Jump to ratings and reviews
Rate this book

Sonata

Rate this book
Sabi ng tatay niya, "Paglaki mo, igagawa kita ng mahabang-mahabang hagdan papunta sa mga bituin."

Namilog ang mga mata niya. "Talaga?"

"Oo. Tapos mula doon, ito namang mundo ang ite-telescope mo. Makikita mong mabuti ang lahat, pati 'yung luka-luka."

"Sasama ka ba sa 'kin?"

"Siyempre, hindi", sagot ng tatay niya. "Maiiwan ako dito sa ibaba. Para saluhin kita pag nahulog ka."

Napaisip siya. "Masasaktan ako..."

"Kahit masaktan ka, basta tatayo ka lang at itutuloy mo ang pag-akyat. H'wag kang mawawalan ng pag-asa. Pag buo ang loob mo at hindi mo iniinda ang sakit, mararating mo ang mga bituin."

328 pages, Paperback

First published January 1, 2017

22 people are currently reading
233 people want to read

About the author

Lualhati Bautista

33 books650 followers
Lualhati Bautista was a Filipina writer, novelist, liberal activist and political critic. She was one of the foremost Filipino female novelists in the history of Contemporary Philippine Literature. Her most famous novels include Dekada '70; Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?; and ‘GAPÔ.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
62 (65%)
4 stars
24 (25%)
3 stars
3 (3%)
2 stars
5 (5%)
1 star
1 (1%)
Displaying 1 - 19 of 19 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
October 28, 2017
So far, pinakamalungkot ng Pinoy book na nabasa ko. O baka pinakamalungkot ever. Same level na nga siguro ng foreign books kagaya ng "Fugitive Pieces" ni Anne Michaels o "The Trick is to Keep Breathing" ni Janice Galloway.

Yon bang iyak ka nang iyak. Tapos parang gusto mong yakapin ang magulang mo (kung nariyan lang sya sa tabi mo) o gusto mong tawagan siya para marinig mo ang boses (kung nasa abroad o nasa probinsiya) o kung patay na siguro, gusto mong magbuklat ng photo album at nang makita mo siyang muli.

Guaranteed to make you cry itong "Sonata" ni Lualhati Bautista. Pusong bato ka na kung hindi. Universal ang tema: yong mga taong mahal natin, di naiiwasang masaktan tayo. Pero sa huli, lalo na kung pamilya, babalik pa rin sa dati. Makakalimutan ang nadamang sakit gaano man katagal na kinimkim sa dibdib. Magkakapatawaran kahit walang sinasabing sorry. Una patatawarin ang sarili. Pangalawa, ang makasakit. At sana, dahil nga sa aklat, gawin na agad-agad. Dahil kung alam mong doon na rin ang punta, bakit ipagpapaliban ba?

Si Lualhati Bautista ang lokal na manunulat na kapag may bagong labas na aklat, pagpi-PM yan sa akin. Usapan namin, bibisita ako sa kanya sa Novaliches para di na nya ipadala sa LBC. Kaya, kahapon nga, naroon na naman ako sa bahay nya. Kumustahan at kwentuhan. Tanong ko sa kanya matapos mabuklat-buklat ang "Sonata": "Ma'am ano naman po ang aasahan naming mambabasa dito sa 'Sonata'? Sa 'Sixty in City' po kasi tawa ako ng tawa. Dito po ba tatawa, iiyak o tawa't iyak?" Sagot niya: "Ang feedback ng nakabasa na, ilang tissue raw ang nauubos nila."

Mula sa bahay nila, diretso na ako sa bahay upang magbasa. Kagabi, nakalahati ko ang aklat, wala pang luha. Pero kaninang umaga hanggang kanina bago magtangahili, sa pagdating ko sa dulo ng aklat, ilang beses akong nagpapahid ng mata at salamin kasi nagfo-fog na. Pinilit kong pigilan pero kusa na lang. Wala naman kaming ganoong kabigat na sitwasyon sa pamilya ko o sa sarili kong pamilya pero buhay na buhay kung malarawan ng karakter at sitwasyon si Lualhati Bautista. Tapos yong storytelling niya, yong pagkakatagni-tagni't pagkakahabi ng mga pangyayaring makatotohanan at kapani-paniwala, tunay na isang beteranang manunulat lang ang makagagawa. At yong pili't bitaw ng mga salita't daloy ng mga pangungusap, para ka minamalikmata habang kinukurot ang puso mo't kinakausap ang iyong kaluluwa.

