"Malaki ang pagmamahal ko para sa ganitong mga kuwento, mga hindi nabigyan ng pansin o na-etsa-puwera o naitulak sa ilalim ng kama pero kapag nailimbag at nabasa, bibigyan ka ng mas malalim pang pag-unawa at respeto para sa mga mas malalaking proyekto ng mga manunulat na mahal na mahal niyo na. Sa ganitong lagay masasabing importante ang kolesiyon na 'to, at hindi lang para sa ambag nito sa bibliyograpiya ni Egay – paalala ito sa atin na marami pa tayong dapat isulat at kailangang basahin, at ang lahat ng ito ay kontribusyon para sa pagsulong ng panitikan. Mapalad tayong lahat sa paglabas ng aklat na 'to." — Adam David, bookish artistic weirdo
Edgar Calabia Samar is a multi-awarded poet and novelist from the Philippines. His first novel, Walong Diwata ng Pagkahulog, received the NCCA Writer’s Prize in 2005, and its English translation as Eight Muses of the Fall was longlisted in the Man Asian Literary Prize in 2009. In 2013, he received two Philippine National Book Awards––one for his second novel, Sa Kasunod ng 909 (Best Novel), and another for his book on the creative process, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela (Best Book of Criticism). Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, the first book in his YA series Janus Silang, also received the Philippine National Book Award for Best Novel in 2015 and the Philippine National Children’s Book Award for Best 2014-2015 Read in 2016. He has also received prizes for his poetry and fiction from the Palanca and the PBBY-Salanga Writer’s Prize. His other books include Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay, a poetry collection, and 101 Kagila-gilalas na Nilalang, a children's encyclopedia of Philippine fantastic creatures. In 2010, he was invited as writer-in-residence to the International Writing Program of the University of Iowa.
Balak ko sanang rebyuhin ang bawat kwento/istorya ng koleksyon na ito pero wala rin akong masabi sa iba e, lalo na 'yung kwentong sobrang ikli, na mistulang filler lang, pero may sense talaga kung susuriin. Ang lalim naman kasi magsulat ni Sir Egay o baka iyon na talaga 'yun at ako lang talaga ang nag-iisip na malalim.
Project: EYOD - 4 stars Ang sakit sa ulo ng Project EYOD. Na-gets ko s'ya na parang hindi. Hahaha. Tungkol sa futuristic na mundo na walang panaginip, walang pangarap ang mga futuristic na tao? O robot? At naka-weave sa isa pang mundo na ang isang lalaki, si Erick, ay na napapanaginipan ang mundong una kong nabanggit. Ang gulo. Pero nakamamangha. Kakatwang mundo kung iisipin. Ang talino shet. At ang ganda ng pagkakasalaysay sa kwento na di mo maiwasang i-alis ang mga mata mo at isip sa pagbabasa.
Sawa - 2 stars Tungkol sa literal na sawa at sa hindi talagang sawa. Tungkol sa kahihiyan at hindi. Pero tungkol talaga ito sa alaala at paalala. Kwento ni Tony at ng pag-âlala n'ya sa nakaraan at pag-alalâ n'ya sa kasalukuyan.
Sabi ko nga, di ko na rerebyuhin bawat isang kwento sa koleksiyong ito dahil nakakalito at nakakahilo ang gustong sabihin ng bawat kwento; ang gustong ipadama. Ang meta, in short.
Pero magandang pagnilayan na ang kabuuan ng librong ito ay tungkol sa alaala. Memories. Na isang napakahalagang aspeto sa buhay ng tao. Dahil ito ay nagpapaalala ng nakaraan, ng kasaysayan ng ating buhay, ng kaliwanagan sa darating na hinaharap. Ng sakit at hinagpis.
