Jump to ratings and reviews
Rate this book

Dreamland Trilogy #1

Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat

Rate this book
Sa nobelang ito nasubok kung may mga bagong talinghaga pang makakatas sa metaratibo at realismo ng daigdig ng subaltern. Ang daigdig na ito ay ang iba’t iba at pinagsama-samang impiyernong pinangyarihan ng sari-saring kahayupan—Dreamland, Red Butterfly, talahiban ng Hagonoy, at kung saan-saang pribadong espasyo. Ang mga impiyernong ito ay nagpaparusa nang perpetuwal at paulit-ulit sa mga tauhan. Ang mga ito ang kani-kanilang selda. Itinuturo sa atin ng nobela kung paano takasan ang mga impiyernong ito. Ang pag-alpas ay nagmumula sa sariling pagkukusa, tulad ng katarsis ng isa sa mga tauhan, nang maisip niyang, “Ang lansang namamayani sa solo kong selda'y walang dudang sa'kin nagmumula.”

- Mark Angeles, Patikim, Emotero, Threesome

Pagkatapos basahin, sunugin ang librong ito. Kumuha ng gasolina, ibuhos sa mga establisyimento't institusyon, at ibato ang sumiksiklab na nobela sa bunganga ng awtoridad.

- Albert Cornejo, FEU Writers Guild

Pipi raw ang subaltern, sabi ng intelektuwal na si Spivak. Ngunit sa unang nobela ng Ungazpress, makikitang napino na ang artikulasyon ng bokabularyong 'looban.' Maraming aalma sa dahas at karumal-dumal na kadugyutan nito. Ngunit may sakit ang lipunan, at narito ang ilang sintomas.

- John Levi Masuli, Pedantic Pedestrians

160 pages, Paperback

First published January 1, 2015

28 people are currently reading
717 people want to read

About the author

Ronaldo S. Vivo Jr.

12 books182 followers
Ronaldo Soledad Vivo, Jr. is the author of the Dreamland Trilogy—'Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat' (The Power Above Us All), 'Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa' (The Abyss Beneath Our Feet), and 'Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat' (The Loathe Within Our Rotting Flesh). He is an award-winning author, having been a finalist for both the Madrigal-Gonzales First Book Award and the National Book Awards for novels, and a recipient of the Gawad Bienvenido Lumbera for short fiction. He is the founder of UngazPress, a collective of writers from the town of Pateros. As a musician, he operates Sound Carpentry Recordings, which releases music on cassette, CD, and vinyl for worldwide distribution. He also serves as the drummer for bands such as Basalt Shrine, Abanglupa, The Insektlife Cycle, Dagtum, and Imperial Airwaves, among others.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
290 (57%)
4 stars
171 (33%)
3 stars
34 (6%)
2 stars
12 (2%)
1 star
1 (<1%)
Displaying 1 - 30 of 164 reviews
Profile Image for Zzonroxx.
43 reviews
March 20, 2022
Edit: sinabi ko sa sarili kong lahat ng librong tatatak sa aking isipan sanlibong taon man ang makalipas ay 5 stars ang akin ire-rate hahahaha.

"kanino tayo magsusumbong? Kanino tayo tatakbo? Siya rin ang batas."

Napakaraming trigger warnings. Hindi para sa mga mahihina ang puso. Puro mga karumaldumal na krimen ang nangyayari throughout the story. Para kang nanonood ng dokumentaryo tungkol sa batas militar noong panahon. Pero aminin man natin o hindi, nangyayari pa rin ito sa kasalukuyan.

The title speaks for itself na. Kung sa mga eskuwelahan ay tinuturo sa atin na "sa mata ng batas ay pantay-pantay ang lahat", sa mundong ating kinagagalawan hindi ka pa dumarating sa korte'y patay ka na. Abusadong pulis na akala mo'y Diyos at Diyos dapat ang ituring. Maski sino mang may kapangyarihang mas higit sa mga kinasasakupan nila. Ang buhay ay parang gulong ika nga ang iba nasa baba at minsa'y umaangat. Pero ang mga nasa posisyon, sila ang nagmamaneho.

