Hindi naging maganda ang unang pagkikita ng racer na si Edward at ng pulis na si Jake. Naiinis si Edward kay Jake dahil napagkamalan siya nitong isang female street racer. Nainis naman si Jake kay Edward dahil tinangka siya nitong bayaran para hindi niya ito hulihin. Sinabi ni Jake na hindi raw ito katulad ng iba na pwedeng bayaran. Nang tanungin ni Edward kung ano'ng pinagkaiba ni Jake sa iba ay sa ibang paraan nito sinagot ang tanong niya.