Sa totoo lang, sumakit ang panga ko sa pagbabasa ng ilang k'wento mula sa libro; hindi ko maintindihan, kailangan ko ng interpretation, elaboration at explanation. Pinaalala ng mga kuwento ang pinagdaanan ko sa asignaturang 21st Century Literature namin—'yung tipong nganga ako 'pag walang discussion/s. Nagustuhan ko ang k'wentong "Katawan," "Soledad," "Sawa," at "Itong mga Tag-araw" (dahil sa palagay ko, yun lang ang naintindihan ko. Teka, naintindihan ko ba talaga? Tama ba ang pagkakaintindi ko?) Pero hindi ko pa rin maunawaan kung "metaphor" ba ang mg ito, o "irony," o may sinasigasag o sinisimbolo ang mga k'wento. Hindi ko tuloy alam kung shunga ba ako o talagang ganoon na ang k'wento—bitin. Hindi ko rin malaman kung kailangan ko bang mag-over read dito o 'yun na 'yun, as is na, literal. Maganda 'to, sana naiintindihan ko lang talaga. Send help. Hanging pa rin ako.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Bitin! Hindi ko alam na meron na palang bagong libro si Sir Edgar, abala ako sa pag-aabang sa Janus Silang 3. Kaya naman pagkakita ko nito sa bookstore, binili ko na agad. At iyon nga ang aking masasabi, bitin.
Bitin ang mga kwento. Hindi ko alam kung sinadyang bitinin ang mga mambabasa o ganoon talaga ang intesyon ng pagkakasulat, kikiliti lang sa imahinasyon pero di ka bibigyan ng sobrang lakas na halakhak. Paano, bawat matapos na kwento ang daming tanong sa utak ko. Naghahanap tuloy ako ng review sa Google, baka sakaling malinawan ako sa ibang bagay o kaya naman kumpirmahin kung tama ba ang pagkakaintindi ko (Sid ikaw ba yan?).
May ilang akdang nabasa ko na dati. May ilang kwentong matapang na tumalakay sa mga paksang madalas ay nasa dilim. May ilang kwentong tinatanong ko kung paano naisip ni Sir Edgar iyon. Hahaha
Yung librong to, parang playground, or playlab(oratory) nung may akda, kasi parang dito niya ti-nest kung hanggang saan yung kaya niyang marating I guess in terms of shock value - because there were themes that would definitely ruffle feathers if you're not used to reading uh...disturbing stuff, yung parang gusto mong maligo ng holy water tapos mong magbasa. Personally I wasn't shocked because I've encountered the same plot in something that I've read in the past, but there were gems that I liked the most with this was the Pambungad - that one really got me hooked the most, though I'm not sure if that's really part of the collection and the metaness/pointlessness of Ang mga Apo.
Sa patuloy na paghahanap ng hindi alam ang hinahanap. Sa patuloy na pagkaligaw sa kung saang di naman matukoy kung saan ang tungo. Sa patuloy na paghahanap ng nawawalang alaala. Parang ito na naman ang mga puntong gustong iparating ng mga tauhan ni Egay Samar dito sa mga maikling kuwentong nakapaloob sa koleksyon na ito. Hindi na bago sa akin ang naratibo't tinig ni Egay Samar. Isa akong tagahanga noon pa mang unang mabasa ang Walong Diwata ng Pagkahulog. Kahit na lagyan ng alternatibo (ibig sabihin ay naiiba) sa alternatibong mundo (ibig sabihin ay naiiba). Hindi pa rin naiba ang tinig o mensahe ng mga kuwento o ng aklat sa kabuohan. Hindi naiba pero gusto ko pa rin.
Sa Alamat ng Mananaggal, ito yong sabi ni Egay Samar: Maari kong pagpasyahan na tapusin na ito kapag sinabi ko halimbawa ang isang msbigat na salita, gaya ng pag-ibig, o pag-iisa. Pero hindi, pagkatapos ng laht, ang mga pasakit sa katawan, ayokong mauwi sa isang abstraksiyon. Hindi maaari. Kailangang magdugo rin ang mga salita. Kailangang halos mapunit ang papel sa diin ng mga ibig sabihin ng salita. Maari kong idikta, halimbawa. Umaga ngayon, pero, tama, tama, lilipad ako. Hindi ko na kailangang itago ang pagkpak dahil hindi ako maaaring mamatay sa isang kuwento lamang. Lilipad ako. Ibig kong makita sa maliwanag ang langit."
