Jump to ratings and reviews
Rate this book

Tagos: Mga Sulat na Hindi Tungkol sa Menstrual Cycle

Rate this book
Sa panahon ngayon na maraming obobs at piniling maging tanga kahit pa binabaha na tayo ng easy-access na impormasyon, dapat na gawing required reading material ang akdang ito lalo na sa mga taong nagsisimula pa lang tubuan ng kamulatan sa kanilang kapaligiran (at ng mga buhok sa mga bahaging noon ay kalbo naman).

Hindi naman kailangan ng Masters o Ph. D para maintindihan ang sinasabi ng awtor. Kasama natin siyang pinoproblema ang pinagdaraanan at pinag-iisipan natin araw-araw sa bansang Pilipinas—kung okay lang bang ibalik ang kulangot sa ilong, at iba pang existential questions,

Puno ang libro ng kaalaman na hindi mo mababasa at hindi maituturo sa paaralan.
Pagtapos mo itong basahin, hindi mo na titingnan ang realidad tulad nung bago mo buklatin ang unang pahina nitong libro.

Zero A.D.
Awtor ng Uberman

170 pages, Paperback

First published January 1, 2017

37 people are currently reading
405 people want to read

About the author

Edilbert Estanislao

1 book12 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
75 (52%)
4 stars
40 (27%)
3 stars
12 (8%)
2 stars
14 (9%)
1 star
2 (1%)
Displaying 1 - 28 of 28 reviews
1 review
September 8, 2018
TAGOS ni TPC

(Book review. Might spoil)

1. Simple lang ang librong ito, pero napaka-emosyonal. Literal na mararamdaman mong may namumuong katawang tubig na papausbong sa mga mata mo sa unang buklat mo pa lang ng libro, 'yong parang kung anong tumutusok sa puso mo, biglang sisikip ang dibdib mo. Ewan. Tapos sa kalagitnaan, biglang hahagalpak ka naman sa halakhak. Makararamdam ka ng mga bagay na hindi mo araw-araw nararamdaman, o 'yong mga bagay na ayaw mong maramdaman. Kung single ka, magandang basahin 'to sa byahe dahil 'di mo mamamalayang nakangiti ka na pala, at malay mo sa ngiti mong 'yon, may tao na palang nakasulyap at unti-unti nahuhulog sa kurba ng iyong labi. Ayiieut ;)

2. Ito 'yong librong hindi nakakabagot, at babasahin mo kung bagot ka na sa ordinaryong buhay, dahil ito 'yong libro na malayo sa ordinaryo, pero hindi mo kailangan maging espesyal para maarok ang mismong punto.

3. Ito 'yong libro na akala mo mababaw pero lulunurin ka sa lalim tapos biglang maaalala mo na kailangan mong umahon at sumisid muli dahil marami ka pang matutuklasan sa kalaunan. Kailangan mo lang magpatuloy lumangoy sa bawat pahina. Seryoso, sa bawat pagtatapos ng mga pangungusap ay panibagong rason upang ilipat mo sa susunod at ituloy pa. Hindi mo kailangan maging Bibliophile or bookish para maging interesado sa pagbabasa.

4. Nostalgic. Dadalhin ka nito sa kabataan mo, ipapaalala sa'yo ang mga pagkukulang mo noon, tapos biglang gagaan ang pakiramdam mo dahil alam mong hindi lang pala ikaw ang nagkakamali, na hindi ka nag-iisa sa mga kagaguhan mo noon, at laging may pagkakataong mag-improve, na hindi pa huli para bumangon. Dadalhin ka nito sa minsang payak mong mundo, 'yong mga panahong hindi pa komplikado, 'yong mga panahong 'di mo kailangan ng tamang sagot kung bakit ka masaya.

5. May mga pagkakataong matitigilan ka sa pagbabasa pagkatapos ng isang taludtod, 'yong tipong isasandal mo ang iyong likod sa kinauupan mo sabay hinga tapos mapapatitig ka sa kawalan nang ilang minuto. Magtataka ka. Mapapatanong ka. Mapapaisip ka.

