The intricacy of poetic language suffices what the heart yearns for articulation. And notable poet Jerry Gracio maintains this agency of poetry, that when the body aches for reciprocation, when the body allows itself to be consumed by instincts and abstractions, poetry comes to rescue, to preserve and to immortalize the many fragments of the self, the many faces of love. Hindi Bagay, a companion of Gracio's book of essays Bagay Tayo (both published by Visprint, 2018) reminds me of Almario's translation of Tagore's Gitanjali, where the persona ever wanders and waits for the beholding sight of the lover's return, accompanied by the music of men and the sounds of the wilderness. Hindi Bagay gives us poems that do not demand for music, for the persona finds gratitude and satisfaction in the intimacy of bodies, the lingering smell and the mere presence of the beloved. And every silence is deafening, every rubbing of skin is an invitation to dance in love's rhythm. "Ang laswa ay laswa kung kulang sa init; / Sa piling ng mahal: banal ang pag-ibig." Through these poems, by turns attentive to rhyme schemes and embracing the power of prose, I realized that true literature sanctifies love and never commodifies it. "Dahil ang hindi labis ay hindi pag-ibig." I am drawn by his verses for these invite me to contemplate on how far I could go for love. Love that energizes is love that enervates. And thanks to this poet, being vulnerable is a gift.
Ngayon pa lang ako nakabasa ng isang buong aklat ng mga tula, at pakiramdam ko ay hindi ko nabigyan ng hustisya ito. Marami pa akong kailangang matutunan.
Gayunpaman, hindi naman ito naging hadlang upang ipahatid pa rin sa akin ang sarap at ligaya, maging lungkot at pangungulila na maaaring marasanan kapag tayo ay umiibig.
Katulad ng Bagay Tayo, ibinigay ng Hindi Bagay ang pakiramdam ng totoong nagmamahal. Naging pahinga sa akin ang pagbabasa nitong akda.
Kay sarap magmahal at mahalin pabalik---tila hamog sa madaling-araw o unang sinag ng umaga, dampi ng malamig na hangin sa tanghaling-tapat, bahaghari sa pagtila ng ulan, maaari ding kasingganda ng dapithapon. Ngunit ang sakit na kaakibat ng pagmamahal ay katulad ng kamatayan ng isang bituin, unos sa pusod ng dagat, o pagkatuyo ng isang buong hardin ng mga bulaklak. Ngunit sa huli, magmamahal at magmamahal tayo, hahanapin ang kapilas ng puso, hanggang mabuo ka ng hinahanap mong pag-ibig. Ganito ang sinasabi ng mga tula sa "Hindi Bagay" ni Jerry B. Gracio. Ipinaaalala ng aklat na huwag magsawang umibig, dahil sa huli, ito pa rin ang magsasalba sa atin, anumang uri ng pag-ibig ito.
Ang bawat linyang aking binasa sa librong ito ay madali ring nabura sa aking isipan. Lalo na iyong mga matatalinhagang salita na halos hindi ko na maintindihan. Ngunit kahit na gano'n, hindi pa rin magbabago ang pagtingin ko sa isa pang librong kasama nito, ang Bagay Tayo. Mga ilang beses ko iyong babalikan sa mga araw na nais kong malunod sa maraming emosyon.
57 Dahil dati, hindi ako naniniwala sa walang hanggan. Pero hinawakan mo ang kamay ko at ipinakita sa akin ang langit. Matagal nang patay ang mga bituin, sabi mo, pero nakikità pa rin natin ang liwanag ng kanilang pagsabog. Namamatay ang mga táong umiibig at iniibig, ngunit hindi ang pag-ibig. Araw-araw akong sumasambulat dahil sa 'yong pagmamahal.
"ayaw kong iasa sa iyo ang aking pandama. ngunit hindi maikakaila: ikaw ang pinakamalalim kong lumbay, ang pinakamababaw na ligaya."
paulit-ulit pinaalala sa akin ng koleksyon ang pag-ibig at paano umibig. ang tunay na pag-ibig ay mapagpalaya. at pinalalaya ako ng mga salitang matatagpuan lang sa koleksyong ito.
Narito ang isa sa mga paborito ko: "Ayaw kong iasa sa iyo ang aking pandama. Pero hindi ko maikakaila: Ikaw ang pinakamalalim kong lumbay, Ang pinakamababaw na ligaya."
Aking napagtanto na ang dami ko pa palang hindi alam na mga salitang Tagalog. shet
reading some of the pages and it felt really heartbreaking. i read this for wikathon & wont be giving a rating until i fully understand the book since my tagalog is terrible & there were some words i couldn’t translate :( will be rereading this again !
Napakaganda ng mga tula para ang sarap magmahal. Paborito ko ang mga tulang “Tumutula tayo kapag umiibig”, “Nahuhulog tayo kapag umiibig”, at “Kinabukasan iniisip ko pa rin ang nagdaang ulan”. Tagos talaga ang mga salita lalo’t nakaporma bilang tula. Grabe basahin niyo ito!!!
nakaka inspire magsulat ulit ng tula huhuhu at syempre mainlab emz gandaaa huhu nilalarawan niya kung pano tayo hinuhubog ng pag-ibig :"( made me realise more that i have a long way to go in understanding Filipino vocabulary HAHAHA basta mahusay!!
I read this book in just one sitting. Na-discover ko yung libro na 'to sa twitter at nakita ko yung shinare ni Sir Jerry na libreng pdf copy nito. First time ko makabasa ng aklat na puro tula ang laman, madalas kasi ay puro Ingles ang aking nababasa. A MUST READ!!!
“Nanaginip ako sa panaginip mo: nananaginip ka ng panaginip ko. At paggising ko, Mahal, natanto kong hindi bagay, na gumising isang araw na hindi na kita mahal.”
hindi ko na alam anong sasabihin ko. hindi pa naman sila break diba? diba?!!