Sa Olongapo lumaki si Michael Taylor, Jr. -- isang GI baby na hindi na nakilala ang ama. Kung anong galit ni Mike sa Amerika, siya namang pagkahumaling dito ng hostess na si Magdalena, na walang nang ibang hangad kundi makapangasawa ng kano. Nariyan rin si Ali na nagkukumahog makahanap ng mapapangasawa para lang magkaroon ng ama ang batang nasa pangangalaga niya. At si Modesto, isang manggagawa sa loob ng base-militar ng mga Amerikano na araw-araw dumaranas ng pagkaapi sa kamay ng mga puti.
Ito ay kuwento nina Mike, Magda, Ali, at Modesto. Pero higit pa, ito ay kuwento ng 'Gapo. Lupa ng Pilipino, batas ng Amerikano.
Lualhati Bautista was a Filipina writer, novelist, liberal activist and political critic. She was one of the foremost Filipino female novelists in the history of Contemporary Philippine Literature. Her most famous novels include Dekada '70; Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?; and ‘GAPÔ.
'Gapo is the shortened version of Olongapo. It is one of the cities in Luzon, the biggest island in the Philippines. It was where the former U.S. Naval Base Subic Bay, then the largest overseas military installation of the United States Armed Forces, was used to be located in. It was closed in 1992 when Mt. Pinatubo erupted. The naval base existed for 92 years.
Aside from that naval base, there were other US military bases throughout the country, e.g., the Clark Air Base in Angeles City in Pampanga and Camp John Hay in Baguio City. There were others but these were the three that I was able to visit during those times America claimed that those bases were American territories and so Filipinos could not go inside any of those without a valid military pass.
I had some memories of how it was that seeing Americans, particularly American GIs, was a common everyday fare. The visiting young men with their raging hormones, during their R&R’s, devoured our women especially the prostitutes. Driven by their American dream, these prostitutes stopped using contraceptives hoping that a child will be their passport to the US. This is the reason why there are still some Caucasian-looking men and women in that part of Luzon. Because they or their children or grandchildren look differently, they end up in showbusiness. When you bump into them, ask if they know how to speak kapangpangngan. Chances are, they have American blood in their veins. But of course, not all of them will say that somewhere in their family history there was a Filipina prostitute who stopped using contraceptive due to her American dream. Needless to say too, that not all Americans who stepped on the Philippine soil were bullshits. Of course not.
But if you dig the archives regarding the stay of the Americans in the country, most of the stories were really sad. That includes this book. This book reminded me of those stories that I used to hear when I was growing up: how America was taking advantage of our natural resources and treating us like dirt. There was even this movie of Nora Aunor called Minsa’y Isang Gamu-Gamo that I saw with my siblings. My eldest brother, who was vacationing in Baguio City, treated us to this Lupita Kashiwahara’s masterpiece. We saw it in a small movie house called Maricel Theatre along Abanao Street. I liked the movie not because I saw it for free and all of us four were together but because it was unforgettable. To date, Gamu-Gamo is my favorite Ate Guy movie. It is a story of a Filipina nurse who is supposed to leave for the US to work. On the day prior to her departure, his younger brother is shot by an American GI because the poor brother has been mistaken for a wild boar. Ate Guy said in her one of the more memorable dramatic screen monologues: ”My brother is not a pig!”
However, I did not experience any maltreatment during visits to any of those bases. Those were happy times! I still remember shopping in their commissary (that’s how their grocery was called). My grandmother’s third husband was a Filipino who fought alongside with Americans during WWII and so she had a military pass and she could go inside those bases and buy what we called PX (American) goods: corned beef, potato chips (Pringles), chocolate cookies (Chips Ahoy), coffee (Taster’s Choice), California apples, etc. Those were prized goods during that time because import liberalization was still unheard of. Many Filipinos got rich by shopping inside the bases and selling those outside and jacking up the prices twice to five times. Now, those stores are all closed but some of them can still be seen along the roads. The then prized commodities can be bought in of any regular supermarkets all throughout the country.
