Now that I’ve been to various shows of Words Anonymous (WA), I tend to imagine the poems in Tuwing Ikatlong Sabado being performed by their respective writers.
Through this book, the WA members trace back their roots to their so-called home. While some of the pieces are relatively new, this collection comes across as a tribute to their first stage as a group, the Sev’s café. It brings to mind the nights my friends and I would visit this unassuming little café where WA would bare their souls to a crowd of no more than fifty, thanks to the intimate setting the space provided.
Yes, I admit I’m probably biased with that rating. I’m just glad that they’re sharing their craft and gaining new ground, one poem and book at a time.
Below are some of my favorite lines from their second collection.
Salamat sa umalohokan. Salamat sa babaylan. Salamat sa isang tradisyong oral na kaylalim ng ugat, kay tibay ng mga tangkay, kaylago ng mga dahon. Salamat at dahil dito’y mas madali kaming umusbong.
--
Pero Mahal, gabi-gabi, hindi ko mapigilang mamangha sa gandang dala ng pagtatalik ng mga tala at dilim. Hindi ko makita ang peligro sa hanging mabagsik, na walang ibang hinangad kundi tulungan ang mga alon na maabot ang dalampasigan.
--
Nandito na naman tayo sa bahagi ng buhay kung kailan biglang lumalawak ang saklaw ng nakikita, at nararamdaman ng puso ang liit nito kumpara sa laki ng mundo. Nandito na naman tayo sa bahagi ng buhay na nawawala tayo at paulit-ulit nating hahanapin ang sarili sa bawat lugar na ating matatapakan.
--
Hindi birong maging isang Eba.
Sa lipunang tingin sa kanila ay putaheng may iba’t ibang lasa.
Hindi birong wala pa rin tayong ginagawa.
Hindi biro na nananahimik ka.
Sa biyaheng ilang siglo nang iniikutan ng ating mga diwa.
--
If it hasn’t been said to you enough, stay.
Stay when it hurts.
Occupy this space and welcome your heart to this brave thing called
trying.
Go back to the wonder.
--
Bakit hindi mo ko isakay sa magara mong sasakyan?
At pipinturahan natin ang daan ng kulay ng makasalanan.
Huwag kang mag-alala, atin-atin lang ‘to.
Peksman, sanay ata akong magtago ng sikreto.
Sanay na rin ang aking kamay na gumuhit ng panandaliang
paraiso gamit ang gahiganteng lapis.
Nasanay na ang mga labi ko sa isang uri ng kendi na walang tamis.
Nasanay na akong magbahay-bahayan sa ilalim ng nagkikislapang mga ilaw.
At imbis na krayola ang gamit kong krayola ay anino ng Cubao.
--
And live, Peter! Live! I wish you lived.
I wish you saw there’s more than one way of staying young.