"Nagliliwanag na ang langit; binabalangkas ng mga pilak na liwanag ang mga bubungan. Nang sumikat ang buwan at bahain ng mainit na liwanag ang walang kagalaw-galaw na plasang punong-puno ng tao, huminto sa paghagulgol ang mga babaeng nakaitim na belo at isang batang babae ang lumapit at nagtanggal sa talukbong ng Tadtarin na nagmulat ng mata at naupo, iniharap ang mukha sa liwanag ng buwan. Tumindig siya at iniangat ang baston at ang mga binhi at nakisaliw ang mga babae sa pamamagitan ng isang malakas na paghiyaw. Tinanggal at iwinagayway nila ang kanilang mga alampay, nagpaikot-ikot at nagsimulang magsayawan muli—humahalakhak, umiindak nang may galak at pananabik...
"Ikinusot ng mga babae ang mga kamay niya sa kaniyang buhok at nagtatarang, lumugay ang kaniyang buhok. Namaywang siya pagkatapos, nag-umpisang humakbang-hakbang nang maliliit, isang likas na katutubong pag-indak. Pabaliktad na itinikwas niya ang kaniyang ulo, at namukadkad ang kaputian ng kurba ng kaniyang leeg. Natigib ng liwanag-buwan ang kaniyang mga mata, ng halakhak ang kaniyang bibig."
Nicomedes Márquez Joaquín (1917–2004) was a Filipino writer and journalist best known for his short stories and novels in the English language. He also wrote using the pen name Quijano de Manila. In 1976, Joaquin was conferred the rank and title of National Artist of the Philippines for Literature. He has been considered one of the most important Filipino writers, along with José Rizal and Claro M. Recto. Unlike Rizal and Recto, whose works were written in Spanish, Joaquin's major works were written in English despite being a native Spanish speaker.
Before becoming one of the leading practitioners of Philippine literature in English, he was a seminarian in Hong Kong – who later realized that he could better serve God and humanity by being a writer. This is reflected in the content and style of his works, as he emphasizes the need to restore national consciousness through important elements of Catholic Spanish Heritage.
In his self-confessed mission as a writer, he is a sort of "cultural apostle" whose purpose is to revive interest in Philippine national life through literature – and provide the necessary drive and inspiration for a fuller comprehension of their cultural background. His awareness of the significance of the past to the present is part of a concerted effort to preserve the spiritual tradition and the orthodox faith of the Catholic past – which he perceives as the only solution to our modern ills.
"Kababaihan ang nagtayo ng dangal ng kalalakihan. At kababaihan din ang makawawasak nito!"
Muli't muli kong kinahuhumalingan ang kathang ito sa iba't iba nitong anyo. Una, bilang sayaw -- Amada, na salin ni Alice Reyes ng salaysay sa kontemporanyong ballet -- at ngayon, sa wikang Tagalog, sa salin naman ni Michael Coroza. May kakaibang hiwagang kinintal sa isip ko ang ritwal ng Tadtarin na kinapipihitan ng salaysay: ang dahas at laya nitong dinarakila ang kapangyarihan ng kababaihan na gumigimbal sa marupok na pagkalalaki. Napakahusay ng daloy ng kuwento at kapani-paniwala ang mga hakbang ng mga tauhan tungo sa kislap-diwa sa rurok ng salaysay. Nakatutuwa rin na bago pa man mapanday ang mga katagang humihimay sa patriyarkiya at marupok na pagkalalaki, tinalakay na ang mga ito ni Joaquin sa ugnayan nina Lupe at Paeng. Isa ito sa mga pinakapaborito kong maikling kuwento.
Rubdob ng Tag-init (1945) ni Nick Joaquin, sa salin ni Michael M. Coroza
Una kong nabasa ang Summer Solstice (original version nito) noong college ako. Sa pagkakaalala ko noon, nakita ko siyang feminist work. Walang gaanong kwestyon. Pero, kung babalikan ko, mababaw lang naman noon ang alam ko sa peminismo. Matapos kong mabasa ito ngayon masasabi kong mahusay naman talagang kwentista si Nick Joaquin, gayundin na mahusay na manunulat at translator si Mike Coroza. Bagaman sa pagkakataong ito ay hindi ko na nakikita itong feminist work. Bagaman may tangka ay hindi, para sa akin, ito naging matagumpay. Punto pa rin ng objectification. Sa dulo, bagaman sinasamba, ay nanatiling “object” of workship pa rin ang mga babae—sekswal at misteryoso.