I am still to read Lualhati Bautista’s three other works but I think this book, 'Gapo will be my favorite of hers. I liked Dekada ‘70 (3 stars) but I got extremely disappointed with her Bata, Bata… Paano Ka Ginawa? (1 star). Well, I think the main reason why I really liked Gapo was that the way it was written. The prose is honest and fearless and her characters reflect those feeling. They just don't sit in a corner and wallow and cry in their tragedies. They know what they want (freedom) and they fight (without being OA) for it. The main protagonist is Mike a young blond man who was abandoned by a military GI when his prostitute mother got pregnant. He sings in a nightspot called Freedom Bar and his repertoire mostly includes patriotic songs. He lives in a house own by his mother but his mother is already in Manila living with another man (not his father because his father was a GI who left his mother when she got her pregnant). So, he shares the house with his mother’s fellow prostitute-friend, Magda. There is no love between them and Mike hates Magda when the latter brings men to the house to have sex.
This is one of the books that I was not able to relate to any of the characters yet I still really liked the story. In this case, the characters were the ones who made this truly special for me.
Aside from Mike and Magda, there are other characters that Bautista used to show other maltreatments Americans did to the Filipinos. The novel’s mood is totally bleak and gloomy all throughout. Bautista’s grit must have been up to the high heavens when she was writing this in 1988, four years prior to Americans fleeing the wrath of Mt. Pinatubo.
And for that grit, I am saluting Bautista. She seems to me like a woman with balls. Very brave.
I have no doubt that this book is a Filipino classic and will be read by many generations to come.
Nagmumulat at kumukurot. Grabe ang ginawa sa atin ng mga mananakop 'no? Ang sakit sa puso. Naaawa ako sa ating mga Filipino. Tapos ngayon, hindi na nga tayo nasasakop pero kung iisipin, sinasakop pa rin nila tayo. Nagagalit ako, kasi mas pinaigting ng librong 'to ang thought na binibenta na tayo ni Duterte. Na sariling mga pinuno na natin ang nagbebenta sa Filipinas sa iba pang mga bansa. Natatakot ako na maulit ang mga nangyari sa librong ito sa atin.
Nasa atin na ang ating kalayaan, 'wag na sana natin 'tong pakawalan.
Simula ngayon, bawat buwan, dapat may mabasa akong Lualhati Bautista book. I love her and her works! Dekada '70, heto na ako!
Eto yung pangatlong librong nabasa ko mula kay Lualhati Bautista. Bagaman hindi babae ang pangunahinh karakter ng nobela malaki pa rin ang papel ng mga babae sa karakter na ginampanan nila. Tulad ng iba pang nabasao kong nobela ni Lualhati ("Dekada 70" at "Bata, bata paano ka ginawa") parehas ang time setting nito ang pinagkaiba lang, ang setting ng lugar. Sa titulo palang alam na alam na, "Gapo" at saan nga ba ang Gapo? Hindi'bat pinaikli lamang itong Olonggapo, isang lugar kung saan itinayo ang pinakamalaking base militar ng Amerika na nasa labas ng bansa nito at nasa friendly ally nito, sa Pilipinas. Marami na rin ako narinig nabalita tungkol sa "Gapo" pero hindi ito balita ng mga kawalanghiyaan na nangyari sa lugar na iyon nung may base militar pa, kung hindi mga kwento ng mga naggagandang dilag na lugmok sa prostitusyon para may ipang tuition na kalahating brown at kalahating white monkey na tila naiwanan na rin ng panahon matapos umalis ng mga kano.
(may naging klaklse kasi ako sa kolehiyo na galing Gapo, hindi kalapastanganan ang naikwento nga sa amin noon patungkol sa pinanggalingan nya kung'di kalibugan at ang pagpapakasasa sa mga babae na kalahating brown kalahating white monkey na ayon sa kanya maganda na, mura pa.)