6. Habang binabasa mo ang bawat sulat, ay para ka na ring nananalamin sa realidad ng mundo. Makatotohanan pero nasa sa'yo pa rin kung ano ang gusto mong paniwalaan. Hindi ka n'ya pipiliting lunukin ang bersyon n'ya ng katotohanan. Hahayaan ka n'yang mag-isip sa sarili mo, panghawakan ang prinsipyo mo, pero bubuksan n'ya ang isip mo na bigyang espasyo para i-consider din ang kanyang pananaw. Pero ikaw pa rin bahala. May kalayaan kang umunawa, at may lakas ka para ipaglaban ang nauunawaan mo. Mali man o tama, sino nga ba ang nakakaalam kung alin sa dalawa ang mas mabigat?

7. Gusto ko 'yong kalmado ang tono ng awtor nito. Kung gusto mo marelaks, ito 'yon. Para kang nakikipag-usap nang one on one sa awtor tapos kape kape lang. Magigising ka talaga! Sa napakamurang halaga na 150php, para sa'kin ay isa itong makabuluhang investment sa buhay.

"...hindi mo na titingnan ang realidad tulad no'ng bago mo buklatin ang unang pahina nitong libro." —Zero A.D.

10/10
1 review
September 3, 2018
If you're looking for a book that tackles the different problems in our society sa paraan na hindi komplikado ang pagpapaliwanag. TAGOS is for you.
1 review
August 28, 2018
Una sa lahat kung isa kayo sa mga nagsasabi ng:

"Wala na finish na"

"Advance ako mag-isip"

"Bakit ako matatakot"

At sa mga darating pang kabobohan sa internet.
Please lang 'wag niyong basahin ang TAGOS.

Pero kung nais niyong magpalaya ng kamalayan at ibat-ibang ideya sa katawan basahin niyo ang obra na 'to. Para sa'kin lang, dapat nirerekomenda 'to 'di lang sa simbahan kundi sa eskwelahan. Kaso kulang pa tayo sa pang-unawa at onting utak kaya...'wag na lang.

Okay tol, page 1 hanggang 30 ata, makikita mo kung saan nagsimula yung taong 'to. Kundi niyo kilala 'to, balikan niyo yung TEENAGE pinoy crap, TYPICAL na siya kasi ngayon e, mula sa nabanggit na pahina duon niya pinakita kung saan siya unang huminga. Syempre sa laptripan. Pero, 'di siya nakuntento sa pagtawa lang, nagnanais rin na makatulong sa pagpatay sa malubhang sakit na naka-akbay sa mga pilipino gamit ang tinta.

Sa sarili ko, isa akong katoliko, pero hindi para maging hipokrito. Kung kaya ko nasabi na kailangan niyo ng ibayong pang-unawa at sapat na baon ng talino, dahil matalim ang dila ng mamang 'to.

Isa siyang atheist. Oo, 'di naniniwala sa diyos, pero, 'di para ikampanya si satanas.

Hinangaan ko siya kahit na magkaiba kami ng paniniwala. Katoliko ako pero 'di hipokrito. Hindi ko sinasabing tama siya dahil 'di siya naniniwala sa itaas, 'di ko rin sinasabing mali siya dahil sa napiling desisyon. Para sakin lang, kung lubog na lubog ka na sa mabahong sistema dulot ng masangsang na paniniwala, tang ina men, mas mabuting gayahin ko na nga lang 'tong tao na 'to.

Inuunahan ko na kayo, naguumapaw sa tawa 'to at kaalaman to. Mas nakakatawa pa 'to sa buong career joke ni ryan bang. Pero mas inunahan ko na kayo na mainit kung bumuga ng apoy 'to, kaya kung trip niyo 'to at madamdamin kayo... Siguro, alisin niyo muna puso niyo.

