Jump to ratings and reviews
Rate this book

Toto O.

Rate this book
Masasabing masaya bagaman simple ang buhay ng pilyong si Toto kasama ang kaniyang Lola Sida. Nagbago lamang ito nang magkagulo at biglang ipagbawal na ang pagtitinda sa isang bahagi ng palengke. Nagipit ang munting negosyo ni Lola Sida at kinailangan pansamantalang makitira ni Toto sa kaniyang Tiya Jenny.

Labag sa loob niyang mawalay sa kaniyang Lola Sida ngunit kailangan. Ang usapan, isang school year siyang maninirahan sa subdivision kasama ang mga pinsan niyang matagal niyang hindi nakasalamuha. Habang unti-unting nagiging palagay ang loob ni Toto sa lugar at sa mga bago niyang kaibigan, may mga lihim na mabubunyag sa kaniya at mapipilitan siyang harapin maging ang nakaraang pilit niyang nililimot.

Sa harap ng mga lihim na ito, mapaninindigan kaya niya ang bagong bansag sa kanya bilang Toto O. - ang batang laging nagsasabi ng katotohanan?

148 pages, Paperback

First published January 1, 2016

46 people are currently reading
368 people want to read

About the author

Charmaine Lasar

6 books40 followers
This is what 20-year-old Charmaine Mercader Lasar proved when she won the grand prize at the 65th Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Palanca Awards). Her first submission to the Palanca Awards, Toto O, was recognized under the Nobela category, a bi-annual category for novels written in Filipino.

Wattpad, an online platform that allows users to publish their originally written works, is popular but at the same time notorious. Many netizens, especially teens, love browsing through Wattpad. Critics though have lambasted Wattpad for the low-quality work that it contains as anybody and everybody can get published on the platform.

Ms. Lasar explained that this negative stereotype was what drove her to improve her craft. �Gusto ko magsusulat ako tapos masasabi ng iba na hindi lahat ng galing sa Wattpad ay mababa �yung quality (I wanted to write something so that people can say that not everything that comes out from Wattpad is of low quality),� she said.

Fueled by this goal, in a span of one month, Ms. Lasar wrote her 33,000-word novel. The story is about a young boy named Timothy John Olep or Toto who wants to leave the province he has grown up in. When a family problem comes up, Toto is moved to another province. Initially thinking this is a good thing, he eventually realizes that it was better back where he came from.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
56 (42%)
4 stars
37 (28%)
3 stars
22 (16%)
2 stars
13 (9%)
1 star
4 (3%)
Displaying 1 - 23 of 23 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
September 3, 2017
Simpleng kuwento ni Timothy John Olep na may palayaw ng Toto O. "O" para sa Olep. Pede ring ordinaryo.

Ordinaryo pero maganda. Pampaalis umay. Nanalo ng Palanca grand prize para sa nobela noong 2015. Pag sinabing Palanca, pagandahan ng gawa. Pataasan ng sining. Sining din naman ang maging ordinaryo. Sabi nga sa writing workshop na naranasan ko: pagtitimpi. Ganito rin nagsimula si Bob Ong, na ngayon siguro'y pinaka-binabasang manunulat sa bansa.

Ordinaryo ang tanong na iniiwan ng akda: kailan ka magsasabi ng katotohanan? parang simple lang ang sagot: lagi. Pero paano kung may masasaktan? Kailan ka mananahimik o kailan ka nagsasalita?

Ordinaryo rin ang may-akda. Beinte-uno anyos na Wattpad writer. Nagpapatunay ng dalawang bagay: una, kailangan lang talagang magsulat dahil kung puro nasa isip lang ang kuwento, walang mangyayari at pangalawa, may mga obra rin sa Wattpad.

