Jump to ratings and reviews
Rate this book

Hayskul: Mga Sanaysay Na Hindi Pang-Formal Theme

Rate this book
Nagsama-sama ang 28 manunulat para magpalitan ng kuwento at alaala sa pamamagitan ng personal na sanaysay tungkol sa kani-kanilang buhay-hayskul noong mga nakalipas na dekada. Mga taon na markado ng bilis ng pag-unlad ng teknolohiya, maiinit at madalas marahas na usaping sosyo-politikal, at tahasang pagpaparamdam ng pagtutol at protesta. Mga taon na wala pa sa hinagap ng bansa ang selfie, milk tea at K-Pop. Isinulat nang buong linaw ang pagbabalik-tanaw, binuo ng mga manunulat ang kanilang alaala upang itanghal ang mga paksa na, bagamat pamilyar pa rin ngayon, ay malapit nang mabura: ang wagas na hayskul.

256 pages, Paperback

First published January 1, 2018

8 people are currently reading
46 people want to read

About the author

Rolando B. Tolentino

62 books113 followers
Rolando B. Tolentino is an associate for fiction of the UP Institute for Creative Writing. He is a faculty member of the UP Film Institute. He is the founding chair of Katha, the fictionists group in Filipino, and is a member of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino and the Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP). His works include: Sakit ng Kalingkingan: 100 Dagli sa Edad ng Krisis (2005), Kuwentong Syudad (co-editor, 2002), Sapinsaping Pag-ibig at Pagtangis: Tatlong Novella ng Pagsinta’t Paghinagpis (1999); Fastfood, Megamall at iba pang kwento sa pagsasara ng ikalawang milenyum (1999); Relasyon: Mga Kwuwento ng Paglusong at Pag-ahon (co-editor, 1999); Ali*bang+Bang atpb. Kwento (1994); Habilin: Antolohiya ng Katha Para sa Pambansang Kasarinlan (co-editor, 1991); Engkwentro: Kalipunan ng mga Akda ng Kabataang Manunulat (co-editor, 1990).

