There are various and colorful cultural heritage in Mindanao. Here lives the biggest count of ethnic tribes, indigenous people and Muslim. This book is significant for the study and publication of anthology of the different kinds of literature coming from southern part of the Philippines. It includes the narratives of the society from the different tribes of Mindanao comprised of Muslim, Maranao, Maguindanaon, Tausug and more.
Mga Kuwentong-bayan ng Katimugang Pilipinas nina Arthur P. Casanova, Rolando C. Esteban, at Ivie C. Esteban 🇵🇭
Nabili ko ito noong #MIBF2024 sa Anvil Publishing. Sabi ko, tamang-tama. Matagal na akong naghahanap ng mga koleksiyon ng kuwentong-bayan ng Pinas. Nakakalungkot man ngunit tama ang mga may-akda, bihira lang ako makakita ng mga ganitong libro na ang pokus ay sa Mindanao. Kaya saludo po sa inyo.
Ang ikatlong aklat ng nobela-serye kong #KlabMaharlika ay tatalakay sa mga kuwento ng Mindanao kaya sabi ko, hindi matatapos ang taon na ito na hindi ko ito nababasa.
Bawat entry ay kumakalikot sa imahinasyon ko. Sadiyang mayaman ang Mindanao sa mga kuwentong-bayan. Malawak ang kanilang mga pangkat. At paunti-unti ko naman silang nakikilala dahil dito. Maraming mga nakakamanghang kuwento na iba sa nakasanayan natin sa Katagalugan.
May mga kuwento ring nakaaantig ng puso, patungkpl sa pagmamahal at pangungulila ng mga pamilya.
At mayroom ding mga tradisyon at konsepto na masasabi ko lang ay astig. Na-inspire tuloy akong magsulat muli.