Salamat sa magandang akda, Charmaine. Sa National Book Store, huwag po sanang itinda ito bilang aklat na pambata lamang. Mas maraming matatanda ang dapat makabasa nito.
Profile Image for Angelli.
6 reviews
October 28, 2016
So much love for this book and for Toto, feeling ko tropa ko din siya habang nagbabasa. I've learned and realized many things in this book. Naiimagine ko na yung nasa cover talaga yung itsura ni Toto, haha! Kudos to the writer and everyone behind the book! Hoping to read more of her works.
Profile Image for Steno.
Author 5 books28 followers
May 12, 2021
Maayos at masinop ang pagkakasulat sa nobelang ito ni Charmaine Lasar na nagwagi ng Palanca Award noong 2015. Mayroon siyang pagpapahalaga at paggalang sa wika.

Pero walang kalatoy-latoy ang kuwento.

Para sa akin, ang nobelang ito ay boring, forgettable at unimaginative. Sobrang simple para ituring na pinakamahusay sa lahat.

Pero di ba simplicity is beauty?

Well, oo. Pero sa dami ng mahuhusay na nobelang nabasa ko, hindi ko maituturing na isa ito sa best of the best na nobelang Tagalog. Okay lang s'ya, not one of the best.

But I guess the judges thought otherwise. Hindi ko alam kung ano ang nakita nila sa kuwentong ito para papanalunin ng Palanca. Oh well, marami namang nobela na nanalo ng Palanca ang hindi ko nagustuhan. What's new?

Tungkol ang nobelang ito sa buhay ni Toto na inampon ng kanyang Lola dahil ayaw siyang alagaan ng kanyang ina. Nang ipasara ang puwesto nila sa palengke, napilitan ang Lola na patirahin siya sa tiyahin niya.

Pagdating sa bago niyang tirahan, pinagmalupitan siya ng kanyang mga pinsang lalaki. Sinusuntok siya at inuutusan palagi. Kaya naisipan niyang tawagan 'yung Lola n'ya para bumalik sa dati nilang tirahan.

Dumating naman 'yung Lola n'ya agad-agad at sinundo s'ya upang iuwi sa kanila. Nakahanap na rin pala ito ng bagong trabaho. The end.

O, di ba? Sobrang simple?

Napakawalang kuwenta rin kung tutuusin. Makakahanap naman pala agad ng hanapbuhay ang Lola niya, ipinadala pa siya sa ibang kamag-anak. Puwede rin naman sanang humingi na muna ng sustento sa ina o tiyahin habang wala silang trabaho. But no! Kailangan talagang ilipat ng bahay si Toto.

All for the drama of it!

Ugh. Kairita!

Walang sense ang desisyon ng mga pangunahing tauhan. Masyado ring pamartir si Toto. Puwede namang lumaban, pero nagpaabuso pa rin sa mga pinsan. Ni hindi siya nagsumbong sa tiyo at tiya niya na mababait naman. Buwiset!

Ayoko pa naman sa mga bidang mahihina at duwag at laging nagpapaapi gayong may paraan naman para lumaban o gumanti. Hindi ko sila magawang suportahan o kaawaan. Tanga kasi. Buti nga nagdusa.

Basahin n'yo lang 'to kung mahilig kayo sa Cinderella story. Pero wala 'tong fairy godmother, walang grand ball, walang masayang love story, pero may happy ending naman (na wala ring kabuhay-buhay).
Profile Image for Percival Buncab.
Author 4 books38 followers
April 29, 2018
Nobelang galing Wattpad na nanalo ng grand prize sa Palanca.

Ang Toto O. ay isang maikling nobela tungkol sa batang si Toto, at kung pa'no niya unti-unting nadiskubre ang masamang katotohanan ng mundo. Dumaloy ang kuwento sa pagkawalay ni Toto sa kanyang Lola, na siya nang naging tangi niyang magulang.