Sakto kung sakali, pagbalik ng puso niyo, panibagong pag-ibig na 'yan, at panibagong kaalaman. Goodluck mga 'tol. Masaya 'to. Bilin niyo na mukang walang pera yung awtor. :)
Profile Image for Bianca Nagac.
64 reviews6 followers
June 28, 2019
Naiintindihan ko naman ang mga punto ng manunulat nito. Ang naging problema ay marami sa mga itinatampok niyang issues ay napaka-superficial para sa akin - kung kaya't nagmukhang rant book talaga ito. Marahil iba lang talaga ang interest ko o kaya ay malayo ito sa mga nakasanayan ko nang basahin.

Hindi ko maiwasang maramdaman na isa akong high school habang binabasa ko ito. Nakakalungkot lang dahil may iba pang kabanata rito na bulate lang ang issue ngunit ginawa pang anaconda. Pakiramdam ko ay pinaparami na lamang ang mga salita.

Sa totoo lang, hindi ito ang klase ng libro na ire-rekomenda ko sa mga kaibigan ko. At hindi ko rin ito maire-rekomenda sa mga mas nakababata kong kakilala. Ngunit hindi ko naman maikakaila ang kakayahan ng awtor na pumukaw ng atensyon. Ang inaasahan ko lamang sa hinaharap ay ma-sustain niya ang atensyon na ito sa mga mambabasa.
2 reviews1 follower
April 26, 2021
Kakatapos ko lang basahin kanina at napakaraming bagay akong napansin. Isa, nakakainis. Entertaining na sana kaso trying hard and manunulat. Pinipilit niyang maging kagaya ni Bob Ong. I'm a fan of Bob Ong's non-fiction books kaya alam ko na ang humor niya at maglolokohan lang tayo kung sasabihin mong hindi niya ginagaya dahil isa ring fan si TPC. Pinipilit niyang magpatawa habang nagbibigay ng karunungan, gaya ni Bob Ong. Bilang isang sikat na manunulat, sana'y sikapin niyang maging orihinal.
Ilang buwan akong nainis at pinagpilitang tapusin ang libro at ayos din dahil mayro'n pa rin namang nakuhang aral.
Sa tingin ko'y layunin lamang magpahayag ng manunulat at magbigay aral sa ibang kabataan sa panahon ngayon kaya salamat pa rin.
Profile Image for Aquino Kc.
41 reviews
October 7, 2025
A thought-provoking book. I found myself agreeing with the authors opinion and from time to time dissect his overall character through the books although the pacing was all over the place since its a compilation of the author's ever so often post on his FB page (i didnt know it existed after i read the book) as such it has the potential of being a stand alone book even if the author isnt a public figure on social media ... The book accentuates contemporary problems that our country is facing ..

I'll be looking forward to their next book if that happen .
6 reviews
June 10, 2019
A tiny book that has that power to make you pause and reflect about your views in life. Bagay na bagay ang pamagat dahil tagos na tagos ang mga katotohan na masakit pa sa buwanang dalaw ng mga babae.
1 review
August 23, 2018
A request was made on my personal blog "Whatever, Genevieve." Eto na. (Paano niya nahanap yun...)

--- "Ano nga ba ang sukatan ng pagiging mabuting tao? Ano nga ba ang moralidad kung tatanggalin mo ang mga tinanim na ideas at standards ng mga mas naunang tao sa utak mo. Kalimutan mo ang napag-aralan niyo sa school, sermon ng mga pari(na kinakalimutan niyo once nakatapak na kayo sa labas ng simbahan), opinyon ng mga matatalinong tao tungkol sa mga bagay na mahirap intindihin. Kalimutan niyo kung ano ang normal at hindi normal. Isipin niyong pantay pantay lang ang magiging resulta ng lahat ng gagawin niyo.

Ano ang mabuti? Ano ang masama? Sino ka kapag mag-isa ka na lang sa sarili mong mundo?

What is peace without chaos? What is sacrifice without a purpose? What is power and control without the people you rule? What is good without the bad? What is bad without the good? What is the Will of God, if you have a Free Will?