Basahin mo't unawain ang akdang ito. Hindi ito fairytale o kung ano pa mang librong binabasa mo ngayon. Nakasusuklam man pero totoong nangyayari ang mga pangyayari sa librong ito. Nawa'y lahat ng makabasa ng akdang ito ay mamulat kung ano talaga ang nangyayari sa ating bansa.
Profile Image for Maria Ella.
557 reviews102 followers
September 11, 2024
Ang hirap.

Parang nanganay ako sa pagbabasa ng aklat na ito. Ganito ba talaga ang transgressive fiction? Masyadong nakakulong, at ang hirap i-ire at kumawala sa mundong ginagalawan nina Dodong, Buldan, Butsok, Marife, Myla, Atong, Jepoy at ng mga tsismosang kapitbahay na takot na takot makanti ng pulis.

Nakakatuwa lang na nadadama ko yung mapangahas na panulat ni Ronaldo Vivo at yung rigor nya sa paglikha. Na itong mismong Dreamland ay gustung-gusto na niyang isulat at ipakilala sa mundo. Nadama ko yung kawalang-tulog para mai-type at maiipon ang materyal, ang kawalang-pake sa paulit-ulit na mekanismo ng eksena ng panghahalay sa kapwa babae at lalake, ang pag-rehash ng pamamaraan ng pagpaslang at pagsisilid ng item, at kung paano niya naitagpi ang lahat at inilagay sa isang lalagyan. Nabigatan lang ako siguro dahil nasanay ako sa sensibilidad at relatability ng Bangin, at tila ayoko na rin balikan ang naging mga kwento ni Mama noong bata pa ako sa looban ng Pasay at mga gedli ng Pineda. Mahirap maging mahirap.

Nakakamangha at nakakatawa na may mga buong boses ang manunulat sa ibang mga eksena nito. Kapag narinig mo si Boss Vivo sa isang panayam, o kahit sa mga status nya sa facebook, malalaman mong sa kanya ang tinig. Ito ang halimbawa:
Ang hirap sa mga nasa posisyon, akala nila lahat ng tao ay kaya nilang ululin. Putsa, kahit mga tubong looban na hindi nasayaran ng edukasyon ang kukote, marunong ding mag-isip. Nagkataon lang na sila ang inarmasan ng gobyerno kaya ang lalakas ng loob ng mga putang ina, mga lasing sa kapangyarihan. Bawal magsabing kung anumang nasa isip, lalo kung 'di maganda sa pandinig nila, dahil wala naman ni ga-kulangot na tutong na magandang msasabi tungkol sa kanila. Kaya ang mangyayari, mananahimik na lang kaysa tinggaan sa ulo.

Mas lalo akong natakot sa ginagalawan kong realidad dahil magsa-sampung taong gulang na ang libro, pero hindi pa rin nagbabago ang kahayupan ng kapulisan, at ang paningin sa mga maralita na parang basura lamang. Na tunay ngang ang mga nasa laylayan ang nagpapatayan habang ang mga nasa kapangyarihan ang nagpapakasasa ng kaban ng bayan.
Profile Image for Alie Olli.
1 review
March 26, 2015
Aaminin kong hindi ako mahilig sa Tagalog na mga libro, piling-pili lang talaga ang mga nagugustuhan ko. Pero dahil support Filipino Writers ang mantra ko ngayong 2015, binasa ko ito para maiba naman sa mga chiclit novels na nakagawian ko.

Sabi sa mga unang pahina, huwag daw itong ikumpara sa Macarthur ni Bob Ong, na sya mismong lumason sa isipan ko dahil paborito ko aklat na iyon. Marahil ay medyo magkatulad sila na sumasalamin sa kahirapan, pero karaniwan naman ito sa bansa natin, maliban dito wala na, dahil magkaibang magkaiba sila.

Magaling ang paglalarawan dahil sa matalinong paggamit ng mga salita at pangungusap. Kayang nitong buuin sa iyong imahinasyon ang mga pangyayari. Halos maamoy ko ang looban at sabong panlaba. Para kang nanonood ng pelikula habang binabasa ang mga bayolenteng eksena, buo, detalyado na lalong nagparahas dito. Buhay na buhay ang mga karakter, marahil dahil sila ay mga karaniwang tao na maaring katulad ng kakilala mo. Dahil doon, may mga bahagi na parang pati ikaw ay nasasaktan para sa kanila.

