Hindi ko natutuhan ang paglangoy kahit na may batis at ilog naman sa Antipolo, o kahit na umuuwi naman ako sa Gensan at Sarangani na napalilibutan ng naggagandahang karagatan. Hindi rin ako pamilyar sa maraming nilalang sa dagat. Ang alam ko lang, gusto ko ang kapayapaang inihahatid ng dagat sa init ng tag-araw. Ngunit sa pagbabasa ng "Agua" ni Enrique S. Villasis, natuto akong kilalanin ang mga di-pamilyar sa akin. Nasisid ko ang lalim ng dagat, nalangoy ang mapanganib na ilog, at muling umahon sa pampang ng kaniyang mga tula. Inabot ako ng isang buwan sa pamamalakaya upang mahuli ang mga talinghaga ni En. Sa pamamalakayang iyon, marami akong natutuhan at mas nakilala ko pa ang dagat, ang ilog, at ang mga nilalang na nasa pusod nito. Sa ganang akin, mairerekomenda bilang isa sa pinakamagandang koleksiyon ng tula na nagawa.
PS. Paborito ko sa koleksiyong ito ang ikatlong bahagi, ang "Buwaya."
Pinaka paborito kong tula iyong “Bangka” at “Barko” siguro dahil mas pamilyar kasi sila sa akin. Sa personal kong karanasan sa pagbabas nito, iyong ibang mga tula, lalo na sa unang bahagi, ay kailangan mong silipin sa Google ang itsura o klase ng mga isda (o lamang-dagat) para mas ma-appreciate mo. Kailangan mo ng conscious effort. Pero my unfamiliarity with the subjects did not make the poems less powerful. Mas epektibo nga ito para sa akin dahil hindi na lang ako basta mambabasa. Nakikitampisaw na rin ako sa tubig alat, kumukurot ng isdang ulam o pulutan, at nakikiabang sa dadaong na barko.
5 star means amazing. Lighthouse ko ang librong to habang sinusulat ang koleksiyong "Sitsiritsit" na pinalad na nagwagi sa Lumbera Prize. I only buy books which I think can help tremendously with my writing. Wag nang magtapon ng pera sa mga Lang Leav hugot hugot poetry books. More than a worthy investment, this gem of a book is doomed to stay in the shelf of my mind. It's beyond me bakit di to nanalo ng book award.