"Makakareleyt ka sa kahulugan ng destiny." - Jun Cruz Reyes
Tungkol sa paglalakbay ng isang lumang-luma at naaagnas na bente pesos ang nobelang ito.
Kilalanin ang mga tauhan na sina Ryan the Virgin, ex-komadronang Manang Agripina, magdyowang Bekbek at Ferdie, si Joy na adik sa Kpop, Johnson the hired killer, ang Itang si Honey Faye at ang taong grasang si Nixon, si The Sword Swallower, ang artistang si Kaye Abad, at marami pang iba.
Kilalanin ang esensiya ng kanilang mga buhay. Kilalanin sila. Sapagkat sila at ang ating sarili ay iisa.
Mula sa panulat ng Palanca awardee na si Andrian Legaspi, ang mga kuwento ang mag-uugnay sa mga mambabasa sa diwang Filipino, na nakabaon nang malalim na malalim sa ating mga pagkatao.
Simple pero rock. Ito na siguro ang pinakamainam na description na maibibigay ko sa librong ito. Simple naman kasi talaga ang Ang Pag-ikot ng Salapi sa Panahon ni JLC. Sa format, sa writing style, maski sa plot at sa intent pero rock in terms of impact. Solid. May dating.
Hindi ko alam pero tuwang-tuwa ako sa librong 'to. Siguro naka-re-relate ako kasi realidad naman ng iba't ibang pangkaraniwang tao ang kinekwento rito. E pangkaraniwang tao lang naman din ako. Baka rin sa writing style na kahit feeling ko e napaka-bland e may sinasabi pa rin. Yung tipong parang robot kung magsalita pero may laman ang sinasabi, nasa tyempo at timing ang punchline or pagbitaw ng salita. Parang ganon. Basta.
O siguro, talagang kakatwa lang ang maliit na librong ito.
Infairness, magaling mag-kwento si Andrian (tulad nga ng sabi ko sa taas paulit-ulit sorry pampahaba ng review lam mo na). Nakuha nya ang atensyon ko. Bet ko ang mga backstories ng mga characters. Iyon naman kasi talaga ang hinahanap ko lalo na kung character-driven ang istorya. Pero syempre, hindi rin naman nakalimuntan yung bente saka si JLC.
Sa huli, Ang Pag-ikot ng Salapi sa Panahon ni JLC ay tungkol sa realidad ng buhay, sa mga pagsubok, pangarap, hangarin, pagkakataon, pag-ibig, pagkakaibigan, pamilya, tadhana at maraming pang aspeto na bumubuo sa buhay ng tao.
Isa sa pinakamagaling na konsepto sa pagkukuwento! Na magaling din ang pagkakasulat!
Novelization ng Palanca 2014, 2nd prize for screenplay.
Sa isang banda, anthology ito ng maiikling kuwentong pinagdugtong ng isang gulanit na bente at bagong movie ni John Lloyd. Pero may kabuuan pa rin ang kuwento dahil may ugnayan ang mga tauhan. Kaya mas tama pa ring tawagin itong nobela.
Magaling ang pagkakahabi ng kuwento. Hindi basta-basta lang napapasa 'yung bente para umusad sa next chapter. Factual din ang details kaya makatotohanan sa pakiramadam ang pagbabasa. Parang baka dumaan na rin sa palad mo 'yung bente.
May mga trivia, observations, curious questions, at rants na nakaipit sa kuwento, pero hindi nakakasira sa narrative; bagkus ay bini-build pa nga ang story forward dahil hindi nagiging boring ang daloy ng kuwento. Walang tapong salita. At may satisfying ending.
At dahil screenplay naman ito originally, sana nga'y maging movie ito soon at magkaroon ng cameo si John Lloyd, with special participation of Kaye Abad.
At sana magsulat pa nang mga ganitong kake-clever na istorya si Andrian Legaspi.
Palanca winner ang nobelang ito. Pa.lan.ca. Ibig sabihin, mas nagustuhan ng mga hurado. Ibig sabihin, may sining, may kalidad, may sinasabi kumpara sa mga ibang nobela sinumite noong taong iyon (2016).
