"Naitala ang nilalamang danas na iniempake sa mga kahon ng pag-aasam at pag-asa." - Dr. Reuel Molina Aguila
Daig ng kahit anong bigat ng isang balikbayan box ang damdamin ng bawat OFW, at ang pamilyang naiwan sa kani-kanilang mga tahanan. At sa librong ito naisakahon upang maiparating ang mga mumunting karanasan ng saya at takot sa pagsisimula, ang pag-iisa at pangungulila, ang pighati at pagbabakasali, at higit sa lahat ang pagkakaisa at pagtatagumpay ng ating mga bagong bayani sa ibayong dagat.
Hindi kailanman malilimot ang kani-kanilang mga kuwento. Patuloy na pupukaw sa ating mga pandama at magbabalik-bayan sa ating mga puso.
Stefani J. Alvarez (b. 1983, Cagayan de Oro) Creative non-Fiction writer, essayist, & immigrant Filipino artist based in Al-Khobar, Saudi Arabia. At the annual Philippine National Book Awards, her collection of flash autofiction Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga (Visprint, 2015) won Best Book of Nonfiction Prose in Filipino and her coming-of-age novel Kagay-an, At Isang Pag-Ibig sa Panahon ng All-Out War (Psicom-Literati, 2018) was finalist in the Best Book of Short Fiction in Filipino category. She also edited Saan Man: Mga Kuwento sa Biyahe, Bagahe, at Balikbayan Box (PageJump, 2017), an anthology of a hundred flash fiction written by overseas and local Filipino writers. Her other projects, Si Mimi at Si Miming (Vibal, 2020), an illustrated children’s book, Lama Sabactani: Isang Nobela, and Ibang Lady Gaga, Ang Muling Pag-ariba was launched this year. Her works have been translated to English, Cantonese, and Bahasa for Afterwork Readings of Para Site – Hong Kong. Some of her forthcoming collaborative projects have received grants from the International Studio & Curatorial Program in New York, the Goethe Institut in Dubai and LGBTQ+ Positive Voices in the United Kingdom. Alvarez is also a fellow of various national writing workshops at University of Santo Tomas (2008), Palihang Rogelio Sicat (2012), University of the Philippines (2015), Ateneo (2016) and Iligan National Writing Workshop (2016).
Ang Saanman ay antolohiya ng mga dagling may kinalaman sa pagiging OFW. Collaboration ng 53 manunulat (tatlong dagli bawat manunulat). Inedited ni Jack Alavarez. Ang bawat manunulat ay mga OFW na may kanya-kanyang credentials din sa panitikan.
Brevity ang main feature sa pagsusulat ng dagli. Sa dagli, napa-practice ng manunulat ang medias res, ang pagsisimula sa aksyon, walang intro. Sa dagli rin, kailangang ma-build ang emosyon ng mambabasa sa pamamagitan lamang ng mabiisang set-up. Kaya laging sa dulo ang pinaka-“climax” ng isang dagli. Dahil nga sobrang ikli, ang ending na rin ang pinaka-climax. At kung pumalya ‘yon, pumalya ang buong dagli.
Gusto kong magustuhan ang libro ito dahil bago sa kinagisnang paraan ng paga-antolohiya. Bilang fan ng anthologies, mapa-maikling kwento man o sanaysay, naging promising para sa ‘kin ang premise ng libro.
Pero sa ika nga eh, “the sum is not equivalent to its part.” Disente naman ang karamihan ng dagli sa librong ito. May ilang magaganda talaga. Ang kaso, sa dami ng kwento—lalo’t sa nature ng dagli na maiikli—naging redundant ang mga anggulo, na magkakatulad pa ng pagkakakwento. Kaya magkakamukha na ng content, magkakamukha pa ng form. Laging isyu ng pangungulila, paglimot, pangangaliwa, abuso, pagpapakamatay. Don’t get me wrong, lahat ng ito ay mahahalagang issue ng mga OFW na dapat malaman nating mga naiwan sa Pinas. Ang kaso, hindi epektibo ang antolohiya ng 158 dagli para ma-deliver ang mga hinaing ng mga OFW.
Mas maganda kung naging short story anthology ito ng ilang OFW writers. At bawat kwento ay magfo-focus sa isang OFW issue. Mas magiging maganda ‘yon dahil mas mapapalalim ang talakayan sa bawat issue, mas makikilala ang mga karakter at struggles nila.
Props pa rin sa bawat kwento. And even sa eksperimentong ito ng paga-antolohiya. Hindi ko masasabing pumalya ang librong ito. Dahil may ilang kwento talaga akong nagustuhan gaya ng:
Pintuang Papel ni Herlyn Alegre Video Call ni Jena Abegail Acayen Sumpaan sa Tore ng Eiffel ni Nonon Villaluz Carandang Mary Ann ni Jayson Fajardo
PS: Ang ganda ng book cover designed by Isobel Francisco. Props din sa PageJump para sa magandang layout, typesetting, choice of paper, at bookbinding.
Maganda ang tema na pag-inugan ang mga dakila at makabagong bayaning OFW sa pagtitipon ng maiikling katha. Nakilala ko rin ang iba-ibang mga may-akda. Mabilis lang matapos ang bawat katha. May samot-saring kuwentong maiaambag.
Bagaman ang ilan ay mababaw at naulit lang ang naipahayag ng naunang may-akda sa kanila, may ilan pa rin akong mga nagustuhan. Ang mga ito ay ang "Video Call" ni Acayen, "Chatbox" ni Bautista, "Guhit" ni Bolata, "Robot" at "Foreign Tongue" ni Cabaluna, "Regalo" ni Plopinio, at "Uuwi na ang Idol kong si Tatay" ni Villanueva.