Sa kabuuan, mahusay ang pagkakatahi ng mga eksena. Hindi ka matitigil sa pag-iisip. Alam ng manunulat kung paano buyuin ang isipan ng kanyang mambabasa. Hindi spoonfeeding kumbaga.

Pinalusot ko na ang ilang mga mali sa pagkakabaybay ng mga salita dahil indie naman ang press, pero iilan lang naman ang mga ito.
Profile Image for Spens (Sphynx Reads).
744 reviews37 followers
January 23, 2025
Aggressive in its honesty and brutal in its storytelling, Kapangyarihan is my first Ronaldo Vivo Jr. novel. And what an introduction this is to his work! Admittedly I struggled a bit with the language, but from what I was able to absorb, I was gripped by his casual yet intentional use of imagery and common Filipino idioms and expressions to convey the dark reality of police brutality even way before the war on drugs entered Filipino vocabulary in the mainstream. I especially liked his endnote where he details the importance of giving the voiceless a medium through which to tell their stories. A stark reminder that many of our country's problems have deep roots in its flawed systems and corrupt institutions.
Profile Image for Darwin Medallada.
34 reviews2 followers
January 17, 2020
Bihirang-bihira ako magrekomenda ng mga libro sa mga kaibigang hindi nagbabasa. Madalas kong ipabasa, Mac Arthur ni Bob Ong, mga gawa ni Norman Wilwayco at ng ilan pang kaibigang nagsusulat ng transgressive.

Pero ngayon, me bago na akong irerekomenda, ito ngang Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat ni Ronaldo Vivo Jr. Kakatapos ko lang basahin. Hindi ako mapakali at panay ang buklat ko kahit naghahabol ng kota sa trabaho. Ramdam ko pa sa palad ang bigat ng nobela. Naaamoy ko pa ang looban kung saan nakatira ang mga karakter. Nakikita ko pa at naririnig ang itsura ng mga demonyo sa presinto.

Kung marunong ka magbasa at hindi pa nakakabasa ng kahit anong nobela, basahin mo 'to, pre. Sulit ang oras mo. Wala kang panghihinayangan sa mga pahina. Para ka lang nakikipag-inuman sa manunulat. Hindi mo pagsisisihan na ito ang unang nobelang mababasa mo. O baka rin pagsisihan mo, pagkatapos maghahanap ka pa ng iba, baka magsimula ang hilig mo sa pagbabasa. Kung susuwertehin, baka mangarap kang kaya mo rin magsulat ng ganito. At doon magsisimula ang paglikha mo ng sarili mong looban.

Kasi ang lupit ng libro, pre. Tipong habang binabasa mo, mamahalin mo ang mga karakter kahit gaano katarantado, kahit gaano kabaho at kahit gaano ka-iskwater. Maliban sa mga kupal sa kuwento, siyempre.

Ang galing nung writer dahil kinakabahan ako sa mga nangyayari. Inaabangan ko talaga bawat kabanata. At alam na alam niya ang batas ng looban: kung kupal ka, maghanda kang makaranas ng pangungupal ng iba.

Bilhin niyo ang libro at suportahan ang manunulat! Ang ganda-ganda ng tahi ng kuwento. Ang dami ko pang gusto sabihin pero bilhin niyo na lang ang libro at hayaan niyong wasakin kayo ng kapangyarihang higit sa ating lahat.
Profile Image for Justine from Novels and Panda.
536 reviews236 followers
September 30, 2024
Tila madilim na bangungot o pawang katotohanan ng atin realidad ang sumasalamin sa kwentong pinakita sa atin ni Dodong at Butchok sa nobelang ito.

Nakakapangilabot kung iisip, ang husay nang narative na binigay ng awtor, mas lalong nakakasapul dahil sa natura na lenguage ko pa ito nababasa at naiisip. Iba pa rin talaga ang sariling atin. Aaminin ko sobrang mapili ako sa mga Filipino books na aking binabasa at walang pasisisi rito, salamat sa napost sa Reddit nito.
Profile Image for Gerome Peña.
Author 10 books23 followers
November 30, 2021
Pagbasa sa Nobelang "Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat" ni Ronaldo Vivo, Jr.