Ang nobela (o mas angkop tawaging nobeleta dahil maikli lamang) ay tungkol raw sa destiny, sabi sa blurb ni Amang Jun Cruz Reyes. Simpleng kuwento kung saan nagpalipat-lipat ng may-ari ang isang bulok na beinte pesos sa loob ng isang oras. Sa bawat paglipat ng kamay, nilalahad ni Legaspi ang buhay ng nagmamayari ng kamay (o bulsa o pitaka) hanggang sa makabuo siya ng isang kuwentong mahirap makalimutan. Dahil naiiba, bago, maganda, masayang basahin at simple.
Simple raw o. Kung makasimple, eh Palanca awardee ito. Kaya laliman natin ang diskurso:
Ginigising tayo ng kuwento ni Legaspi. Sundan ang kuwento at ni minsan hindi ito napunta sa isang mayaman o naghaharing uri o panginoong maylupa. Ibig sabihin, sa loob ng 24 hours, napakaliit ng pagkakataon na ang mayaman sa isang bayan ng Cavite ay tatanggap ng bulok ng beinte pesos. Dahil marami sa atin ay lugmok na sa kahirapan kagaya ng mga buhay na buhay na karakter sa akda: isang komadronang pinalayas sa isang bayan sa Quezon dahil namatay ang anak ng mayor sa kanyang pagpapaanak. Ito ay sumasalamin sa pangangailangang medikal ng mga tao sa probinsya. Mayroon ding karakter na noong malaman na may kanser siya ay itinapon ang resulta ng laboratoryo at nagdesisyon na hindi na sya magpapagamot dahil wala naman siyang pampagamot. Sa kabilang dako, kahit na sabihin pang lugmok na tayo sa kahirapan ay waring tinanggap na natin ang buhay sa pamamagitan ng pagaaliw sa sarili sa pamamagitan ng pagkalulong sa mga artista (gaya ni John Lloyd Cruz) o kulturang di naman sa atin kagaya ng K-Pop. Mga bagay na walang mararating kung ang paguusapan ay pagsagot sa ating kahirapan.
Humanga ako sa estilo ng pagkabuo sa nobela. Ang bawat kabanata ay isang maikling kuwento, kaya ang buong nobela ay magsasabing isa na ring antolohiya ng maikling kuwento.
Una kong nabasa ang maikling kuwento ni Legaspi noong 2018. Ang “Johnson at Putol” ay nagkamit ng karangalan sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Maikling Kuwento) noong 2015. Itong aklat na ito ang nobelang bersyon. Hanggang ngayon, hindi ko mahinuha kung ang antolohiyang ito ay dapat na ituring na nobela, o bilang koleksiyon ng mga tagni-tagning kuwento. Sa aking palagay, mas malapit ito sa ikalawa kong nabanggit dahil: [1] ang “kabanata” ay nagsisilbing tanda ng pagbubukas ng isang kuwento, at [2] kung hindi man babanggitin ang mga karakter at ang “pagsasalin” ng object (ang gula-gulanit na dalawampung piso), ang naratibo ay magtutuloy pa rin.
Sa madaling sabi, maituturing ang antolohiya na ito bilang pagbuo ng uniberso ni Legaspi—at kung paano ang panulat niya ay magtatakda ng tadhana. Ang pamosong blurb ni Amang Jun Cruz Reyes (“Makarereleyt ka sa kahulugan ng destiny.”) ang siyang naging pangunahing diskurso ng koleksiyong ito: totoo nga ba na ang mga karakter ay umiinog sa kanilang limitadong tadhana?
Marahil, pero mas malapit sa hindi. Kunsabagay, maituturing naman talaga ang mga manunulat bilang “diyos ng kanilang inilikhang mundo” (ika nga ni Bangambiki Habyarimana). Hindi ko lang tuluyang mailapit din siguro ang sarili ko na ito sa kakayanan ni Legaspi lalo na kung tumataliwas ito sa konotasyon ng “destiny” (tadhana). Hindi inilililok ang tadhana—bagkus ito’y nakahulma na sa langit, sa bituin, sa lupa. Hindi umiikot ang mundo ng mga karakter sa gula-gulanit na dalawampung piso . Ngunit, nagawang palabasin ni Legaspi na sa kanilang mundo, sila’y pinagtagpo dahil sa minsang pag-abot kamay ng dalawampung piso. May bahagi sa loob-looban ko na “nagoyo” (in a good way), dahil na rin siguro sa nadala ako sa hiwaga ng “destiny” at itinalaga ng manunulat.
