Block button in real life ang kailangan ng writer-editor na si Jhing Blanco sa buhay niya, lalo na't nagbabalik ang iniiwasang stranger matapos ng ilang buwang pananahimik.
In real life. At her office. As the new in-house illustrator.
She decided to shrug him off, thinking he'd get tired of their situation, but she was wrong. Dahil sa bawat araw na nagkikita sila sa office, lalo niyang nararamdaman ang consequence ng ginawa niyang pamba-block dito noon. Masakit. Nakakadugo. Bawal magreklamo dahil siya ang may kagagawan no'n.
Jhing was a mess. A wreck. At ayaw niyang madamay si Miko sa blackhole na ginawa niya sa sarili. He was too nice to be with her. Hindi sila bagay. But Miko had other plans. Operation: ituloy ang naudlot, in the flesh, and not online anymore.
This is a story about fighting one's own battle, struggling with family issues, reaching for goals, knowing one's purpose in life, and opening up wounds to heal.
Hinding-hindi ko pagsisisihan na binili ko 'tong librong 'to. Bukod sa hinahangaan ko naman talaga si Ate Rayne, e talaga namang sinaktan at pinatawa ako ng librong 'to. Grabe 'yong feels, 'te! Ang bigat sa dibdib.
Hindi ko 'to nabasa sa Wattpad kasi 'yon 'yong mga time na busy ako at nawalan ng gana sa Wattpad kaya ngayon ko lang talaga 'to nabasa. And to be honest, may clue naman na ako kung anong klaseng ending meron ang kwentong 'to kasi na-spoil ako dati ng kaibigan ko na nakatutok sa kwentong 'to. Pero letse, ang sakit pa rin kahit alam ko na 'yong ending. Ang bigat pa rin sa dibdib. Inakala ko pa ring . . . basta. Hahahaha!
Ang ganda rin ng delivery ng kwentong 'to. Ang gloomy ng POV kay Jhing pero hindi ako inantok kasi nasaktan talaga ako.
Actually, sa mga unang chapter, ang nasa isip ko lang e ano ang magiging ending nina Miko at Jhing. Pero habang nagtatagal, nawalan na ako ng pakialam sa romance nilang dalawa. Nag-focus 'yong isip ko sa kung paano lalabanan ni Jhing 'yong mga demon sa loob niya. Kung anong klaseng pagbabago ang mangyayari sa kanya.
TAPOS!!!!!!!!!!!!!!exclamationpoint!!!!!!!! Grabe 'yong Lathala Press Exclusive! Maygaaaaas! Mabuti na lang hindi masipag si Ate Rayne na magsulat ng trilogy! Kung masipag siya, palagay ko ikamamatay ng puso ko 'yong nakalagay sa exclusive. Mabuti na lang talaga. Thanks, Ate Rayne! HAHAHAHAHA!
PS. Sumobra yata papuri ko sa 11/23, baka sabihin ni Ate Rayne sumisipsip ako kaya sasabihin ko na rin 'to: Coach, may nakita po akong ilang errors. Hahahaha! Chaaaaar! Labyu, Ate Raaaaaaayne!
5/5 stars. I love the second book as much as I loved the first book (23:11)<3 Fictional book ito pero ang realistic ng pagkakasulat at ang sarap basahin ng ilang ulit. This duology and ate ulannnn has a special place in mah heart uwu. I Highly recommend!