Mabilis lang basahin ang Jumper Cable Chronicles: Si Santa Anita dahil straight-forward at diretso lang ang takbo ng istorya. May mga back stories, syempre, para mas maunawaan natin ang mga tauhan sa kuwento pero solido at alam ng libro ang misyon nito.
Hindi man naging ganoong ka-detalye ang paglalarawan sa world-building patungkol sa dimension o parallel worlds, naging sapat at mahusay naman ito. Pag dating sa mga tauhan, nakulangan ako sa personal connection sa kanila pero hindi ko maitatanggi na may kurot sa puso ang ibang eksena at pangyayaring nabasa ko rito sa libro.
Maganda rin ang pinakitang social relevance ng libro lalo na iyong patungkol sa paniniwala ng mga tao sa faith healer na sumisimbolo ng panibagong o alternatibong pag-asa. Na sa huli ay parang humantong na sa fanaticism. Nariyan din yun pagmamahal ng isang ina sa anak at anak sa ina na talagang umantig sa aking puso. Ramdam ko yung pag-aalala ng ina ni Dino kay Haya.
Bilang isang Bulakenyo na rin siguro, hindi naman ako na-boringan sa translation. Ayos nga s'yang basahin kung tutuusin. Sa huli, gusto ko ang naging climax at resolution na ipinakita at inilahad ng Jumper Cable Chronicles: Si Santa Anita
Maraming elemento at pangyayari ang pwedeng ihalintulad sa mga nangyayari sa kasalukuyang lipunan—gaya ng pros at cons ng teknolohiya, pang-aabuso sa mga inosente, paghahanap ng mga alternatibong pag-asa at pagkapit sa pananampalataya. Sa pagpili ni Dino na tulungan si Haya na hanapin si Anita, nakita ko ang pakikisama, pag-unawa sa naiiba sa iyo at ang paalala na kapag ginusto mo, may paraan. Sakripisyo at determinasyon naman ang pinairal ni Haya, sa kagustuhang maibalik si Anita sa Dimension 048. At si Anita? Para sa akin, siya ang nagsilbing simbolo ng isang pangarap, o katuparan ng pangarap. Dahil sa kanya, nabigyan ng purpose at misyon sina Dino at Haya, na siyang nagturo sa kanila—direkta man o hindi—ng mga leksyon sa buhay.
Hindi ko man nabasa ang orihinal na teksto sa Ingles, palagay ko ay naisalin pa rin ang humor at ang overall na tono ng kwento sa Filipino. (Bisitahin si Xi Zuq dito.) Sa akin, mas madaling akong naka-relate kasi may katatawanan na mas naka-capture sa sarili nating salita. Nagustuhan ko ring may kasamang maliliit ngunit importanteng portrayal ng mga araw-araw ng isang batang (nagbibinatang) Pinoy. Paborito ko ang mga magulang ni Dino—napaka-supportive at open-minded, kailangan natin ng mga ganitong representasyon ng pamilya!—pati na rin ang pagso-spoil nila kay Haya gamit ang tinola! 😂
"Matagal na noong huli akong magbasa ng YA sci-fi, lalo na’t nakasalin sa Filipino, kaya laking tuwa ko na sa unang sabak pa lang, natuwa na agad ako sa mga pakikipagsapalaran ni Dino kasama si Haya. Madali kong nailagay ang sarili ko sa world-building ng kwento, at masaya kong sinubaybayan ang unti-unting pagbunyag ng mga misteryo ukol sa mga Dimensions, kay Haya at sa nawawalang medical engineer na naging santa na si Anita.
Maraming elemento at pangyayari ang pwedeng ihalintulad sa mga nangyayari sa kasalukuyang lipunan—gaya ng pros at cons ng teknolohiya, pang-aabuso sa mga inosente, paghahanap ng mga alternatibong pag-asa at pagkapit sa pananampalataya. Sa pagpili ni Dino na tulungan si Haya na hanapin si Anita, nakita ko ang pakikisama, pag-unawa sa naiiba sa iyo at ang paalala na kapag ginusto mo, may paraan. Sakripisyo at determinasyon naman ang pinairal ni Haya, sa kagustuhang maibalik si Anita sa Dimension 048. At si Anita? Para sa akin, siya ang nagsilbing simbolo ng isang pangarap, o katuparan ng pangarap. Dahil sa kanya, nabigyan ng purpose at misyon sina Dino at Haya, na siyang nagturo sa kanila—direkta man o hindi—ng mga leksyon sa buhay." Continue reading our review here.
Please note: We don't use ratings but for this purpose, we tag books with three stars by default. Would like to be a reviewer/contributor to Bookbed? Sign up here! We also accept review requests. More info here.
Nakakatuwa ang world building ng nobela dahil sa multiversong atake nito. Mas nakakaaliw na nakita ko ito sa isang YA na nobelang masarap at madaling basahin -- sa mga karakter ni Dino, ang bida ng kuwento na nasangkot sa gulo ng mga galing sa ibang dimensyo, at kay Haya Project at Anita Project, mga dose anyos na batang hi-tech, matalino, at galing sa ibang mundo.
