A self-taught artist, Bong Redila grew up in a small town in the Philippines where, as a kid, he daydreamed about making paper planes as a full-time job. Now a full-time husband and a father living in Miami, Florida, he daydreams about flying on a paper plane.
Meläg is a visual treat of exceptional quality. Bong Redila has painstakingly drawn each page with careful pen strokes which he imbued with passion, magic and family. The result is a graphic masterpiece that traverses the whimsical and peculiar to the poignant and heartfelt; it is one that truly delivers the author's truly Filipino childhood.
A sea of lines. Meläg is beautifully drawn with these million pen strokes, something which I haven't seen for a long time since Thompson's Habibi.
This book is a collection of short stories and comics. Many of them are clearly inspired by Redila's childhood in the Philippines' northern province of Pangasinan. Coupled with flying trains and houses, a salakot (wide-brimmed hat) wearing genie, perya (a funfair) and a dancing mechanical robot, these make reading Meläg a truly unique and satisfying experience.
I highly recommend this book. If ever you get a chance to see this in our local bookstores, by all means, get it right away.
Pangmatandang komiks. Positibong pagtingin yan. Karamihan kasi sa komiks ay tungkol sa mga superheroes, lamang lupa, lumalakad na bangkay at kung anu-ano pang kababalaghan. Mga pambatang komiks. Marahil, dahil nasa rurok pa ang andar ng kanilang imahinasyon. Lumilipad pa and isipan at buo pa ang maraming maraming pangarap. Habang nagkakaedad na ang tao, unti-unting nagiging realistiko ang tingin natin sa mundo. Walang taong nakakalipad. Walang taong hindi namamatay dahil hindi tinatablan ng bala. Walang taong napuputol ang katawan at ang kalahating itaas ay nagkakapakpak at lumilipad. Wala. Ulit: wala.
Pero dito sa mga aklat ni B. Redilla, parang gusto mo ulit isipin na meron. Hindi lang nga sa porma ni Superman o ng manananggal. Kundi, sa pagbabalik-tanaw ni Bong Redilla sa kanyang kamusmusan sa isang bayan sa Pangasinan, gusto mo syang samahan at makisalong bumalik din sa iyong sariling kamusmusan. Kung saan ang mga pangitai't pagasa, pangamba't kalungkutan, panghinip o realismo'y isa-isa ninyong susulyapang muli't bibigkisi't upang ipatangay sa ihip ng hangin tungo sa kawalan ng hinaharap. Ang siyam na kuwento ni Bong Redilla sa aklat nyang ito ay hindi kinakailangan ng mga talata't saknong upang ilahad. Sa halip, mabusising mga larawang siya mismo ang may likha. Tuloy, naisip ko: sa ganitong katinding emosyong hatid ng mga kuwento, ano na lang ang nararamdaman ni Bong Redilla habang iginuguhit niya ang mga larawan sa mga kuwentong malapit sa puso't kaluluwa niya?
Dito, ang dyening lumabas sa bote ay nagbibigay ng anumang hiling. Dito, ang bahay at lumilipad sa pamamagitang ng mahiwagang walis. Dito, ang tao ay nakakarating sa paroroonan na hindi sumasakay sa tren. Pero gusto mo pa ring mahiwala. Kahit matanda ka na. Dahil ramdam mo, sa pagbabasa ng kuwento ni Bong Redilla, sa pagunawa ng kanyang guhit na mga larawan, ang kanyang musmos na damdamin. Na di nawawalan ng pagasa. Na patuloy na naniniwala.
Ang mga larawan ay nagpaalala sa akin ng mga dibuho ng lumang foreign classics kagaya ng mga children's books ni Lewis Carol, Hans Christian Anderson o Brothers Grimm. Yong black and white na drawings. Tapos classic (pangmatanda, no pun intended nga) din ang kuwento. Kaya, classic ang feels ng librong ito. Hindi masama, malamang magiging classic talaga ito. Ibig sabihin, babasahin ng marami pang susunod na henerasyon.
