Naawa yata kay Marianita ang mga planeta at bituin kaya binigyan siya ng pagkakataon ng mga iyon na makilala si Rich Montealto, ang guwapong lalaking walong buwan at dalawa’t kalahating linggo na niyang pinapantasya nang lihim. Determinado siyang maakit si Rich kaya sa gabi ng kanilang blind date ay “binulag” niya ito at pinaniwala sa isang kasinungalingan. Itinago niya ang totoong pagkatao sa takot na alipustahin siya nito. Kaya nang mabuking ng lalaki ang kanyang lihim, hindi niya magawang kumurap sa tindi ng kahihiyan at kabiguan.
Rose Tan is a bestselling Filipino romance novelist for Precious Pages Corporation. She is the writer of the Bud Brothers Series which has been adapted for television by one of the biggest networks in the Philippines. Her other series include Fruitcakes and Bud Brothers UnLtd.