni Nathan. It’s not about the love or the attraction na naramadaman ni Nathan e, feeling ko rin dahil din sa personality na meron si Mary—sobrang strong niya kahit na naabuso siya, pinagpalit ng boyfriend niya sa iba, iniwan siya ng nanay niya, at… may leukemia siya.
I learned to appreciate small things. Yung malalaking puno sa playground, yung kwarto ni Mary, yung diary niya, yung mga dresses niya, yung mga kanta niya sa mp3 player niya, si nakalimutan-ko-yung-pangalan basta siya yung ex ni Nathan, yung cheesecake, si Autumn at yung Forbidden St.
This is also my own way of realizing na may mga bagay na mas mahirap pa sa pinagdadaanan ko. I can relate myself sa story na to kahit na medyo nagmature na ako unlike nung third year hs pa lang. Napaiyak ako nung kwento to, napasaya, napalungkot, napamura, napasigaw at higit sa lahat, dito ko din nalaman yung gusto kong career pagtapos ko mag-aral. Gusto ko ding maging writer. Kahit paikot-ikot na lang yung sinasabi ko, gusto ko pa ding maging writer.
Just like the story says, I mean hindi literal na sinabi.. “pag may nawala, may bagong dadating” Nung nawala si Mary, dumating yung kapatid niya na carbnon copy niya which leads nathan to new hope, new beginning.
Story Review: One of those page-turner stories. Not like other stories that full of dramatic and adventurous scenes. Slow lang ang flow ng kwento. There's something unique about the structure of the story that makes the reader to continue. I can also say that this story is very realistic, maybe that is one of the factor that makes it great. Realistic siya dahil kung hindi, kahit na napakagrabe ng problema, makakaabot pa rin si Nathan sa play di ba? Tapos, hindi sa park namatay si Mary. Sa ibang stories kasi, konti lang ang exposure ng parents. at minsan rin, OA yung characters ng parents, pero dito, hindi exagge kaya realistic. The readers can't visualize the next scenes. I've read a lot of stories and now, when I start to read another, I can quickly distinguish the next events or the ending of the story kaya mawawalan ako ng gana at hindi ko na tinatapos, pero iba ito. The way the twists was shown, sakto lang, yun bang hindi pasuspense, sakto lang na dahil dun, naging interesting siya.
The author gives freedom to its readers. How? Una sa mga characters. Yes it is a fact that Mary was fully described, but Nathan, o kung mas maganda ba si Sam kay Mary, things like that. Because there's no discription, we tend to imagine how the characters look likes. Kapareho din sa mga places na ginamit. Ang park, oo, it was described, pero hindi totally. Pati yung school. Dahil dun, gumagana ang mga imaginations ng mga readers. Lastly, sa ending. Hindi literal na isinaad kung happy or tragic, and reader na ang bahala. Kaya siguro naging "walang katapusan" ang story nila sabi ni Nathan.
One ofthe aspect na nakaka-attract sa mga stories ay ang characters. If you read "A Miracle", tapos hindi mo alam na babae ang author, maiisip mong lalaki talaga ang gumawa. Boy's POV yet the author's a lady. Ang characters, hindi cliche katulad ng ibang story. It don't need too much explanation, because it's simplicity alone can make the whole story great. Simple lang pero "rare" yung characters. Real.
All in all, it's a very nice story. Honestly, hindi siya perfect, but I would say that it is near to perfection. A realistic and belief-changing story.
PS:
Hello po! Sorry po na'late ng pass. :) I hope you'll include mine. XOXO ♥
CHARACTERS: Mary was a kind soul, people may have the impression that she's scary or mysterious because she always wear long dresses that covers her whole body but that's what her personality is. And then, she happened to crossed path with Nathan, a new guy that moved to their place who accidentally caught her from her fall. Nathan was suddenly all alert about her, even though his friends warned him about Mary.