Ngunit nakulangan ako sa kagustuhan ng bidang si Dino - maliban sa pumasa sa entrance exam ng senior high - sa unang 90% ng nobela dahil tila observer lang siya sa lahat ng pangyayari. Marahil gusto niya lang talaga ng kapatid, at sabi nga niya, masaya nga namang may mga taong aasa sa kaniya. (Medyo spoiler) Valid ang breaking the fourth wall moment sa dulo, bakit nga ba niya ginawa lahat ng 'yon? Tila kinwestyon din naman ng nobela ang sarili nitong motibo. Pero hindi ko rin naman masagot bilang mambabasa lang.
Mabuting may mga ganitong kuwentong spekulatib at sci-fi para sa mga kabataang nais palawigin ang imahinasyon, paniguradong maganda ang pangako ng seryeng nasimulan sa pagkuwento ni Dino sa mundong Dimension 196 (ang pinaglagyang mundo ng kuwento).
Napaka-promising ng plot ng estorya, marahil dahil bihira akong makabasa ng YA sci-fi na Tagalog. Maganda rin ang mga tema na gustong ipaabot ng nobela. Madali rin siyang basahin dahil direkta akong nilalagay sa sitwasyon ng mga tauhan.
Kaya lang, kahit na direkta akong isinusuot sa buhay ng tauhan sa kwento, hirap akong maramdaman sila. Sinasabi ng narrator o ng mga dayalogo na masaya sila o malungkot o may sakit sa katawan nila pero hindi ko masyadong maramdaman ang mga emosyon nila. Siguro dahil ito sa writing / translation style ni Xi Zuq. Kulang ang paglalarawan sa mga ganap ng kwento. Kaya kahit na madali siya basahin, mahirap iguhit sa isip ang mga nangyayari sa kwento. Dahil dito, hindi masyadong nabigyan ng buhay at kulay ang pagsasalaysay ng kwento.
Siguro, mas bagay 'to sa mga mas batang mambabasa.
I haven't read the original version of this book buy maybe the translation to Filipino was unnecessary.... Anyways, it's still bad.
There are a few things I would like to point out: * When I took my SHS entrance exam, I didn't think of it as the m o s t important test in my life. No one does. Hell I didn't even study for my college entrance exam test and I passed anyways ? * It's obvious the author is trying his best to personify his young protagonist, and he's not doing well. The lines were so dry and boring and this young person was saying some outdated slangs/phrases :/ * The narration was boring, the story moves slow. Nothing much happened. Really.
To be honest, the only reason I picked up this book is (1) for the cover's art style and (2) the promise of a cyberpunk-esque fantasy tech adventure. The latter unfortunately did not deliver so well. Most of the story takes place in a (more or less) normal version of the Philippines.
I'm defintely not the best at reading Filipino, but the prose just seemed,, lackluster?? We're given basic (and almost boring) characters. I wasn't particularly compelled by the writing, and reading this felt a bit like a chore.
Overall, it was a pretty decent book. Wouldn't really recommend it, but go check it out if you're still interested. 3/5
I'm really glad that this was translated to Filipino and I hope it reaches the intended audience i.e. kids or teens, in this case. Particularly the setting and respect of someone's boundaries is a very useful lesson from this book. Story-wise it was entertaining enough for me sit through it for 2 hours straight. Also loved the cross-overs from other Local Titles (Aha! TALA Online! Alexandra Trese!). It be interesting to see what the story of the next books will be - it is as per the title, a part of a Chronicle.
Nakakatuwang magbasa uli ng tagalog na nobela at dagdag pa, ito ay science fiction.
Natuwa akong basahin ito. Ngunit, may konti akong mga puna — kulang ang world-building. Sana ay mas napalalim pa ang pagbuo sa mundong ito. Sana naipaliwanag paano o bakit nagkaroon ng mga kakaibang bata.
Ang nagustuhan ko naman dito ay ang mga karakter, ang takbo ng istorya at ang koneksyon nito sa iba pang mga kwentong filipino.
Medyo nakakabagot na paulit ulit ginagamit yung "buntonghininga." 😂 Other than that it was a good story. Although the writing could be improved. Not sure, but maybe it was the translation that made it difficult to read sometimes.
Note: Sci-fi and Tagalog stories are not my cup of tea, which could affect how I enjoyed this novel.
Hindi lang ako siguro sanay magbasa sa wikang Filipino kaya hindi ko masyadong nagustuhan ang libro. The concept was good, but the translation work just does not jive with me.
Nangigilabot ako tuwing nababasa ko ang "oks" at "oks na oks". Just, no.
Had high expectations with this book but sadly, for me, it did not deliver. It was lacking something. That level of thrill was lookin before I started it. That ummppfh. It has good premise but not so good execution.
Maybe it's me and my ongoing battle with Filipino books. It's too boring and corny for my own liking. And it was too hard for me to imagine the scenes in the book because sci-fi plus filipino language combined would be my death. I'm sorry.
But i did like the Trese reference near the end. Made me laugh. But this book just ain't it for me.