Sa pagkatha ng kuwentong ito, may mga pinatunayan si Lasar:
1. Hindi lahat ng kuwento sa Wattpad ay mababaw, korni, at may paulit-ulit na tema at daloy ng kuwento.
2. Kayang makipagsabayan ng baguhang manunulat sa mga batikan.
3. Hindi kailangang komplikado ang kuwento para maging maganda at epektibo. Ika nga eh "Simplicity is beauty." At 'yon ang pinakalakas ng kuwento ni Toto. Isa itong ordinaryong kuwento; magaang basahin at nakawiwiling sundan. Gaya nga ng mismong aral sa libro, ang paglalahad ng totoong nangyari ang mahalaga sa pagkukuwento.
Profile Image for Faye.
1 review
January 26, 2017
Simpleng simple pero dinurog ako ng kwentong ito. Maraming salamat sa isang napakagandang akda, Lasar.
Profile Image for Walter Adrian Wines.
9 reviews
November 20, 2016
Masarap maging kaibigan si Timothy John Olep o mas kilalang bilang Toto O. Sana magkaroon din ako ng kaibigang katulad ni Toto O balang araw :-)
Profile Image for fooleveunder.
157 reviews
July 5, 2025
Sa una ay akala ko, two-star rating lang ang ibibigay ko rito. Tulad ng sinabi ni Madam Bebang Siy sa blurb niya sa aklat na ito, ordinaryo lang ang simula ng kuwento. Totoo ito. Umabot sa kalahati ng aklat, sakâ pa lang naisakatuparan ang deskripsiyon ng aklat sa pabalát nito sa likurang bahagi. Matapos nito, sunod-sunod na ang umaatikabong eksena. Ang pagiging payak ay estilo para sa mas nakalulungkot na pangyayari, mga mapagtatantong kaibahan at kapareho ng noon at ngayon ni Toto O.

Si Timothy John “Toto” Olep, o naging si Toto O. dahil sa aksidente, ay isang napakabuting bata sa kabila ng masalimuot na nakaraan at pinagdaanan niya sa tinirhan niyang bahay. Biniyayaan naman siya ng maalagang lola at mabubuting kaibigan sa dalawang lunan ng kuwento. Pero tumatakbo sa isip ko kung nasaan ang katangiang palaging matapat ni Toto? Hinahanap ko lagi ang pagkakataóng ito pero wala. Napangatawanan lámang ito nang sabihin ni Toto sa Lola niya na mas mahirap maging kalaban ang sarili; ang magtapat at gawin ang dapat. Naipaliwanag din naman sa dulo ng kuwento ang kaugnayan ng katotohanan bílang sentral na ideya ng kuwento; na hindi maniniwala ang lahat sa katotohanan, bagaman may ilang tatanggapin ito. Makikita ito sa tugon ng mga mag-anak na tinuluyan niya.

[A]ng pagtanggap sa katotohanan ay parang pagsubo rin sa isang hindi pamilyar na pagkaing may magandang presentasyon. Sa una, natatakam, nakaeengganyong tikman. . . . Sa unang tikim, may mapapangiti at may mapapangiwi. . . . Hindi palaging madali ang pagtanggap sa katotohanan. Tulad nga ng pagkain, may mga táong kapag hindi nagustuhan ang katotohanan, walang pagdadalawang-isip na iluwa ang nalaman—hindi tatanggapin o aayawan.


Pagdatíng naman sa emosyong nakuha ko, normal lang ang natanggap ko sa unang kalahati ng libro. Magaan basahin ngunit payak ang nangyayari: eksena sa tindahan, sa mga kaibigan, paglipat-bahay, at iba pa. Pero nang naging komplikado na ang kuwento dahil sa mga pinsan niya, gumanda na. Nasabik na ako. Maganda ang papel nina Jilian at Allen bílang tagapag-aruga sa sasabog nang puso ni Toto. Masasalamin din ang mga payak ngunit katotohanan sa maliliit na bagay: mga magulang na hindi nakokontrol at nadidisiplina ang mga anak, isang panganay na responsable at mabait, bunsong adik sa kompiyuteran at bulakbol, pangalawang anak na adik sa pornograpiya, tamad, at mapanakit. Naiyak ako noong tinawagan ni Toto O. ang kaniyang lola pati ang pamamaalam ng ina niya sa kaniya. Sana nga lang ay binigyan pa ng katwiran ang pag-iwan ng ina ni Toto sa lola nito.