Tulad ng rin ng ibang nobela ni Lualhati, hindi ito mabigat. Hindi mabigat sa sense na hindi ito mahirap intindihin, lalo na kung wala kang ideya kung ano ang itsura ng lugar na Gapo ng may base pa ito, hindi nagkulang ang manunulat sa paglarawan ng mga bagay na kailangan mong malaman at parang history rin itong maituturing, kasi nga, anu bang malay mo nung mga taong yon? at anung kalapastanganan ang meron nun, ang parity rights na hindi ko alam kung meron pa rin ngayon ( ang alam ko VFA ang meron tayo ngayon), Nuclear ships nila na ok lang satin magparit-parito noon at ang itsura na nabubulok na lipunan ng Gapo.
Ang istorya ay umiikot sa mga magkakaibigan( si Mike, Desto, Ali at Magda) at kung paano sila pinaglaruan ng kapalaran sa Gapo. Politikal na nobela rin ito tulad ng "Dekada 70" pero sa mas mataas na lebel ata ito, dito tinatalakay ang ugnayan ng Pinas at Amerika, ang pagmamalabis nila at pag walang sakibo natin. At hindi ito nobela kung saan ang pinaka atraksyon ay pagibig sa isang babae't lalaki, masasabi kong ito ay istorya ng pagmamahal hindi sa kabilang kasarian kung hindi pagmamahal sa inyo sarili, Amor Propio ika nya, at sa librong ito muli kong naalala kung bakit kailangan mong bigyan ng dangal at pagmamahal ang iyong sarili. Para hindi mo hayaang matapaktapakan at maapi.
*karagdagan Buong parte ng libro may patama sa lipunan natin, ang pagkahilig natin sa mga stateside na pagkain, gamit at mga bargain na state side. Kung papanu natin pagmalaki ang isang bagay na stateside o imported. Binabasura sa Tate, tapos ibebenta sa atin, tapos magaagawan tayo. :)
Hirit pang isa, iterpretasyon ko ng mga pangalan sa libro XD
Michael "Mike" Taylor- Mike siguro dahil sa pagkanta niya nilalabas ang sama ng kanyang loob laban sa mga kano na kakulay nya.
Modesto- halata naman sa ngalan nya, pasensyoso, manginginom.
The protagonists' gripping saga provide a beautiful threshing out of how the personal is intricately enmeshed in the larger social context.
The novel offers a lucid account of the political economy of the former US military bases in Subic and Clark and a sharp critique of the neocolonial relations between the Philippines and the US.
The novel remains fresh in the wake of Jennifer Laude, EDCA, VFA, and the continuing US domination over the country.
One of the few books of a contemporary Filipino author that I've liked, Gapo by Lualhati Bautista really is an eye-opener, a definitely must-read by the Filipino readers. Set during the 1970s, a time when American bases "ruled" the Philippines, Gapo shows the irony of the "Everlasting Friendship of Two Nations".
“ke alak, ke gamot... 'pag lagi mong iniinom, nagiging manhid ang katawan mo. katagala'y hindi ka na tinatablan. totoo 'yon pati sa kaso ng pagkaapi.” (pg. 104)
ito ang ikalimang libro ni lualhati bautista'ng nabasa ko. kilala siya bilang isang mahusay na manunulat na nagtataguyod sa usapin at katayuan ng mga kababaihan sa lipunan, pero masasabi kong kakaiba ang isang 'to. ang kuwentong ito'y hindi tungkol sa isang babae—kundi tungkol sa atin bilang isang filipino, kung kailan, sa loob ng maraming taon, naging api sa sarili niyang bayan.
