Jump to ratings and reviews
Rate this book

(Wa)Lang Love: Love Stories na Walang Love Kaya Stories Na Lang

Rate this book
Lahat ng tao nagmamahal, dumarating sa parte ng buhay na maghahanp ng libro, artikulo, kanta, o pelikula tungkol sa mga hakbang kung paano ba mag-move on.

Hindi 'yon ang ibibigay sa'yo ng librong ito.

Dahil ang paghakbang ay simple lang, ilagay mo ang isang paa sa unahan ng isa, ulitin, hanggang sa makarating sa kailangang patunguhan. Alam nating hindi ganoon kadali ang paglimot.

Kaya ang ibibigay ng librong ito ay hindi mga hakbang - kundi dance steps, chords, kumplikadong recipes. at mga paraan ng paglangoy, pagtalon, pagtakbo, pag-tinikling, pag-split, at pag-tumbling mula sa mga sakit at bakit. Hindi ka bibigyan ng librong ito ng isang formula na laging sakto ang sagot. Bibigyan ka ng librong ito ng mga tamang tanong para marating mo ang sarili mong kasagutan.

Kung si Lang Leav ay magaling sa pagsusulat, ang librong (Wa)Lang Love ay eksperto sa pagsusugat.

At mula sa mga sugat na ito, hugutin natin ang paghilom. Sama-sama, walang husgahan. Game?

146 pages, Paperback

Published January 1, 2017

6 people are currently reading
79 people want to read

About the author

Rod Marmol

3 books45 followers
Si RodMarmol (Mark Rodel Cabataña Marmol) ay nagtapos ng BA Broadcast Communication sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 2012. Muntik pa siyang 'di makapunta sa graduation dahil nagtatrabaho na siya noon bilang alila sa mundo ng pelikula/telebisyon.

Dati kasi ay inambisyon niyang maging artista pero dahil malapad ang ilong niya ay mas pinili na lang niyang maging writer. Nagsulat siya ng mga patalastas, artikulo sa dyaryo, script ng teleserye at pelikula, mga hugot at memes, at ngayon ay dalawang libro na inspired ng Utot Catalog (www.facebook.com/UtotCatalog), ang Facebook page na ginawa niya para makapag-emote anonymously.

Ang motto niya bilang writer ay:
Sulat. Gulat. Mulat.

Takot siya sa butiki, sa kamang maluwag, at sa buhay na walang dahilan.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
17 (36%)
4 stars
15 (32%)
3 stars
8 (17%)
2 stars
6 (13%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 7 of 7 reviews
Profile Image for elsewhere.
594 reviews56 followers
June 24, 2017
Bago ko pa man mabasa ang "(Wa)Lang Love: Love Stories na Walang Love Kaya Stories Na Lang" ni Rod Marmol, nabasa ko muna ang "Lahat Tayo May Period (At Iba Pang Punctuation Marks)" at nagustuhan 'to. Sobra-sobra ang paghanga ko kay Rod Marmol nang mabasa ko ang una niyang libro sa Summit Books. Kaya naman, nang makita ko ang (Wa)Lang Love, agad ko 'tong binili at binasa.

Una sa lahat, gusto ko ang pabalat ng libro, at syempre, pati na rin ang pamagat nito. Natawa ako nang makita ko ang napaka-witty na pamagat ng libro. Tungkol naman sa nilalaman, medyo hati ako sa kung anong sasabihin ko, kaya iisa-isahin ko na lang.

May mga parteng magaganda, may mga parteng hirap na hirap akong tapusin, at may mga parteng masakit o nakakatawa. Nang simulan ang pagbabasa, naisip ko na bilib pa rin talaga ako sa pagsulat ni Rod Marmol. Ang galing ng paghabi niya ng mga salita. Kahanga-hanga ang mga unang mga piyesa na nakalagay sa mga naunang pahina. Kaso lang, no'ng medyo tumagal, parang nawalan ako ng gana, dahil puro "hugot" na lamang. At oo, alam ko rin naman na mahilig "humugot" ang manunulat (at sinabi rin ito sa mismong librong 'to), marahil na-disappoint ako kasi sa nauna niyang libro, masakit lahat. Ang bawat hugot sa nauna niyang libro ay mararamdaman ng mambabasa. Totoo man o hindi, masakit pa rin. Ramdam. Samantalang dito sa pangalawang libro, parang nakulangan ako sa sakit at siguro nando'n 'yung naisip ko na parang pilit.

Sa kabuuan, sa mga piyesang puro hugot lang naman talaga ako nagka-problema. Ngayon naman, sasabihin ko ang mga bagay na nagustuhan ko. Katulad ng sinabi ko kanina, maganda ang pamagat at pabalat. Katulad pa rin ng dati, napaka-witty pa rin talaga ng manunulat sa bawat pamagat ng tula o piyesa sa librong 'to. Naaayon rin ang bawat drowing na nakapaloob dito.

Sa tingin ko, maraming ibang mambabasa na mas magugustuhan ito kaysa sa akin. Kaya naman, gusto ko pa rin ito irekomenda sa ibang mambabasa. At syempre pa, bibilhin ko pa rin ang mga susunod na libro ni Rod Marmol dahil sa tingin ko ay nagkataon lang na hindi umayon ang paksa ng libro sa kasakuluyang preference ko.
Profile Image for Victor Kim de Luna.
80 reviews2 followers
June 18, 2017
If your looking for a help guide to break your ex nose este break loose from his/her nightmare this book is REALLY for you. Why? Here are some of my reasons.

1. This book is will tear you apart literally. It hurts to the extend that you will just drop the book even though you can just finish it in one sitting. It really hurts!!!
2. The words of this book is sooooo real. Like calling your ex, names that really describes his/her action animalistic reasons towards the breakup.
3. The book loiter being a bitter to better. Who wants to gloom about their past relationship? I now realized that the only help that you need for moving on process is only YOU.

I'm grateful I believe on the blurb. Hilariously hurtful, but fun to realize that you are worth it.
Profile Image for K.Y..
26 reviews
May 30, 2023
3.5 ⭐

Sobrang na-enjoy at nagustuhan ko lahat ng tula sa libro na 'to. Ang first part kung saan may mga kwento, 'di ako masyadong na-hook siguro dahil binasa ko 'to kung kailan payapa na ang puso ko. Siguro ma-e-enjoy at makakarelate ang iba sa unang parte. Pero yung sa part 7 hanggang dulo, naramdaman ko lahay ng sinasabi - iyak, tuwa, lungkot, at pagmamahal lalo na dapat sa sarili.

Maraming salamat author sa napakagandang libro.
Highly recommended! ☺️
Profile Image for Jeremiah Antioquia .
72 reviews3 followers
January 14, 2022
Isang taon rin ang iginugol ko sa pagbabasa nito. Napaka-witty ng mga tula at malalim ang hugot ng mga paksa. Mahirap lunukin ang mga salita sa libro kaya mainam na namnamin at hindi pwersahing basahin sa isang upuan lang.
Profile Image for Mark Alpheus.
841 reviews9 followers
January 16, 2025
may mga kuwento namang may merit, pero meron din questionable ang atake

medyo pilit din ang format na patula sa ilang parte, at hindi justified yung length para sakin kasi paulit-ulit naman ng tinutukoy

still, baka hindi lang to para sakin, papabasa ko na lang sa iba yung kopya ko hehe
Displaying 1 - 7 of 7 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.