Mabuti na lamang, nabalikan ko ito muli ngayong taon upang sa wakas, mabigyan na ng kasagutan ang tanong ko sa librong ito dalawang taon nang nakakaraan: totoo ang tadhana, totoo na may nakalaan sa ating mundo. Pero, hindi ito ang hiwaga ng kuwentong ito.
Ang totoo, pinatotohanan lamang ni Legaspi na sa palasak na mambabasa—kinakailangan ng elemento ng hiwaga para maging intersante. May spectacle, o element of surprise. Sinurpresa ni Legaspi ang mga mambabasa: na maliban sa magkakasintahan, o isang aplikante na nalaman ang kaniyang sakit—may iba pang buhay na umiikot at kasa-kasama natin. May kuwento ang mga gasoline boy, ang lumulunok ng espada, ang nars, ang basurero/baliw. May kuwento rin si Kaye Abad at John Lloyd Cruz. Pinaalala ng “Ang Pag-ikot ng Salapi sa Panahon ni JLC” ang tamis-pait-asim ng buhay na madalas, idinadahilan na lamang natin dahil sa tadhana.
Ang gimik ng kwento ay, kung kanino matapat ang bente, iku-kwento ang buhay. Pero hindi nagsimulang malutong ang bente, tipong bagong labas sa bangko. Nagsimula itong malambot na't madungis, may sulat pa ng looking for txtmate. Ibig sabihin, marami pa itong kwento, na hindi kinwento, ang pera ang nag-uugnay sa buhay ng lipunang nakaasa sa kultura ng commodity. Commodification, ang nabuo ay portrait ng mga tao sa siyudad. Specific sa Imus, kung taga san ang awtor.
Walang eksaktong taon kung kelan nangyari ang istorya. Sa pangyayari sa paligid, maipagpapalagay 2014 to. Sa istorya ng kpop fan na si Joy, ikinwento ang isang memory niya kung san pumunta siya sa mall show Sandara Park para sa album nitong Ang Ganda Ko. 2004 yon nilabas. Yon ang inaalala in Joy habang nangangarap na makita uli si Sandara Park sa concert ng grupong 2ne1 na pupuntahan niya sa MOA. Hindi sinabi ang concert, pero yun na ang clue. All or nothing ang title ng concert ng 2ne1 sa MOA noong 2014.
Pagikot ng salapi ang bumubuhay sa kanila. Libangan naman ng mga artista't arte ang nagtutulak sa kanilang kumilos. Sa matatanda, nariyan ang lokal na uso na sinisimbolo ni John Lloyd Cruz. Sa medyo bata-bata pa, nariyan ang lumang di na uso pero kinalakhan nilang mga pinoy action movies, comedy nila babalu. Ayaw nila sa drama. Sa batang henerasyon naman, foreign na uso na sinisimbolo ng Kpop, particularly ni Sandara Park at 2ne1 noong panahong yon.
Sa awtor, isusuka niya tong kultura ng commodity. Na ang lohika e, para sumaya, kailangan bumili. Kahit simpleng bawang sa mani ang pinaghuhugutan ng saya, may bayad rin kung tutuusin. Pati ispageti sa jollibee, alak, kamatayan ng ibang tao, may bayad ang hitman. Sa dulo nga, spoiler na to, liliparin sa hangin ang bente at malalaglag sa imburnal. Kasabay nito ay yung totoong ligaya na mararamdaman nung isang karakter matapos makita ang paboritong artista sa personal, na nakapambahay, sa isang sitwasyon na fantasya niya lang dati. Isang halos imposibleng pangyayari na hindi matutumbasan at literal na mabibili/madadaan sa pera. Posible kaya talaga ito? Ang makaramdam ng ganitong saya? Sa ending, hopeful ang awtor.
Ang cute ng story. Simple lang, madaling basahin at maganda ang konsepto: isang lumang bente pesos na nagpapalit-palit ng kamay. Parang Jologs movie. Masinop din ang pagkakasulat at kaunti lang ang typo error.
Naibigan ko ang pagiging Pinoy na Pinoy ng akda na ito ni Andrian Legaspi. In fact, very masa nga s'ya, pero hindi 'yung masa na hindi nag-iisip. Medyo makabuluhan naman ang nobelang ito kahit papa'no.
Iyon nga lang, dahil Pinoy pop culture ang ibinida rito, medyo cringe ang ilang eksena at ilang usapan. Pilit para sa 'kin. Hindi ko rin nagustuhan ang ending kahit happy s'ya. Sana tinapos na lang kina Ryan at Sheila at hindi na du'n sa ibang tauhan sa kuwento.