Lumalagos sa mga hanggahang itinakda ng sistema ng edukasyon at pamantayang moral ng lipunan. Masusulasok ang sinumang ipaloloob ang sarili sa "dreamland," na malamang sa malamang, ang eksaktong mukha ng "impiyerno" ng marami sa ating lugod na lugod sa gitnang uring fantasyang pinamamayani ng neoliberal na sistema.

Piksiyonalisasyon nga ba ito ng danas-looban o lehitimong pagsasakatawan ng masasalimuot na realidad ng patapong buhay ng mga tinatawag o binabansagan nating iskwating, isnatser, salot sa lipunan? Salabid-salabid na naratibo ang nobela ng kaapihan ng dukha sa makakapangyarihan, ng dukha sa kapwa niya dukha, at ng dukha sa pakikitunggali niya sa sarili.

Kayraming beses ko nang natagpuan ang sarili na naliligaw/nililigaw ng nakasusuklam na amoy at tanawin ng/sa looban mula sa mga nauna nang haligi ng panitikan. At, masasabi mang di na bago ang tema ng nobela, mapangahas itong bumabangga sa tatag (matatag pa rin nga ba?) ng kolonyal na impluwensiya sa atin sa espasyo ng edukasyon, relihiyon, paggawa, kultura, at paniniwala. Na matalas na ring sabihing, naghahapag sa bagong henerasyon ng mga mambabasang Pilipino ng idea na lagi't laging alipin tayo ng mga bagay na di natin kayang pag-usapan (pagpuputa, kabaklaan, adiksiyon, brutalidad ng kapulisan, ilegalidad at kriminalidad, at ang normalisasyon ng lahat ng ito sa kasalukuyang lipunan).

Malayong-malayo pa sa katotohanan na posibleng basahin ang mga transgresibong akdang gaya nito sa antas elementarya at hayskul. Sa panahong mangyari iyon, siguradong di na tayo kakaba-kabang may mga magnanakaw at trapong mauupo sa gobyerno. Tiyak na mulat na ang mga tao.
Profile Image for Yana.
32 reviews
November 26, 2022
Nakakabulabog ng damdamin. Marahas katulad na lang sa mundong kanilang kinagagalawan.

5 out of 5 talaga sa pagkakasulat ng libro. Sana lang nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na tumayo para sa kanilang sarili.
Profile Image for Shiela Naguit .
2 reviews1 follower
May 14, 2022
noong bata ako, isang beses sa isang linggo ay nagkukumpulan kaming magpipinsan sa harap ng telebisyon, minsan sa gabi o minsan sa hapon, depende sa papalit-palit na timeslot ng mga kaso ng konsistent na karahasang ipinamumudmod sa soco at imbestigador.

sa loob ng mapagmatyag na bakod ng aming bahay, balisa ang paghahalo ng pagkamangha at pagkatakot namin sa narasyon ng mga kinitil, ginahasa, ini-scam— iba’t ibang paraan ng paglatak ng dahas, kapangyarihan, at kasakiman sa balat ng tao. sa isang buong oras ay tutok naming ginagalugad ang mundong ginagalawan ng mga mukhang di namin kilala. pahinga sa paglalaro. pagkatapos idiin sa kokote namin ang mga krimen dulot ng inggit, paghihiganti, at pagnanasa, may maglilipat sa cartoons ng channel na siya namang magpapakawala ng kolektibong buntong-hininga. tapos na, balik na ulit tayo sa pagiging bata.

di nagtagal ay nakasanayan na ito ng aming sikmura. kaming mga tumandang araw-araw ay piyesta ng mga bulok na katawan at langong isipan ang naririnig sa balita ay tuluyang nalason ang kapasidad na makiramdam.