Sana itatanong ko sa kanya kahapon: "Ma'am, nakagawa na po kayo ng non-fiction. Yong 'Hinugot sa Tadyang.' May plano po ba kayong maglabas ng autobiography?" Pero hindi ako nakasingit sa mga kasama kong kaibigang isinabay ko sa pagbisita. Pero habang nagkuwentuhan, may nagtanong na rin ng gaano katotoo ang mga akda sa kanyang totoong buhay. Sabi lang ni Lualhati Baustista: "Lagi naman sa akda ko, mayroong totoong nangyari at mayroong dagdag ko lang."

Matagal na rin ang ganitong sistema namin ni Lualhati Bautista. Yong pini-PM niya ako pag may bago siyang akda. Marami na rin siyang naikuwento sa akin. At habang nagbabasa, mas ramdam ko na siya si Kathleen Hernandez at malaking bahagi ng "Sonata" ang totoong nangyari.

Kaya tuloy, kanina, gusto kong pumunta ulit sa bahay nila at siguro yakapin siya ng mahigpit dahil ramdam ko ang pinagdaanan nila ng tatay niya.
Profile Image for Merie.
101 reviews3 followers
October 13, 2023
I wasnt ready to read this book — hindi ko masyadong binasa ang blurb. Hindi ko inakalang sobrang lungkot nito. It’s about family. And GRABE ANG IYAK KO. Hindi ko inakala pero malaking factor na I also lost my father who’s very dear to me. Ganda ng pagkakasulat — makakatulong maappreciate ang pamilya, pagpapatawad, pagmamahalan.
Profile Image for Jeremiah Antioquia .
72 reviews3 followers
March 9, 2025
Isa ito sa pinakamalulungkot na librong nabasa ko. A perfect read for someone who's still grieving like me.
10 reviews
May 17, 2018
Hindi ko alam bakit inabot ako ng ilang araw bago ko natapos basahin itong Sonata, kung tutuusin napakagaan basahin nitong libro na kayang matapos ng isang araw lang. Pero kung gano sya kagaan basahin, ganun din kabigat. Mabigat, parang puno ng pagsisisi, ganun. Kanina ko lang talaga binasa yung kalahati, tinapos sa loob ng PNR. Sana naghintay na lang ako makauwi bago nagbasa, edi sana di ako pinagtinginan ng iba dahil napapaluha ako (mejo nakakahiya haha) Naalala ko na naman kung bakit hinahangaan ko ang mga gawa ni ma'am Lualhati. Sa paraan pa lang ng pagkukwento, nakakapukaw na ng interes. Mga karakter na sobrang totoo, minsan ang hirap basahin dahil masasalamin sa'yong sarili. Nakakatuwa na pwede kahit kanino ang kwentong ito, pwedeng sa mga magulang para mas maintindihan ang kanilang mga anak at pwede sa anak para sa kanilang mga magulang. Maraming salamat kay ma'am Lualhati para sa kanyang pagsusulat. Sana marami pa ang makabasa nitong kwento at matutunan ang dapat matutunan.
Profile Image for Jessica wishes to read forever.
3 reviews
September 16, 2024
I’ve been recommending this book to my friends. Read this during 2020 and I do so wish to meet Madam Lualhati because I think this book resonates her life in some ways? But she left earlier than expected and did not get a chance to have a talk to her about her books. I cried a lot while reading this because as someone who has daddy issues I think I too resonate with this book. I would give everything to get to know Katerine and read her story all over again. Sonata is so poetic and beautifully written. The poems before every chapter gives hint to what you’re about to expect in that chapter. I specifically love how the young katerine asked her lola what really is the last name of every woman because we always get to have the name of our husbands or the men in our life and never the name of the women in our lives. I cried a lot when it was her father’s time and he did not close his eyes yet because he is still waiting for the arrival of katerine.
Profile Image for Samantha Gabrielle.
26 reviews
October 28, 2022
Habang binabasa ko ito, hindi ko maiwasang makita ang sarili ko kay Kathleen. Siguro dahil ganoon naman talaga ang bawat relasyon ng anak sa magulang. Sila ang pinanggalingan ng mababaw na kasiyahan at pinakamapait na kalungkutan. May mga panahon na hindi natin matagalan ang kanilang presensya, at may pagkakataong hindi natin kayang mabuhay nang wala sa kanilang piling. Anu’t-ano pa man, ang librong ito ang nag-papaalala na sila ang pinaghuhugutan natin ng pinakamalalim na pag-ibig.