He has received many awards here and abroad, namely: Distinguished Visitor, UC-Berkeley and UCLA Southeast Asian Studies Consortium (2006), Visiting Fellow, Sociology Department, National University of Singapore (Jul 2005-Dec 2006), Obermann Summer Research Fellowship (2004), Best Arts Book, Gintong Aklat, (2002), Writer’s Prize, National Commission for Culture and the Arts (2001), Manila Critics Circle Award for Best Film Criticism Book (2001); Gawad Chancellor for Best Literary Work (2001); Lily Monteverde Professorial Chair (2000-2001); UP International Publication Award (2000, 2001, 2002, 2003); Henry Sy Professorial Chair (1998-1999); Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, 1998, 1994, 1991; Research Grant, U.P. Office of Research Coordination, 1998-1999, 1999-2000; Research Grant, U.P. Center for Integrative Development Studies, 1997-1998; Angara Fellowship, U.P. Women’s Studies Center, 1997-1998; Belmonte Creative Writing Grant, U.P. College of Arts and Letters, 1997-1998; Research Grant, Sumitomo Foundation, 1997-1998; CCP Gawad para sa Alternatibong Pelikula at Video, 1996; All University Predoctoral Merit Fellowship, USC, 1993-1996; Fulbright Grant to pursue Ph.D. in area of Critical Theory and Cultural Studies, 1992-1996; Writing Grant, Cultural Center of the Philippines; Thesis Grant, Philippine Social Science Council, 1991.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
8 (22%)
4 stars
11 (30%)
3 stars
13 (36%)
2 stars
3 (8%)
1 star
1 (2%)
Displaying 1 - 7 of 7 reviews
42 reviews1 follower
May 19, 2020
Nakakatuwa ang mga sanaysay, dahil sa diversity ng mga topiko pero at the same time, unity under sa tema ng hayskul. Gusto ko iyong premise ng antolohiya bilang elehiya para at tungkol sa lumang hayskul. Nostalgic ang karamihan, lalo na ang mga sanaysay tungkol sa mga crush at ang mga banat tungkol sa mga asignaturang madalas inaayawan. Pero pinakatagos ang mga sanaysay na “Hayskul, Pulitikal” ni Teo Marasigan at “Kung Nais Mo Kaming Makilala*” ni Chino de Vera bilang personal na pagkukwento ng hindi lang pang-hayskul kundi unibersal na karanasan ng pagiging aktibistang estudyante, ng pagiging pulitikal sa kabila ng kabi-kabilang pagpupumilit na mauna ng pamilya, pag-aaral at kung anupaman.
3 reviews
February 29, 2020
Pinakagusto kong linya siguro rito ay 'yung sa istoryang Mahal kong Gabriela ni Janet Tauro-Batuigas na "Subalit anak ang importante sa mga usong ito sa pananamit ay wag mong pilitin gayahin at gawin ang lahat ng uso para maging "in" ka gawin mo ito dahil gusto mo period." Dahil ang hayskul ang madalas na kasabay ng panahon ng ating paghahanap at pagbuo ng ating personalidad o "identity vs. identity crisis". Sa panahon at edad sigurong ito natin naranasan ang halos pagtry ng kung ano-anong bagay para lang mahanap natin kung saan tayo kumportable at masaya hanggang sa madiskubre na natin paunti-unti kung sino tayo. Kaya't ang hayskul na yata ang saksi sa lahat ng takot natin noong panahong iyon sa sasabihin ng iba kapag ginawa na natin ang gusto natin, dahil ubod sa "bandwagon" ang kadalasan at kapag hindi ka nakasabay, baduy ka. Pero ang mahalaga, sa pagtatapos at paglisan natin sa hayskul ay nahagilap na natin kung anong gusto natin gawin sa buhay, kahit pa hindi ito swak sa panlasa ng iba.
Profile Image for Jims Rasel.
13 reviews2 followers
January 2, 2024
Iba na ang hayskul na inabutan ko pero may ilang bahagi pa ring halintulad sa mga kuwento sa koleksyon na ito. Ang refreshing in a way na makabasa ng HS experiences ng iba kahit ang mga awtor ay matagal nang tapos sa hayskul. Para akong nakikinig sa mga alumni, o malapit na kaklase. Paborito ko ang kwentong hayskul ni China de Vera tungkol sa mga batang aktibista na active noong hayskul sila.
Profile Image for Ishtar.
32 reviews
May 23, 2024
Ang daming typo error.
May mga topics na naulit. Sana mas sinala ng mga editors ang mga subjects ng mga sanaysay. Doble doble yung patungkol sa pagiging aktibista, sa paghahalaman, at sa UPIS.
Paborito kong sanaysay: Buhay Hay-Skul mga Butil ng Alaala ni Linda T. Lingbaoan-Bulong at Sound Trip ni Emmanuel Barrameda.
6 reviews
November 14, 2022
This book is composed of the stories of authors about their life when they are in high school. It reminds me of how joyful my high school experience was back then.
6 reviews1 follower
August 28, 2022
Okay naman siya. May mga sanaysay akong binasa dahil interesting yung title at kwento, at kilala ko ang manunulat. May nakakatawa, may nakakakilig, at may nakakalungkot. Napansin ko na parang may iilang mga typo sa loob ng libro na hindi napansin para ma-polish. Sa tatlong bahagi ng antolohiya, isa sa nagustuhan ko ang piyesa ay kay Allan Popa, Laurence Castillo, at Emman Barrameda (prior to add pa 'to). Habang tumatagal ang pagbabasa ko ng libro, nawawalan ako nang gana dahil nagiging paulit-ulit ang tema (pagkukuwento tungkol sa kasaysayan ng UPIS) at mga ideyang alang-alang para maging "unique" bukod sa iba, tulad ng pagbibigay ng tips kung paano mag-enroll sa isang high school (tbh, hindi ko alam kung bakit pero sa palagay ko ang boring ng konseptong 'yon. no offense).