ililipat ko dito ang sabi ni vivo: “paulit-ulit mang itanggi sa sarili, ang dikta ng katawang sinanay at ikinundisyon ng maraming beses sa karahasan ay nagiging mapaghanap.” kaakibat nito ang hinahanap natin na nagmistula nang normal, pamilyar—ang limahid ng mga tuyong uhog, dugo, semilya. parang pambatang palabas na lang ang karahasan. umay na ang pakialam. naririnig ko ang usal ng isa sa mga karakter sa kwento, si edmon, ang bading na pinaslang ng bading serial killer kuno: walang may pakialam. walang totoong may pakialam.

ewan ko. sana hindi pa itong lubusang totoo. o kung totoo na nga’t hindi na mababali ay madiskaril ito sa ilusyon na ito’y totoo. na ito lang ang totoo.

habang binabasa ko ang nobela, unti-unting nagtagpi ang mga pangalan at lumapit ang mga mukha ng mga dati’y tinutulak lang ng popular na media bilang babala. mga indikasyon umano sila ng sakit ng tao na humahawa sa lipunan. pero syempre, hindi ng kapangyarihan higit sa atin lahat, hindi ang mga sistemang bumuburo sa ating kalamnan. hinding-hindi ang mga ito. syempre. malabo itong isiwalat nina mike enriquez at gus abelgas sa kahit anong episode. ngunit dito, tinumbok ng mga biseral na pandiwa ni vivo at yurak na kapaligiran nina dodong, che, buldan, butsok, myla, at elmer— lalong-lalo na ni elmer—ang ugat ng kasuklaman. siya naman dumigma sa pakiramdam ko. nagpaluwal sa suka. nagpanginig sa kalamnan. totoo ang mundong nilikha ni vivo. totoo rin ang pakialam na umahon sa kamalayan ko, at sa tingin ko’y sa lahat ng mga nakabasa nito.

sa bawat sulok ng mga pahinang malayo sa utal na hipnotismo ng commercial breaks at sari-saring makikinang na palabas, kinorner ako ng mga sumusunod: tubol na nginuya; mga putol na aring nakasuksok sa bibig; bote ng langis; kurtinang nagtatago sa mas halang na bangungot; baseball bat; magasin ng baril; water gun; silver na kwintas na may pusong nakasabit; maluluwag na butas ng puwit; tuyong sikmura; basang puson; mga daang maraming lusutan para sa may tinatakbuhan; puting usok; magaspang na hininga ng mga pakar; at ang husay ng manunulat sa pagbigay katauhan sa mga katotohanang sumasagka sa ating lahat. nagmantika ang mga kinakapitan kong rehas na siya namang naging hudyat ng pagkahulog. ngayon lang ako nakabasa ng ganitong libro. mapagpalaya rin pala ang mga anyong malayo sa mga puro at pinong salita.

ang sarap lang tumulala muna pansamantala.
Profile Image for Z666.
75 reviews25 followers
August 2, 2021
Sa laberintong lungsod na ang mga dingding ay balikong mga salamin, balisa ang bawat tauhan sa repraksyon at basag-basag na repleksyon. Lahat, hindi makalalabas. Lahat, maliligaw.

Gaya ng kuwento nina Julio at Ligaya sa penomenal na nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag, laging mauuwi ang lahat-lahat sa lagkit ng lingkis ng Ligalig, sa makalyong salat ng Trahedya, at halik-sa-leeg ng putok na labi’t bulok na bagang ng Karahasan. Silang tatlo, ang Ligalig, Trahedya, at Karahasan ay kaluluwang omnisiyent: laging nakaakbay sa inuman, nakikihigop ng usok sa tuter ng droga, nakikiangkas sa tuwing may nagkakaratan, pinapalakas lalo ng mga baboy na pulis at kanilang karahasan.

Ang mahusay na nobela ay nobelang hindi natatapos sa pagkanobela nito, nobelang ang huling pahina ang siya talagang simula. Prologo lamang ang buong kuwento dahil ikaw ang magtutuloy sa pakikinig ng diyalogo at ikaw ang magtutuloy sa pag-apuhap ng naratibo. Sa kaso ng librong ito, halimbawa, aalamin mo kung sino ang naging/ginawang mga Che sa bawat isa sa atin. Saan papunta ang mga Butsok, kailan babalik sa ulirat ang mga Myla? Lahat, mauuwi sa trahedya ng pagiging maralita. Sa isang sipat: barat at batbat ang kuwento ng pesimismo. Ngunit hindi, panahon ito para magalit. Para bakahin ang mga Elmer.

