Astig, na-enjoy ko talaga ang pagbabasa nito. Para akong pumasok sa isang time machine at biglang bumalik sa panahon ng aking kabataan. Sa totoo lang, wala naman na talaga akong balak magbasa pa ng librong gawa ng PSICOM. Napabasa lang ako ngayon dahil malapit sa puso ko ang tema ng librong ito. Ganito rin kasi ang tipo ng mga sinusulat ko dati sa blog ko noong aktibo pa akong blogger (hindi vlogger). Kaya halos lahat ng kinuwento niya dito, naisulat ko na sa blog ko. Mas maganda lang talaga itong basahin dahil straight to the point, 'di tulad ng mga sinusulat ko dati na sobrang barbero ang dating, puro patawang kalbo at masyadong detalyado.