Crime reportage ni Nick Joaquin sa magkakapatid na minasaker ng sariling mga magulang dahil sa paniniwalang aswang ang mga ito. Mga bahagi ng memoir ng CIA agent na nagsasalaysay kung paanong ginamit ang aswang sa isang operasyon laban sa mga Huk. Kuwentong aswang ni Lola Basyang pero magdalawang isip muna bago ikuwento sa mga bata. Mga siyentistang nakadiskubre sa kung ano talaga ang nasa loob ng mga manananggal na nagdudulot ng kanilang pagiging mga manananggal; aswang na may masahistang jowa; aswang na dating miyembro ng CAFGU; fashionistang aswang; palpak na aswang, at iba pang mga kaaswangan sa indibidwal at kolektibong imahinasyon. Nais suungin ng antolohiya ang sanga-sangang paghihimalay sa aswang, sa kanyang paglipad at pagtawid sa iba’t ibang mga panahon at espasyo, sa kanyang pagparoo’t parito sa kung saan-saang sulok at tagpo ng kasaysayan.
Hindi mahirap mahikayat na basahin ang ganitong Pilipinong kuwentong-bayan lalo para sa minsa'y bata na nakisali sa kwentong kababalaghan sa silid-aralan, sa mga camping, tuwing walang kuryente at madilim. Kahit na sabihing noo'y natatakot rin at nangingilag sa lingguhang katatakutang programa sa TV at radyo na dumarami pa tuwing papalapit ang Undas, at 'pag nagsalaysay na ang kasambahay na nakaranas o nakakita na raw ng aswang sa probinsya.
Hitik at napakayamang kalipunan ng mga kwento, guhit at tala tungkol pareho, at 'di mapaghihiwalay, sa mga Pilipino at sa kanilang kinikilalang aswang. Mamamalas sa mga akda —sa wikang gamit, mga lugar sa iba't ibang dako ng kapuluan na nabanggit— ang laganap na paniniwala sa aswang. Sa pagsasalaysay, bukod sa Tagalog ay nariyang gumamit ng ilang salitang Bikol, Bisaya, at Waray.
Pinakanakapukaw ng aking interes ang agham at etiko ng pagiging aswang sa Paunang Tala... ni Alvin Yapan; ang kinalap na mga komiks ng nakaraang mga dekada patungkol sa mga kagila-gilalas sa Isang Galeriya ng mga Aswang sa Komiks ni Edgar Samar; ang may sukat at makatang paglalahad sa Tatlong Dagli ni Allan Popa; ang masalimuot na pulitika at paggamit ng mabisang taktika laban sa kaaway sa Aswang ng C.I.A. at Kung Sino ang Mas Kilabot... na tila nakakahawig sa anyo o sa pagsasalaysay ni Rizal —kapwa akda ni Allan Derain. Sa kabuua'y napakakulay ng antolohiyang ito at sulit ang mga pahina.
Noon hanggang kasalukuyan, ang katunayan ay ang sari-sariling pagpapakahulugan ng mga Pilipino ang nagpapanatili ng hiwaga at nagbibigay-buhay sa mga aswang.
May Tiktik sa Bubong, May Sigbin sa Silong: Antolohiya (edited by Allan N. Derain), is a collection of different depictions and interpretations of aswang especially manananggal - a popular Philippine mythical creature etchos - presented in varied literary genres. Written in Filipino, this book's objective is not to scare its readers. Rather, it wants to show that these creatures we much fear are much like humans and animals who are also capable of experiencing human emotions. From fictional scientific researches to monologues, this 2018 National Book Awardee, is an interesting take on one of our most terrifying childhood - and even adult - nightmares.
This is not actually somewhere on my top list of personal favorites, but this book is one of the many reads I had during the pandemic lockdown that kept me sane.
This is also relatable to me since being a resident of Dueñas, the hometown of Teniente Gimô, I, myself, have been either called aswang or been asked several times if I have seen one.
It is not the first time that I have read stories and books about this mythical creature and other similar creatures, but this is the first time that the subject is handled seriously and in proper context.
Sang-ayon ako sa blurb ni Dr. Ramon Guillermo, na ang antolohiyang ito ay "dambuhalang proyekto."
Ang lawak ng porma ng akda na sinaklaw ng antolohiyang ito. May maikling kuwento, akdang salin, tula, pananaliksik, personal na sanaysay at komiks.
