Jump to ratings and reviews
Rate this book

Operation Táka

Rate this book
Pitong kabayo at pitong kalabaw ang gagawing táka nina Miyo at Andro. Magpaplano pa sila para sa gagawing karoling, maghahanda ng mga regalo para sa monito-monita, at mag-iisip ng pagkaing dadalhin sa Christmas party.

Maalala kaya ng magbespreng bilhan ng regalo ang isa't isa?

126 pages, Paperback

Published January 1, 2017

4 people are currently reading
39 people want to read

About the author

Xi Zuq

6 books26 followers
Si Xi Zuq ay isang guro, manunulat at mambabasa mula sa Lungsod ng Heneral Santos. Kasapi siya ng Kuwentista ng mga Tsikiting (KUTING) at Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Bisitahin siya sa www.xizuqsnook.com.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
15 (48%)
4 stars
8 (25%)
3 stars
5 (16%)
2 stars
2 (6%)
1 star
1 (3%)
Displaying 1 - 4 of 4 reviews
Profile Image for Roseby Valencia.
78 reviews16 followers
October 17, 2023
Reading it brings me back to my grade school days. Nostalgic. 😅😅. Friendships, gift givings, Santa, comics, innocent crushes, and that childlike heart that forgives. Cute and light read.
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
October 9, 2017
Singtamis ng asukal na kuwento. Mapapa-angsweet ka habang binabasa ang pagpapatuloy na ito ng kuwento ng dalawang batang lalaki na sina Andro at Miyo. Pagpapatuloy dahil sila rin ang mga bida sa unang dalawang kuwentong pambata ni Xi Zuq sa "Supremo" (2014) at "Pangkat Papaya" (2015).

Gaya noong dalawang naunang libro, tungkol ito sa buhay elementary school partikular mga middle class. Umaayon naman sa hitsura ng libro. Disin sana'y gusgusin yong aklat kung tungkol ito sa mga maralitang kabataan na pumapasok sa eskuwela nang walang baon o naglalakad dahil walang pamasahe. Ang libro ay makulay, makinis at maputi ang papel. Para sa mga may pambili talaga ng libro. O siguro para pang-inspire ito ng mga maralitang kabataan. Bibili ang school ng isang kopya at ilalagay sa library at babasahin ng lahat pati na ang mga kabataang walang pambili nito. Mai-inspire silang magpursigi sa buhay para ang kanilang mga anak ay makapagaral sa mas magandang school kagaya ng kina Andro at Miyo.

Doon tayo sa ma-inspire. Maganda naman lagi ang morals ng story ni Xi Zuq. Dito sa "Operation Taka" ay ang tiwala. Nawawalan na nang pagasa si Andro na ibibili siya ng regalo ni Miyo sa darating na Pasko. Nabili ko ito sa MIBF 2017 at di pa lumalabas sa mga bookstores. Malamang na ita-timing sa darating na Kapaskuhan dahil ang setting ng kuwento rito ay gift-giving kasama na ang monito/monita o kris kringle. Ang buong istorya ay nagsimula nang Disyembre 9 at nagtapos ng Disyembre 25.

Pinaka-simple ang kuwento kaysa sa dalawang nauna pero ito yong pinaka-sweet lalo na yong huling tagpo. Parang bagay na basahin kapag Christmas break na at namamaluktot ka sa higaan dahil malamig ang panahon at wala nang pasok.

Profile Image for elsewhere.
594 reviews56 followers
November 1, 2017
Nagustuhan ko ang "Operation Taka" ni Xi Zuq at Al Estrella. Katulad ng "Supremo" at "Pangkat Papaya", nakakaaliw ang kuwento at ang mga drowing sa loob ng libro. Gustung-gusto ko naman ang pabalat ng libro, lalo na ang kulay nito. Paborito ko ang mga guhit at ang mg pangalan na batay sa "Si Janus Silang" at "Detective Boys of Masangkay". Siguro, medyo nakulangan lang ako sa pinadama sa akin ng libro, dahil hinahanap ko pa rin ang mga bagay na nadama ko noong binasa ko ang "Supremo". Pero kahit na ganoon, nag-enjoy pa rin ako sa "Operation Taka".
Profile Image for Yves.
15 reviews
Read
July 12, 2025
Awww, nakatataba ng puso ang kwento. Basahin ko nga ulit pag malapit na pasko! Napaka-ganda talaga ng illustrations 💖💖
Displaying 1 - 4 of 4 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.