“Yeah, I am a fool in love with you and I will do everything to make you happy.”
After two years, napag-isip-isip ni Libby na kailangan na niyang mag-move on mula sa kanyang nasawing pag-ibig. At sa tulong ng mga kaibigan, nakilala niya si Franco, ang lalaking tutulong sa kanya na maibalik ang self-confidence. Pero bago sila mag-date ay may golden rule sa kanya ang kaibigang si Monty: “Thou shall not fall in love with Franco…” Pero sino ba ang hindi mai-in love kay Franco? Taglay nito ang mga katangian na hinahanap niya sa isang lalaki. Handa na siyang paibigin si Franco nang magpakitang muli si Matteo. Ang kanyang first love.