Pagdako naman sa masinop na pagsulat, mangilan-ngilan lang ang napansin kong namali sa baybay at bantas. Ang dapat na /’/ para sa pagtatapyas ng titik ay ginawang /‘/. Marahil ay awtomatikong nagiging ganito talaga pag tinitipá nang inuuna ang bantas bago ang salita. Magbibigay ako ng halimbawa: Sa ’Yo at hindi Sa ‘Yo. Pero hindi na ako mamumulis, okey? Nasagip naman ito ng paraan ng pananalita ng tagapagsalaysay sa kuwento.

Magaan basahin pero may bigat ng damdámin sa gitna at sa dulo. Mahusay!

This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Michael Nelmida .
75 reviews
September 17, 2018
"Wala na ngang mas gaganda pa sa isang kuwentong hango sa katotohanan. "

Hindi ko lang alam, kung ang intensiyon ni Lasar ay mangaral, o ang kuwentong ba ito ay hango sa katotohanan o nag-imbento siya ng sariling bersiyon ng katotohanan bilang manunulat.

Pansinin din natin ang pahayag ni Toto O sa huling kabanata. Ang katotohanan, hanggat maari ay hindi dapat itinatagi, kinikimkim o pinasusunungalingan. Ang katotohanan ay katotohanan.

Ang katotohanan nga ba ay isang unibersal na bagay?

Isa pa, Lola, sabi n'yo mahirap kalaban ang mapera at makapangyarihan, mas mahirap po pa lang kalaban ang sarili. May mga bagay na kahit alam mong tama, magdadalawang-isip ka pa rin gawin kasi maraming puwedeng maapektuhan ... tulad sa pagsasabi ng katotohanan.

Si Toto kahit sa musmos niyang gulang ay mulat sa reyalidad ng buhay. Siya ay mapagmasid at mapaglimi sa iba't ibang bagay.

"Minsan, mas mahirap maging kalaban ang sarili. Mahirap labanan ang sariling utak, ang sariling pakiramdam at sariling puso. "

Nakikita niya rin ang limitasyon ng isang tao at ang pinakahigit na kalaban niya ang - sarili.

Hindi simple ang naratibo ni Lasar, ipinaliliwanag niya lamang ang mabigat na paksa sa isang madaling paraan. Kailangan natin ng maraming kuwentista ganito ngayon, ngunit huwag lang lalabis.

Marami sa aspirasyon ni Toto bilang bata ang makapunta sa Manila mula sa kanayunan, na sa inaakalang tagapagligtas sa mahirap na buhay. Makikita rin ang sterotipong pagtingin sa lalaki na huwag umiyak, na sa kabila ng wasak na pamilya ay pipilitin pa rin magpakalalaki. Ito ang mga sumasalamin sa makatotohanang pangyayari sa lipunan .

"Pero mali talaga 'yong sistema na idedepende sa antas ng katalinuhan ng isang bata ang seksiyon niya. Hindi dapat nila ginagawa iyon. Mas lalong tinatamad ang mga batang mag-aral kung hinuhusgahan sila ng paaralan nila. " Ang sinabi ni Ate Clarisse hinggil sa diskriminasyon sa mga paaralan.

-

Isa sa pinakagusto kong linya rito ay .. "hindi na baleng walang Santa, basta may Lola Sida." 

