Jump to ratings and reviews
Rate this book

Bagay: Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipino

Rate this book
Matagal nang may gabay sa pagsulat sa wikang Filipino ang Pamantasang Ateneo de Manila. Kilala ng mga mag-aaral sa Filipino ang nasabing gabay bilang ang kalakip na “Pilipino sa Pamantasan” na isinulat ni Rolando S. Tinio sa Likha na pinamatnugutan naman ni Benilda S. Santos. Ginagamit ang Likha bilang teksbuk sa pag-aaral ng retorika sa loob ng pamantasan. Sa paggamit ng pamagat na Bagay: Isang Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipino, nililingon nito ang tradisyong pinag-uugatan kay Tinio at sa Kilusang Bagay sa loob ng pamantasan. Isinulong ng nasabing kilusan ang paggamit ng wikang Filipino sa panahong namamalasak ang paggamit ng wikang Ingles bilang tanda ng kapangyarihan at pagiging intelektuwalisado. Sa kabilang banda, malay din naman ang kasalukuyang gabay sa pagsulat na may mga pagbabago na ring naganap sa pagsulong ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Pangunahin dito ang paghiwalay ng Filipino bilang wikang pambansa sa Pilipino na nakaugat sa pagkaunlad ng wikang Tagalog; kung kaya, “Pilipino” ang baybay ni Tinio sa wikang pambansa, samantalang “Filipino” na ang ginagamit ng kasalukuyang gabay. Naganap lamang ang ganitong mga pagbabago pagkatapos ng Rebolusyon sa EDSA (1986) sa muling pagsulat ng Konstitusyon.

Bilang paggalang sa mga naganap at nagaganap pang diskurso sa pagkaunlad ng Filipino bilang wikang pambansa, sinangguni ng kasalukuyang gabay ang mga gabay sa pagsulat ng pamahalaan, Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), at Surian ng Wikang Filipino. Sa katunayan, lumabas ang unang bersiyon ng kasalukyang gabay sa pagkakalimbag ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) nitong 2016. Hinahango rin ng kasalukuyang gabay ang ilan sa mga halimbawa rito mula sa gabay sa pagsulat ng PCDSPO at KWF. Binubuksan kung gayon ng kasalukuyang gabay ang pakikiagapay ng Pamantasang Ateneo de Manila sa mga nangyayari sa labas ng bakod nito sa paglinang ng wikang pambansa. Sa ganitong pamamaraan, iniiwasan ang pagkakakulong ng wikang Filipino sa loob ng praxis lamang ng pamantasan. Nakikiisa ang kasalukuyang gabay sa proyekto ng istandardisasyon ng wikang Filipino sa buong kapuluan.

-Mula sa

Ilang Paliwanag sa Pagkakabuo
Nitong Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipino

165 pages, Paperback

Published July 1, 2017

Loading...
Loading...

About the author

Alvin B. Yapan

12 books27 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
1 (14%)
4 stars
3 (42%)
3 stars
2 (28%)
2 stars
0 (0%)
1 star
1 (14%)
Displaying 1 of 1 review
Profile Image for fooleveunder.
209 reviews1 follower
August 11, 2026
Sa makabagong panahon, ang ilang aklat-pambalarila ay napapanis na; hindi nakakaagapay sa suliranin ng Filipino sa ika-21 siglo. Ang pagsasangguni ng may-akda sa siyam na mapagtitiwalaang batis ay mahusay na nagamit at nadagdagan sa aklat na ito.

Ilang aklat na rin ang nabása ko pero ngayon ko lang natuklasan na ang “para” ay sa “for” na kadalasang nása anyong “para sa,” kaiba sa “upang” na “to.”

Gayundin, ang “basehan” aycpara sa pisikal na lugar versus “batayan” na nakasandig sa abstraktong bagay o konsepto. Ang pagdaragdag ng mga halimbawang salita na wala sa KWF Manwal ay nakatúlong din sa akin upang maging pamilyar dito. Halimbawa nito ay ang sumusunid:
hâdit (Bikol, balisa)
hûlong (Ifugaw, patibong sa daga)
lîmuhen (T’boli, ibong nagbibigay ng babala ang huni)

Nalaman ko rin na pasalita ang gagamitin pag di sigurado sa oras ngunit patambilang kung tiyak. Ang “taladuluhan” ay para sa “end notes” at ang “pumapangalawang pamagat” para sa “subtitle” sa libro.