ang 'gapô, bilang isang nobela, ay minulat ako sa mga panlipunang suliranin, partikular na sa usapin ng ating relasyon sa isang naghahari-hariang bansang tulad ng amerika. hinayaan ako nitong maramdaman ang dapat kong maramdaman—pagkadismaya, lungkot, pero mas higit ang galit;
a. sa kung paano tayo ginawa at ginagawang gatasan ng bansang ito para sa sarili nilang mga negosyo't personal na interes. b. sa kung paanong binabansot ng bansang ito ang sarili nating mga produkto at kabuhayan. c. sa kung paano nila tayo ginagawang tagasimot ng mga produkto nilang sobra o 'di naman kaya'y mga hindi pumapasa, maging mismo, sa sarili nilang pamantayan. d. sa kung paanong ang bansang ito'y walang habas na niyuyurak-yurakan ang dangal natin sa sarili pa mismo nating mga lupain. e. pero mas higit ang galit sa mga filipinong tumatalikod sa sarili nilang pagkakakilanlan dahil sa lubos na pagsamba sa mga puti.
malawak at malalim din ang pagtalakay nito sa mga usaping gaya ng colonial mentality, racism, colorism, inequality, child neglect, diskriminasyon, pagka-api sa mga dayuhan maging sa sariling mga kababayan, at kakulangan ng balanseng katarungan.
para kay ali, para kay magdalena, pero higit sa lahat, para kay mike, at para kay modesto, hindi man naging madali ang lahat, malaki ang paghanga ko sa kanila, sa pagsubok na baguhin ang sistema.
This is the first Filipino novel I finished - ever. Canal de la Reina was just so...ughh!
Gapo is a really interesting and fast read. Sure, there's at least two chapters that were outright boring and unnecessary, but the majority of the book was easy enough to read.
I'd write a summary of each chapter, but I already forgot what the first chapter was about so... :P
I'm supposed to write a book report for Gapo. Biggest problem? No plot. So I just wrote what I thought was the plot. The only question I haven't answered yet is "what event in the book is still happening today?" I don't really know what to answer because I don't watch the news, like, ever. Only when the TV is on the news channel, which only happens when we need to know whether there's classes the next day or not.
So, um, if you need to read Gapo for class, you should definitely read it. It's plot-less, but it's an interesting read. :)
Katatapos ko lang basahin ang librong ito... at hindi ko maiwasang itanong: Ano nga ba ang pinagkaiba ng kalagayan natin noon sa kalagayan natin ngayon? Kung pinakikinabangan tayo ng mga Amerikano noon ano pa kaya ngayon? Ang sakit din kasing isipin minsan na lahat ng talino mo't pinag-aralan sila pa rin ang nakikinabang. Ang mga kompanya pa rin nila.
Isa na namang napakagandang kuwento mula sa batikang manunulat na si Lualhati Bautista. Bago itong "Gapo", una kong nabasa ang "Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?", sumunod ang "Dekada '70", at ang "Desaparesidos". Sa aking opinyon, ang kuwentong ito na tumatalakay sa malalim na ugnyan ng mga Pilipino at mga Amerikano sa iba't ibang aspeto ay nanumbalik sa Lualhati Bautista na nakita ko sa "Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?". Malalim at seryoso s'yang magkuwento pero paminsan-minsan ay napapangiti ako sa kaunting pagsundot n'ya ng komedya sa bawat sanaysay. Katulad na lang halimbawa ng kanyang tawag sa mga Amerikano dito mismo sa kuwento -- 'blondeng diyos', at ang pagtukoy n'ya sa ngalan ng tao na ginagamitan ng 'ang' imbis na 'si' o 'ni' -- gaya ng "Nagulat 'ang' Richard", imbis na "Nagulat 'si' Richard". Subalit katulad ng tatlo pa n'yang akda, maraming rebelasyon ang nagaganap hanggang sa huling pahina ng libro na s'yang dahilan para hindi bumitiw ang mga mambabasa na tulad ko. Sana balang araw ay isa-pelikula din ito katulad ng "Bata, Bata..." at "Dekada '70".
Naalala ko ang kwento ni Rogelio Ordonez sa aklat na Mga Agos sa Disyerto sa kanyang kwento na “Buhawi” na kahawig na ginawa ni Michael Taylor sa isang Kano sa pag-asang hindi na niya nabago ang kinikimkim na damdamin.