Dalawang paboritong kuwento rito: "Hiling" kasunod yong "Bago Pumatak ang Ulan."
Pagpupugay at pagsasalamat, Bong Redilla. Narating ko rin ang Melag mo.
Actual Rating: 2.5 stars It was an okay read. The only one I really enjoyed was "Ang Sayaw" while the rest felt subpar. On the plus side, the artwork was amazing.
This book will bring you between the spaces of fantasy and reality - a truly inspiring book. The illustrations are beautiful, as well as the stories in it. Reading this book is like being in an adventure with Hugo, or flying a dragon, or befriending creatures other than human beings. To simply put, this book is magic.
Favorite story: "Hiling"
REREAD: November 2017 I am in the mood to read something that feels like home. So, I reread "Melag" by Bong Redila. It somewhat reminded me of "The Night Circus" by Erin Morgenstern - which is one of my favorite books, by the way.
Hindi ko kilala si Bong Redila. At wala pa akong nababasang akda nya. Ngunit nang mapanood ko pa lang ang book trailer ng librong 'to, mas lalo akong na-excite sa Komikon 2016. Sadyang malapit lang siguro ako sa mga manunulat at komikerong may pagkakahalintulad sa akin pagdating sa trabaho o hilig. (Kagaya ni Mervin na into web development din.) Kaya nung mapanood ko ang lahat ng mga gawa nyang videos, naging instant idol ko na agad s'ya. Syempre mas angat yung may dalawa kang hinahangaan sa isang tao.
At dahil naging curious nga ako sa laman ng librong 'to, ito na agad ang unang binasa sa mga nabili noong nakaraang Komikon. At dito ko napatunayang ang galing nya! hindi lang sa detalyadong pagguhit na nakakamangha, kundi pati na rin sa mismong kwento. Ang lawak ng imahenasyon nya sa paglikha ng mga kwentong nasasaksihan sa tunay na buhay at dinala sa hiwagang kayang maabot ng ating mga isipan lamang. Sa bawat patatapos ng isang kwento, iniiwan nito ang lungkot, ligaya, pagtataka at pagmamahal.
Nais kong sumabay sa paglipad ng eroplanong papel upang masaksihan pa ang ibang kwentong napapaloob sa mahiwagang bayan ng Meläg.
B Redila's Melag — one of the best Filipino graphic novels that came out of nowhere and without a warning. My mind was blown away by the meticulous and elegant art. And most importantly the stories touched my heart. This book also brought me to the author's Borderline website (http://bongredila.tumblr.com/) and I was hook. I've never heard of B. Redila before but now I'm a fan.
Sa wakas lumabas din ang libro ni Bong Redila. At sulit na sulit ang paghintay. Sobrang ganda ng libro mula sa cover hangang sa loob. Kahit na nabasa ko na yung ibang lumabas na mga kuwentong galing sa Sikami, ang sarap pagmasdan ang mga guhit nya dito dahil sa masmagandang quality ng printing. Punong puno ng damdamin ang bawat pahina. Ang sarap ulit-ulitin.
Naubusan ata ako ng salita... Walang pangungusap o talata man ang makakapag-describe ng experience ko sa sandaling pananatili ko sa Melag. Tunay ngang mahiwaga at nakakaaliw. Para sa mga susunod na bibisita dito: Akar laa!!
#SarilingAtin
UPDATE:
“Ang kaligayahan ay matatagpuan kung saan-saan.”
Nakaka-enjoy bumalik sa pagkabata. Walang galamay ng realidad ang gumagapos sa mga musmos na kaisipan. Ngunit mahirap na ibalik ang mga panahon na iyon.
Ngunit binigyan ni Bong R ang pangarap na bumalik sa mundo ng imahinasyon ng pagkabata sa pamamagitan ng kanyang mga Comics. Muling bumalik ang mga posibilidad ng imahinasyon ng walang singkaw ng realidad. Muling nag-laro sa imahinasyon ang , tren na magdadala sayo sa lugar ng lumilipad na bahay at mga simpleng kaligayang dulot ng asukal.