PLOT: I read this last 2014 at Candy Mag's Teentalk Corner. I am not really a fan of online English stories (by Filipinos) at that time. But having read A Miracle changed that. 'A Miracle' fckng hurts big time. I couldn't imagine being in their position, Nathan and Mary. They got the love that they deserve but their time to be together is not enough. They started out as being strangers. Mary didn't like the thought that they would be friends, but Nathan didn't stopped until she accepted his offer. Until, all they had was each other. Nathan rarely goes out with his friends, he's always with Mary. He then knew her secrets and he felt a strong urge to make Mary happy. Mary didn't experience even half of what Nathan's life is. Mary is a loving daughter that is always there for her father even if he does not like what he's doing. She never fail to tell her father to stop, but he always reason out that he's doing it for her. As for Nathan, he tried to make everything a little better for Mary. He's always there for her. But his friends think that he's just fooling around. He didn't like how his friends makes fun of her so he stayed with Mary... until the very last second of her life.
And I don`t know why, but knowing that Nathan doesn`t have much time to live made me happy.
It's a simple story but full of emotions and I as read through the pages, I think I already knew Nathan and Mary in real life.
Ate Peach never fails to make me feel this way every time I read her stories. <3
Okay. Sa totoo lang, ayokong basahin 'to dati. Bukod kasi sa nafifeel kong di s'ya happy ending, ang sakit sakit pa ng puso ko sa mga naunang wp books na nabasa ko. Parang sabi ko, baka di ako maiyak kasi nasasaktan na ako ngayon e. #hugot
Then, one night, di pa din ako nakakamove-on sa mga nabasa ko ng books, nangati bigla ako na basahin 'ting A Miracle kasi may nag-GM sakin na hagulhol na daw siya.
Guess what? Paggising ko kinabukasan, super puffy nung eyes ko. Kahit nafifeel kong di happy ending yung story ni Nathan at Mary, napahagulhol pa din ako sa ending. Umasa kasi ako na may miracle talaga. #hugot Asadong asado ako ng gabing 'yun. Tipong, "yes may pag-asa pa 'tong si Mary. May miracle na mangyayari."
Turns out na may ibang miracle na mangyayari. Hindi 'yung ineexpect ko, pero nadama ko. 'Yung pinakuluang buto ng rosas (kung tama ang recall ko) ay super nakakacurious. Noon ko lang kasi 'yun nabasa. Never ko siyang naencounter.
Ang isa sa mga nagpasikip ng dibdib ko ay nung nalaman ni Nathan yung past ni Mary. Grabe! Hindi ko 'yun kinaya. Like, sh*t happens. Parang pag sa akin nangyari yung mga naranasan ni Mary, baka sumuko agad ako sa buhay.
May time na natawa din naman ako. Kung hindi ako nagkakamali, (sorry medyo poor talaga ang recall ko) napagkamalan ni Nathan na multo si Mary. Actually, akala ko multo talaga siya. HAHAHAHA. I am hilarious that way.
Tapos, ending na. Pwedeng mag-wtf? Kasi promise, yung ending. Ay leche. Doon talaga lumuha ng todo- todo yung mata ko. Parang, "shet nasaan na yung miracle? kailangan ko ngayon e." Ganun talaga. Packingtape. Pag naaalala ko, di ako makamove-on. Daig pa nung sakit na dinulot ng libro na 'to, yung sakit nung iniwan ako ng bestfriend ko. Shems.
Parang pag ihahalintulad ko 'yung sakit niya, nasa level ng SDTG. As in, hagulhol ako ng lubos.
Di ko alam kung review ba 'to. Ang gulo din kasi. Hahahaha. Pero kung pwede magrate ng lampas 5 dito sa goodreads, gagawin ko.
What does love and miracle have in common? They both move in mysterious ways.
Kung meron mang napatunayan sa'kin ang librong ito, 'yan 'yun. Na tulad ng pag-ibig, ang milagro darating sa panahon at paraang hindi mo maipapaliwanag.
Ilang taon na rin mula nang una kong mabasa ang librong ito. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko 'tong binasa. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ako pinaiyak. Kahit na alam ko na 'yung dulo ng kwento, kahit alam ko na kung ano 'yung susunod na eksena, hindi ko alam pero iba, eh. Iba. Iba 'yung tama sa puso ko ng kwentong 'to.
Simple pero tatatak. Siguro 'yun ang dahilan kung bakit mahal ko 'tong kwentong 'to. Walang pasakalye. Hindi nga sinabi kung gwapo ba si Nathan, kung ga'no siya katangkad, kung anong kulay ng buhok niya, o kung anupaman. Kaya siguro more than the character, mas mamahalin mo 'yung kwento, eh. Mas mamahalin mo 'yung pagmamahal ni Nathan kay Mary.