Gayumpaman, may ilang mga punto sa aklat ang naging kontrobersiyal para sa akin. Huwag sanang mamasamain ang aking suhestiyon o puna, o kung kulang pa ako sa impormasyon hinggil dito:
1. Hindi ako sang-ayon na makalumang banghay ang “nagsipag-” at “nangagsipag-” dahil ang pagdaragdag ng “-si-” at “-ngagsi-” ay may tungkuling magsabi na sabáyang ginagawa ang isang kilos. May natatangi itong tungkulin at napapanahon pa rin dahil may gumagamit pa nito.
2. “Tig-” ang estandardisado sa paghahati. “Tig-iisa,” “tigdadalawa.” Kung uulitin, unang dalawang pantig lang. Kayâ magiging “tig-i-tig-isa” at hindi “tigi-tigisa” na sinabi ng aklat. Tandaang isang panlapi ang “tig-” at hinihiwalay ito ng gitling dahil nása patinig ang unang letra ng “isa.”
3. “Kontemporaryo” daw, sa halip na "kontemporaneo." Ayon sa KWF, malakas na titik ang /e/ at /o/ kayâ di na kailangang agapayan pa ng /y/. Kayâ may “teorya” at “leon.” Nabanggit din ito sa aklat pero naging kontradiksiyon sa dulo.
4. Hindi na raw nilalagyan ng tuldok ang mga panturing na propesyon o posisyon kapag isinunod sa pangalan? Hindi ako nakatitiyak dito.
5. Batay rito, tama raw ang “bagamat.” Sa KWF, ginagamit ang “bagama’t” dahil may gumagamit pa ng “bagaman.” Sa kaso ng “subalit,” wala nang gumagamit ng “subali at” gayundin sa “bakit” dahil wala nang gumagamit ng “bakin at.” Samakatwid, katanggap-tanggap ang salitâ kung hindi na ginagamit nang husto ang pinakaubod nito. Sa kaso ng “bagama’t” ay may kudlit pa dahil may gumagamit pa ng ”bagaman.”
apat ay lagyan ng kudlit dahil may gunagamit oa ng "bagaman"
6. Puwede pa naman ang “’ka ko” pag tinipil lalo na kung sinusunod ang narinig o impormal ang pagsulat. Mali ang /‘/ kung sa unahang bahagi tinipil. Dapat na /’/ ito.
Tama: ’ka ko
Mali: ‘ka ko
Gayundin sa Batch ’70.
7. Sinabi rito na ang panlaping “magsa-” ay ginitlingan pa sa "magsa-aso.” Ang panlapi ay idinurugtong sa salitâng-ugat, liban kung patinig ang unang titik ng ugat. Kayâ “pagsasatao” ang baybay sa salin ng personification. Ang “-sa-” ay hudyat ng “pagiging” kayâ hindi na hinihiwalay ng gitling.
8.a 18.30, binanggit na hindi dapat pasalita ang pagsulat ng tambilang na 1–10 pero ang totoo, nakadepende sa magsusulat kung “ikasampu" o "ika-10." Pero batid kong ang 1–10 ay dapat na pasalita at ang 11+ ay panumero na lang.
9. Maaaring mamali ng interpretasyon ang halimvawa sa tuntunin sa 18.17. Dapat, nasa kabilâng linya na ang “oan" na hiwalay sa unang linyang “kabu-”
10. Ang 18.18 na tuntunin ay gatlang en dapat. Mas mahaba sa gitling ang gatlang en na nagpapahiwatig sa haba o kung saan ang saklaw nito. Halimbawa: 76–79
11. indi ba’t ang tuntinin sa 19.5 ay panggitling lang (hindi gatlang) dahil pinagtatambal o pinag-uugnay lang naman ang dalawang salita o pangalan?
12. Sa 22.1, ang halimbawang "post" ay may tunog /w/ kung bibigkasin at hindi konsistent sa sulat-bigkas. Medyo may error kung tanggapin ito sa Filipino.

Gayunpaman, siksik ang aklat sa napapanahong isyu na magiging gabay sa akademikong paggamit ng wikang Filipino.

(Ang rebyung ito ay hinggil sa ikalawang edisyon ng aklat.)
Displaying 1 of 1 review