Hayaan niyo munang basahin ang isang tulang kinatha ni Toto

Tabi

Ang pinakapaborito kong lugar samundo,
ay sa tabi ng pinakamamahal kong lola.
Sa bawat yakap at haplos niya,
daig ko pa ang nagbakasyon sa Amerika.
Sa bawat pangaral at kuwento niya,
kagandahan ng mundo aking nakikita.
Sa bawat ngiti rin ng aking lola,
ibang planeta aking nabibisita.
Kaya walang duda,walang pag-aalingan pa.
pinakpaborito kong lugar ay sa tabi ni Lola [Sida]


Tunay akong nakarelate sa tauhan ni Toto, Totoo ito, dahil una, laki rin kasi ako sa Lola, mas una rin namatay si Lolo pero hindi katulad ni Toto, sa bandang huli sa kaniya may sumundo pa sapagkat sa akin ngayon wala na.

Lagi ko na lang sigurong iisipin ang payo ng kaibigan ni Toto O na si Jillian "Siyempre gan'n talaga. Hindi naman por que sa 'yo sumama noong una, sa 'yo na sasama hanggang sa huli. "





This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for all the best, mart.
53 reviews2 followers
May 2, 2021
Mataas ang inaasahan ko sa librong ito kaya gano'n na lang talaga siguro ang pagkadismaya ko matapos ko itong mabasa. Maganda ang nais iparating ng kuwento — katotohanan. Isa na ata ito sa pinakamahirap gawin o isabuhay dahil sa napakaraming dahilan. Maaaring dahil ayaw nating makasakit ng iba, o maaaring dahil tayo ay naduduwag. Kaya naman noong nalaman ko ang pinakapangunahing paksa ng librong Toto O, agad ko itong dinampot at dali-daling binasa.

Sa umpisa, napakabagal ng usad ng kuwento. Maraming mga detalye na sa aking palagay ay maaari ng tanggalin dahil hindi naman ito dumaragdag para pagalawin ang kabuuan ng kuwento. Sa madaling salita, napakaraming filler. Kahit noong dumating na ako sa pinakagitnang bahagi ng libro, hindi ko pa rin mahanap ang mga inaasahan ko sa libro.

Ang mga karakter din ay hindi nabigyang pansin ng manunulat upang sila'y maging buo at kapana-panabik. Wala akong maramdamang kahit na anong awa, pagmamahal, o anumang pakiramdam. Iyon pa naman ang pinakatinututukan ko sa isang akda, ang mga karakter Kahit gaano pa kagasgas ang plot, basta't maramdaman ko o mailagay ko ang sarili ko sa kanila, panalo na para sa akin ang libro. Pero wala. Hindi ko iyon nakita o naramdaman. Idagdag pa ang mga patay na dialogo ng mga pangunahing tauhan na para bang nanunuod lang ako ng roleplay sa isang klase namin noong elementarya Walang dating.

Marahil ang dahilan nito ay ang kawalang sustansiya at husay nang pagkakalahad ng kuwento. Sang-ayon ako sa ibang mga suri ng akdang ito — normal at ordinaryo lamang ang libro. Maging ang mga salita at paglalarawan. Isama pa ang may karamihang typographical error ng libro na talaga namang pumupukaw sa aking atensyon dahil ito ang isa sa aking mga pet peeves pagdating sa libro.

Maganda sana ang pangunahing paksa, nakulangan lang talaga ako sa mahusay na paglalahad at maging sa pagkakabuo ng mga tauhang — na sa aking opinyon ay hindi buo at ni hindi tumatak sa aking isipan. Katotohanan ang pangunahing paksa ng librong ito ngunit nang akin itong isara, wala akong naramdamang pagyanig sa aking mga paniniwala sa buhay. Sa aking palagay, malaking kadahilanan ang hindi pagtitiwala ng manunulat sa kanyang mambabasa na mag-isip, dahil siya na rin mismo ang naglatag nito sa pangwakas na bahagi. Sa madaling salita, spoon-feeding ang nangyari.