Ito 'yung kwentong hindi damsel in distress ang bida pero hindi rin siya 'yung klase ng bida na palaban sa mga nang-aapi sa kanya. Si Mary 'yung klase ng bida na kayang harapin 'yung pagsubok at harapin 'yung dulo na nakangiti kahit na may takot.
“Hindi ko makikita ang langit, kung hindi ako mamamatay.”
'Yan 'yung linyang pinakatumatak sa'kin. Naisip ko na 'Oo nga naman. Pa'no mo makikita ang langit kung hindi ka mamamatay?' Lahat ng tao gustong mapunta sa langit pero lahat ayaw mamatay, kaya 'yung linyang 'to, hindi na naalis sa utak ko mula nang mabasa ko ang A Miracle.
A story that you can read in one sitting but will leave a lasting impression. 'Yan ang kwentong 'to. It will teach you what faith is, it will show you how fate works, it'll make you believe in miracle and the power of love. 'Cause that's what love is, A Miracle.
A girl who don't know how to cry. Kabaliktaran ko. Iyakin ako, medyo madami na akong iniyakang story pero ang book na ito ang isa sa sobrang iniyakan ko. May tatlong scenes dito na sobra ang iyak ko: nung kinikwento ni Nathan ang nabasa niya sa Diary ni Mary, nung magkausap sila sa park at nung kinakanta ni Nathan ang 'Heaven' nung nasa hospital na si Mary. Ang ganda ng twist ng story. Ang ganda ng pagkakagawa sa characters. Madaming lessons, madaming malalalim na hugot. Una ko 'tong nabasa way back in 2012 (Tagalog version). Then nung January sa English version. Like is an understatement for the story. I love the tagalog version, how much more sa english? The feels, really!
Mary, isang babaeng madami ng napagdaanan sa buhay. A girl who's strong enough to handle those heartbreaking situations. Mary taught me to be strong, to hold on and not to give up if I fell down. Mary's a very mysterious person.
Nathan, mahirap makahanap ng kagaya niya. Maraming tao ang judgemental and Nathan's not one of them. He care's for others. Maybe at first he just got curious about mary's personality since he's a psych student, but then he choose to know her more, to enter her life. He choose not to believe what his friend had told him, he choose not to judge her. Bihira nalang ang taong kagaya niya. I salute people like him.
'Not all endings are meant to be happy. Some make way for unexpected beginnings.' Really really unexpected. Pero masaya pa rin ang ending sa kanila. Forever do really exist in their story. Their love will exist forever.
Thank you for this story ate jessa, it's one of the best. The lessons will always stay in my mind.
When I saw it's title, I really got intrigued. Miracle? What? How? I am kind of person who believes in forever, happy endings, magic, reincarnation, prince charming, Mr. Right but at the same time who believes in reality. In short, I'm a person who neither takes sides in the debate between fantasy and reality. And this story suited me well. It's part fantasy and reality which is really popular right now, cause people nowadays are still dreaming about fantasies but bothered about reality.
When it comes to the chapters, and wordings, every word really gives you a reason to read further on. The story gave meaning to simple words. The story used fresh and new thoughts but still telling the thoughts you already know. As I was reading this story, it felt that it was the first time I knew about those things. This story made me think that no one stops to learn. This story also taught me to learn not only by the mind but with the heart. It felt like I was little and was only starting to learn about life. The story gave thrills in learning old thoughts in a new style but more improved and that really got my love and attention.
As chapters passes by, I really got attached to this story, I kept on thinking on what will gonna happen next, how it will end, what if this happens, it had driven me crazy like the way I act when I'm reading a Nicholas Sparks or a John Green book. This story, Nathan and Mary taught me a lot of things but there's one lesson I won't ever forget.
Miracles DO exist.
And yeah, I'll be believing in that till' the day I die.
Review: Kakaibang babae si Mary. Ang pang-araw araw na damit niya at Gothic dresses, loner siya, at iba ang pananaw niya sa mga bagay-bagay. Isa na siguro ang mga ito sa mga dahilan kung bakit naiiba ang A Miracle sa mga kwentong katulad niya rin ng plot.