Pinakamasakit sa lahat ng aking nabasa. Ni hindi ko kailangang lumuha para masabing tagos ang epekto sa aking kamalayan. Pero masasabi kong “the best love story” dahil sinira nito ang anumang harang na mayroon ang manunulat sa mambabasa. Salamat, Ma’am Lualhati sa isa na namang taos-pusong nobela. Isa kang kayamanan ng ating lahi.
Profile Image for Jayson Macapagal.
17 reviews3 followers
February 17, 2019
Gaya ng inaasahan ko kay Ma'am Lualhati Bautista, maganda ang pagkakahabi ng buong nobela. Ng matapos ko ang akdang ito, marami akong napagtanto hindi lamang sa aking sarili kundi pati na rin sa nangyari sa aking pamilya. Antig at matinding kurot sa puso ang madarama ng makakabasa nito.

Naalala ko rin ang akdang ito habang binabasa ko ang aklat na Angela's Ashes ni Frank McCourt. Siguro'y dahil sa mga kaunting pagkakatulad ng ginawa ng mga tauhan o mga pangyayari.
Profile Image for Jessica Biwang.
11 reviews
February 25, 2024
May panahon noong kabataan ko na naging rebelde rin ang pag-iisip ko laban sa mga magulang ko. Habang tumatanda ako, napagtanto ko kung paanong ginagawa lang naman nila kung ano ang alam nilang tama bilang isang magulang, ayon sa kung anong natutunan nila sa kani-kanilang magilang. Ni wala akong alam sa kung anong lalim ng trauma ang naranasan nila. Sana dumating ang panahon na lubusan ko silang maunawaan.
1 review
October 25, 2021
第一本真正看完的菲律宾语书,全程没怎么查单词(其实有很多单词不认识),所以一些细节没有看得很明白,但是大概故事情节能理解。故事挺简单的,主要讲了家庭、写作和一些男女情感纠葛,比较有感触的还是家庭部分,虽然自己和父亲的关系和主角的父女关系差别很大,还是能感受到那种对至亲之人既深爱又不满的矛盾心理。文中对父亲生病后的描写让我想到了去世不久的外公,可能更多的感动还是来源于自己的联想而不是这个小说本身吧。
Profile Image for emil.
461 reviews27 followers
August 31, 2018
naiyak talaga ako d2 amp haha
Profile Image for kai reads.
2 reviews3 followers
June 23, 2020
Hindi maaaring basahin ito ng walang dalang pamahid ng luha. Hindi lang isang bese akong pinaiyak ng mga salita ni Ma’am Lualhati, patunay lang kung gaano siya kagaling na manunulat.
Profile Image for Maecy Tiffany.
63 reviews2 followers
January 19, 2022
TEARS! Bakit ramdam na ramdam ko ang aklat na ito? Isa na ito sa pinakapersonal at pinakamamahal ko sa lahat ng mga nabasa kong libro!
Profile Image for eko.
75 reviews2 followers
October 5, 2022
Ang gaan ng pagkakasulat pero may bigat sa kwento. Napaiyak ako.
Profile Image for Yana.
32 reviews
June 11, 2023
‘Di ko namalayan na umiiyak na rin ako kasabay ni Kathleen at ng buong pamilya.
Profile Image for Tuklas Pahina (TP).
53 reviews25 followers
February 27, 2020
"Sa pagitan ng hilis ng biyulin
mga ingay na ayaw magpatahimik
katahimikang bumabasag sa pandinig.
O mas angkop sabihin
na sa pagitan ng ingay at katahimikan
ay ang hilis ng biyulin?
Buong buhay na yumayakap, umuunawa
buong buhay nagsisikap...
magpalaya."

SONATA ni Lualhati Bautista
"Walastik!"...
Naintriga ako sa pamagat ng bagong aklat ni Lualhati Bautista dahil kakaiba siya sa ibang aklat niya tulad ng Gapo, Bata Bata... , Dekada 70, In Sisterhood: Lea at Lualhati, Sixty in the City, atbp...
Naitanong ko sa sarili ko kailan pa nahilig sa musika si Lualhati?... sa classical, pop, rap, rock o heavymetal music?... Ano kaya iyong paborito niyang kanta? singer artist? Kaya naman binasa ko siya agad. Kakaiba nga!.. Maraming tissue ang kailangan. Napaka-komplikado ng mga paksa pero ganun niya kagaan pag-isahin sa simpleng salita at damdamin, nakaka-adik na parang musika. Alam ko na kung bakit Sonata ang pamagat. Maraming salamat sa nagpahiram ng aklat. Petmalu at Lodi talaga si Lualhati Bautista. :)
Nagustuhan ko ang mga linya o dayalogo ng bawat karakter at mga paksa tulad ng pagrerebelde, wido, kamatayan, pagpapatawad, mga bulaklak, relasyon, pamilya, kabalintunaan, lihim, closure, atbp...
Para sa akin ang Sonata ay kuwento ng isang manunulat at musikero na magkaiba ng pananaw sa buhay at paninindigan nasa bandang huli ay magsasanib puwersa ng puso at ala-ala sa isang masaya at malungkot na saliw ng musika,..."na naiiwan sa pandinig ang tinig at mga palakpak."
#pinoyreads
#pinoybooks
#Sonata_LualhatiBautista
#GoodreadsTFG
#ASEAN2017
#POPE
#LodiPetmaluWerpa
Profile Image for Eloise Shen.
66 reviews1 follower
June 21, 2022
Rate 10000/5