Pinakalutang sa kalidad at pagkanatatangi ng estilo ang sanaysay ni Eli Guieb III, ang maikling kuwento ni Rogelio Braga, ang pananaliksik ni Allan Derain, at ang maikling kuwento (na tumutulay na sa pagiging pananaliksik) ni Alvin Yapan.
Nang binabasa ko ito, sabi ko, may mga akda na hindi dapat kasama sa kalipunan dahil hindi tungkol sa mga aswang. Kalaunan, ipinaliwanag sa akin ng kaibigan ko na ang mga bruha ay itinuturing ding aswang. Kaya naisip kong wasto lamang na ang akda nina Nick Joaquin at Severino Reyes ay nasa kalipunang ito.
Nasaklaw nang mabuti sa kalipunan ang salimuot ng salitang "aswang." May mga akdang tungkol sa mga aswang, bruha, impakta, at tungkol sa mga aswang bilang talinghaga. At ang ganda ng panimula ni Allan Derain.
Samantala, may ilang akda na kapos sa kalidad. Bagama't maganda ang kritikal na sanaysay ni Edgar Samar, hindi ito nakinis. Inisa-isa lang niya ang mga komiks na nagtatampok ng aswang, wala man lang paglalagom sa sanaysay.
" ...dito kung saan sabay-sabay kaming binawian ng biyaya isang araw ng gunaw."
MAY TIKTIK SA BUBONG, MAY SIGBIN SA SILONG. Napakaganda halos lahat ng mga akda dito. Madaling maintindihan ang Filpinong gamit, kahit na dumating na siya sa mala-siyentipikong paggamit sa isang maikling kwento na kung saan pinakita ang biolohiya ng isang Manananggal. Marerekomenda ko ba 'to? Yes na yes. Masaya siyang pagtahak sa mga buhay ng samo't saring aswang na maraming iba't ibang kwento. Lahat sila, maydiwang Filipino.
Ang MONOLOGO NG ASWANG ni Mayette M. Bayuga ang paborito sa buong antolohiya. Binubuo siya ng limang nakakaanting na mga berso patungkol sa kwento ng iba't ibang uri ng aswang sa bawa't direksyon ng Pilipinas: sa Luzon, sa Visayas, sa Mindanao, at sa Maynila. Nakakapukaw ng karamdaman para sa Pilipinas at para na rin sa pagmamahal sa sariling wika at mga akdang Pinoy. Huwag ninyong palipasin ito.
Basahin niyo. Hindi kayo magsisisi. Sana rumami ang magbabasa nito para mas lalong lumago pa ang mga kwentong ganito: mga kwentong sapantaha, o katakot-takot, o pantasya, na hindi lang puro romansya o kung anuman yan na pangmadaliang gawa lamang upang matira ang kagustuhan ng kung anong nauuso sa market ngayon. Pagpupugay, at isa itong koleksyon na tuluyang magbibigay inspirasyon sa hinaharap ko bilang isang manunulat ng sapantaha.
Ika-lima at huling tampok na akda para sa #AkdangPinoyAugust2024 na may prompt na: 🌟 [Y] Read a book written by YOUR FAVORITE FILIPINO AUTHOR.
Ngayon ko pa lang mababasa ang mga akda ng halos lahat ng manunulat sa akdang ito, maliban kay Ginoong Allan Derain.
May Tiktik sa Bubong, May Sigbin sa Silong: Antolohiya ng Ateneo University Press, Patnugot ni #AllanDerain 🧟♂️
Panahon ng pandemic nang mabili ko ito kasabay ng #Aswanglaut ni Ginoong Derain. Nakasabay ko pa ang mga unang mambabasa ng kaniyang nobela sa isang book reading club kasama si Aiza Seguerra.
Ilang taon na 'yon kaya nang akin itong buklatin ay nangangamoy patis na, may mantsa na rin ang mga puting pahina.
Ngunit hindi nagbabago ang pabalat at laman, ang mga mahiwagang ilustrasiyon at kasaysayan.
Sa antolohiyang ito, pinagsama-sama ang ilan sa mga masisigasig na manunulat na pinag-aaralan ang labas at loob ng mga maligno, ang bawat mukha ng isang aswang. Napakahusay ng Preword sa paglalatag sa iba't ibang kuwento ng aswang, tila binaligtad ang kasaysayan ng Pilipinas upang lumabas mula sa pinagtataguan ang bawat ebidensya ng kaaswangan.