Anong silbi ng isang plano kung may kakayanan ka naman palang gumawa ng sariling mong plano? Ano to? Lokohan? Testing testing? Mahal ka ba talaga niya kung araw-araw na lang niyang tine-test ang "loyalty" mo sa kanya, eh mas masahol pa yan sa controlling mong shota eh! You can't help question a concept with a "why" kasi madami kang nakikitang plot holes at feeling mo ginagago ka na lang ng mundo.

Genevieve: matulog ka na

me: [hinila yung dextrose]

Genevieve: [screaming]

me: [resumes back to reading Tagos by TPC]

Tagos by Typical Pinoy Crap is a masterpiece, and WILL make you relate in every essay he delivers. Halos lahat ng mga naisip ko noon nabasa ko dito, ang I'm glad I bought this book. Because once again, I prove to myself that I can think. And that what I think is not nonsense, not harmful to others, but is a step closer to having an idea about the secrets of your everyday reality. You observe because you know something wrong is unfolding, and your instinct tells you to either prevent that from happening or keep quiet and let the world burn and learn."

Merged review:

Pasensya na. Magulo ako. First time kong mag-review. 16 years old lang ako, so please take it easy on me.

Below is the exact copy of what I posted on my Personal Blog page, "Whatever, Genevieve."

---

Ano nga ba ang sukatan ng pagiging mabuting tao? Ano nga ba ang moralidad kung tatanggalin mo ang mga tinanim na ideas at standards ng mga mas naunang tao sa utak mo. Kalimutan mo ang napag-aralan niyo sa school, sermon ng mga pari(na kinakalimutan niyo once nakatapak na kayo sa labas ng simbahan), opinyon ng mga matatalinong tao tungkol sa mga bagay na mahirap intindihin. Kalimutan niyo kung ano ang normal at hindi normal. Isipin niyong pantay pantay lang ang magiging resulta ng lahat ng gagawin niyo.

Ano ang mabuti? Ano ang masama? Sino ka kapag mag-isa ka na lang sa sarili mong mundo?

What is peace without chaos? What is sacrifice without a purpose? What is power and control without the people you rule? What is good without the bad? What is bad without the good? What is the Will of God, if you have a Free Will?

Anong silbi ng isang plano kung may kakayanan ka naman palang gumawa ng sariling mong plano? Ano to? Lokohan? Testing testing? Mahal ka ba talaga niya kung araw-araw na lang niyang tine-test ang "loyalty" mo sa kanya, eh mas masahol pa yan sa controlling mong shota eh! You can't help question a concept with a "why" kasi madami kang nakikitang plot holes at feeling mo ginagago ka na lang ng mundo.

Genevieve: matulog ka na

me: [hinila yung dextrose]

Genevieve: [screaming]

me: [resumes back to reading Tagos by TPC]

Tagos by Typical Pinoy Crap is a masterpiece, and WILL make you relate in every essay he delivers. Halos lahat ng mga naisip ko noon nabasa ko dito, ang I'm glad I bought this book. Because once again, I proved to myself that I can think. And that what I think is not nonsense, not harmful to others, but is a step closer to having an idea about the secrets of your everyday reality. You observe because you know something wrong is unfolding, and your instinct tells you to either prevent that from happening or keep quiet and let the world burn and learn.
Profile Image for V,  The Reading Turtle.
393 reviews13 followers
December 12, 2024
Salamat sa author na nagbigay ng libreng digital copy sa facebook.

Nagustuhan ko ang katapangan ng librong ito at ang pagiging impormal nito na parang kuwentuhan lang. Maganda rin na may ilan akong bagong natutunan at mga bagay na pinag-isipan, so in a way nagtagumpay naman ang layunin ng librong ito sa 'kin.

Pero...

...ang daming typo, maling spelling, at paggamit ng panctuation marks. Di ko alam kung first draft itong kopya, pero kung hindi man at ito na ang final manuscript, di na ako magtataka at PSICOM ang publisher. Minsan parang ala silang editor, or wala talaga?

Natural din na may mga opinyon si TPC na di ako sang-ayon, so ang titingnan for criticism ay 'yung paraan ng pagbibigay ng opinion. Minsan okay, minsan kulang sa analysis kaya nagtutunog rant para sa 'kin.