Sa kabuuan, malaki ang paghanga ko sa manunulat, sa kanyang tapang na baliin ang maling pagkilala ng marami sa mga tulad niyang manunulat mula sa 'Wattpad'. Oo, siya'y nagsimula roon. Alam naman ng marami sa atin kung anong kalakaran mayroon sa platform na iyon, hindi ko na iisa-isahin. Sa huli, tagumpay siya. Kahanga-hanga ang pagkapanalo niya sa Palanca. Isa siyang malaking inspirasyon at sampal sa mga taong mababa ang tingin sa mga manunulat ng Wattpad. Mabuhay si Ms. Lasar!
Profile Image for Maria Kristelle Jimenez.
8 reviews1 follower
April 16, 2022
Isa sa mga rason kung bakit hindi ko kaagad binili ang “Toto O.” ay dahil sa tila precautionary tale na hatid ng introduksyon nina Eros Atalia at ni Bebang Siy. Ordinaryo lamang ang kuwento. Ordinaryo lamang ang karakter. Ordinaryo lamang ang buhay nila rito. At kung bakit noong taong 2016 ay napakabigat na bagay ang maging ordinaryo —para siguro maputol ang siklo kung saan may ilang pagtatangka sa paglikha ng mga transgresibo’t radikal na panitikan noong mga sandaling yaon.

Matapos ang anim na taon ng pagsulpot ng nobelang ito, ganito pa rin ito. Nanatiling ordinaryo. Nanatiling umiinog sa buhay ng isang ordinaryong Toto, na inaalagaan ng isang ordinaryong Lola Sida, na kinailangan makipisan sa mga ordinaryong kamag-anak na sina Tita Jenny, Clarisse, at Clark. Na ordinaryo lang ang maging malihim, na ordinaryo lang ang magkimkim, na ordinaryo lang ang magtiis sa mapang-abusong pamilya.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko ito mabigyan ng mas mataas na puntos bagaman pino at malinis ang pagkakasulat nito: dahil sa pagiging ordinaryo nito ay tila tindig sa normalisasyon ng mga mores na hindi nakabubuti sa isang komunidad—sa imahen ng isang pamilyang Pilipino. Sa pagturing na ‘ordinaryo’ lamang na maging labis na mapagtimpi sa persepsyon na dapat mamalagi lamang sa ilalim ang tinaguriang mahinang pundasyon ng pamilya (ang bata na si Toto at ang matandang si Lola Sida); nabubusalan ng naratibo na ito ng pagkakataon ng minorya na magsalita.

At bakit inabot pa ng sukdulang opresyon bago nagkaroon ng espasyo ang katulad nina Toto at Lola Sida? Bakit kailangang ito ang maging imahen ng ordinaryo—na manahimik kahit patuloy na inilulubid sa tanikala?

Gusto kong isipin na lamang na kaya inilikha ang mga babasahin ay para magkaroon ng espasyo ang mambabasa na maging kritikal, na kuwestiyunin ang sistema sa loob, labas, at lalim (sa nosyon ni Freud) ng sikolohiya ng pamilyang Pilipino. Irerekomenda ko pa rin ang pagbasa ng akdang ito, pero may ibayong pag-iingat sa pagtataklob sa pagiging ‘ordinaryo’ ng nobela—habang tinatanggalan nito ng accountability ang awtor sa pagiging balintiyak (o passive) ng akda.

Dahil repleksyon ang akda ng politika ng awtor (kahit ito ay pilit inilalayo at inihihiwalay ng ilang guro ng malikhaing pagsulat). Hindi lang dapat maging malikhain, kundi lalong higit na maging malinaw tayo sa ating nais ipahatid sa mambabasa.
Profile Image for Darwin Medallada.
34 reviews2 followers
January 5, 2018
Wala namang malaking kwento ang Toto O. Mga normal na karakter ang narito. Normal na narration. Magaan lang ang kwento at ang narration kaya naman kung marami akong oras ay matatapos ko nang isang basahan lang.