Basahin mo kung fan ka ni John Lloyd Cruz o kung mahilig ka sa libro nina Bob Ong at Eros Atalia. Huwag mo itong basahin kung naghahanap ka ng deep meaning in life o ng nakakaiyak na kuwento. Baka madisappoint ka lang at isumpa ang Filipino literature.
Ang JLC ay ang librong para sa Sabayang Pagbabasa ng PRPB noong Nobyembre at kinapanayam ang may-akda na si Andrian Legaspi noong Disyembre 2, 2017.
Ito ay isang maikling nobela tungkol sa magkakaibang tao, hindi rin magkakakilala pero pinagtagpi ang mga kwento ng isang bulok na bente pesos. Kada chapter ay may finifeature na isa o dalawang tao.
Maganda ang pagkakalahad ng kwento, kung paano naipagtagpi-tagpi ng isang bente pesos ang buhay ng iba't ibang mga tao.
Nakakatuwa rin ang paglalarawan ng bawat karakter, na para bang nakikita mo talaga nang personal yung mga tao. Parang totoong tao ring tulad ng mga mambabasa, kaya madaling makarelate.
Masasabi kong isa ako sa mga mag-aabang ng mga susunod pang akda ni Andrian.
Unpretentious and sincere, Ang Pag-ikot ng Salapi sa Panahon ni JLC tells its story with such unapologetic, entertaining candor. Andrian Legaspi has adeptly used his familiarity with the quotidian to paint an honest picture of the everyday Pinoy -- from gasoline boys to the mag-jowang nagbreak sa Jollibee to the magmamani sa bus to the kendi vendor at the waiting shed -- and layered them with backstories that are heartwarming, sad and even tragic. Enjoyably compact, this one can be read in one seating, given the time.
Sa susunod na benteng mahawakan mo, pagmunian mo rin kung kaninong pangarap, pag-ibig, pagkatalo, pag-asa, lungkot at kasiyahan na kaya ang nasaksihan niya?
Una kong nabasa ito bilang dulang pinasa sa CPMA. Mas pinakinis ang kopya nito sa nobelang bersiyon kaya mas nagkaroon ng layers. Simple ang kwento pero ang kaastigan ng bagong timplang interconnected stories sa pag-ikot ng bente pesos ay mahirap pakawalan, kaya tuluy-tuloy mo siyang babasahin kung na kanino na ba ang bente. Ang bente hindi nakarating sa matataas na tao ng lipunan. Nasa laylayan o kaya nasa bahagi ng gitnang uri ng lipunan partikular na sa Cavite lamang umikot. Patunay na ang salapi lalo na ang bente ay maliit na halaga at walang lugar para sa matataas na tao sa lipunan.
Tungkol sa paglalakbay ng bente, pinakamababang halaga ng peso, na paglalakbay rin ng uring manggagawa. Sa loob ng maikling oras, inilalahad ang danas ng bayan na kinapapalooban ng mga taong nagsusumikap na sumaya (tayo).
Sana’y gawing pelikula ang Ang Pag-ikot ng Salapi sa Panahon ni JLC, at sana’y basahin ni John Lloyd Cruz. Mapuntahan nga ang Etivac. ✈️
“Ang ilog, hantungan niya’y pangako/ Ng iyong pagbabalik.”
Bilang taga-Cavite, sobrang nakarelate ako sa librong 'to. Maganda yung pagkaka-habi ng mga kwento at kung pano nasalamin yung buhay ng karaniwang Pinoy at mga PInoy na hinubog ng kahirapan sa panahon ngayon. Higit sa lahat, gusto ko yung pinakita nya kung gaano ka "resilient" ang puso ng mga Pilipino.
Natuwa ako sa aklat na ito kasi ang daming nangyari. Gusto ko rin ang idea ng bente pesos na nagpaikot-ikot sa iba't ibang mga palad. Nawili rin ako sa pagbabasa nito; napakasimple lang ngunit may kuwenta.
Nakakatawa, nakakarelate, nakakaiyak, madaling basahin kaya mag-e-enjoy kang basahin ang akdang 'to. Shorts stories ito na magkakadugtong. Kung sino makakuha ng laspag na bente, malalaman ang istorya nito. May aral bawat kwento.