Laging kagila-gilalas kung magkuwento si Ricky. Kanyang-kanya lamang ang hapay ng naratibong hinuhubog ng kanyang imahinasyon. Halimbawa, sa Bahay ni Marta, inihaharap tayo sa kuwentuhan ng isang matandang bahay at isang ulilang batang tabingi ang mukha. Aakalain mong nagbibiro ang kuwentista, at tayo ay inaanyayahan sa isang kakatwang drama, na wari'y komiks ang patutunguhan. Pero habang pumapalaot tayo sa mga uli-uli ng istorya nina Marta, Tomas, Badong, at Joaquin, nakakaramdam tayo ng siklot at sikdo ng mga emosyon at pagtuklas na hindi natin nawari sa simula na hinahabi pala ng awtor.
Filipino screenwriter, journalist, novelist, and playwright.
He has written more than 150 film screenplays since 1973, earning him more than 50 trophies from various award-giving bodies, including a 2003 Natatanging Gawad Urian Lifetime Achievement Award from the Manunuri ng Pelikulang Pilipino (Filipino Film Critics). As a screenwriter, he has worked with many Filipino film directors, most notably with Lino Brocka and Ishmael Bernal. Many of his films have been screened in the international film festival circuit in Cannes, Toronto, Berlin, among others.
This is the book I read during my weekend participation with #WorldBookDay in discord. When I saw an invite from Kwesi, I penciled the event in my calendar, making sure that a specific timeslot is free for me to read (or speed-read!)
Ricky Lee's prose is very conversational in Filipino, and very easy to zen in. It was set in Laguna during lenten season, and in a span of less than a week, multiple events unravel. In as early as chapter 2, a striking scene happened.
I don't rate it as five stars, because of its brevity and quick pacing. At this point in my life, I prefer slower prose and those moments of introspection. wala lang, share. Maybe the younger readers will appreciate manong Ricky Lee's work, especially the evocative moments being delivered in less than two pages.
I'd recommend this work to the college students who wanted to do a book review/analysis of manong Ricky Lee's writings, and how will they differentiate it with his scriptwriting styles.
The house didn't say, "We listen and we don't judge." It said, "We witness and we speak the truths of our observations." Straightforward and interesting character studies, but nothing to write home about.
Kakaiba ang konsepto. Akalain mong magiging kwentista ang isang bahay? Kung totoo man na ang mga bahay ay may kakayahang maglahad ng mga kwentong dapat nananatili lang sa apat na poder nito ay paniguradong walang lihim ang hindi mabubunyag.
Sa loob ng napakaikling libro ay inilahad ni Sir Ricky Lee ang iba't ibang isyung panlipunan. Mula sa katauhan ng piping batang tabingi ang mukha, hanggang sa nars na may bangs. Halo-halo ang aking nararamdaman. Magsisimula sa tuwa dahil sa witty na pag-uusap ng bata at ng bahay, hanggang sa lalamunin na lang ng galit, lungkot, panghihinayang at walang katapusang pag-iisip sa mga tanong at punto ng bawat karakter.
Ricky Lee, napakahusay mo. Clocking in at only 100 or so pages, Lee completes a fully realized story of intertwining narratives: a troubled kid finds solace in a dilapidated house, whose very structure a witness to a gruesome tragedy that befell a woman, a mother. Lee presents a case for the Morally Good and the Morally Bad, but just like the house we are only mere observers and never the ones to strike the gavel. And who can?
Ricky Lee did it again! Bahay ni Marta made my cry, angry, cry again. I love how sir Ricky builds the characters. How I pity the person who has sinned. how I hate the supposedly good character. How I became sad when a disturbed character died. How did a House became more empathetic that the rest of humanity. Sobrang lalim ng book. It reflects every "houses" on this earth. religion. politics. and humanity.
Palagi akong napapahanga sa mga kuwento ni Sir Ricky. Ang ikli lang na nobela nitonh Bahay ni Marta pero hindi ko mabitawan. Buhay na buhay ang mga tauhan. Kahit bahay may buhay. Akala mo hayop lang ang puwedeng magsalita at halaman, ha.