Tuwang-tuwa ako kapag nag-aaway si Allen at Jillian at ang karamihan sa mga bata dito sa kwento ay parang matanda na kung magpayo. Merong isang eksena sa libro na gustong-gusto ko, ito yung parte na nagkita na si Toto at ang Nanay Shiela niya. 'Yung tipong nasa iisang bahay lang sila (matagal na hindi nagkikita) pero hindi man lang sila nag-uusap ng matagal. Ang sakit sa pakiramdam. Gustong-gusto ko rin 'yung part na may pagyakap sa huli. Siguro dahil bihira ako makakuha ng yakap sa mga kaibigan (hikbi sa kabilang sulok) kaya nalungkot ako. At siyempre, dahil may espesyal na parte sa puso ko ang mga lola, bet na bet ko si Lola Sida dito dahil lolang-lola ang ganap niya.


Sa kabuuan nagustuhan ko ang nobelang ito ni Charmaine dahil tumatalakay ito sa kung gaano ba kabigat ang katotohanan o kung lahat ba sa atin na makakasaksi ng katotohanan ay kayang isiwalat ito kahit pa ikakasira ng mga taong maaapektuhan. Unang libro sa 2018! Yey!
Profile Image for Jireh.
62 reviews
April 28, 2018
Recommending this to my teacher friends: make your kids read this, please.

Simple lang ang pagkakalatag ng plot, pero seryosong tumatalakay ng hamon ng pagiging "TOTO O" lalo na ng mga bata/kabataan sa mga panahon at pagkakataon na hindi madali, bagamat sana'y mukha ng madaling.

#bullying #childhood #friendship #family #choices #existentialintelligence
Profile Image for kc.
12 reviews
July 8, 2025
payak, ngunit may puso.

sa mundong napakakumplikado at nakalilito, kailangan natin ng mas maraming tulad ni Toto O — handang magsabi ng totoo at manindigan para rito. minsan sa buhay, hindi mo naman talaga kailangan ng santa claus; walang kislap o regalong makahihigit sa ligayang dala ng katotohanang mapagpalaya.
Profile Image for Mark Alatraca.
41 reviews1 follower
February 18, 2021
"Katotohanan ang nagpapalaya sa atin." Matagal ko nang naririnig ang kasabihang 'yan pero agad na sumagi sa isipan ko nang matapos basahin ang buong kuwento.

Simple lang ang paglalahad ng kuwento pero ang dulot nitong emosyon ay kakaiba. Totoong maganda ang Toto O ni Charmaine Lasar.
2 reviews
January 5, 2018
Walang magarbong naratibo, walang mapalabok na salita, pero masasagi nito ang dapat sagiin, matatapik ang dapat tapikin, makakanti ang dapat kantiin. Pagbati sa isang napakagandang nobela.
Profile Image for lei.
49 reviews
September 16, 2019
Simple lang ang kwento pero may touching moments to the point na nangilid ang luha ko.
1 review
March 19, 2020
Gusto ko magbasa kaso may bayad. Period dot. Pagbigyan nyo naman ako basahin ito.
Profile Image for Romualdo.
8 reviews1 follower
June 24, 2022
Ang panghatak ng Toto O ay ang payak nitong istoriya. Isang coming-of-age na bagamat may kakayahang maging melodramatic ay piniling magtimpi at maglahad ng katotohanan sa inosenteng paraan.
Profile Image for Mark Anthony Salvador.
186 reviews11 followers
July 11, 2022
Laki ako sa lola't lolo kaya naka-relate ako sa akda. Pero pangkaraniwan ang kuwento. Pangkaraniwan dahil hindi natatangi ang mismong tema. Hindi ba't sa malikhaing pagsulat ay karaniwang tanong kung magsisimulang sumulat ng kuwento ang "Ano ang kakuwento-kuwento d'yan?"

At pangkaraniwan dahil hindi namimilosopiya ang akda. Nasa antas lang ng pagsasalaysay sa rabaw na antas (surface level).
Profile Image for Billy Ibarra.
195 reviews18 followers
June 23, 2022
Walang mabigat sa kuwentong ito, karaniwan lang. Karaniwan pero may sinasabi, hindi karaniwan na parang wala lang.
Displaying 1 - 23 of 23 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.