Isipin mo yon, lahat daw tayo ay may potensyal na maging manananggal noong tayo ay ipinanganak. Isa lang yan sa mga "pag-aaral" na inihain ng akdang ito na magpapalikot sa imahinasyon mo.
Talagang nagpapainit ang mga nakapaloob na kuwento, tulad na lamang ng malikhang paglalahad muli ng kuwento nina Aswang at Gugurang, angkop na angkop ang masinop na paggamit ng mga salita at ilustrasyon. Paborito ko ito so far. Naisama rin rin si Oryol sa kuwento na siyang naisip ko rin sa unang serye ng #KlabMaharlika.
Maging ang muling paghayag ng sipi ng buhay ni Valentina, napakatrahedya pala.
Malamang sa malamang na may piling edad lamang ang mambabasa ng aklat dahil sa lamang mga topiko, mga topikong madalas naman na rin na nababasa sa ibang libro ngunit dito ay nilagyan ng twist. Halimbawa ay 'gong usual na kuwento ng pag-ibig ng dalawang may magka-opposite na estado sa buhay ngunit pinagtagpo upang mahalin ang isa't isa, sa pagkakataong ito ay isang aswang at isang masahista; o nang halintulad sa kuwento ng Perfume pero aswang.
Mga eksenang napapanood ko lang sa horror movies pero dito'y mukhang totoo at nakapanghihilakbot basahin.
Aaminin ko, mas naengganyo ako basahin ang mas maiiksing entre sa akdang ito. 'Di ko alam ngunit tila natutuwa ako kung paano kunin ng manunulat sa maiikling pahina lamang ang atensiyon ko bilang mababasa. Katulad na lang ng "Si Melfa" na tila isang akdang pambata ngunit nakakalungkot at lingering ang ending.
At ito ang ilan sa mga akdang tumatak at hindi nagpatulog sa akin (shoutout sa inyo):
Aswang vs. Gugurang (Isang Kuwentong Bikol) ni Julian Hangin Guieb
Aling Kikay ng Luzon Avenue ni Rogelio Braga
Aswang + Masahista ni Marco A. V. Lopez
Kyawtibel ni Chuckberry J. Pascual
Si Melfa ni Gigi Constantino, guhit ni Ara Villena
Mga Aral sa Kulay at Hugis ng Panibugho Ayon sa Itim na Tagak ni Julz E. Riddle
Mga Tanod ng Tariktik ni Mark Angeles
Ang isa sa hindi ko malilimutang akda, Mga Tanod ng Tariktik ni Mark Angeles. Yung tipong hooked at invested ka na, 'di ko namalayang last page na yung binabasa ko. Sobrang nakakabitin! Hahaha. Grabe magpabitin sa kuwento. Ayun at hinanap ko ang FB Page para magtanong kung tapos na ba talaga ang kuwentong iyon. Nasagot naman ako ng may-akda at ngayo'y nakamasid na sa mga at magiging akda pa niya.
“Alamat ang Alamat dahil sa Kamatayan.” — Aswang vs. Gurang: Isang Kuwentong Bikol ni Julian Hangin Guieb at Julz R. Riddle
"Ang takot na meron tayong mga tao sa hindi pamilyar, malamang na iyong takot din na iyon ang sumibol sa aswang."
Kwento ng mga aswang at ng mga taong nais maunawaan ang mga aswang at pagka-aswang ang antolohiya ni Allan Derain. Ngunit imbes na purong takot na karaniwang nararamdaman natin tuwing pakiramdam nating may aswang, magkahalong nerbyos, tuwa, pagkamangha, at kung minsa'y pagtataka ang naramdaman ko habang binabasa ang mga kwento rito. At sa pagtatapos ng aking pagbabasa, may dalawang bagay akong napagtanto.
