Malalaking negosyo ng kasuutan ang nagtakda ng kulay na rosas para sa sanggol na babae at asul para sa lalaki. Ang rosas daw kasi ang kulay na sumisimbolo sa pag-ibig, kagandahan, kabaitan, tamis at romansa. Ang asul naman daw ang kulay ng lakas, talino at katapangan. Nag-akyat sa kanila ng limpak-limpak na salapi ang kampanyang ito.
***
Ang mga fairy tales ay ginamit na propaganda ng diktadurang si Adolf Hitler sa panahon ng Nazi Germany o Third Reich, bilang suporta sa pagbabawal o total ban ng kanyang gobyerno sa pagkakaroon ng edukasyon o career ng mga babae.
***
Sa ilalim ng Code of Hammurabi, ang babaing may asawa, pag nagahasa, pareho sila ng nanggahasa na parurusahan ng kamatayan. Puwede pa rin namang patawarin ng hari ang lalaki at siya, puwede pa rin namang isalba ng kanyang asawa. Kaya kapag pinatawad ng hari ang lalaki at siya ay hindi pinatawad ng asawa niya, siya pa ang lalapatan ng parusang kamatayan.
***
Pagkababa ng Martial Law, sinunog ng puwersa ng gubyerno ang buong coastal village ng mga Muslim sa Malisbong, Palimbang sa Mindanao. Lahat ng babae ay magdamag na ikinulong sa mga barko ng Navy at Marines at ginahasa. Marami sa kanila ang nasiraan ng bait sa dinanas na torture at sa pagkalipol ng isang libo at limandaang kalalakihan nila na inipon ng mga sundalo sa mosque at pinagbabaril.
Lualhati Bautista was a Filipina writer, novelist, liberal activist and political critic. She was one of the foremost Filipino female novelists in the history of Contemporary Philippine Literature. Her most famous novels include Dekada '70; Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?; and ‘GAPÔ.
Magaan basahin, tulad ng lahat ng klasik ng panitikan. Matapang at naglalayong magpalaya ng kababaihan, kabataan at maging ang kalalakihang napag-iwanan na ng panahon dahil sa maling paniniwala ukol sa sarili, kapwa at sa mundong kinabibilangan. Balanse at masarap limlimin at balik-balikan, parang pinaghalong tsokolate't kape - matamis at tunay na nakakagising ng diwa. Ang "Hinugot sa Tadyang" ay di matatawaran sa lawak ng sipat nito at sa lalim ng nais nitong ayusin sa lipunang Pilipino. Rekomendado para sa edad 10-100.
Unang aklat ni Bautista na non-fiction. Ngunit ang hagod ng naratibo ay parang nagkukuwento lang. Kung nabasa ninyo ng buo ang kanyang "Desaparecidos" na may mahabang paglalahad ng mapang-abusong rehimen ng US-Marcos noong panahon ng Martial Law, sampuin mo iyon. Tapos, ipasok mo ang iba't ibang paksa ukol sa karapatan ng mga kababaihan kasama na kung paano nila ipinaglalaban ang kanilang karapatan bilang babae (na kapantay ng lalaki) kung di man bilang tao.
Marami akong natutunan rito. May mga balita o pangyayari noong estudyante pa ako na narinig ko sa TV o headlines na nabasa sa diyaryo pero hindi ko inintindi o wala akong panahong intindihin o censored na ang balita. Isipin nyo yon, kung hindi pa kay Bautista, hindi ko malalaman ang totoong nangyari katulad ng pagdo-donate ni Marcos sa campaign fund ni Nixon, ang massacre sa Palimbang kung saan maraming Morongpinatay na kinulong sa mosque, ang korupsyon sa Masagana 99, ang ilang pinadukot at pinatay noong Martial Law na ang mga kuwento ay ngayon ko lang nalaman kagaya ng kina Dr. Juan Escandor, MacLiing Dulag at ang pagbangon ng ilan sa mga biktima ng Batas Militar. Pagbangon na kahit sila ay kinulong at pinahirapan (kung di man na-rape) ay natutong lumaban sa buhay at hindi hinayaang tuluyan masira ang kanilang buhay kagaya nina Etta Rosales, Judy Taguiwalo (na kailan lamang ay ininsulto ni Sen. Tito Sotto sa Senado), Hilda Narciso at Aida F. Santos. Ang kanilang mga kuwento ng pagbangon kasama na ang kay Malala Yousafzai ay nagbigay ng tamang positibong wakas sa akda. Ito ay makaraan ang mga sanaysay ukol sa madidilim na pangyayari sa bansa upang magbigay halimbawa ng pag-asa.
Paborito kong bahagi yong isang talatang sinipi sa akda ni Sei Shonagon, isang manunulat noong 10th century Japan.
Nagsimula sa pagpili ng tamang kulay, sa fairy tales, sa diktatura, may politika, napapanahong isyu at marami pang iba.
Maraming salamat Bb. Lualhati marami akong natutunan..first quarter storm, labor day massacre, escalante massacre etc. etcPangyayaring hindi ko nabasa sa history books.
