Maraming humahanga kay Fr. Marcus hindi lang dahil sa taglay nyang karismatikong pagkatao, gandang lalake, lambing ng boses, talino, halos saulado ang bibliya at nakaka intindi ng mga wika, kundi sa mga nagagawa nito sa simbahan.
Naibalik nya muli ang interes ng tao sa pag pagsisimba, napalago ang kanilang pananampalataya at muling napaasa ang mga ito sa himala ng pagpapagaling at biyaya.
Kahit hindi nya maamin,maraming nagpapatunay na napagaling, natulungan, at nagkatotoo ang hula nya sa mga ito. Pero maging sya, nagtataka sa kanyang kakayanan o mas tinatawag na kaloob.
Hindi yata pangkaraniwan. Parang sya mismo, hindi naniniwala sa kanyang kaloob. Ano kaya ang gagawin ni Fr. Marcus sakaling malaman nya na kaya may taglay syang ganitong kaloob ay dahil sya ang nakatakdang maging ikatlong anti-kristo?
Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.
Ang bilis ng ending. Parang minadali para umabot sa kung ano mang event. Charot. Pero nagustuhan ko ang build-up ng kwento. May times lang na feeling ko parang wala namang masyadong nangyayari (pero meron talaga). At intriguing talaga yung pamagat na Ang Ikatlong Anti-Kristo.
Paano nga kung may pangatlong anti-Christ? At paano kung dito nga sa Pinas magmumula ito?
Ito kasi yong hula ni Nostradamus (1503-1566), isang doktor ng French at famous sa kanyang mga hulang nagkatotoo na. Ang unang dalawa ay sina Napoleon Bonaparte (1769-1821) at si Adolf "Hisler" Hitler (1889-1945). Dahil naging Hisler ang Hitler, ginawang Markus ni Eros Atalia ang "Mabus" na pangalang hinulaan ni Nostradamus na syang pangatlong anti-Kristo.
Ang setting ay sa San Isidro na tipong isang mikrokosmo ng pananampalatayang Kristiano: nakakabit ang pananampalataya sa biyaya. Na nananalig tayo dahil nakakatanggap tayo ng biyaya mula sa Diyos. Parang mamahalin kita kung may mamahalin mo muna ako. Sabi ng mga taga-San Isidro sa umpisa ng kuwento: bakit pa sila magsisimba kung hindi naman sila binibiyayaan ng ulan para matapos ang tag-init?
Mahilig ako sa horror noong kabataan ko. Minsan, nanonood pa rin pero para ibalik lang yong pakiramdam noong bata pa ako. Kagaya lately, pinanood ko yong "It" na base sa nobela ni Stephen King na nabasa ko mga isang dekada na ang nakakaraan. Pero ang kuwento, buong-buo pa sa isip ko. Ibig sabihin kumintal. Ibig sabihin, natakot ako, hindi lang nagandahan sa mahabang nobelang yon. Bale ganoon. Mapa-aklat o pelikula, dapat matakot ako sa horror para magandahan at maiwan ang kuwento sa isip ko. Pasok ang kuwentong dito ni Eros Atalia. Natakot ako at nagandahan. Sumunod pa ito sa "Charged Volume 1" ni Siege Malvar. Kaya noong Thursday, pagpasok ko sa wala pa halos taong Starbucks sa Mega (hilera ng Fitness First), ay naalala ko yong Cafe Amerikano na madalas orderin ng serial killer tapos parang may naririnig akong nagsasalita ng Latin. Susko, sabi ko, ano na ba itong mga binabasa ko.
May pagtitimpi pa si Eros Atalia rito. Hindi pa nga sinabi na ang pagkamatay ni Mabus ay magtri-trigger ng World War III. Na pagsisimulan ng gunaw. So, malamang may kasunod pa ito. At wala pang nakakapagsulat ng mga iyan sa Pinoy lit.
Ang nobela ay tungkol kay Father Marcus na pumunta ng San Isidro para magpakalat ng mabuting balita ng Diyos. Sa San Isidro, parang nawalan na ng pananampalataya ang mga tao. Tuyo ang bukid at matagal nang hindi dinadatnan ng ulan ang bayan. At nasabi nga sa isa sa mga nobela na para bang may sakit ang buong bayan.