Malalim ang pinaghuhugutan ng kwento mula sa kahirapan, kawalang ng hustisya, at pang-aabuso, pag-abandona.
Ano ag iyong reaksyon o pakiramdam na sa sarili mong bahay o bayan ,..Ikaw ay itinuturing na baboy, pinahihirapan, ginagawang pulubi hanggang sa sila ang mag asta na may ari ng iyong bahay, ng lupain, ng bayan , ng iyong buhay!?.....Dapat kang tumayo sa sarili mong paa ipakita ang iyong lakas at tapang upang lumaban.
Wala rin ibang tutulong kundi tayo rin mga Pilipino laban sa pang-aapi na gaya ng ginawa ni Magda.
Sundan sa In Sisterhood ang iba pang rebelasyon tungkol kila Michael at Magda.
Lualhati Bautista has done it again. "Gapo", like her other books, is gritty and realistic as can be. Bautista holds back no words in expressing the effect of American colonialism in the Filipino people. I love how Bautista captures reality in her work.
The fact that this is another mind-opening, socially relevant work of Lualhati Bautista makes this book okay for me. But, Bautista's crude writing has become a turn-off for this one.
Alam ni Lualhati Bautista kung paano magsulat ng pulitikal na nobela at kung paano tapusin nang tama ang isang kuwentong may kahindik-hindik na mensahe. Napakahusay!
Sa umpisa kasi, dama mo na agad ang galit niya sa mga Kano na nasa base militar sa Olongapo, at lalo pang titindi ang iyong galit bilang mambabasang Pilipino habang ninanamnam mo ang nobela. Inisip ko ngayon na baka tulad din ito ng mga kuwento ni Rogelio Sicat at F. Sionil Jose o iba pang beteranong manunulat sa bansa na ang ideya ng magandang wakas ay kapag pinatay mo ang bida o kapag ginawa mong sawimpalad lahat.
Buti na lang mali ang akala ko!
Sa dami at sa laki ng galit ko sa dibdib habang binabasa ang aklat na ito, inasahan ko na talaga ang katapusang nakagigimbal at nakapagngangalit, pero napahiya ako. Hahaha! Mabuti rin yung nag-eexpect tayo minsan at nabibigo sa ating expectations. Baka mas maganda pa ang kapalit. At siya ngang tunay!
Pero hindi ko sinasabing happy ending ang nobelang ito, ha? No! May pag-asa. May redemption para sa mga bidang tauhan kahit napakasaklap ng nangyari sa kanilang buhay. Ganito dapat ang mga nobela! Hindi iyong puro dramatization lang ng kahirapan at pagkaapi nating mga Pilipino. Palaban kaya tayong lahi! At dapat makita iyon sa mga kuwento ng ating mga premyadong manunulat.
Doon pinakanagtagumpay si Bautista! 👏
Ika nga ni David Foster Wallace, "[T]he definition of good art would seem to be art that locates and applies CPR to those elements of what's human and magical that still live and glow despite the times' darkness.
"Really good fiction could have as dark a worldview as it wished, but it'd find a way both to depict this world and to illuminate the possibilities for being alive and human in it."
Pinatunayan ni Bautista ang katotohanang iyan sa kanyang nobela. Truly, it is good fiction, good art. Waging-wagi!
Nasimulan ko na ang landas patungo sa pagiging dalubhasa...
I feel that there's a long tradition of this genre of Filipino stories: angry and visceral "inaapi" narratives of people being pushed to their breaking point. You can never really trust the small moments of joy you're given nor make the mistake of getting too attached to the characters because you just know they're going to be ripped away.
Anyway, Gapo in particular is quite short but I enjoyed its portrayal of the seedy underbelly next to the bright and shiny US military bases as well as its diverse cast of characters. The setting is painted quite vividly and feels lived-in, maybe more so than the characters who generally have one or two personality traits each. Not subtle at all and really hits you over the head with its point, which is good when it managed to heighten the emotions of already dramatic scenes though at times I started feeling like I was reading an angry Facebook post.