Tinapos ko sa trabaho at napa-oty pa ako dahil sa librong ito. Sulit na sulit ang pinambili ko. Katulad ng ibang libro ng awtor na inuulit-ulit ko kapag gusto kong may matutunan o maaliw at mapadpad sa kung saan, paniguradong uulitin ko ring basahin ang Bahay ni Marta habang ninanamnam ang kuwento sa loob at pinagmamasdan ang unti-unting pagkasira ng lumang bahay. Simple lang naman iyong kuwento pero nangilid ang luha ko. Sana marami pang magandang kuwentong maisulat si Sir Ricky.
Sa maikling nobelang ito ay nasabi ni Ricky Lee ang maraming bagay. Madalas na rhetorical questions ang moral lessons sa mga katha niya. Mas nagiging epektibo 'yon dahil hindi basta sinusubo sa 'yo ng manunulat ang paniniwala niya, kundi inaanyayahan kang sabayan siya sa pagki-kwestyon sa mga bagay sa buhay na basta na lang nating tinanggap nang hindi naman talaga pinag-isipan.
Subtlety ang isa sa mga lakas ni Ricky bilang manunulat. Hindi niya pinapaliwanag ang mga tanong ng mambabasa dahil alam niyang kusang masasagot ang mga 'yon sa kalaunan ng kwento.
Maganda ang pagkaka-build-up ng bawat eksena. Maayos din ang pagkakasulat ng alternating scenes. At satisfying ang ending.
A mute homeless boy finds shelter in an abandoned home in Laguna. He discovers that the house can speak and it tells him the gripping story of its old tenant, a woman named Marta.
Marta, a mother of two, had suffered a violent attack and the resulting trauma led her to commit a gruesome crime of her own doing.
“Di ba mas matinding parusa ang parusang ginagawa sa sarili?” I should really read more books in our language—and more of Ricky Lee’s works too! This novel effectively captured our unique Filipino struggles (poverty, Catholic guilt, filial piety) and, at the same time, pain as a universal human experience.
Maganda ang naging reading experience ko sa aklat na ito. Nabasa ko ito bago pa man ako dumalo sa PILF Authorities 2018. Ito ang pinakasimple sa mga naisulat ni Ricky Lee kumpara sa dalawa pa niyang nobelang naisulat. Magandang pagkakataon na napapirmahan ko pa ang personal na kopya ko kay Ricky Lee. Nagkaroon rin ako ng silip sa likod ng disenyo ng pabalat nina Karl Castro at Ivan Reverente. Kaya mong tapusin ang kwento sa isang upuan lamang. Simple ang kwento pero malalim ang nais ipahiwatig ng tinutukoy na "BAHAY."
Si Amapola sa 65 Na Kabanata still is the best I have read from Ricky Lee. I cried buckets because of that book. This one is lukewarm for me. Good enough to read in just one sitting but leaves a lot to be desired.
Tungkol ito sa isang abandonadong bahay na sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakapagsalita sa pagdating ng isang ulila at piping bata. Dahil dito ay nagkaroon ng saysay ang bahay - ang maging kwentista ng mga kaganapan sa nagdaang panahon, partikular ang buhay ni Marta. Subalit sa pagkwkwento ay kasabay din nito ang unti-unting pagkaagnas ng bahay.
Maganda ang mga tema ng aklat.
Una, ay ang kalikasan ng tao. Naipapaunawa ng aklat kung bakit nagkakaiba ang pananaw at pagkilos ng tao kahit na pareho lang ang pinagkalakihan. Naipakita rin kung paano naitutulak ang isang tao na gumawa ng hindi tama dahil sa takot at trauma. At panghuli, naipakita ang tahimik at dahan dahang pagpapahirap ng konsensya sa harap ng pagkakasala.
Ikalawa, ang hustisya. Ipinakita ng aklat ang kawalan ng sariling kapayapaan sa gitna ng kawalan ng katarungan. Si Joaquin, na lingid sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Badong, ay patuloy na binabagabag ng kanyang kawalan ng kaalaman sa nangyari. At si Tomas naman, na nanggahasa, ay nagdala ng panghabambuhay na pasan—ang kaalaman na kailanman ay hindi niya makakamit ang kapatawaran ng kanyang biktima.
Tumatak din sa akin ang ilang pahayag sa akda.
“Di ba kadalasan naman, ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay ay siya ring dahilan kung bakit tayo mamamatay.”
