Si Fidel ay isang isduyante ng Psychology na may kapansanan. nang makilala niya si Stella, isang babaeng bokaslita ng isang rock band sa pamantasan, dali-dali siyang nahumaling at nabigyan ng inspirasyon upang magsulat ng mga tula. Sa paglalim ng kanyang pagkaakit sa 'di pangkaraniwang dilag, inako ni Fidel bilang misyon ang makatapos ng isang daang tula tungkol at para kay Stella.
"Handa na ang sundalong ito Na sumubak sa giyera Nais kong malaman mong Gustong-gusto kita."
Kasalukuyang nagaganap ang Pista ng Pelikulang Pilipino 2017 at 10 kalahok, ito ang #1. Hindi nakakapagtaka. Maganda ang pelikula. Maganda rin ang nobelang pinagkunan dito.
Kuwento ng isang pag-ibig na nagsimula sa black lipstick. Itim na labi ng isang maganda ngunit astig na bokalista sa banda ng isang kolehiyo sa Pampanga. May isang binatang freshman na may speech defect na stuttering (nauutal) at dahil dyan siya ay binu-bully. Minsan isang gabi, pinagtanggol ng astig na dalaga ang utal na binata. Napansin ng binata ang black lipstick at iyon ang naging inspirasyon niya para magsulat ng tula. At sa paglawig ng kuwento, na sabay sa kanilang pagkakaibigan, paghihiwalay, pagkakabalikang muli at sabay rin ang pagsusulat ng binata ng mga tula tungkol sa kanyang musang si Stella.
Ang aklat ay selebrasyon ng panulaan sa Pilipinas. Uso na naman ang mga tula mula noong naging media sensation si Severo na nagpasikat sa Spoken Words (Poetry) kung saan sa mga bars ay madamdaming binabasa ang mga tula ng pag-ibig. Kaya habang binabasa ko ang aklat (nauna kong binasa ang aklat kaysa pinanood ang sine), naisip ko bakit ginawang sa pagkanta sumikat si Fidel at di sa spoken poetry? Pero yon ang gusto ng sumulat na siya ring direktor ng pelikula at siguro magiging boring kung puro tula ang mapapanood dahil obviously, mas maraming singers kaysa poets sa bansa.
Dahil nga rin na ang author ng libro at direktor ng pelikula ay iisa, faithful ang sine sa aklat. Pero gaya ng dati, mas masarap basahin ang aklat dahil may sexy scene. Ginawa kasing GP ang pelikula kaya nakahiga na lang sina Stella at Barrie noong gabing pinalayas ni Shirley si Stella dahil bagsak na naman ang mga grado. Sa aklat, may mainit foreplay pa.
Kaya, although parehong maganda, si libro pa rin ako. Lagi, mas maiging magbasa kaysa manood.
“‘Di ka naman magsusulat ng tula dahil sa nalalaman mo… Kundi sa nararamdaman mo.”
Ang nobela ay hango sa pelikula na unang nailabas bago pa man nailimbag ang libro. Tungkol sa isang square love story ng lalaki na utalerong Psych student (Fidel), isang babae na nangagarap na maging rakista (Stella), at ang magpinsan na isang matalino na forever waiting (Danica) at isang taga-seroks (Von).
May mga ilang detalye na sa libro mo lang malalamn, tulad ng eating habit ni Fidel na wala sa libro. At may mga scenes na nasa pilekula lang. Tanggapin na natin, magkaiba talaga ang style ng story-telling ng 2 media.
Mas nabuo ang koneksyon ko sa bawat damdamin ng karakter sa nobela kaysa sa panunuod ko ng mahabang palikula, (medyo nabored kasi ako sa movie, ung tipong kaya naman kasi paikliin bakit ganun pa kahaba ang running time?)
In the end, ang emosyon at kasaranasan ng bawat karakter ay tila maiiwan sa’yo na ikaw mismo ang nakaramdam. Madaling basahin.
Hmm. Para akong nagbasa ng draft nung movie, haha. The goal then was to give the movie a chance. Not that it was bad. I mean, okay lang naman. Na-enjoy ko. Well I wasn't expecting anything. Pero kung susuriin, medyo hindi nga talaga ganun kaganda. Anyway, having read the book, some parts became clearer. However, it really is poorly written. O baka nga kasi draft talaga siya nung pelikula, haha. Sorry po.