Halina. Sumakay sa PNR ng byaheng alas dos at pumasyal sa Melag.
Kahit ilang beses ko na nakita ang mga drowing ni Bong Redila, palaging may hiwaga sa akin ang mga linya at residente ng Melag. Parang gusto kong pumasok sa mundo nila at makipag-usap. Gusto kong puntahan ang karnabal, sakyan ang pnr, isayaw ang robot at mangarap na parang bata ulit.
Pucha ang ganda. Lagi akong excited sa fantasy work na Pilipino at masaya ako at namangha sa nadiskubre ko sa Meläg. Short, lyrical, at puno ng puso at imahenasyon. Bilang isang (naga-attempt) na manunulat, lagi akong nai-inggit sa mga tulad ni B. Redilla (pati na rin ni Emiliana Kampilan) sa kakayanan nilang gumawa ng mundo gamit ang iilang salita at napaka-evocative na pag-guhit.
Hanggang ngayon ay naiisip ko pa din ang sinabi ng isa sa aming mga myembro patungkol sa akdang ito. Tunay nga na napakaganda nito.Hindi nga sya nagkamali sa pagsaasalarawan nya gamit ang mga tinta at papel.
Sa unang pahina pa lamang nito ay nabighani na ako sa linis at pagkadetalyado ng obra. Dinala ako ni Sir Bong Redilla sa isang dimensyon na pinuno ng isang malawak na imahinasyon at sining.
Ngunit ano nga ba ang Melag?
-Isa ito sa mga tanong na pumukaw sa akin upang usisain kung ano ang laman nito. Naroong isipin ko kung ito ay isang salita sa ibang rehiyon ng ating bansa o ito ba ay isang salitang ginwa lamang ng malikhaing kaisipan ng may akda. Dito ko napagtanto na ibinigay ng awtor sa mga mambabasa ang kahulugan ng salitang ito. Hinayaan nyang ako mismo ang magbigay ng kahulugan dito habang aking hinahawi ang bawat pahina.
Ang Melag pala ay isang mundo na kung saan may kalayaan kang mag isip ng malawak. Ito ay isang lugar kung saan walang limitasyon at walang pagpipigil sa pagpapalawak ng mga bagay na sa tingin mo ay imposible ngunit dito ay posible. Makulay kahit kahit ito'y inilapat sa puting papel at mga tintang itim, nagmistulang nagsabog sya ng mga kulay sa mga pahina at lubos kong ikinatuwa. Ito ay kalupunan ng mga pangyayari na tumatalakay sa mga kaganapan na minsa'y napag-iiwanan, nawawalan ng boses at kapangyarihan. Ito ay isang sigaw sa ilalim ng karagatan na kahit anong lakas ay walang tinig na makakarinig sapagkat pilit na nilulunod ng mga bagay na hindi patas.
Binigyan ako ng awtor ng iba't ibang bersyon ng paglalakbay. Dinala nya ako sa mundong walang sukat, haba, laki, taas at lawak. Hindi ako nahirapang sumabay sa agos ng ideya bagkus, niyakap ko ito at kumapit sa kanyang mga kinatha. Naranasan kong sumakay sa alon, lumipad kasama ng mga ibon, sumisid sa kailaliman ng dagat, tumingin sa maliliit at kakatutwang nilalang na walang gamit na teleskopyo o magnifying glass.
Ipinaramdam nito sa akin na hindi lang ako isang mambabasa na bumabasa ng librong ito. Naranasan kong maglakad kasama ang mga nandito. Naranasan kong makiupo sa kanila habang inilalahad nila ang kanilang kwento. Naranasan kong maghintay ng paparating na tren at lumipad sa panaginip na hindi ko kailanman nagagawa sa realidad.