Hiniram ko lang yung kopyang binasa ko mula sa library namin sa school. Ito ang pangatlong nobelang nabasa ko na akda ni Lualhati Bautista. Medyo inasahan ko na magpopokus ito kay Magdalena katulad ng mga naunang nabasa kong nobela ni Lualhati na nakasentro sa kababaihan ang mga kaganapan. Ngunit sa nobelang ito, nagustuhan ko ang pag-ikot nito sa mga Kano dito sa ating Bansa. Nagustuhan ko rin ang mga iba’t ibang isyu at pagtalakay sa pang-aalipin ng mga Kano sa atin mula noon at posibleng nararanasan pa rin natin hanggang ngayon. Ang isa sa mga gusto ko sa mga akda ni Lualhati ay hindi nito intensyong magpaiyak sa paraang katulad ng mga nababasa sa ibang nobela. Bagkus, magihing emosyonal ka dahil ang danas ng bawat karakter ay danas ng bawat Pilipino. Sa pangkalahatan, napakaganda ng nobelang ito. Maikli, ngunit kaya kang galitin, paiyakin, at buhayin ang nasyonalismo sa puso mo sa pamamagitan lang ng iilang pahina.
Third Lualhati Bautista book I've read, and sobrang nakaka-amaze parin kasi sobrang buhay ng mga karakter na isinusulat niya. Lahat sila may depth, realistic—to the point na parang kilala ko talaga sila irl. Also, sobrang relevant parin hanggang ngayon ng mga isyung tinatalakay sa mga libro niya, which made me reflect on how little we've progressed as a society.
The plot of this book in particular, is proof na naka-ugat na yung colonial mentality sa kultura nating mga Pilipino. Kaya nakakagalit man, nakakalungkot mang tanggapin, yung mga karakter ng librong 'to, lahat sila nag-eexist sa totoong buhay, at yung sitwasiyon ng buhay nila ay isa paring cycle na mauulit at mauulit parin.
Sa una at medyo mababaw na pag-analisa, maaaring ineengganyo ng nobelang ito ang muling pagbabaga ng nasyonalismo sa diwa ng mga Pilipino. Subalit, kung ating nauunawaan at tinatanggap ng bukal sa loob na mayroon at maraming pagkakaiba ang mga kultura at mga paniniwala sa bawat bayan sa mundo, marahil ay maari nating iinterpreta na ang nobelang ito ay naglalarawan ng kung anong maaaring mangyari, o marahil ng mga nangyari na nga, kapag ang mga mamamayan na galing sa magkakaibang bayan ay magsasama nang walang sapat na kaalaman sa pagkakaiba ng kani-kanilang mga kultura at paniniwala.
Si Modesto at ang kanyang pagkaapi sa base: Dapat nating alalahanin na ang pinasukan ni Modesto ay isang base militar na kung saan pangkaraniwan na utusan nang pasigaw ng mga opisyales ang mga miyembro ng kanilang mga hukbo. Kahit sinong dumaan sa CAT o ROTC ay maiintindihan ito dahil ito ay ang kulturang militar. Marahil ay hindi ito naging klaro sa mga Pilipinong pumapasok ng trabaho sa base habang hindi naman batid ng mga Amerikano na balat-sibuyas ang mga Pilipino.
Si Mike, si Magdalena, at si Steve: Pangkaraniwan nga naman sa kanluraning kultura na ang isang magkaibigang lalaki at babae ay magsiping at manatiling magkaibigan lamang na walang pag-asam na seseryosohin nila ang bawat isa sa pamamagitan ng kasal. Hindi pamilyar sa ganitong walang-usapang kasunduan ang mga Pilipinong katulad ni Magdalena, at ng kaibigan niyang si Mike, na marahil ay mga pinalaki sa isang lipunan na ang pangkaraniwang paniniwala ay dapat lamang magsiping ang magkasintahan kapag sila ay kasal na, at wala namang kamuang-muang ang Amerikanong si Steve na ganito ang sitwasyon. Buong akala niya ay alam at naiintindihan ito ni Magdalena. Sa huli ay pareho silang "nasaktan."
