“And a few more months, madadagdagan pa ang mga nagmamahal sa `yo. Because I’ll always be by your side, from this moment on…”
Tahimik ang buhay ni Berry sa squatters’ area sa Tondo nang dumating ang isang hindi niya inaasahang suwerte. Isa raw siya sa mga tagapagmana ng isang mayamang don mula sa Sagada, ayon sa guwapong abogado na naghanap sa kanya na si Atty. Matthew Guzman. Pero may mga kondisyon ang kanyang lolo bago niya makuha ang kanyang mana. Isa na roon ang maging mahinhin na dalaga na babagay sa dadalhin niyang pangalan ng kanilang angkan. Madali lang iyon kay Berry, lalo na’t ang guwapong abogado ang tutulong sa kanya para maging prinsesa.
Ang problema, nalaman ni Berry na may sarili ring agenda si Atorni kaya siya tinulungan. At ang mas malaking problema, apektado siya dahil nangarap siya na pupuwede sila ni Atorni kahit malayo siya sa babaeng magugustuhan nito. Sabi na nga ba, eh. Dapat nanahimik na lang siya sa isang tabi at nagbilang ng kanyang kayamanan.
Sonia Francesca is a Filipino romance novelist who writes for Precious Pages Corporation. She is the writer of the bestselling series The Billionaire Boys Club and Stallion. She co-wrote the series Calle Pogi with fellow Precious Pages Corporation writer, Keene Alicante.