Sa pagwawakas ng alamat, hindi mo pa rin alam kung ano ang hinahanap ng manananggal o kung saan ito papunta lalo na kung lilipad ito sa maliwanag na langit. Tumbalik sa alam natin, sa gabi lang lumalabas o lumilipad ang manananggal. Pero kahit na sabihin pang alternatibo nga. Ganoon at ganoon pa ring ang karakter ng mga tauhan ni Egay Samar dito. At, mahiwaga man o mito, tumbalik o hindi, gusto ko pa rin sila.
Effective yung Malapambungad, na-hook ako. Akala ko totoo. Haha.
Mga kuwentong tumatak sa 'kin:
Project EYOD - As usual, Murakamisque. Hardboiled Wonderland and End of the world kaagad pumasok sa isip ko nung binabasa ko ito. Nung una sabi ko, "Ah, cliche", pero unti-unti e nalibang pa rin ako at panaka-nakang napapaisip ng mga "Paano kung blahblahblah". Alam kong di na bago yung ganitong kwento, pero oks pa rin. Ganda!
Sawa -Bihira na may magustuhan akong kuwento na may kinalaman sa homosexuality, sa kadahilanang di lang talaga ako maka-relate sa mga nararanasan nila kasi kadalasan ay pinangingibabawan ng romantikong tema at marginalisasyon sa kasarian nila (kasi wala naman akong problema doon dahil lahat ng kakilala/kaibigan kong mga binabae, di naman masyado hinihimutok yun.) Gaya rin ng indifference ko sa mga chicklit et al. So, baka hindi lang ako sanay at ayoko nang madagdagan pa ang mga isyung panlipunan na gumugulo sa isip ko. Anyway, pero medyo iba 'tong isang 'to; same usual tackled sentiments na binanggit ko pero yung mga nandito pahapyaw lang, parang nililigawan kang magbasa ng mga dating di mo trip. Hindi bulgaran. 'Di off-putting. 'Di emo. May subtle ng lungkot though, pero 'di ko inasahan.
Ang mga apo - Dalawang beses ko nang nabasa, una sa 13 pasaway ni Sir Jun. Ganda pa rin. Kahit asiwa na talaga ako sa temang focused sa manunulat o sa gawa nito, nadala pa rin naman ako ng naratibo, lalo na yung mga insight at introspeksyon tungkol sa mga taong nagbabasa sa isang akda at sa pag-uugnay ng mga napapansin sa paligid, ang mutasyon nito, matapos madarang sa karanasang dulot ngpagbabasa ng yet uncharted teritoryo ng panitikan o anumang uri ng sulatin at aklat; kung paano binago ng mga diwa ng teksto ang buhay ng isang tao, at pagkakatanto na habang hinahagilap ang nawawalang piraso ng pagkatao, naaagnas naman ang ibang bahagi mo, o namimintis nito ang mga pag-usbong ng mga bagong bahagi na maaaring bumuo sana nang tuluyan sa 'yo. Gusto ko rin yung parte tungkol sa mekanismo ng utak ukol sa alaala, sa pagtatangkang magbalik-tanaw, at sa nalilikha nitong artipisyalidad/fiksyon, na pumapalit sa organiko/awtentikong nangyari o hindi nangyari noon.
