Jump to ratings and reviews
Rate this book

Uberman

Rate this book
Si Überman ang tipo ng superhero na cliché—may pambihirang lakas, bilis at kapangyarihan. Pero may kakaiba sa kanya kumpara sa mga kontemporaryong superhero. Sa kuwentong ito, bukod sa mayroon siyang self-titled album at nagko-cover ng music video sa YouTube, ay wala siyang kalabang may superpowers na ang tanging hangarin ay maghasik ng kasamaan o kaya’y wasakin ang mundo upang makapaghiganti.

Ang kalaban ni Überman ay ang matagal nang kalaban ng ating lipunan—kahirapan, kriminalidad, kagutuman, kurapsyon, giyera, human trafficking, social, political and economic problems, lumilipad na ipis, atbp. Gamit ang kanyang superpowers at sa tulong ng teknolohiya, paano nga ba niya malalabanan ang mga suliranin ng isang bayang naghihinagpis?

318 pages, Paperback

First published August 25, 2015

4 people are currently reading
61 people want to read

About the author

Zero A.D.

3 books10 followers
Zeno Antonio Denolo (known for his pen name Zero A.D.) might be a newcomer, but it doesn’t mean that he lacks the knack to pen a tongue-in-cheek yet significant narrative.

Denolo was born in Manila in 1990. He graduated at the Polytechnic University of the Philippines in 2010 with a Bachelor of Science in Clinical Psychology degree.

He joined the Cirilo F. Bautista Prize for the Novel in 2015. Out of 73 qualified submissions, his entry Uberman and other seven works from different authors were shortlisted.

Unsurprisingly, his entry has been selected for the Special Jury Prize. Denolo then received P50, 000 and a winner’s certificate in the said writing competition.

The distinguished Board of Judges of CFB Prize for the Novel which is composed of National Artist Cirilo F. Bautista (chair), Katrina Tuvera, Roland Tolentino, Dean Francis Alfar, and Joselito delos Reyes praised Denolo’s work for its “painful but pleasing critique of society” and “its ability to let the public read, be entertained, while pondering the follies of being a hero.”

Moreover, the superhero-themed novel recently won the 16th Madrigal-Gonzalez Best First Book Award. This year’s award has been given to a writer in Filipino who has just written his or her first book. Out of six finalists, Zero A.D. snagged it.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
12 (30%)
4 stars
7 (17%)
3 stars
15 (37%)
2 stars
3 (7%)
1 star
3 (7%)
Displaying 1 - 6 of 6 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
February 18, 2017
Pambata.

Nanalo ang librong ito 16th Madrigal-Gonzalez Best First Book Award. Ito lang ang dahilan kung bakit ko binili at binasa ko ito. Nagtaka ako bakit nagandahan ang mga hurado sa isang akdang sa pabalat pa lang ay halata nang pambata.

Sabi sa likod na pabalat ay mababasa ito:
"Nasa Uberman ang kahindik-hindik at katawa-tawa. Tagumpay ang nobela sa maraming salik: mahapdi ngunit nakalulugod na pamumuna sa lipunan; kabasa-basa at napapanahon; walang pretensiyon ng bigat at lalim kapalit ng nakapagpapaisip na aliw na siyang isa sa unang konsiderasyon upang kilalanin ang nobelang ito, ang kakayahan nitong pabasahin ang madla."
Ito yata ang sinabi noong iproklama ang pagkakapanalo ng nobela ng Special Jury Prize sa The Cirilo F. Bautista Prize for the Novel DLSU BNSCWC, 2015.

Tama naman ang citation. Hindi ko lang alam ngayon, dalawang taon ang nakakalipas, kung bumebenta ang akda at binabasa ito ng mga kabataan. Matatanda rin ang hurado sa mga book awards at may pakiramdam ako na kinakain na nila ang sinabi nilang may kakayahan itong pabasahin ang madla.

Malinis naman at maayos ang kuwento. Tungkol sa isang pogi at machong kabataan na may kapangyarihang siguro mas higit pa kay Superman ng Estados Unidos. May girlfriend ang superhero na smart kaya swak ito kung isasa-pelikula. Parang puwedeng-puwedeng pang Jadine o Kathniel. In fact, di ako magtataka kung iniisip na ni Zero A.D. ito noong sinusulat nya ang akda. Sa pagkakapanalo nito ng mga awards, di rin ako nagtataka na naghihintay lang ang mga movie outfits kung kikita ang akda upang bilhin nila ang film rights.

Bukod sa pambata ito at ako ay may edad na, preachy ang akda. Sa ganitong edad, may kamalayan na ako sa nangyayari sa bansa. May mga kakilala rin akong mga kabataan lalo na sa bookclub namin na alam na ang tungkol sa oligarkiya na totoong nagpapatakbo sa gobyerno at sa lipunan. Mulat na rin sila sa malawakang korupsyon at interest ng ibang bansa na ginagamit ang gobyerno upang pangalagaan ang kanilang interes. Meron pa sigurong hindi. Pero malamang sa hindi ay mahihirapan ang Anvil (publisher nitong akda) at si Zero A.D. na hikayatin ang mga kabataan na gumugol ng 1 o 2 araw para basahin ang 317 na pahina ng akda kung meron naman mapapanood na magagandang sine sa Netflix, YouTube o sa sinehan at 2 oras lang nila uupuan.

Mahirap sundan ang Kapitan Sino (3 stars) ni Bob Ong. Una, maikli at straightforward ang bestseller na akdang ito ni Bob Ong. Pangalawa, nanawa na siguro ang mga kabataan sa preachy na nobela kagaya ng Bakit Baligtad Magbasa ng Nobela ang mga Pilipino? Pareho ang mga ito na manipis at maliit lang na libro.