Una, hindi pananakot ang nais maiparamdam ng mga kwento kundi pag-unawa. Pag-unawa sa mga aswang na kumakain ng laman-loob ng mga tao? Hindi naman. Hindi nga natin sigurado kung may aswang nga o kung may aswang pa ba. Pag-unawa sa kapwa ang gustong maiparating ng mga kwento, hindi lang sa aswang--kung may aswang nga o kung may aswang pa ba--at lalong hindi lang sa mga taong iniisip natin ay hindi natin katulad--kahit kamukha natin silang parang normal na tao, may ugaling inaasahan natin sa isang tao kaya kahit gaano kagaspang ay parang hindi na rin tayo nagugulat.
Hindi lang basta koleksyon ng mga kwentong aswang ang antolohiyang ito. Magkakatugma ang mga kwento. Ipinaliwanag, halimbawa, ng isang kwento kung paano naipapasa ang pagiging manananggal dahil hindi naman manananggal agad ang isang manananggal pagkapanganak sa kanya. Kaya sa isang kwento naman, inilathala na lang ang mga pangyayari sa buhay ng isang manananggal. Wala nang pagpapaliwanag kung paano at bakit nahahati ang katawan niya. Alam na natin ito.
Ang ikalawang napagtanto ko ay ito: Sa una ay madilim ang pangunahing tema ng mga kwento. Nakakatakot. Aswang. Manananggal. Lamanlupa. At iba pang hindi natin nakikita ngunit nararamdaman nating nandyan o iniisip nating nararamdaman nating nandyan. Ngunit sa oras na buklatin na natin ang libro ay iba ibang kulay ang sasambulat sa atin. Napakulay ng kulturang Pilipino kung saan kabilang ang mga kwento/pagkukwento tungkol sa mga pinaniniwalaan nating kampon ng dilim.
Kaya naman, huwag sanang mawala ang mga kulay na ito lalo sa panahon ngayong nagdidilim ang paligid dahil sa mga taong mukhang tao ngunit asal-kampon ng dilim.
This entire review has been hidden because of spoilers.
"“Conventional military men think of combat psywar almost exclusively in terms of leaflets or broadcasts appealing to the enemy to surrender. Early on, I realized that psywar had a wider potential than that. A whole new approach opens up… when one thinks of psywar in terms of playing practical joke…. Low humor seems an appropriate response, somehow, to the glum and deadly practices of Communists and other authoritarians…. When I introduced the practical-joke aspect of psywar to the Philippine Army, it stimulated some imaginative operations that were remarkably effective” (Derain 155).
Imaginative operations made the outlandish normal and desirable; encouraged the bizarre, like the pretend “Russian submarine” thought of bringing close to the Huks so as to poke them out of hiding. Imaginative operations are cousins of fantasies, like the one narrating that Ramon Magsaysay, whom Lansdale groomed to be a people’s hero, Idolo ng Masa, was afraid of kapres, danced the rumba, did the Mambo Mambo Magsaysay, kaisa ng masa. Ramon Magsaysay does the Mambo Mambo; decades later, Ramon Bong does the budots-budots. We are now having “free” and “democratic” elections; civilization is so entrenched it can now be joked upon: we want dancing senators, plagiarizing senators, and a misogynist President."
Isang tunay na makulay na antolohiya. Sa bawat akda madarama na tila pina-sadya at pinag-isipan ng mabuti and bawat elemento ng kwento. Matagumpay ang bawat kwento sa pagsasalamin ng kulturang Pilipino at ng kasaysayan ng Pilipinas. Ang ating kultura ay ibinabahagi sa lente ng kababalaghan at hiwaga na nagpapaliwanag sa ugnayan ng ating mga alamat/kuro-kuro sa kasaysayan ng ating bansa. Iba't-ibang uri ng pagsasalaysay ang mararanasan sa antolohiya na ito. Lubos na nakatutuwa na makaranas ng iba't-ibang istilo at tono sa pagpapahayag.
The novel blends horror, folklore, and humor to create a truly unique reading experience. His writing is witty and playful, with a dark edge that keeps readers on their toes. The story is full of twists and turns, with each character facing supernatural challenges that reveal deeper truths about human nature. Storytelling's inventive, merging traditional and contemporary themes in a way that feels fresh and engaging. It’s a novel that’s as entertaining as thought provoking.
Exceptional read! The compiled works in this book is epic. This is a must read if you want a different take on some of the most familiar scary creatures of the Philippines' lower mythology.
How can you possibly miss a book that explains the anatomy of a ‘halimaw’ in Philippine Mythology? It makes you want to witness a real one to attest to the tales you’ve read.