Bull in a china shop -Isa sa dalawang pinakapaborito ko sa koleksyon. Gusto ko 'yung mga ganitong kwento. Halong futuristic at retro, anachronistic, nakaka-nostalgia trip. Lalo na yung part tungkol sa telepono. Gustung gusto ko ng mga istoryang may kinalaman sa dalawang estranghero o nasa magkaibang mundo (literally o metaphorically) na nag-uugnayan gamit ang isang lumang telepono. May kung anong misteryo at karinyo sa akin ang mga ganoong senaryo/scheme. Sana magsulat si Sir Egay ng nobela na may parehong conceit at trope. Ewan, either baka naaalala ko lang yung Ada ni Nabokov, o yung mga karanasan ko dati sa pakikipag-pen pal sa kung sinu-sino para malibang kapag nag-iisa at bagot na sa mga rotina sa bahay nung bata pa ako. Ang makausap ang isang taong di mo kilala sa kabilang linya matapos mong mag-dial ng random number, yung tingling sensation ng pagbungad ng boses ng sasagot, yun ang katumbas ng danas ng mga natatagpuan sa google search ngayon, pero mas exciting noon--isang alternatibong pagtuklas.
Metang Manananggal -tumatak sa 'kin kasi parang yung ibang parte nito e nabasa ko na sa kung saan, o yung buong kwento mismo. Naisama na ba ito sa ibang antolohiya? Hala, baka kwento ng iba ito na nabasa ni Sir Egay, ta's subconsciously ikinuwento niya ulit at inakalang sa kanya? O ako yung nakalimot? Feeling ko na-deja vu kasi ako habang nagbabasa, lalo na sa part nung origin ng mga manananggal. Sigurado ako nabasa ko na 'yon eh. Baka alamat talaga? tsk.
Km 13 -Pangalawang paborito ko. Pangarap ko dati o hanggang ngayon na maka-scoop ng isang kakaibang kuwento ng tunay na kaganapan mula sa mga huntahan, tsismisan, balita o sulat ng taong nakakasalamuha ko. Lalo na yung maglalagalag ka, tas may madidiskubreng anomalous na pangyayari sa likod ng isang mundane na bagay o pangayayari rin. Feeling mo detective o imbestigador ka. Hehe. Yoko lang na nung eksena na may nakilala na naman si narrator na babae sa creek ng Marikina. *hikab*
--------
Yun na. The rest, kebs lang. Di ko trip yung ibang taboo parts/tema ng Katawan at Soledad. Iba kasi ang dating sa akin 'pag sa wikang Tagalog/Filipino ta's gano'n konteksto at seryoso ang tono, nabubulabog kahit katiting na moralidad ko; 'pag english na mga akda kasi na may mga ganoon, di naman nangungupahan sa imahinasyon ko, di kadiri at maselan, parang konyong nagyayabang lang. Pero pag lokal ta's sa wikang madalas ko gamitin, sapul ako eh. Kaya 'yun, di ko tinapos basahin 'yung dalawang kuwento. Okay yung konsepto ng Katawan though, medjo bizarre, ala The Holy Mountain ni Jodorowsky (kahit yun kebs lang ako sa graphic scenes despite being a movie. Tingin ko yun influence ni Sir Egay sa kwento eh.) ----------
Di ko nga lang trip yung cover design. Walang dating (kaya siguro late ko na nadampot at bilhin) at awkward nung complement sa mga kulay na ginamit. Pero ganda ng illustrations. Kuha niya yung feel sa Ang mga Apo. Kudos to Sean! Collab sana kayo ng komiks ni Sir Egay. --------
Done. Salamat sa mga kwentong nagustuhan ko, Sir Egay! Abangan ko nobela o kahit anong akda mong made in Japan!
There were some stories in here that I've already read in his other books, such as "Sa Kasunod ng 909". But still, this book remains as my favorite short story collection yet. The stories were all written so beautifully. My favorite short stories in this collection include "Project: EYOD", "Soledad", and "Itong mga Tag-araw". In addition, I really admired the cover of this book, from its colors to the illustrations. Beautiful.
Sinasabing "balikan natin ang nakaraan" dahil ang paniniwala ay ganito: Nakaraan ang iniwan at babalik ang noo'y nang-iwan.