Ramdam ko na parang Bob Ong pa rin ang boses ng nobela. Dahil napabalik ni Bob Ong ang mga kabataang mambabasa lalo na noong 2001-2010 sa sunud-sunod na paglabas ng kanyang mga bestsellers na akda. Kaya hanggang ngayon ang mga lokal na manunulat at formula ni Bob Ong pa rin ang ginagamit. Sana mag-move on na sila dahil gasgas na gasgas na ang istilo. Mismong si Bob Ong ang nagiiba na ng istilo lalong lalo na sa kanyang pinakahuling libro: ang Si.

Okay lang rin naman kung mali ako. Baka naman kumikita ang akda. Ang basehan ko lang naman ay ang mga kabataang miyembro ng bookclub namin na 2,000+ at isa man sa kanila ay walang nagbalita sa akin na nabasa na ito at nagustuhan niya. Hindi lang siguro para sa akin ang akda o sobra lang akong nag-expect dahil nga sa awards na nakuha nito. Siguro kung wala itong dalawang ito, mas nag-enjoy siguro ako sa pagbabasa.

So, fault ito ng award na nakukuha ng akda. Yon lang.
Profile Image for Dan.
1 review
November 5, 2021
Every inch of my body was trying to get me away from reading this book. I bought this book since it was recognized by a national award. Thought it could be something spectacular.

It was not. Something about the words. And the sentences. And the unnecessary paragraphs. The writing was trailing off. I remember a part when after he announced his plans for presidency, it covered a whole 3 pages with statements merely telling that people had mixed reactions about it. Rather than going straight to the point, it used flowery, unnecessary and redundant words and ideas.

I can understand that it may be author's writing style but I don't really like it. I'm sorry. I even haven't finished it halfway and I don't want to read it no more. There's no hook into it. It's merely telling the stories in a narrative way, rather than descriptive and imaginative. I felt like I was guided on how to imagine how the story flows, rather than create my own mental images from the story. And that's what the stories/novel are made for. To travel in your own imaginary seas and adventures.

I'm a college student, wanting to pass time by reading books. If this is meant for young adults, it's a 'meh' for me.
Profile Image for Hera Marie.
25 reviews
August 16, 2018
Ito na, ito na ang aklat na hindi mo aakalain kung bakit gusto niyang palitan ang Presidente ng Pilipinas bilang presidente. HAHAHAHA

Habang binabasa ko 'to akala ko puro lang love stry at kalokohan ang nandito, pero noong lumaon ay nakita ko yung gustong ipahiwatig ni Zero (fc lang) lalo na yung gusto niyang baguhin ang bulok na sistema ng ating gobyerno na hanggang ngayon ay pansin na pansin pa talaga ng mga tao. Kailan pa kaya matatapos ang pagiging bulok ng ating sistema? Sa aklat na ito na solusyunan na, sa totoong buhay kailan pa kaya? Hihintayin pa ba natin na may darating talaga na Uberman sa totoong buhay? O tayong mga Pilipino na talaga ang kusang kikilos upang mapaunlad ang ating Inang bayan?

Tanong ko lang
Profile Image for joms.
13 reviews5 followers
September 18, 2023
Puro mema yung author hahaha. bawat saglit parang ganito usapan:

"Katatapos lang ni Uberman tumae. Kinuha niya gamit ang kanang kamay ang tabo at ibinuhos ito sa pwet, ang kaliwang kamay ay pinangkuskos. Kailangan niyang gawin ito dahil kailangang matanggal ang natitirang tae sa pwet niya. Kung hindi, maamoy siya ng ibang tao. Iisipin nila ay hindi siya nahuhugas ng pwet. Paano niya maliligtas ang lipunan kung iniisip ng mga tao na siya ay hindi naghuhugas ng pwet?"

Kahit bata di matutuwa eh bawat paragraph may explanation na mangyayari. Double down kahit di kailangan, o kaya may paghugot tungkol sa lipunan. Parang nagbasa ako ng original na texto kasabay ng sparknotes. Edi sana inannotate o finootnote mo nalang haha.

Ibalik mo 350 ko!
Profile Image for Fernando Silva.
12 reviews1 follower
April 8, 2023
Nabasa ko 'yong isang review nito, hindi raw niya nagustuhan. Ang deep kaya ng nobelang ito. 'Yong tipong aakalain mong literal lang at hayag ang mga pinagsasasabi pero hindi naman pala.

Kung puwede pa nga paabutin ng 10 stars rating nito, gagawin ko. Di ko akalain... Tagal na ng book na ito sa akin, bakit ngayon ko lang ito binasa.

Lupet mo Zeno Denolo! Aydowl! Akala ko pangkaraniwang pambata/young adult/chupahiro story lang ang nobelang ito. Hindi pala! Mamangha ka sa paraan ng pagkukuwento ni Zeno. Hindi ka lang mapapatawa, tataas pa ang balahibo mo sa mga bagay na kaniyang ibinubunyag (o katotohanang maaring alam na alam na pala natin pero pilit at ayaw lang natin tanggapin). Promise, marami akong natutuhan dito.

Bili na kayo ng kopya. Hindi kayo malulugi! Basahin niyo na rin at baka sakaling magising nito ang inyong damdaming makabayan at sakaling mabawasan ang puso ninyong pinamahayan na ng ignorance at apathy.
Displaying 1 - 6 of 6 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.