Ang libro ay hindi lamang para sa mga kakababaihan, eto ay para sa lahat! Lalake, babae, bata o matanda! Para sa bawat Pilipino :)
Nagtatangka si Lualhati Bautista na magsuri tungkol sa mga kasalukuyang kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Maganda ang pagsusuri dito ngunit kulang lente ng pagka-Filipino at mas piniling kumuha na lamang ng (mga) datos mula sa Kanluran.
Sa unang bahagi ipnakilala ni Lualhati Bautista na ang kasarian sa sinapupunan pa lamang ay isang bilangguan. Ito rin ay dulot ng pagtutunggali mula sa lipunan, na ang kasarian ay nagtatakda sa kombenisyonal na antas nito. Ginamit ang babae bilang isang obheto, para magpatuloy ang ang neoliberalismo? Dahilan ba ito ng patriyarka na apektado ang parehong kasarian? Maari itong i-debunk gamit ang siyensiya tungkol sa pamimili ng kulay.
Sa ikalawang bahagi mistulang naging mind conditioning sa mga bata na kung susunod ka makatatanggap ka ng gantimpala. Iba ito sa istorya ng ating Sinderela. Ayon sa pagsipat ni Joi Barrios, hayaan niyong ipakilala sa inyo si Abadeja, ang ating Sinderela na hindi Sinderela. Dito nakita natin nagtangka si Lualhati na bumuo at gumaw ang adaptasyon ng kuwento imbis na buhayin o dili kaya maghalungkat sa isang katerbang batis ng mga Filipino. Nakalimutan tignan ni Bautista ang kultural na aspekto, sa pagsusuri na tanging materyal na bagay lamang o nakikita sa mata ang binigyang suri. Naisalaysay ring palakasin ang isang argumento na nabanggit dito tungkol sa birhen o(r) "virginity" ay isang social construct sa Europa ng (mga) kapitalista.
Sa ikatlong at ikaapat na bahagi ang mass midya ang siyang nagtatakda sa [mis]representasyon ng kababaihan. Ito ang nagsilbing persepsiyon, desepsiyon at ilusyon ng isang tao. Mahalaga ring aspekto ang wika sa paghubog sa pananaw ng babae at lalaki. Ngunit sa sariling wika "siya" ang ginagamit na pantukoy para sa isang tao, dito sinasalamin ang ating wika na nakabigkig ang kultura na walang umiiral na diskriminasyon sa atin, dahil pantay ang pagtingin sa babae, lalaki at ibang kasarian lalo na sa pre-kolonyal na era. Nakita rin natin ang relihiyon, na nagtatakda ng patriyarka kung sino ang dapat sambahin at dapat sundan sa pagiging mahinhin, dahil sa katunayan wala namang kasarian ang Diyos. Mariin din nating tintutulan ang pangagahasa sa kababaihan at/o kalalakihan. Ito ay pagyurak sa kanilang dignidad lagpas sa pisikal na antas. Ang mga kasong ito ay katulad ng kay Pepsi Paloma pansinin ang sponsor ng Eat Bulaga ay Coke baka na-ano lang (?) Laganap pa rin ang victim blaming sa lipunan na may pagkakasala pa ang taong siya na ang naging biktima siya pa ang sinisisi.
Dito naalala ko ang tula ni Joi Barrios: Gahasa ang pamagat tungkol sa paglilitis sa mga nagahasa. Hayaan niyo akong ipabasa sa inyo :
Ihanda ang mga ebidensya
Eksibit blg.1: baril o kahit na anong sandata patunay ng pagbabanta
Eksibit blg.2: panti na may mantsa patunay ng kabirhenan ng dalaga
Eksibit blg.3: sertipikasyon ng doktor Patunay na-- a: sapilitan b: lubusan ang pagpasok ng ari
Eksibit blg.4: sertipikasyon ng pagkatao patunay ng hindi pagiging puta
Ipasok sa hukuman ang nasasakdal Iharap sa hukuman ang nagsasakdal Simulan ang panggagahasa
Biglang nagbago ang tono sa ikalimang bahagi na magpapakita nang pang-aabuso sa panahon ng Batas Militar mas maganda siguro na pinatili ang pagsuri tungkol sa kababaihan. Ano ang kalagayan nila, sila ba ay subheto para sa diskriminasyon sa trabaho at iba pa. Dito mas naging politikal ang tinig. Ano ba ang nais isawalat ng aklat? Magtatapos ang libro mula sa mga anekdota mula sa mga babae na mas maganda para sa akin ay mula sa kababaihang mga Filipina na nagtagumpay. Sa pre-kolonyal era pa lamang , wala na ang diskriminasyon na ito, at ang feminismo, ay isang gahom na paniniwala. Naniniwala ako sa pagpapalakas sa babae gamit ang kasaysayan. Iba na itong larawan na dapat kuhaan.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Highly recommended gender-related book! Malinaw na natalakay ang manifestation ng gender biases sa loob ng bahay, paaralan, simbahan, at pati sa midya.