Maraming realisasyon ang aking naisip. Kung iisipin at titingnan sa ordinaryong mata, ang mga drowing na ito ay walang saysay, ngunit, iba ang naging dating nito sa akin sapagkat mas binuksan nito ang aking paningin na hindi nakikita ang mga bagay na hindi nakikita ng mga pangkaraniwang mata.
Kung ako man ang tatanungin, walang pag aatubili kong sasabihin na gusto kong bumalik sa lugar ng Melag. Gusto kong maranasan muli ang mga naranasan ko dito habang ako'y naglalakbay kasama ang mga guhit, pangyayari, lugar, karakter sa istorya. Alam ko na marami pang mga bagay na hindi ko nasusuyod sa bayan ng Melag at hindi na ako makapag hintay kung ano pa ang susunod sa bayang walang pagpipigil sa isang malawak na imahenasyon.
Ikaw ba, gusto mo rin bang maranasan ang mundo ng Melag?
"Ang Meläg ba ay lugar, alaala, o tao?" -Josel Nicolas
Tinamaan ako ng pag-ibig sa unang tingin sa Meläg ni Bong Redila. May pagka-mahiwaga ang itsura ng pabalat, at para talaga akong tinatawag na buklatin ito. Magmula no'n, naging maliit na misyon ko nang humagilap nitong libro at hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakakuha ng sarili kong kopya.
Dalawang taon ding naging mailap sa akin ang aklat na 'to. Hanggang isang araw nitong Marso, napasakamay ko rin ang Meläg sa wakas.
Isa lang ang masasabi ko: mapalad akong mabigyang-pagkakataon ng tadhana na makapasok sa bayan ng Meläg, kahit sa saglit lang na oras ng pagbabasa. Pinanaig lamang lalo ng paghihintay ang pagmamahal ko para rito.
the loveliest graphic novel i have ever read. this is the type of book nga ubanon nako's lubnganan char HAHAHAHAHAHAHA. anyway, this book just hits different T_T mao ra ni nga book ang ako gabalik-balikon nako'g basa (kay graphic so dali ra basahon utro xD). my personal favorite is ANG SAYAW, bcos i'm a sucker for father and daughter stories and they make me cry hahaha. walang tapon tanan stories and also ang illustrations? neat. immaculate. chef's kiss. pwede mu-tumbling?
11/10. Binasa ko sa library ng school, naiyak ako onti! Sobrang ligalig ng mga kwento at tumatagos sa puso. Ito ang unang komik o libro (?) na aking natapos sa taong ito at hindi ko ito malilimutan, dahil punong puno ito ng pagmamahal at mga kwento ng ordinaryong Pilipino na tumatak sa akin. Puno ito ng mga guhit na kay gandang pagmasdan, at mga moral (?) o di kaya'y aral na makukuha. Isa ito sa aking mga paboritong babasahin mula ngayon. Isa itong obra maestra. #SobrangLatina
Siyam na kuwento na dadalhin ka sa kakaiba ngunit pamilyar na mundo, ang Melag.
Mahusay gumuhit si Bong Redila. Nais kong muling maging bata habang binabasa ang libro dahil sa lawak ng imahinasyon ng awtor. Simple ang mga titulo ng mga kwento pero may dalang lalim ang bawa't isa.
Mainam basahin ng mga may gulang kahit baga mukhang pambata, dahil madalas pa sa minsan na kailangan rin ng mga may edad alalahanin ang mga simpleng bagay sa buhay na noong bata pa tayo ay mahalaga at hanggang ngayon ay nanatiling mahalaga. :)
A magical world inked in such a wonderful art style. This is my first Bong Redila work and it already sealed my loyalty to him and his. How do you create something that is other and yet so familiar at the same time?
This is what Meläg is. It's funny how it's nothing but a compilation of papers and yet I could hear and smell the atmosphere of the place. The art style evokes magic and, for some reason, nostalgia.
Add to that the stories, strange to us but utterly natural to the setting, all short but sweet and sometimes makes you long for the place you've never been to.