Masasabi ko rin na hindi lahat ng nakasulat ay bago at dapat pag-isipan. 'Yung iba, parang common knowledge na na parang in-expand lang bilang filler sa libro. Siguro talagang nakulangan lang ako sa mga bagong bagay na matututunan at mapag-iisipan.

Minsan nakakatawa, minsan pilit 'yung pagpapatawa. Siguro tumaas na lang 'yung standard ko sa mga ganitong klaseng libro dahil kay Bob Ong.

Overall, oks lang. Magaan basahin.
Profile Image for Jibbs Vanzuela.
1 review22 followers
September 17, 2018
Review:

Ito lang talaga masasabi ko in general sa book na 'to. MIND-BOGGLING.

Bakit? Kasi unti-unti mo ring mararamdaman na majority ng unspoken thoughts ng isang critical-thinking na Pilipino ay nakapaloob na sa obrang ito. Although madaling namnamin ang iba sa nais iparating ng may-akda sa bawat topic na tinatalakay, may mga oras din kung saan mapapatingala ka na lang o mapapayuko sa lalim ng pag-iisip bago makuha ang punto.

Kayang-kayang basahin ito ng sinuman sa isang upuan lamang (yun ay kung literal na 24 hours ang available time mo sa pagbabasa). Pero madadala ka ng librong 'to sa maraming lupalop ng iyong kaisipan mula sa pagkabata o kahit sa primitive time pa, sa kasalukuyan, sa hinaharap, at maging sa kaisipan ng ibang tao.

Masasabi ko ring ito ang Starter Pack para sa mga Pilipinong nais magbago at ayaw na makidagdag pa sa toxicity ng lipunan dahil ie-engage ka nito upang mag-isip nang ayon sa tama, hindi para maging tama ang mali.

Kudos, TPC. Maraming salamat muli sa pagbahagi ng karunungang hindi ma-summarize ng utak namin.
Profile Image for Migui Dela Cruz.
3 reviews
April 24, 2021
Napaka-simple lang ng ipinahihiwatig ng akdang ito: sintido-kumon (common sense). Isang malaking kapalpakan ng sibilisasyon at ng tao ang pagiging ignorante sa mga bagay-bagay, desisyon man o hindi. Ibinibigay ng akdang ito ang lohika ng isang sibilisado't rasyonal na tao. Marahil ay maituturing na rin o isang komentaryo ito sa lagay ng sitwasyon ngayon. (Una ko itong nabasa ay noon pang 2017, ngunit ngayon lang ako nagsusulat ng rebyu ukol dito). Sabihin na rin nating "self-help" na uri ito na libro para sa mga kababayan nating hanggang sa ngayon ay pinipili pa ring maging ignorante.
Profile Image for Allen Pamaong.
57 reviews
December 29, 2021
Hindi man ako agree sa lahat ng punto ng awtor, ramdam na ramdam ko naman lahat ng kanyang mga sinasabi at halatang hindi lang galing sa puso, kundi sa utak din. At mas na-appreciate ko ang mga sulat niya dahil doon. Lahat naman ng sulat niya na nakapaloob dito sa librong ito mula umpisa hanggang dulo siguradong makakapukaw ng atensyon ng magbabasa nito. Madami kasi siyang binibitawang mga salita at biro na hindi mo normally mababasa sa mga ganitong uri ng libro. Nasa magbabasa na talaga kung sasang-ayunan nila ang karamihan ng mga sulat ni TPC.
Profile Image for Airen.
25 reviews
October 13, 2018
Times are hard—fake news, trapong politiko, bobong Pilipino are everywhere. This book is a must-read! It's like a collection of all the typical pinoy crap I personally discuss on my timeline. Seriously considering starting a project in which I buy 10 copies of this book and send it over to my friends. Then, my friends must send it over to another friend once they're done reading it and the friends of my friends must send it to their friends and so on. Hmmm
1 review
August 27, 2018
Napakagandang libro, as in, wala kang pagsisisihan dito. Sa librong 'to, napaka-powerful na lumawak yung isip mo sa mga bagay-bagay. Sobrang makabuluhan ng mga inilathala sa librong 'to. Sana madami pang makadiskubre sa librong 'to. Sobrang deserve nung author na ma-discover ang kanyang libro! Sobrang ganda talaga. Wala talaga kayong pagsisisihan! Kudos din sa author!
Profile Image for Mharlo Santiago.
1 review
August 6, 2019
Definitely, good read and must read book. Bakit?