Sa pag-usad ng nobela, mangyayari ang mga himala, may mga may sakit na napagaling si Father Marcus, na palagi niya namang sinasabing "Ang pananamapalataya ang nakapagpagaling sa inyo," ang dami-dami pang nangyari sa nobela, umulan at naging masagana ulit ang ani ng mga magsasaka. Nagkaroon ng tv program si Father Marcus at patuloy pa rin ang pagkakaroon ng mga himala. Napakaraming bagay ang nagagawa ng mga himala. Ang daming mga isyung panlipunan ang naikukwento sa nobela, tungkol sa takbo ng politika sa bansa, ang hatian sa kita ng mga kontratista at ang media.
Sa pagtatapos ng nobela, may isang bagay na kailangang piliin si Father Marcus (basahin niyo na) at tayo bilang mambabasa.
Pakiramdam ko kinukwestiyon ako ng nobela kung galing ba talaga sa kabutihan ang lahat ng himala o tinitingnan lang natin ang himala bilang mabuti kahit galing ito sa kasamaan?
May mga parte akong nagustuhan sa nobela at siyempre may mga di ko nasakyan.
- Yung anghel na bato na biglang nakakatawa 'yung boses. Basta natatawa ako pag naalala ko. hahaha
- 'Yung takbo, parang nabagalan ako kasi nasa page 160+ na ako pero wala akong nakitang malaking bagay kaya tinuloy-tuloy ko pa ang pagbabasa. 250 pages na tapos wala pa rin kaya 'yon ang dahilan na 3 stars lang sa akin 'yung nobela. Pakiramdam ko binigla ako nung patapos na 'yung nobela.
Yung mga gusto ko sa nobela,
-Yung nag-chess si Father Domeng at Father Marcus cam to cam. - Yung part na pinapakita yung maamong mukha nung lalaki tapos yung description nung paraiso. - Yung nagsasalita ang batang si Angeline sa iba't-ibang lengguwahe. - Saka 'yung mga himala, yung pagbangon ng na-comatose kasi napagaling. "Walang himala!" - Saka 'yung pambubuking sa mga kalokohan sa politika.
Nagbabasa ako ng mga tagalog na libro kapag nakakatapos ako ng libro na English. Parang break or in-between sa mga binabasa ko kasi nga puro English na libro ang nasa shelf ko. So pinili ko tong "Ang Ikatlong Anti-Kristo" ni Eros Atalia. Ito siguro yung libro na hindi ko masyadong alam yung synopsis bago ko sya basahin. Nabili ko to nung 2017 sa MIBF kung saan pinirmahan din sya ni Sir Eros Atalia at may picture pa kami ahahaha. 😂 Sinubukan kong basahin noong 2017 pero wala ata ko sa mood at nag aadjust pa sa start ng masteral ko.
Ngayong binasa ko na, ito thoughts ko: Dito ko yata naranasan na every scene or characters, may kailangan akong pagdudahan. Sabi kasi ni Eros sa first page ng book nung pinirmahan nya to; "Para kay Gelo, walang puwang sa mundong ito ang hindi nagdududa." Kaya lahat nga, pinagdududahan ko. 😂😂 Worth it yung mga duda kasi naranasan ko yung pakiramdam na maging analytical reader (wew 😂), na halos lahat ng nababasa ko, dapat meron akong mental notes, kasi baka may hindi ako magets sa dulo na plot twist o kung anuman tapos magmuka kong tanga 😂
Maganda sya at thought provoking. Parang nakakamiss din (nung binabasa ko to) yung mga ordinaryong buhay dati nung wala pang pandemic at nakakapag simba pa lahat nang walang mga face mask at puno lagi sa loob. Sa book kasi ang daming scenes sa simbahan kaya nakakamiss din.
Very attractive din yung main character, si Father Marcus. 😂🧡 Kasi sa book, described sya as napakagwapo at matalinong pari na very charismatic at may angelic na energy. Like hindi nagmimintis si Eros na ipaalala sayo kung gano sya kapogi ahahaha. Actually nung binabasa ko yung mga ganong parts, nahihirapan akong mag imagine kung ano itsura nya, like kung sinong gwapong muka ng artista yung ibi visualize ko. Hanggang sa nagkakahalo halo na sa isip ko kung ano ang itsura nya. Nagpapalit palit yung muka nya sa isip ko kada scene. Ahahaha 😂
Kahit papano madali ring basahin, kahit na may mga typo pa sa book kasi first ever printing pala yung kopya ko. Pero for me, collectors edition to dahil nandun pa yung mga typos at mistakes na baka wala na sa iba pang printing. Unique.🧡 Medyo malalim nga lang gumamit ng salita si Eros, kung saan may mga moments ako na napapa "huh?" ako tapos kailangan ko pang tanungin kung ano yung word kasi medyo malalim.
