Jump to ratings and reviews
Rate this book

Kapag Sumalupa ang Gunita: Piling Journal Entries

Rate this book
Saang wika susulat?
Sumulat ka sa wika
ng iyong panaginip.
Iyan ang bukal
ng tunay mong sarili.
Aral, kundi man artipisyal,
ang sumulat sa ibang wika.
May malalalim na lugar
na di nasisid ng Ingles.
Sa tabi o sa gilid lamang
ito nakapapaligo
pagkat di marunong lumangoy,
o kung marunong ma'y
sa swimming pool lamang.
Di sa ilog o lawa o sa dagat.

-Rogelio Sicat



"Tinipon at ipinasiyang ilimbag ang mga piling journal entries ni Rogelio Sikat sa panahong ito na mas ramdam ng mga tao, manunulat man o hindi, na nanganganib ang bisa ng mga salita."

-mula sa Introduksiyon ni Luna Sicat Cleto

162 pages, Paperback

Published January 1, 2018

5 people are currently reading
10 people want to read

About the author

Rogelio Sicat

11 books20 followers
Rogelio R. Sicat (also "Sikat" in some publications) left his hometown San Isidro, Nueva Ecija in the 1950s to work on a degree in journalism at the University of Santo Tomas. After serving as a campus writer and literary editor of The Varsitarian , Sicat went on to become one of the greatest pioneers of Philippine fiction by deliberately choosing Filipino for the language of his prose, and by veering away from the concerns and conventions of the Western modernist writers.

Sicat's work, which rejuvenated Philippine literature's tradition of social consciousness, first appeared in the Tagalog literary magazine Liwayway . He gained recognition in the Palanca awards in 1962, and in 1965 came out in an anthology, Mga Agos sa Disyerto , alongside like-minded young writers. Sicat wrote on through the decades, establishing his position in literary history as fictionist, playwright and professor, eventually accepting deanship in the University of the Philippines Diliman.

"Impeng Negro" and "Tata Selo", both of which have been interpreted into film, are only two of Sicat's acclaimed stories. His other works include Dugo sa Bukang-Liwayway , Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay , and the play "Moses, Moses". Sicat died in 1997, but was honored a final time through a posthumous National Book Award the following year for his translation of William J. Pomeroy's work into the title Ang Gubat: Isang Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas.

(from panitikan.com.ph.)

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
3 (33%)
4 stars
6 (66%)
3 stars
0 (0%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 4 of 4 reviews
Profile Image for Steno.
Author 5 books28 followers
May 19, 2021
Huy, mga kaibigan kong manunulat! Kailangan ninyong mabasa itong mga piling journal entries ni Rogelio Sicat (RS) dahil napakaraming TEA. As in! Jusko ilang ulit akong nahulog sa upuan habang binabasa ito.

Busog na busog ako sa blind items ni RS tungkol sa ibang kasabayan niyang manunulat at maging mga katrabaho sa UP Diliman. NKKLK! Buhay pa ang karamihan sa mga nabanggit niya rito.

Exhibit A:

"Makita ko lamang sila, si D, halimbawa, ay nabubuwisit ako; nakikita ko ang pagkukunwari; si BL--sino ito? Si VSA, ang oportunista. Nalaos ang dula ng kanilang kaibigang si N... naluma si RT, na isa pa nilang kaibigan."

Maygahd! Hahaha! Ang daling hulaan ng initials. Sinong manunulat ba ang kilala ninyong may pangalang nagsisimula sa V at ang apelyido ay A? VSA, oportunista. Hahaha! At sino si BL? Boys' Love? Uso na pala ang BL noon. Charot! Hahaha!

Eto pa:

"Ang sabi ni Nick Joaquin ... susulat ako hangga't may nalalabi akong isang mambabasa. Kalokohan. Totoong kahit wala kang mambabasa ay susulat ka ngunit hahanap-hanapin mo rin ang kokonektahan mo."

War freak itong si RS. Hahaha!

Sabi naman niya sa mga taga-UP:

"Sa UP kapag ikaw ay bagsak, walang aalo sa iyo; kapag ikaw ay nasa itaas, di ka kikibuin."

Hangtaray!

Grabe palang magdamdam itong si RS. Buti na lang wala pang social media noong nabubuhay pa s'ya. Panigurado, puno ng rage posts at tea ang status niya. Hahaha!