“Ang kalungkutan ay kaligayagang nagtatago lang.”
This entire review has been hidden because of spoilers.
Hindi ako masyadong nakahinga nang maayos habang binabasa ang huling kabanata. Paano ba naman kasi, hinatak ni Ricky ang lahat ng sinulid na hinahabi na pala niya mula umpisa. Napakaingat niya sa detalye. Hindi madamot sa impormasyon ang mga ginamit niyang pangungusap. Ang tunay na nangibabaw sa nobelang ito ay hindi ang kwento, kundi ay ang paraan ng pagkukwento. Ito ang ikalawang librong nabasa ko na sinulat ni Ricky, una sa tatlo niyang nobela. Habang binabasa ko ito, naririnig ko ang boses niya. Ang ilan sa mga karakter ay may hibla ng pagkatao niya kaya mas lalo akong naaliw. Baka kulangin ako ng mga salita sa paglalarawan, pero mas nagmukha itong exercise o prompt kaysa genuine na pagsulat ng nobela (para bigyang buhay ang mga karakter na namumuhay sa isip niya). Naging katipunan ito ng ilang techniques na naging trademark niya (ayon sa mga podcast o interviews niya na napanood at napakinggan ko). Ang kahon, ang pagbabali ng mga writing techniques na pinagtibay na ng maraming manunulat sa maraming panahon, ang paglalaro ng porma, ang bubog ng mga karakter at ang masidhing pagnanais na makita bilang tunay na sila. Wala namang masama rito. Hindi ko lang siguro maalis ang paningin sa teknikal na aspeto ang librong ito.
Ito ang unang nobelang nabasa ko mula sa may-akda ngunit pamilyar na sa akin ang ilan sa mga akda niya sa pelikula at tv. Bigla kong naalala noong una kong mapanood isang pelikulang isinulat niya. Wala akong ideya sa tungkol saan ang kuwento noon ngunit sinundan ko ang mga karakter hanggang sa matapos ito. At dahil sa labis na pagkamangha ko sa pelikula,ay wala na akong nasabi kundi ' bakit ngayon ko lang 'to napanood?'Ganoon din ang naging karanasan ko sa pagbabasa ng kuwentong ito. Sa mga unang salita pa lang, hindi ko na binitawan ang mga karakter. Noong una ay para ba akong nanood ng isang dokumentaryo sa aking isip,ang paraan ng pgkukuwento ng may-akda ay tila lente ng kamera at sinusundan ang bawat kilos ng piping bata hanggang marating nito ang bahay ni Marta. Mula sa dokumentaryo ay tila naging pelikula naman ang mga sumunod na eksena. Mabuti na lamang at mabilis ang takbo ng kuwento dahil sa masalimuot na mga kaganapan, akala ko ay hindi ko ito kayang tapusin pa dahil sa takot ko para sa mga karakter. Nang matapos ko na ang libro wala na naman ang nasabi kundi 'Bakit ngayon lang ako nakapagbasa ng libro ni sir Ricky Lee?'
Ito ang pinakaunang nobela ni Ricky Lee na aking nabasa.
Mayaman sa kwento ang bawat tauhan. Mararamdaman mo yung pasanin ng bawat isa mula sa batang pipi na tabingi ang mukha, sa mga pasanin na dinanas ni Marta, Badong, Joaquin at Tomas at hanggang sa sinapit ng abandonadong bahay.
May kaunting saya, galit, at labis na kalungkutan ang naramdaman ko habang binabasa ko itong aklat. Saya sa naging wakas ng kwento na punong-puno ng reyalisasyon, galit sa mga kalabisan ng mga kontrabida (mula sa mga batang hamog at ni Tomas), at lungkot sa mga bagay na hindi mo malalaman at mauunawaan kung walang magkukuwento ng buong pangyayari na katulad ng bahay ni Marta.
Bilang panapos, ito ang isa sa mga quote na nagustuhan ko sa libro;
Syempre hindi matatapos ang Buwan ng Wika nang walang binabasang Filipiniana. Natapos ko ang nobelang ito nang isang upuan, hindi lang dahil sa iksi nito pero dahil din sa paghila ng kwento sa akin sa isang mundo kung saan ang isang bahay ay may kakayanang magkuwento, at ang piping bata ay bida sa kwento ng ibang tao.
