IILAN ANG PERYODISTA NA MAY KONTROL sa paghamig ng salita at ng kapangyarihan nito, lalo na sa stilong new journalism (bagong peryodismo) na nagbabadya ng ATM (at the moment) na coverage. Mula sa tradisyong pinasimulan ni Jose F. Lacaba at inilangkap sa Filipino't inanyong personal na sanaysay ni Ricardo Lee, iniluwal ang mga akda ni Kenneth Guda: mga kwentong inetsapwera ng namamayaning midya, nananatiling napapanahon, may politikal na interes, may pinag-uugatan at pinagsasangahang advokasi, kaisa ng midya at sambayanang naghahangad ng struktural na pagbabago.
Rolando B. Tolentino propesor, manunulat, at kritiko