I thought this is going to be boring because it portrays the life of a woman who became stubborn/rebellious during her teenage year because of the maltreatment she received from her parents who had just mourned the death of their youngest son — the main character's younger sibling.

The story depicts, NORMALLY, Filipino broken homes: all of them living on the same roof but their hearts are broken and separated from their loved ones.

I shed tears while I'm reading the story because I can definitely understand how it feels to be tied in a situation where love is "somehow" not existing in a family. When we sometimes asked ourselves "why do people can't understand us?" "Why would the universe judge you when you became stubborn w/out understanding the things you've been through throughout your journey?" That there are — actually most — of the parents who don't know or are not literate enough with proper parenting; that will mentally and emotionally manipulate their kids when they failed to do what they asked them to do or when the kids failed to attain their expectations.

Regardless of what we've been through, your emotions are valid. It is valid. No one should compare you to any other person just because they are like this and like that. But, it does not necessarily need to completely shut your heart from forgiveness, especially from the wrongdoings our parents have done to us. They do commit mistakes, so you are; and we'll be only able to attain PEACE when we learn to forgive.
Profile Image for Billy Ibarra.
196 reviews18 followers
June 23, 2022
Ito ang ayaw ko kay Ma'am Lualhati Bautista , eh. Patawa-tawa ka muna 'tapos biglang may pakurot-kurot sa puso hanggang sa iwan kang wasak.

Tungkol sa amang musikero at sa paborito niyang anak na later on ay naging manunulat; tungkol sa pamilya. Mabilis lang basahin ang nobela kahit makapal sa unang tingin at magaan ang gamit ng wika.

Nandito yung mga usaping pampamilya na hindi napag-uusapan o piniling hindi na pag-usapan, mga sama ng loob at tampo ng anak sa magulang. Siyempre hindi mawawala ang tindig ni Lualhati Bautista sa usapin ng kababaihan. Ang gusto ko rin dito ay ang character development ni Kathleen (pangunahing tauhan sa kuwento) bilang isang manunulat; mula sa manunulat na papasa-pasa sa magazine ng maikling kuwento, pagtalon sa pagsusulat ng romance novel (pocketbooks), sa telebisyon, hanggang sa paggawa ng landas sa pagkamanunulat.

Ipinagpapasalamat ko na lang din na mula nang mabili namin ito sa Anvil warehouse noong 2018, ngayon ko lang binasa, haha. Iniisip ko kung si Aling Rosa (Sumakay Tayo sa Buwan, 1994) ang lukalukang kinatatakutan ni Kathleen noong bata pa siya pero sigurado akong ang kuwentong nagpanalo kay Kathleen ay ang Ang Pag-ibig ay Isang Tula (Bayan Ko, 2019). May crossover, haha.

P.S.
Masamang isabay ang pagbabasa nito kapag umuulan sa labas.
Profile Image for Sydney Deserva.
1 review
August 20, 2021
Pinakilala ng nobelang ito ang mag-amang alagad ng sining. Ang bidang si Kathleen ay isang tanyag na manunulat, habang ang kaniyang ama ay isang musikero by heart and profession. 'Yung dynamics ng pamilya Bartolome sa Dekada '70, dinala ni Ma'am Lualhati sa Sonata—'yung paglago ng sama ng loob nang palihim, na nagiging sanhi ng paglayo ng mga damdamin. Ang kaibahan, pinakita ni Lualhati sa Sonata ang maaaring maging bunga ng pag-project ng magulang ng personal na trauma sa kaniyang anak gamit ang pananakit—verbally, physically. Nakakalungkot makitang magtiis si Kathleen habang naghahangad na makalaya (mula sa piling ng kaniyang mga magulang o mula sa sarili niyang mga hinanakit).

Gayunpaman ay binigyan ako ng mapayapa, albeit may halong pagluluksang closure ni Ma'am Lualhati. Muli niyang pinaalala na walang all-in-one formula kung paano maging isang magulang—o kung paano maging isang pamilya. Matagal mang nalayo ang loob ni Kathleen mula sa ama, pinalaya't pinaglapit sila muli ng kanilang pagmamahal sa sining.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 19 of 19 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.