Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ligaw-Tingin: Kalipunang Komix ng Pagmamahalang Marilag

Rate this book
Ang kalipunang ito ay binubuo ng pitong komix ng pagnanasa at pag-ibig na kitang-kita sa pagsulyap, pagsipat, at pagmasid ng babae sa kapwa babae. Likha ng kabataang ilustrador, komixera, at pintor, pinalilitaw ng mga akda kung paano minumulat at tinatanglawan ng mga babae ang daigdig sa pamamagitan ng tingin nilang nakayayanig, nakaliligalig, at nakakakilig.

92 pages, Paperback

First published January 1, 2018

2 people are currently reading
107 people want to read

About the author

Emiliana Kampilan

7 books23 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
23 (43%)
4 stars
23 (43%)
3 stars
6 (11%)
2 stars
1 (1%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 11 of 11 reviews
Profile Image for a.
218 reviews45 followers
March 30, 2021
huhuhu sobrang cute!!!!! sana may ganitong klaseng libro nung nasa jhs pa ako :'( anyways, paborito ko 'yung istorya na may sirena pati na rin 'yung gawa ni emiliana kampilan!! <3 bet ko rin 'yung kwento tungkol sa babaeng naghahanap ng mauupahan, kahit 'di ko sure kung tama 'yung pagkakaintindi ko hehe. sana mas dumami pa ang mga komix at kwento na may ganitong tema. <3
Profile Image for elsewhere.
594 reviews56 followers
November 7, 2018
Minahal ko ang bawat karakter sa “Ligaw-Tingin: Kalipunang Komix ng Pagmamahalang Marilag” nina Patricia Ramos, Joanne Cesario, Michelle Bacabac, Jasmin Sambac, Betina Continuado, Nikki de Chavez, Emiliana Kampilan, at Trisha Sanijon (inedit ni Emiliana Kampilan). Kinailangan kong huminga sa bawat kuwento sa loob ng librong ito, dahil lahat ay maganda, mahalaga, at ang sasarap pakinggan.

“Ang Awit sa Tuktok ng Bundok” ni Patricia Ramos ay hango sa isang alamat na marahil ay kinalimutan nating ilahad nang paulit-ulit dahil nagtataglay ito ng isang babaeng sumagip ng isa pang babae na taliwas sa nakasanayan nating mga kuwento o fairy tale kung saan darating ang isang lalaki – isang knight – at hindi babae, kailan man ay hindi babae. Gustung-gusto ko ang kuwentong ito dahil winasak nito ang mga nakasanayan nating mga kuwento kung saan parating nangangailan ang isang babae na masagip ng isang lalaki. Bukod pa dito, nagustuhan ko rin kung paano ako namulat sa alamat na ito.

Ang “1BR” nina Joanne Cesario at Michelle Bacabac ay nagtaglay ng umaapaw na emosyon na humihiyaw ng pangungulila sa paraang limitado ang mga sinambit na mga salita; ito ay tungkol sa pagdating at paglisan.

Ang “Tsinelas” ni Jasmin Sambac ay isa sa mga kuwento na magaan lamang, at pinasaya ako nito dahil masaya rin ang dalawang karakter na nabubuhay dito. Natural, totoo, at maligaya. Ang ganda rin ng pagguhit ng mga larawan dito at pati na rin ang mga kulay nito.

“Huli” ni Betina Continuado. Ito yata ang paborito ko sa lahat. Ngunit nahihirapan pa rin akong magdesisyon kung ano ang pinaka gusto ko dahil ang bawat kuwento ay ubod nang ganda. Muli kong nagustuhan ang guhit at kulay ng mga larawan sa kuwentong ito. Higit sa lahat, nahulog ako sa karakter sa kuwentong ito.

Nakakaiyak ang “Bangon” ni Nikki de Chavez. Nabuhay tayo sa mundo na kung saan kapag ikaw ay isang babae na nagmamahal ng isang babae, isa sa mga sasabihin ng mga magulang mo (o ng mga tao, in general) ay tatanda kang mag-isa at walang mag-aalaga sa iyo. At dito, sa kuwentong ito, ay ipapakita na hindi lang ang pagiging ina ang tanging papel ng mga babae sa mundong ito.