Pero paano kung ganito pala ang nangyayari: Nakaraan ang nang-iwan dahil nga nakaraan (nakadaan) na ito at ang akalang babalik ang siya pala talagang babalikan.
Anuman ang galaw ng nakaraan, pasulong man o pabalik--kaya babalikan ng nang-iwan o sasalubungin ng iniwanan-- iisa lang ang bitbit nito: alaala. Alaala lang. Maaaring alaalang mabigat at masakit bitbitin. Maaaring alaalang magaan sa loob.
Pinagbubuklod ng mga konsepto ng alaala at nakaraan ang mga kwento sa librong "Alternatibo sa Alternatibong Mundo: 13 Metakwento/Malakwento" ni Edgar Samar. Makakabasa ka ng mga kwentong hindi nababasa masyado ng isang casual reader. Post-apocalyptic setting? Check. Futuristic na panahon? Check. Kwentong kakausapin ka at mapipilit kang mag-reflect (Hala paano yun?)? Check. Kwentong wala pang kalahating page (teka kwento pa ba yun? Ah kaya pala may "malakwento" sa title)? Check. Title ng isang kwentong isang buong paragraph ang haba? Check.
Kung bago pa lang nagbabasa ng libro ang makakabasa nito, maninibago siya sa mga susunod niyang mababasa dahil sa paraan ng pagkakasulat ni Samar. Unconventional kumbaga. First time ko rin siyang mabasa kaya naman excited na akong mabasa ang iba pa niyang mga sinulat.
Lagi akong naghahanap ng ugnayan sa bawat ideya, impormasyon, kwento, larawan, at kung ano-ano pa na nakakaharap ko--tiyak man ang ugnayan o lagpas pa sa hinagap ang nilalaman ng bawat isa. Pero ang aklat na ito, hindi ko mawari nung una kong tangkaing basahin. Hanggang Sawa lang ako nun (ayon sa huling tala ng mga ginuya kong pagtingin sa kabuuan ng kwento). Ngayon nagbalik-loob gawa ng kawalang-gana sa paligid ng matagpuan kong muli ang sarili na lakbayin ang mundong likha ng may-akda. Nakakatuwa. Salansan ng mga ideya at/o kwento na walang tiyak na ugnayan dahil marahil ay hinugot sa iba't-ibang konteksto at mas malawak pang mundo (ilang bahagi pa lang ang nabasa ko sa Walong Diwata ng Pagkahulog at ang pagbanggit sa ilan sa mga karakter ng basehan ko dito). Paglalakbay ito ng sarili sa pagsulat. Sa paghahabi ng intensyon at repleksyon, makikita mo ang galaw ng akda. Mahusay. Hinihintay ko na lang ang pisikal na kopya ng Walong Diwata. Hindi na ko makapaghintay pa.
Importante ang librong ito dahil isa ito sa mga palatandaan na may mga kinakalimutan tayo. Sinasadya? Hindi sinasadya? Kahit ano man sa dalawa, makikita natin sa librong ito na mahalaga ang alaala sa pagiging tao natin.
Ililigaw ka ng librong ito sa katotohanan at ikaw mismo ang maghahanap ng kasagutan. Kung nasiyahan ka sa sagot mo baka hindi mo na kailangan alalahanin pa pero pag hindi baka may kinalimutan o nakalimutan ka pa kaya may hinahanap ka pang ibang sagot.
Nagustuhan ko ang koleksyon ng mga kwentong ito. Katulad ng sinabi ni Magdalena sa Bull in a China Shop tungkol sa mga sinaunang kanta, ang mga kwento ni Sir Edgar ay nakikipag-usap saken at nagsasalita rin para sa akin.