Modern din yung book, andun na yung mga smartphones at iba pang gadgets. Ang dami ko ring natutunan na hindi ko alam na makukuha ko dito. Like yung mga nangyayari sa pera kapag may government projects, at yung pagdadaanan na process magkaroon lang nung nasabing project.
Yung book di naman nakakawala ng faith or something, kasi for me parang naibalik pa nga yung interest ko ulit sa simbahan dahil sa ambiance, so don't worry about kung "faith killer" ito kasi hindi. Opposite pa nga yung naging effect.
Ni rate ko sya na 3 stars out of 5 sa Goodreads kasi may mga polarizing akong opinions (wew 😂) Pero nakaka refresh sya at mapapaisip ka. May mga times na kailangan kong pilitin yung sarili ko na ibaba yung libro kasi baka abutin ako ng magdamag kakabasa. 🥰🧡
(Warning may mild spoilers na dito banda)
Yun nga lang, naghihintay kasi ako ng parang grand na plot twist, o sobra sobrang big revelation na kailangan ako mismo ang maka realize para masulit ko lahat ng mental notes ko. 😂 Ahaha. Yung ending ok naman, thought provoking talaga pero parang I've seen it coming din kasi. Na parang pumasok na sa isip ko na "ah baka ganto gagawin nito sa dulo". May slow revelation kasi sya hanggang sa dulo. May build up pero hindi very grand for me. Akala ko may kung ano pang mangyayari. Naranasan ko kasi sa isa pang nabasa ko na aklat nya (Tatlong Gabi Tatlong Araw, binasa ko nung college pako), yung natapos ko yung libro na hindi ko nagets yung nangyari ahahaha 😂😂. Nalaman ko lang na ganon pala yung nangyari nung sinabi na sakin ng girlfriend mismo ni Sir Eros (katabi ko sya sa Physical Science class ko dati nung college, irregular student kasi sya. Magkakopyaan kami dati kaya magkakilala kami 😂) Sinabi nya yon nung nagpapirma nga ako sa MIBF nung 2017. Kaya dito, talagang nag pay attention ako maigi. Siguro kasalanan ko rin kasi nga nag analyze ako dito obsessively, kaya parang tumaas yung expectations ko ahahaha 😂.
Ayun maganda sya at sulit naman yung reading experience. 🧡
Nabasa ko na lahat ng nobela ni Eros. At sa lahat, wala akong nagustuhang ending. Kung hindi kasi unsatisfying (gaya ng Tatlong Gabi, Tatlong Araw), eh devastating (gaya ng It's Not That Complicated). Sa pagkakaalam ko, sinasadya niya 'yon dahil sa totoong buhay naman daw ay walang closure. Iba sa mga dagli niya, na kadalasang may suntok sa dulo.
Isa rin ako sa patuloy na asar sa napakaraming typo at style inconsistencies sa mga libro niya.
Pero tagahanga pa rin ako ni Eros dahil sa mga narratives at dialogues niya.
Sa narratives ng Ang Ikatlong Anti-Kristo, harmonious ang pagkakahabi ng mga social issues--nalabas niya nang hindi sinisira ang kuwento. Ang iba kasing manunulat, ang awkward ng pagkakapasok ng social issues; 'yung tipong sa gitna ng kuwento eh bloke ng sermon. Hindi gan'on si Eros; kaya niyang magsermon habang nagkukuwento.
Sa dialogues, lumalabas pa rin ang likas niyang pagpapatawa, sa pamamagitan ng mga characters na palatawa. At sa mga seryosong characters naman, swabe pa rin kung sila na ang babanat jokes.
Gaya sa iba niya pang nobela, maraming bagay sa kuwento ang hindi nasagot. Pero medyo kakaiba ang AIAK; dahil sa epilogue, mukhang umpisa pa lang ito ng isang series.
Sa totoo lang hindi ko plaong basahin ito agad, kasi marami pa akong naka-lineup. Pero sobrang naintriga ako sa title at sa premise neto. Sinabi na title palang na siya ang ikatlong anti kristo. Ano pang iba kong malalaman sa istorya? Pinalawak lang ba yung synopsis? Anong ikaeexcite ko habang nagbabasa? Unang nobela ko itong binasa na sinulat ni Eros. Sa totoo lang inuna ko ito para hindi pataas ang expectation ko patagal ng patagal. Inuna ko na itong bago para makita ko yung mga pinagbago niya.
