"Maligayang pagdating sa bayan ng Vertigo. Maligayang pagdating sa inyong katapusan."
Isang masayang bakasyon ang pinalano ng magkakaibigang sina Jamilla, Mikee, Cliff, Wesley, at Drew para sa kanilang taunang tradisyong magsama-sama tuwing sembreak. Pero ang road trip ng barkada ay nauwi sa isang bangungot nang masangkot sila sa isang aksidente sa gitna ng kawalan.
Sugatan, pagod, takot at desperadong makahingi ng tulong, napilitang makisilong ang magkakaibigan sa isang tagong bayang mistulang nilimot na ng panahon. Ang hindi nila alam, imbes na maging maayos ang kanilang kalagayan ay may mas masahol pa palang misteryo ang naghihintay sa kanila sa bayan ng Vertigo...
"Vertigo" by Serialsleeper is a horror story about an accident that will lead a certain group of friends in a haunted hotel. Even though this book contained numerous cliches (e.g. taking pride with being "one of the boys", typical narrations and dialogues, class clowns having the heaviest burden), it was still quite an entertaining short read, especially for beginning readers.
I really like Serialsleeper's endings kahit pansin kong overly reliant siya sa unreliable narrator. Kahit na-predict ko na 'yung major plot twist around halfway through the story and may mga ridiculous parts () mas important pa rin sa akin ang enjoyment and emotional payoff, hence the score.
By the way, I read this through the audiobook version from Precious Heart's YT channel. Pumitik slight ang tenga ko sa basa ng "creature" ... intended ba 'yun? Huhu.
Nakakaantok ang mga eksena. Kung hindi lang ako matiyaga at naghihinayang sa perang ipinambili ko baka hindi ko na lang tinapos. Pero dahil nasimulan ko na ayun tinapos ko. Bawat kabanata kahit may intense na eksena eh parang hindi ko ramdam. Nakakabagot sa totoo lang. Ang kokorni pa ng gang, joke time kahit hindi nakakatawa. Nasa harap na si kamatayan nagjujoke pa. Cringe. Weak choice of words kaya mababaw ang feels kapag binabasa mo na kahit pa may eksenang patayan. Pero yung plot sa huli medyo nabilib naman ako. Pero kung wala ka ngang tiyaga di mo pagkakaabalahang tapusin.