Pero in fairness, aminado naman si RS na napakasensitibo niya at palalo siya. Kahit noong binabasa ko ang "Makinilyang Altar" ng anak niyang si Luna Sicat-Cleto, ganoon din ang impression ko sa kanya: burubot.

Ang hirap talagang makisama sa mga manunulat. Charot!

Kaya sobrang hanga ako sa kanyang asawa, kay Ellen Sicat. Siya talaga ang MVP sa buhay ni RS. Kahit sa "Makinilya," damang-dama ko ang pagmamahal, pagtitiis at sakripisyo niya para kay RS at sa kanilang mga anak. Dahil d'yan, bibili na 'ko ng mga libro niya. Hihi.

Grabe lang ang writing community sa Pinas, 'no? Mula noon hanggang ngayon, ang daming bangayan, awayan, inggitan, plastikan, etc., etc. And aylavet! Talagang close-knit tayo. Isang pamilya nga. Hahaha!

Ang isa pang ikinagulat ko sa journal ni RS ay ang sinabi n'yang ito: "...sa ikaapat na palapag ng AS (sa UP Diliman), natanaw ko ang dagat."

Totoo ba? Kita sa UP noon ang dagat? Manila Bay? Sa AS Building? Kaloka! Never kong naaninag kahit tower ng ABS dun. Luh.

Anyway, kapag nagbabasa talaga ako ng mga akda ni RS, sobrang dami kong natututuhan. Kahit noong binasa ko ang nobela niyang "Dugo sa Bukangliwayway," ang dami kong nalamang Filipino words. Dìto naman, nalaman ko ang Tagalog ng mga ss:

Panic buying = tarantang pamimili
Seasonal expenditures = pamanahong panggastos
Insight = kabatiran

O, di ba? Amazeballs!

Sa dami ng kuda at puna ni RS, hindi mo bibitawan ang librong ito. Bukod pa sa mga scoop sa ibang manunulat, ang dami ring writing tips. Halimbawa: "Saang wika susulat? Sumulat ka sa wika ng iyong panaginip."

Bongga!

At bongga talaga ang book na ito. Salamat kay Ma'am Luna sa paglalabas nito sa publiko at sa Ateneo de Naga University Press sa paglalathala. This is a gold mine! Hahaha!

Ang mga nakita ko lang na problema ay napakaraming typo (as usual) at ang haba ng intro ni Ma'am Luna. Pero ayos lang iyon pareho. Sulit na sulit pa rin dahil sa nilalaman. Iyon nga lang, kung hindi ka manunulat o nagbabasa ng local literature, hindi ka makakarelate dito.
Profile Image for Jun.
10 reviews13 followers
June 30, 2023
The first book I read in a day. Medyo bitin, ano-ano kaya iyong mga entries na hindi isinama dito? Sana may book two na naka-focus naman kay Rogelio bilang asawa, ama. Lakas maka-resonate ng kuwento, kaya pala ang haba-haba ng pasakalye ni Luna dahil ang daming itinatagong angas si Kuyang sa mga kapuwa niya teacher at manunulat. Tawa ako nang tawa tuwing magni-namedrop siya.
Profile Image for Veronica Sison.
13 reviews
February 16, 2025
Re-read everything. SOLID.
Sagad sa kalamnan, buto— ramdam na ramdam mo talaga yung panunot niya. Siya yung Amain na hinahanap-hanap mo sa panahong ito. Para ba akong nangungulila sa kanya kahit di naman kami magkakilala, di ko pa nga nabasa nobela niya hehe.
Profile Image for Billy Ibarra.
196 reviews18 followers
May 14, 2023
Mairerekomenda ang aklat na ito para sa mga mag-aaral ng panitikan. Mababasa sa mga piling journal entry na ito ang ilang pananaw ni Rogelio Sicat tungkol sa kanyang mga kakontemporaneong manunulat. Litaw na litaw rin ang pagpapahalaga ni Sicat sa wikang Filipino, lalo na noon na ang namamayagpag na mga manunulat ay nagsusulat sa Ingles. Pinasilip niya rin tayo sa iniinugan niyang panahon---ang madilim na panahon ng Batas Militar ni Marcos at ang panahon ni Cory Aquino. Basta, masayang basahin ito. Dito mo pa mas lubos na makikila si Rogelio Sicat at ang ilang tala niya sa kanyang buhay.
Displaying 1 - 4 of 4 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.