Ang Ikatlong Anti-Kristo. Nobelang hindi ginawa para magkwento lang. Sabihin man ni Eros na hindi siya sigurado kong bakit niya ito sinulat, di tulad ng iba na may goal siya, tiyak ko naman na kahit kaunti ay ninais niyang ipakita sa atin ang kaunting reyalidad sa bansa natin sa loob ng mundong ginawa nya sa libro. Pero tama si Eros, libro ito ng hindi kasiguraduhan. Paring hindi sigurado kung sino siya, Politikong hindi na alam kung ano siya, Tatay na hindi sigurado kung anong nangyayari sa anak niya, Tatay-tatayan na hindi sigurado saan ba nagmula ang anak-anakan niya, mga taong gumaling pero di sigurado kung paano, at iba pang hindi kasiguraduhan.
Pero humanga ako kay Eros dito, halata namang nagresearch siya hindi lang sa internet kundi sa actual na mga tao. O siguro magaling lang mag-obserba si Eros.
Ang nobela ay may magandang progresyon. Hindi nakakabitin, hindi nakakaantok. Naipasok ni Eros ang mga pangaral niya sa mambabasa habang nagkwekwento at hindi lumalayo sa premise ng istorya. Kaso nga lang minsan imbis na smooth na ang pagbabasa may mga typo ang libro kaya nawawala ang pagkaimmerse sa istorya at babasahin muli ang may typo. Siguro madaling-madali si Eros o siguro nama'y hindi na napansin.
Bilang mambabasa, natuto, naawa, nalungkot at nasiyahan ako. Puno man ito ng 'di kasiguraduhan. Sigurado akong dapat itong basahin ng lahat ng mambabasa.
Ika-8 na libro ngayong 2018. Ikalawang libro ni Eros Atalia.
Ang pagbabasa ay parang paglangoy: kung saglit ka lamang na bumabad sa tubig ay bitin, kung natagalan ka naman sa tubig ay tiyak kang malulunod. Ang istilo ng pagsulat ng awtor sa librong ito ay hindi kaaya-ayang basahin. Maraming mga sentence fragments na nagiging dahilan upang maging putol-putol at bitin ang paglangoy sa mga salita. Sa kanyang introduksyon mahihinuha bakit ito naging problema sa Ikatlong Anti-Kristo: ito ay unang p-in-itch na gawing pelikula bago naging libro. Mababatid na karamihan sa mga sentence fragments na nakasulat ay mga pariralang pang-aksyon na madalas gamitin sa mga screenplays. Ito ay nasa script upang maging madali para sa direktor ng pelikula na malaman kung paano tatakbo ang mga eksena. Iyon ang naramdaman ko sa pagbabasa ng librong ito--para akong nagbabasa ng isang script ng pelikula. Hindi dapat ganito ang pagbabasa ng libro. Sa libro, mahihinuha mo dapat ang nararamdaman ng mga karakter, at hindi lamang dadaan ang mga nangyari sa libro bilang imahe sa iyong isip.
Mataas ang naging ekspektasyon ko sa libro na to. Una, nasubaybayan ko ang istilo ng pagsulat ni sir Eros. Huli niya ang kiliti ko sa mga nobela at kwentong nagawa niya noon. Pangalawa, ito ang hilig kong tema - kababalaghan, hula ni Nostradamus, at ang pag gunaw ng mundo. Dagdag mo pa na nanalo ito ng Palanca.
Nadismaya ako dito. Ang inaakala kong kababalaghan ay nauwi sa kabagutan. Ang istilong hinahanap ko ay wala. May minsang kiliti ngunit kulang na kulang. Walang hook ang kwento. Parang sinusubaybayan mo lang ang buhay ng isang pari na may kapangyarihan. Walang character development. Flat. Ang stereotype ng ibang tauhan, walang buhay.
Inabot ng isang linggo ang sana'y dalawang araw na pagbabasa ko dito. Wala akong mahanap na dahilan para tapusin. Sana makabawi si sir Eros sa trahedya ng libro na to.
This book has been sitting in my bookshelves for 6 years, and this was my 2nd attempt to finish the book (not because the story is bad, I jsut had different priorities before).
