Inihahandog ng Gantala Press sa publiko ang pinka-una nitong supling na antolohiya, ang DANAS: Mga pag-aakda ng babae ngayon, na pinamatnugutan nina Faye Cura at Janine Dimaranan. Tampok ang mga tula, kuwento, sanaysay, at komiks sa Filipino, Ingles, Bisaya, Iloko mula sa mga Pinay sa Baguio, Maynila, Laguna, Iloilo, Cebu, Davao, Marawi, at Amerika.