Si Ali at si Richard: Ang istorya nila ay naiiba sa mga istorya ng mga karakter na nabanggit ko taas. Hindi na ko magbibigay pa ng ibang detalye para huwag kayong mawalan ng ganang basahin ang istorya.
Nakakatuwa ring subukan ni Bautista na ipakita sa atin ang mga pagdurusa ng mga bakla. Ipinakita niya kung paano naaalipusta ang pagkatao ng mga bakla hanggang sa puntong pati sila mismo ay minamaliit ang kanilang mga sarili at ayaw makitang "dumami" sila. Sana lamang ay mas naipakita pa ng akdang ito na hindi ito magandang asal dahil ang tao, bakla man o hindi, ay tao pa rin at may karapatang mabuhay at lumigaya ayon sa kagustuhan nila. Hindi sila mas mababang uri ng tao na dapat ubusin at iwasang dumami.
Ang istoryang magmumulat sa nakakalungkot at mapait na katotohanan na nangyayari sa pagitan nang mga Amerikano-Pilipino.
Nakakabasag ng puso yung mga sitwasyon ng bawat karakter sa librong ito. Limitado ang kaalaman ko tungkol sa lugar na 'Gapô. Pero naalala ko yung mga kwento sa akin ng lolo ko noon.
Nakakalungkot na hindi nabigyan ng katarungan yung mga problemang pinagdaanan ng mga karakter. Pero hindi porke't hindi masaya ang katapusan, ay pangit na din ang kabuuan ng istorya.
Naintindihan ko yung gustong maipabatid ng manunulat. Nagpapasalamat din ako dahil nagkaroon ako ng kaalaman patungkol sa sitwasyon noon, at sa aking palagay, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas sa ating bansa.
Nilamon tayo ng makadayuhang sibilisasyon. Aminin man natin o hindi, pero halos lahat ng pilipino ay namangha sa mga produkto na galing sa ibang bansa. Paminsang pinipilit nating sumabay sa modernisasyon nila.
Hindi din natakot ang awtor na ilahad ang mga bulok na pamamalakad sa gobyerno noon. (kahit naman ngayon) Nalantad din ang diskriminasyon! Meron nga bang pantay pantay na pagtrato sa pagitan ng Puti, Brown o Itim? Mga katanungang masasagot mo kung sisimulan mong usisain mabuti, o himay himayin ang detalye ng librong ito.
Bawat karakter sa librong ito ay mamahalin mo. Sobrang nagustuhan ko ang paraan ng pagsusulat at paglalahad ng istorya ni Lualhati Bautista. Eksayted na akong basahin ang iba ko pang kopya ng libro na kanyang nilikha! Mairerekomenda ko sa lahat ng mangbabasa!
If I were a History or a Filipino teacher, I'd require my students to read this. 'Gapo is the right shot in the arm we Filipinos need in the midst of this never-ending lust for anything foreign. Not only is it a novel, but Lualhati Bautista has inserted some facts (and her opinions, brought to life by her characters) about the actual state of the Philippines under American 'protection.'
But Bautista is not at all biased. I believe her message was not "Americans are all bad men!" Though it is true that we are being exploited and hypnotized and discriminated in our own country, the main point of Bautista in writing this book, I think, is that Philippines and the United States are two different countries with two different cultures. This polar diversity is what the Americans used to brainwash us Filipinos and aggravate our colonial mentality. With this cultural differences, Bautista emphasizes the necessity of appreciating our own blood, our own skin color, our own products, and our dignity as Filipinos instead of worshiping the "panginoong puti" (white gods) and their goods. In that way, we will not end up the same way as Dolores, Magdalena, and Alipio did.