Ang Keep Da Change ni Emiliana Kampilan. Ang husay ng detalye sa kuwentong ito, ang kulay at ang mga karakter. Ang ganda. Ang husay ng takbo at ng bawat simbolismo na hindi ko mapigilang lubusang humanga. Hangang-hanga ako.

Ibinalik naman ako ng “Paraluman” ni Trisha Sinajon sa aking PE Class noong high school ako. Ang simple ng kuwento, ngunit humihiyaw na naman ng pag-ibig.

Binasa ko ang panimula ni Emiliana Kampilan matapos kong basahin ang antolohiya. Naluha ako nang mabasa ko ito dahil mas lalo akong dinala ng panimulang ito sa buhay ng bawat karakter na noong simula pa lamang naman ay may lugar na sa puso ko, ngunit mas lumaki lamang ang inokupa nilang espasyo sa akin matapos kong basahin ang panimula.

Isinisigaw nang walang alinlangan ng librong ito na tayo – tayong mga babae – ay importante rin, ay may buhay din. Sumisigaw ang librong ito nang walang pagpipilit, nang hindi tayo kinakailangang hawakan o saktan. Nabihag ako nito gamit lamang ang mga tingin na walang ibang hinahangad kung hindi ang ipaalam sa akin na mahal ako nito at walang pagpupumilit na mahalin ko ito pabalik. Pero mahal ko ito, mahal ko rin ito.
Profile Image for C.
114 reviews43 followers
June 28, 2024
Ligaw-Tingin is a compilation of lesbian stories in comic format. I didn't get the 2nd story, though. But the 3rd one was sooo cute. While the 4th story broke my heart to pieces 😭

I hope more Filipino authors create more LGBTQ+ books.
Profile Image for Don Jaucian.
139 reviews48 followers
December 31, 2018
Di ko narealize na binabasa ko ‘to habang nasa kwarto din yung kapatid kong babae bi/lesbian (di ko pa tinanong haha pero may girlfriend sya ngayon).

Nakakakilig yung ibang stories. Ang impressive ng paraan na ginamit nung iba tulad ng “1Br,” na halos wordless; at yung “Keep da change” ni Emiliana Kampilan na naglalaro ng paneling at metaphor habang gumagalaw — literally — ang kwento.

Nakakabitin ‘to! Sana mas madami pang kwento at mas mahaba ‘yung iba. Ang sarap basahin.
Profile Image for Clare.
76 reviews9 followers
June 6, 2025
Ang tagal-tagal na neto sa bookshelf, ngayon ko lang binuklat!! Nabili pa namin ito sa isang pride march sa Marikina eh. Ang ganda!! Ang nakakainis lang, ang bilis nya basahin. Nakakabitin!! Bagay na bagay to sa mga teenager, na kahit malalaki na eh ang iiksi na rin ng attention span.

Ito ang favorite parts ko sa komiks (in no particular order hehe):
1. Tsinelas
2. Bangon
3. Keep Da Change
4. Paraluman

Profile Image for Cath.
158 reviews67 followers
January 17, 2022
My only gripe with this book is that it didn’t feature any 19th century Filipiñana stories like on the cover, but other than that, it was absolutely perfect. Warm fuzzy feelings.
Profile Image for 空.
792 reviews14 followers
November 25, 2020
filipino artists writing abt dem queers?? SIGN ME UP. but also some of these stories have such GOOD art, some of them were rly CUTE, and one tugged on the heartstrings. also there were a couple that had me scratching my head going “what?? just happened??”

A+ CONTENTTTT

and also that cover is so AWESOME, I honestly love it. that cover is like 60% of the reason I bought this tbh
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Mark Anthony Salvador.
186 reviews11 followers
August 21, 2022
Maganda ang ideya ng kalipunan. Importante ang ganitong koleksyon dahil matindi pa rin ang patriyarka sa lipunang Pilipino.

Ang ganda ng mga ilustrasyon. At may baryasyon ang mga akda--may social realism, may fantasy fiction.

Nakukulangan lang ako sa ilang kuwento sa kalipunan. Kailangan pa marahil ng ilang panel para maging klaro sa mambabasa.
Displaying 1 - 11 of 11 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.