No'ng umpisa, hindi ako sigurado kung bibilhin ko ba ang nag-iisang kopya ng A Miracle sa convenience store na pinuntahan ko dahil hindi naman ako mahilig sa mga librong inspirational-romance at nanghihinayang ako sa Php 175 dahil sa kanipisan nito. Pero dahil sa maraming nagsasabi na maganda raw ang kwento, binili ko na.
At hindi ako nagkamali sa desisyon ko na bumili ng kopya. Maraming nagbago sa pananaw ko tungkol sa buhay. Maraming beses akong napaisip kung paano kung ako ang nasa posisyon niya, kakayanin ko bang maging matatag gaya niya? Narealize ko rin na kailangan mong magtiwala sa Kanya sa mga bagay. At oo nga, His will be done.
Dahil sa librong to, naniniwala na ako sa mga miracles. Everything is uncertain kahit na 99% sure ka na magfefail ang isang bagay laging may 1% na chance na magsasucceed. Parang yung mga boiled seeds ni Mary.
Ayaw ko mangspoil ng mga gusting magbasa nito kaya iyan lang ang sasabihin ko. Basta, read it nalang and keep on believing in miracles. Hindi ko alam kung review ba ang matatawag dito pero iyan talaga ang thoughts ko about the book.
Lastly, I would like to thank you Ate Jessamine sa pagsulat ng librong ito. It inspired me to live my life and try out new things.
The story is so life changing. It made me realize how cruel people could be, how cruel the world could be and how cruel destiny could be.
Mary, a really weird girl who was avoided by people bec of her life standing, literally fell on Nathan, the new boy in town who's still on the process of moving on from his past. The people didn't understand Mary but they judged her a lot, made fun of her and avoided her. But Nathan saw right through her. He knew and understood everything about Mary. He became her hero. He met her by chance and entered her life by choice.
Despite everything that has happened to her, Mary never shed a tear. She wanted to cry but she couldn't, she wanted to feel, but she has been numbed. She couldn't cry, she couldn't feel until she fell inlove with Nathan. The thing about love is, it is never separated from pain that's why the moment she felt something, the whole thing ignited.
Nathan on the other hand knew that theirs was a hopeless case but still went on. His friends never liked the idea of him dating the "voodoo doll", as what they call Mary. But he didn't mind them. He made her happy, they made each other happy by just existing. They became each other's miracle.
Theirs wasn't just an ordinary love story. It is a story of tragedy, hope, believing in miracles, happiness and love.
Thank you sensei for sharing with us this unique, heartbreaking story.
Nung una kong nabasa yung title nung kwento sabe ko astig siguro to kase A MIRACLE yung title tapos sobrang tuwang-tuwa pa ako nun kase ikaw mismo yung nagbigay sa akin nung soft copies ng kwento. <3 Nung nasa bandang gitna na ako ng pagbabasa ko sabe ko gusto ko ng lalaki na katulad ni Nathan! (kase ikaw yung author na kapag gumagawa ka ng storya makatotohanan talaga) Mas lalo pa akong na-amazed dun sa buto ng rosas na pinakuluan naisip ko na rin na eto siguro yung miracle na mangyayari,naiyak nga po ako dun sa chapter kung saan nakita nila Mary yung Ex-BestFriend and Ex-Boyfriend niya sabe ko sa sarili ko wow! astig kase nakangiti parin si Mary sa harap nila.Kahit na tragic yung ending nung kwento, para sa akin ang saya parin ng katapusan ng buhay nila lalo na si Mary kase dumating sa buhay niya si Nathan. Kaya nung natapos kong basahin itong storya na A Miracle sabe ko sa sarili ko may milagro talaga kaso minsan masaya minsan malungkot pero lahat naman ng nangyayari may dahilan basta magtiwala lang tayo kay Papa God. ^_^ <3
Grabe lang Ate Peach galing mo talaga gumuwa ng storya partida point of view pa yun ng lalaki, thank you talaga Ate Peach sobrang nakaka-inspired yung mga storya mo lahat sila may lesson katulad nitong sa A Miracle na dapat hindi tayo tumitingin sa panlabas na anyo na dapat kilalanin munang mabuti yung isang tao bago natin ito husgahan. God Bless. <3