Nakatago sa kwento nina Marta, Tomas, Badong, Joaquin, ng bahay, at ng batang tabingi ang mukha, ang mabigat na responsbilidad nating magkwento lalo na sa panahon ng inhustisya. Lagi kong tataandaan ang paalala ng bahay na saksi sa buhay ni Marta: "Di ko mapipigilan. Kailangan kong magkuwento kagaya ng kailangang umawit ng ibon, o manggamot ng manggagamot. Nabubuhay lang ako dahil sa pagkukwento, at mamamatay din ako dahil sa pagkukwento. Di ba kadalasan naman, ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay ay siya ring dahilan kung bakit tayo mamamatay?"
Maganda ang pagkakasulat — malinis ang paglalahad nang mga pangyayari, kasalukyan man, nakaraan o simulteyong mga pangyayari. Malayo na ito sa nakagisinan kong setting ngunit alam kong maari pa ring mangyari and mga bagay sa nobela sa totoong buhay. Medyo ang hindi ko lang nagustuhan sa nobela ay ang kakulangan nang background kay Badong, ang karakter niya ay naipinta sa simula palang na "masama", kakaiba at hindi maintindihan nang ina samantalang si Joaquin naman ay mabuti at may matibay na sense of justice hanggang sa dulo. Parang malinaw na ang isa ay mabuti habang ang isa ay masama simula pa sa simula na para bang pinanganak na silang ganoon na. Nais ko pa sanang maging well-rounded ang mga karakter na nabanggit. Ngunit bukod dito, maganda ang istorya at pagbuo sa iba pang mga karakter.
Maiksi lang ang kuwento at pinag-iikutan lang ng ilang mga tauhan. Madalî siláng matandaan at magaan unawain ang istorya.
Ang paraan ng pagkukuwento, na mula sa pananaw ng nagsasalitâng bahay at pagkukuwento sa pípi’t–tabingîng-mukhang batà sa nagdaang pangyayari hanggang sa dumaloy na sa kasalukuyan kung saan ay nagtagpo na ang mga tauhan sa ikinukuwento ng bahay at ang batàng nakikinig, ay napakagandang isinalansan. Gusto ko rin ang pagiging matapang sa pagpili ng mga salita at ang pagkadikit nito sa relihiyosong aspekto ng kulturang Pilipino. Basta’t may tampok na ina sa kuwento, iba talaga ang datíng!
Sa kabilâng bandá, parang hindi naturál na basta na lang sumuko si Tomas. Sige, para sa kapakanan ng kuwento, sabihin na natin. Pero ang awkward ng datíng ng wakas, e. Para sa akin. Pero mabuti’t may nakitang pag-asa sa búhay ng batàng pípi’t tabingî’ng mukha.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Sa una'y nakakapagduda. Hindi ko kasi maisip kung bakit ang bida ay isang piping batang ngiwi ang mukha, gayong Bahay ni Marta ang pamagat. Nang lumao'y naliwanagan. Nang nangalahati sa libro ay natuwa na. Nang matapos ay nakontento. Hindi nasobrahan o nakulangan ang wakas. Sakto lang sa kung anong hinihingi ng kwento.
Madaling basahin ang libro. Sa katunayan sinimulan at tinapos ko ito sa loob ng isang umaga lang.
Ang plot ay maganda ang pagkakahabi. Ang mga tauhan ay nakulangan lang ng kaunti pang pagpapakilala, pero ayos narin kung titignan lang para sa hinihingi ng kuwento. Ang writing style ni Ricky Lee ay madaling sundan kaya't mabilis itong basahin.
Napakaganda. Kung ang kwento ng tao ay may higit na pagbabalat-kayo, ito iyon. Dahil binigyang-damdamin at diin ni Sir Ricky ang bahay. At, maging ang konsepsyon at naratibo ng bahay bilang espasyo ay lulan din ng bawat kwento na saksi ito. Nakamamangha, nakatutuwa, at kagila-gilalas kung mag-kwento ang manunulat. Malayo at malapit din ang bawat hinga ng mga karakter sa mambabasa nito. Nalulungkot, naluluha, nagagalit, natatakot, nanghihinayang, nalilito, nawawala, nakalilimot, natatawa, at natutuwa rin akong sabay ng bawat isa sa kanila. Si Joaquin ay isa na rin marahil sa mga karakter na mamamagitan sa akin at sa aking mga nauna nang mga sipi. Napakaganda. Napakaganda sapagkat puno ng poot at hiwaga rin ang bawat bahay at espasyo ng ating mga buhay. Mabuhay ka Sir Ricky Lee!