Pinaka-paborito ko mula rito ay ang "Itong mga Tag-araw". Malapit talaga sa akin ang mga kuwentong tungkol sa pagkakaibigan. Tila binalik ako ng kuwentong ito noong mga panahong ako si Lina at kalaro ko ang mga tulad ni Abel at Gabriel.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa libro na ito. Dinadala ako ng mga salita ng manunulat sa iba't ibang dimensyon ng mga ideya niya at posibilidad Ang mga alternatibo niya sa kanyang mga "meta" kwento. Sa huli, napuna ko ang ilang salita na binibigyan niyang diin; Panaginip, Alaala, Pangarap. Mga salitang nabigyan niya ng hiwaga at katuturan.
malaki rin ang pagmamahal ko sa ganitong uri ng mga kwento, mga kwentong kinikilala ang mga harang ngunit lalagpasan din ito kalaunan upang tuklasin ang hindi pa nasisilayan at natatanggap ng ating kamalayan.
May pakiramdam si Samar na narito ang mga susi— na may hawak na susi para sa kandadong pinto tungo sa kung saan ang mga metakuwentong nakatala. Iyon ang pinakatumatak sa akin mula sa Malapambungad, na siyang ginawa kong motivation sa pagbabasa ng kabuuan nitong Alternatibo, na kauna-unahang libro ni Sir Egay na nababasa ko. Mabilis ko naman nakasanayan ang estilo niya sa paglalahad: instrospective, mahilig mag-challenge ng mga tradisyonal na paniniwala, at naglalahad ng mga konseptong hindi inaasahan. Sa palagay ko nga, iyon ang boses na nangibabaw dito sa Alternatibo, since wala pa naman kasi akong batayan kung ganoon din ba siya sa iba pa niyang mga akda dahil ito pa lang ang nababasa ko sa mga gawa niya.
Bawat kuwento ay may sariling 'kalikutan' na kumakanti sa imahinasyon at emosyon. At ang ilan nga sa mga kuwentong pinakanagustuhan ko at iniisip-isip pa rin kahit tapos ko na ang libro, ay ang "Sawa", "Ang mga Apo", "Itong mga Tag-araw", "Metang Manananggal", at "Liham ni Elias". Siguro, dahil ang mga ito ang pinaka-inasahan ko at pinakabumigo sa pag-asang iyon, na lalo lamang nagpatunay sa akin na may mga kalaliman at kababawan na hindi masusukat ng tao. May mga tema, salita, at pangalan ring kapansin-pansin na nagpaulit-ulit sa kabuuan ng Alternatibo, gaya ng pag-asa at/o kawalan nito, alaala, panaginip, pangarap, si Teresa, at si Elias. May pakiramdam din akong hindi tapos ang mga kuwento, o sinadyang hindi tapusin. Tama ngang ituring ang mga ito bilang "susi" dahil lahat ay binibitin bago pa man umabot sa resolution. Tulad ng susi, mahalagang bahagi ang mga kuwentong ito sa pagtuklas sa kung anumang nasa likod ng mga kandado, o sa mga 'dulo' na hindi pa nagagawang puntahan ng limitadong perspektibo. At gusto kong maniwalang may mga susi nga akong nahanap sa pagbabasa ng Alternatibo. Ngunit kung para saan ang mga ito? Hindi pa rin ako sigurado.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Ito 'yung koleksyon ni Edgar Calabia Samar na parang mixed feelings — may mga kuwentong bumabawi at may mga kuwentong pampadami lang.
Ang Problema (The Fillers): Kaya 3 stars lang kasi may mga kuwento na parang filler talaga. Nakakainis na "Ang mga Apo" ay inulit lang dito! Nabasa na 'yan sa Labing-tatlong Pasaway dati. Luma na. Ang Bumawi (The Highlights):
Ang mga kuwentong nagdala sa aklat ay ang "Soledad" at "Itong mga Tag-araw." Sobrang organic at ramdam ang dating. Pero ang pinakamalupit at signature ni Samar? Walang iba kundi ang "Metang Manananggal." Ito ang kuwentong naka-angat sa buong koleksyon! Overall: Basahin para sa Metang at Soledad, pero 'wag umasa na lahat ng kuwento ay bago o malakas. Ayos lang, pero hindi perfect.