overall, okay namang basahin yung libro. siguro na-hype lang ako bilhin dahil kay FPJ at basahin ang iilan sa mga nakakahiya at 'di makalimutang mga alaala ng mga manunulat. #AbolishK12
Profile Image for fooleveunder.
167 reviews
August 15, 2024
At kung nakakaramdam ka pa rin ng pag-iisa, huwag mag-alala dahil sa totoo lang, minsan, mas makabuluhan ang mag-isa.
Mula sa Mahal kong Gabriela ni Janet Tauro-Batuigas

’[W]ag mong pilitin gayahin at gawin ang lahat ng uso para maging “in” ka. Gawin mo ito dahil gusto mo . . .
Mula sa Mahal kong Gabriela ni Janet Tauro-Batuigas


Ang pagtuntong ng isang batà sa hay-iskul ay tinatawag na pinakamasayáng yugto ng búhay niya. Ano ba ang mga nangyari sa iyo noong hay-iskul? Natatandaan mo pa ba ang exciting na biyahe mo pag uwian na? O bakâ naman ang nagustuhan mong (mga) kaklase? Laki ka ba sa Christian school o kayâ naman ay puro babae lang kayo sa paaralan ninyo? Marahil sa iba, ito ang pinakamasayáng bahagi, pero sa iilan, pinakanasáyang na panahon (ako na ito).

Dahil review ko ito, magbabahagi muna ako ng history ko sa librong ’to. Mga nasa isa o dalawang taon nang nasa radar ko ang librong ito hanggang sa naging out of stock na sa online stores. Nakalimutan ko na ngang nag-e-exist ito e. Pero noong pumunta kami sa Fairview para mamasyal nang biglaan ng pamilya ko, siyempre, ’matic na’ng pumasok sa bookstores tulad ng Booksale, Fully Booked, at National Bookstore sa SM Fairview at Fairview Terraces. Sa kabutihang palad, hulíng pinasukan namin ang NBS sa Terraces at nakabili ako ng apat na libro. Isa na rito itong librong ito.

Hayskul: Mga Sanaysay na Hindi Pang-Formal Theme–dito pa lang, alam ko nang informal essays ang nakapaloob dito. Narito ang 29 na sanaysay. Totoo nga kayâ hindi ko tinaasan ang expectations ko pagdatíng sa spelling dahil alam kong magiging hindi standardized ito, gayong ibá-ibáng manunulat ang tampok dito. Okey, sige, sabihin na nating gano’n na nga, pero bakit ang daming typographical errors. Pagkatapos ata ng unang dalawa o tatlong sanaysay, consistent na ang pagkakaroon ng typo errors sa bawat sanaysay e, lalo na sa sanaysay na Mahal Kong Gabriela. Sana na-proofread muna;kasi ang datíng sa akin kapag maraming errors ay minadali. Isa pa, naiiláng ako sa tuwing mali-mali ang paggamit ng ng at nang. Gayon din, sana naman gumamit ng tamang bantas lalo na ng kuwit. Ang awkward basahin kapag dere-deretso. Minsan pa nga’y sa halip na kuwit ang gamitin, puro tuldok naman.

Sa mga kapuri-puring aspekto naman nito, maganda ang layon ng pagkakalikha ng aklat: ang balik-tanawin ang mga alaala ng hay-iskul bago pa man dumatíng ang K–12 program. Hindi ko expected ang dark at traumatic story sa Ang Itlog ni Miss Escuelta ni Kristoffer Brugada. Nakakalungkot lalo na para sa isang estudyanteng inaasam lagi ang makakuha ng mataas na grado. Isa pa sa nagustuhan ko ay ang Sound Trip ni Emmanuel Barrameda. Taga-Catanduanes din kasi ang papa ko. Mukhang simple pero exciting ang sanaysay lalo na sa bahagi nag pag-uwi nila sakay ng traysikel. Nakakatakot din naman ang Sapatos na sanaysay ni John Barrios.

Inaasahan ko talaga na nostalgic ang datíng ng mga sanaysay na babasáhin ko rito, pero parang iilan (o wala) ata. Siguro, ganoon kalayo ang agwat ng hay-iskul life ng mga manunulat dito. Gayumpaman, saludo pa rin sa pagbabahagi ng mga kaganapan ninyo bílang estudyante sa hay-iskul.
Displaying 1 - 7 of 7 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.