Simple lang, napapanahon. Dapat gantong mga libro ang tinatangkilik natin, mga social issues na dapt nating malaman, mamulat at maunawaan. Maganda ang pagkakalahad, parang kinukwentuhan ka nung mismong akda o author, na may halong biro o sense of humor kumbaga. Maraming Salamat, TPC!
Profile Image for Bana AZ.
579 reviews54 followers
January 18, 2023
Mayroon kayang taong nangulangot na... ibinalik muna niya sa loob pansamantala?


There are many interesting and insightful things in this collection of essays, but that quote above is one that will stick with me.
Profile Image for Jyoo.
7 reviews
February 6, 2024
The book is good if you agree on the author's belief because the book reflects his real experiences in life. Recommended if you're following TPC. Not recommended to his haters hahahaha.

I had fun reading it and deserves 5 star 🖐️
Profile Image for Acely Joy.
62 reviews
May 1, 2025
gets ko naman maraming puntong gustong ma-tackle kaso puro pahapyaw lang at hilaw ang mga take kaya parang nagbasa ka lang ng hiwa-hiwalay na post sa fb. sumakit ulo ko kasi marami ding typo at hindi naedit nang maayos.
1 review
August 31, 2019
I have a question ano ang pangunahing ideya at aral sa kwento ng tagos Mga sulat na hindi tungkol sa menstrual cycle ni TPC?
Profile Image for Trixie Ann ( A Turtle Reader ).
61 reviews2 followers
June 2, 2020
Antaba ng utak ng author! Well at least yung mga issue na na-topic, nakakarelate ako, and well-explained yung mga stand niya regarding sa mga topics. Kaya ayan, Tagos na tagos.
Profile Image for Michaela Jen.
5 reviews
July 2, 2021
Ganda nito gago. Sobrang pinag-isipan bawat chapter. Solid content. Edilbert gago ka ily, sana gumawa ka pa bagong books please.
1 review
June 13, 2024
Kala ko makakalibre ako HAHAHA
This entire review has been hidden because of spoilers.
3 reviews
November 23, 2024
Witty and engaging, I read the whole book in one sitting. TPC had me laughing from the start then questioning my existence at the end. Well done sir.
Profile Image for Iris.
2 reviews
February 6, 2026
I have no words for this book. If you want to get slapped with truth/reality, read this.
Profile Image for upʞ.
26 reviews3 followers
August 14, 2020
Parang nagbabasa ng mga posts ng TPC facebook page pero mas may konteksto. Mas may lumanay at slight filtering. I know this was intended as an essay compendium pero ang dating is ranting. Most of the passages here I agree with. Pero yung ibang remaining parang nag fail to attack the underlying problems.
Profile Image for marianglibag.
4 reviews1 follower
July 30, 2023
Pangalawang beses ko nang binasa ang libro na 'to ni TPC. Unang beses noong 2018, pangalawang beses ngayon taong 2022. Palagay ko'y bibigyan ko noon ng perpektong rating ang libro na ito dahil sa mga relatable na sanaysay lalo na sa edad ko noon. Naisipan ko muling basahin itong Tagos: Mga Sulat na Hindi Tungkol sa Menstrual Cycle dahil sa mga nabasa kong reviews dito sa goodreads. May ilan lamang akong napansin:

1. Wala akong issue kung pinaghalong Tagalog at Ingles ang ginamit na lengguahe sa libro na ito. Ngunit maganda sana kung hindi "random" at pinagsama-sama na lamang ang mga sanaysay na nasa wikang Tagalog at nasa wikang Ingles.