It felt like I was reading a screenplay more than a novel, but I welcome it.
The magic realism, the connection of each characters and the focal point of storytelling are all key players to discuss trauma and hope. Aling Marta is every Filipino who sought refuge in love, in faith and in traditional essence of home. The talking house becomes an immovable witness to tragedies.
I didn’t know where the story was going. I was expecting a violent encounter as the truth unraveled. I see the point of going the other route. At this point, it felt like we all need a message of truth, to express our anger in a rational but physical sense… and move on.
In 3-5 years time, I see this staged as a play, or an indie film.
Isa ito sa pinakagusto kong libro na Pilipino ang nagsulat. Hindi ko inexpect na iiyak ako, magagalit, iiyak, tatawa sa ibang linya, at mapapaisip nang sobra sa loob ng ilang oras (kasi matatapos mo agad sa isang upuan lang). Nakakatuwa kasi parang naramdaman ko na kasali rin ako sa libro. Iba yung naging impact sa akin.
Pinakanagustuhan kong linya ay ito: "Kapag nawala na ako at nalulungkot ka, lagi mo na lang iisipin na ang kalungkutan ay kaligayahang nagtatago lang. Lilitaw din sa tamang panahon."
Kasunod kong binabasa ngayon ay yung Kung Alam N'yo Lang. Kakatapos ko lang ng unang kuwento, nagugustuhan ko na.
"Naging saksi ako sa lahat, kaya tungkulin ko ang magkwento"
Napakagandang libro para tapusin ang taon.
Kakaiba maghabi ng istorya si Ricky Lee. Napaka-orihinal ng konsepto ng kwento na 'di mo akalaing puwede pala gamitin ang bahay bilang tagapagsalaysay. Ang ganda ng pagdaloy ng kuwento mula simula hanggang sa wakas kung saan nagsama-sama ang lahat ng karakter.
Ang tema ng identidad, pagpapatawad at pagpapahalaga ang mga nanaig sa kuwento para sa akin at ang daming realisasyon na puwedeng mahinuha sa nobelang ito.
Paniguradong uulit-ulitin kong babasahin itong obra maestra ni Ricky Lee.
Ang mga istorya ay hindi kailanman mamatay kung sila ay patuloy na ikukwento sa mga nais makarinig.
Isa na namang mahusay na paglalahad ng kuwento ang ginawa ni Ricky Lee sa librong ito. Mabilis basahin ngunit may bigat ang kabuuan ng kuwento. Ang bawat tauhan ay may bahid ng kapintasan, pisikal man, o emosyonal na lalo pang nagbigay ng malalim at hindi iisang katangian ng mga ito. Matindi ang koneksyong hinabi niya para sa bawat karakter at maganda ang kinalabasang resolusyon sa huli dahil dito.
Napakahusay na manunulat ni Ricky Lee, at isa na namang patunay ang nobelang ito.
I did say I wanted to read more books written in Tagalog, and this was a good choice for. Such a tender little story about a woman, her sons, a bullied child, and a talking house. It's a short novel but Ricky Lee doesn't need a lot of set up to make you care about the characters. He weaves the fantastical and the mundane so deftly that you believe everything he writes. And sa ganda ng pagkakasulat, nakakainpire magTagalog lol. Bilang isang kwentista din, nabuhayan yung diwa ko sa katapusan ng kwento. Napakaganda.
Ang galing ng pagkakalikha ng mga karakter. Kahit yung dapat e kainisan mo e, somehow, parang gugustuhin mo na maka-kamit ng masayang ending sa kwento. Matagal bago ko natapos ang libro dahil sa dami ng trabaho pero nung natapos ko isang araw na wala akong gagawin, e, dapat lang pala na paglaanan siya ng oras. Naramdaman ko yung paglalakbay ng bawat isang tauhan. May malaman pang patikim sa dulo para sa ikaapat na aklat ni Ricky Lee. Excited na me!