I really like the story because of some couple of things. It was written in Tagalog, which is my native language, it featured realistic scenarios that is actually happening in the Philippines (politics, religion, life in the province), and it explained lots of things about Catholicism (I'm not a catholic so I actually learned a lot about their religion.)
I also liked Eros Atalia's writing style. Very descriptive, to the point that you'll actually relate to it because of a similar experience from your personal life.
However, I felt that it was rushed. Especially towards the ending, but all in all, I really did enjoy reading this book. One of my fastest finished book (in a span of four days).
Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang librong ito. Ito ang isa sa mga prosa ni Sir Eros na bumalikwas sa nakasanayan niyang isitlo (Namiss ko si Intoy at Jen) Napaisip sa mga bagay bagay na inilalagay niya sa kanyang aklat na siya lang ang may kakayahang mag-isa. Nabuksan ang isip sa mga maaari ngang katotohanan at realidad na nangyayari sa lipunan. Kaya lang, may "something" sa ending na malabo. Sanay ako na open ended ang kanyang mga nobela pero parang malabo ang ending (baka kailangan ko lang basahin ulit)
P.S. Dito lang sa nobelang ito may korni na joke si Sir. Yung tungkol sa tuldok. Badtreeeep.
Matagal na naka-tengga 'to sa bag ko after reading the first few chapters. Pacing-wise, it was literally like a rollercoaster ride: A slow climb to the top, to the point where Father Marcus realizes who he REALLY is, and then it's full-speed downhill from there, like the exciting parts were compressed in the last half of the book. I liked the conflict of how the protagonist is going to deal with the fact that he is the Third Anti-Christ, and it's the fact that kept me reading until the end. So for anyone who's attempting to read this, just be patient with it.
Iba talaga si sir Eros magpasok ng punchlines talagang nakakatawa, sakto lahat, pati sa pagtalakay sa isyung panlipunan maging sa pulitika. Sakto ang anghang ng nobelang 'to, may pagtitimpi, may kambyo, may lasa na pasimpleng pumapasok sa isipan, pero dahil sakto ang timpla, parang sa ulam lang dahil sakto ang lasa, tama ang timpla, mapapa-extra rice ka.Kasi mabibitin ka. Tama nakakabitin ang ending nito. Sobra as in, nakakainis. Parang humihirit na may kasunod pa talaga 'to.
Refreshing to read this kind of Filipino fantasy that leads us back to 80s and 90s horror flicks. I don't quite like the non-linear narration, but it makes for good material as a Palanca piece. True, there are both accurate and inaccurate descriptions of the priestly life, but it is a good reminder that priests are not saviors of the world (yep, message to me.). Only Christ is, and we just follow His lead.
No doubt this book is a hit! Hindi mo pwedeng basta basta nalang ilapag yung libro dahil kakapit ang bawat pahina sa iyong mga daliri para sa kanya ka lang naka pokus. Walang kaduda-duda, mapapa nga-nga ka nalang pagkatapos mo itong basahin. Ang galing eh! (Salamat sa pagpirma ng libro ko, Sir!)
May mga typo yung nobela. Pero maganda yung pagkakasulat sa istorya. Mapapaisip ka nang malalim at mapapakwestyon ka rin. Sa perspektibo ko, baka ulitin kong muli basahin yung libro kasi may mas malalim pa siyang meaning. Basta naging maganda yung kabuoan ng libro kasi may deeper meaning pa siya kaya maganda na ulitin muli basahin ito.
nasa gitna na ako ng libro nang natengga ng tatlong taon ito sa kabinet ko. diretso lang ang plot niya, walang peaks and lows. hindi ko rin maintindihan ‘yung iba, parang hindi konektado sa ibang mga parte. hindi ko rin naintindihan ‘yung ending. siguro ginawa nga ito ni sir eros bilang ganito, o hindi.. hindi talaga natin alam.
Avid fan ako ni Sir Eros pero eto ang unang libro niya na nabagalan ako sa usad ng kuwento. Naghihintay ako na baka meron pa pero napa 'ayun lang 'yon' ako sa dulo. Nakatatawag sa atensiyon ung pamagat ng libro pero nakulangan ako. pero babasahin ko pa rin ang mga susunod na libro ni Sir Atalia.
not the best but i have a bias for this because it's my first ever filipino book. loooved marcus but father domeng's character was better-built. ending felt sudden. would read this if it were longer :) still love it though
A slow burn where the whole book - with the exception of the few final pages - felt like a long introduction that never quite made it to the middle. And then it suddenly ended.