2. Karamihan sa mga issue na nabanggit ay hindi naman kalakihan o ganoong kalalim upang talakayin para isa-libro. Sa kabilang banda, malaking tulong din ang mga opinyon niya sa mga ganoong kaliit na issue upang mas makilala ko nang lubos ang awtor.

3. Mahilig lumihis si TPC sa punto ng kaniyang mga sanaysay. May ilang beses kong binasa ang pamagat ng sanaysay dahil nalito ako kung iyon pa ba ang pinaguusapan.

2017 pa noong nailimbag ang librong ito kaya't naiintindihan ko kung "hilaw" pa ang paraan ng pagsusulat ni TPC dito. Nababasa ko naman ang mga posts niya sa kaniyang Facebook page kaya't alam ko na mayroon nang pagbabago sa kaniyang pagsusulat, lalo na sa kaniyang bagong libro na "G: Kuwentong Malayo Sa Katotohanan". Napapanahon din ang kaniyang mga sanaysay, lalo na sa padulong parte ng libro (pahina 115 hangang dulo). Nakarating naman sa akin ang gustong iparating ni TPC sa bawat sanaysay. Karamihan sa kaniyang pananaw ay pananaw ko rin.

Maire-rekomenda ko ang librong ito sa ilan na aking kaibigan na may kaparehong point of view rin sa buhay, maliban siguro sa mga bata at matatanda na hindi gustong may sumasalungat sa kanilang paniniwala.
Profile Image for Jayson Macapagal.
17 reviews3 followers
February 19, 2019
Rated 18+

Natawa ako ng makita ko ito sa bilihan dahil sa pabalat. Napukaw agad ang atensyon ko kaya bumili ako ng kopya. Sa kasabikan ay dali-dali kong binasa pag-uwi ko at tinapos sa loob ng humigit-kumulang dalawang oras. Sulit na sulit, hindi lang masayang basahin, kundi marami ka rin matututunan dito. Grabe ang aklat na 'to, dapat basahin!

Ito'y tumatalakay — sa pamamagitan ng sariling interpretasyon ng may-akda — sa mga napapanahong isyu, mga paniniwala, tradisyon, kaugalian at kung anu-ano pa. Maaaring maging iba-iba ang pagtanggap natin sa mga katotohanang inilahad dito, subalit hindi natin ito maipagkakaila. Kailangan ng matinding pag-unawa at pag-amin sa sarili, dahil kung ikaw ay sensitibo, konserbatibo, makitid at hindi tumatanggap ng pagkatalo; malamang ay hindi mo rin ipasok sa kukote mo ang mga mababasa mo dito! Ayon nga sa kasabihan "masakit tanggapin ang katotohanan", pero bilang nilalang na may pinakamataas na pag-iisip sa mundo, alam natin na "ang pagbabago ang tanging permanente sa mundo" dahil mahirap din kung palagi na lang tayong mabubuhay sa mga bagay na nakasanayan natin at walang balak umunlad bilang isang tao.
1 review
August 24, 2018
Nagagalingan ako sa katapangan ng kosepto na nakapaloob sa libro. Wala din akong masabi pagdating sa mga tinatalakay at napapanahon na issue'ng kanyang pinagtutuunan ng pansin kasi napupunto niya ang bawat salitang binibitawan niya without any hesitations. Sabi ko nga sa caption ng post ko habang hawak ang kanyang libro, "Bravery at its finest."
Nakakamangha na kaya niyang magbigay ng mga magaang halimbawa na hindi magbibigay kumplikado sa kautakan ng marami. Sana mas dumami pa ang mga gan'tong libro na may katulad ng pag-iisip ni TPC para mas marami-rami pa akong mabasang kagaya nito. Hindi lang kasi ito basta libro, experience din.
Alam kong wala akong alam pagdating sa mga pagbibigay review na gaya nito, pero hindi ba pwedeng matuwa sa librong binasa lalo't sulit na sulit ako sa presyo nito? Tingin ko hindi naman. :)
Displaying 1 - 28 of 28 reviews