*****
"Uusad ka. Babangon ka. Aangat ka. Ikaw pa ba? Ang galing-galing mo. Basta kalimutan mo lang ako. 'Di ko naman deserve maging mundo mo."
Dahil napanuod ko na ang pelikula, wala ng bagong naibigay ang nobela. Para bang pinanuod ko lang ulit ang pelikula sa isip ko. Ang na-bother lang ako ay ang ilan ilang typo errors sa libro, maliit na bagay pero sana maiayos nila sa mga susunod na limbag.
Around the Year in 52 Books: A book published outside the 4 major publishing houses (Simon & Schuster; HarperCollins; Penguin Random House; Hachette Livre) - check all the editions - 14/52
This entire review has been hidden because of spoilers.
Hindi talaga ako madaling kilingin sa mga love story maliban dito sa aklat na ito. Magaling magsulat si Ginoong Laxamana pati rin ang mga tula niya. Maganda rin ang pelikula ang galing nilang umarte. Hindi ko maintindihan kung anong meron sa aklat na ito kung bakit napamahal ako nang husto basta basahin niyo, hindi kayo magsisisi. Huwag kayong mag-alala dahil manipis lang ang aklat at matatapos niyo ng isang araw.
ang ganda :(( i think the author gave justice in giving substance to every character in the story. may mga times na naffrustrate ako either kay fidel o stella pero siguro yun yung point ng kwento diba HAHA pareho akong kinilig at nasaktan, ang ganda rin ng ikot ng storya sa dulo bwhsb mejo naiyak aq :')) anddd malaking bagay siguro na di ko pa napapanood yung pelikula kaya wala akong kahit anong expectations sa laman ng libro, i think the author wrote it well :>
I've watched the film and it made me read the book itself. The film didn't touch some of the parts of the novel. The movie and the book had different interpretations, but overall it is a good heartbreak story. It was easy to read and I was able to understand more of the characters in the book than the movie.
I've watched the movie and I love the story. Na-gets ko yung point ng kwento. Sobrang heart-breaking ng story. Kakaiba. It's very creative. Kaso nga lang sa movie, hindi gano'n kaganda ang cinematography siguro tipid sa budget. Sobrang ganda sana if inayos pa ng mabuti.
I was browsing for novels at NBS and saw this book. I know that its story is one of the trending movies, so I decided to read the first chapter. I had no intention of buying it tho. But as I put it back and wandered away, I kept on glancing and turning back until I realized that I need to read the remaining chapters. I was hooked! Haha!
Simple lang naman ang kwento, mula sa payak at cute na paghanga ng isang lalaking mababa ang self-esteem na dulot ng kanyang speech defect sa isang babaeng rakista; hanggang sa hinog na pag-ibig; hanggang sa pagkabigo; at pagbangong muli. Pero kahit simple ang storya, nagustuhan ko ang libro. Siguro, factor na ring hindi ko pa pinanunuod ang pelikula kaya anticipating basahin. Sa totoo lang, kahit maraming typo, nahirapan akong ibaba ang libro nang nasimulan ko na. It entertained me smoothly, parang batang nagbabasa ng story book.
Ngayong napanuod ko na, natuwa ako't malapit ito sa libro. Dahil na rin siguro sa iisa ang writer at direktor. Bihira ang mga pelikulang hindi gaanong naiiba ang kwento. Napansin ko lang na hindi gaanong nabigyan ng emphasis yung isang punto ng storya. Na ang dahilan kung bakit gustong-gusto ni Fidel si Stella, ayon kay Chad, ay dahil sa naghahanap siya ng taong kakapitan dahil sa mababang self-esteem niya. Lente ng sikolohiya ang gamit. Para sa akin, mahalagang punto yun. Sa pelikula, maiisip kong hindi defense mechanism ang pagkakagusto ni Fidel sa pag-ikot ng kwento. Yun siguro ang gusto ng direktor. Still, it was good.
"'Di ka naman magsusulat dahil sa nalalaman mo... kundi sa nararamdaman mo."