Kung sa paglabas mo ng bahay ay makikita mo si Dodong, pakiabutan ng limampiso. Pambili niya ng ice tubig, kendi, tiis-tiis na lang muna dahil mahal ang yosi.
Profile Image for Renzon Capinpin.
18 reviews
December 2, 2020
Noong isang araw ko pa natapos basahin 'to. Isang upuan lang, ang balak ko dalawang upuan ko sana 'to babasahin. Kaso wala, putangina e hindi mo maikakaila na wag ka magpahuli sa mga tagpo at pag-aasal barubal ng nobelang 'to. Ang bayolente, putangina para sa' kin 'di biro magsulat ng mga ganitong genre lalo na kung nobela pa. Kaya pangarap ko rin noon pa man makapag-sulat nang ganito.

Limang oras ang nakonsumo ko bago natapos basahin 'to. Sulit. Tangina. Ihi lang pahinga. May pagkakataon na putangina gusto ko ibato yung libro hindi dahil sa ayuko yung nobela na 'to (Ang totoo sobrang wasak nito—superb). Kasi karumal-dumal yung mga tagpo na mababasa mo, eh. Tapos papasakayin ka ni sir Ronaldo na kala mo yun na ang paniniwalaan mo pero di pa pala. Tangina may sasabihin s'ya na nagulantang ako, sobra. Mahabang patlang pukinangina ang sarap mag yosi ng sampung stick na tuloy-tuloy para kumalma ka e

Tangina headtrip ang Dreamland.

Wasak na wasak!

Maraming Salamat sa transgresibong literatura na hatid ng nobela na 'to!
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
May 16, 2015
Damang-dama ang banas, amoy na amoy ang lansa, lasang lasa ang pakla ng bawat tagpong pumapailanlang sa akdang ito. Hindi mo masisikmura kung paano inilarawan ni ronaldo ang looban na pinuno niya ng salimuot, karumal-dumal at rimarim.

Impiyerno kung tutuusin ang mundong ito na lingid sa atin ay matagal nang nariyan sa sistema na kinatatakutan ng nakararami. Ngunit, bakit ako matatakot? Hindi ako natatakot. Dahil wala naman sa iba ang kapangyarihang higit sa ating lahat.
Profile Image for all the best, mart.
53 reviews2 followers
September 4, 2022
tw/s: drug abuse, sexual abuse, graphic violence, killings, torture, incest, child abuse, language

ang daming nangyari sa librong 'to. ang hirap isa-isahin. kung ako lang, ayoko nang balikan. pero susubukan ko pa ring magbigay ng, hangga't maaari, malinaw at patas na review. anu't anuman, mahalagang talakayin ang nobelang ito.

nabasa mo na ba't minsang nagustuhan ang macarthur na akda ni bob ong? kung oo, siguro, baka para sa 'yo rin ang librong ito. may iilang mga paksa at tagpo rito na halos pareho ng sa macarthur mula sa mga kurap na pulis, nakawan, drug-related violence, tae sa inidoro, barkadahan, patayan, atbp. pero kung paghahambingin ang dalawa, mas malakas ang amats ng librong 'to.

aaminin ko, hindi ako sang-ayon sa pagsusunog ng mga libro pero kung mayroon mang maglulunsad ng nationwide book burning at mapipilitan akong magsunog, ang macarthur ang uunahin ko. may hula ka na siguro kung saan papunta ang review na 'to.

'ang kapangyarihang higit sa ating lahat' bilang isang nobela ay marahas, wasak na wasak, iskandaloso, at sumasalamin sa mga bulok na sistema ng lipunan. hindi ko alam pero siguro ito rin ang reyalidad ng mga maralitang taga-lungsod para sa pananaw ng manunulat. sa kabilang banda, tulad sa librong 'macarthur', hindi rin ako nakadama ng awa sa mga pangunahing tauhan—halos pagkadismaya at puro poot lang ang naramdaman ko sa librong 'to. ito na rin ang huling pagkakataon na magbabasa ako ng isang transgressive fiction. hindi para sa 'kin ang mga ganitong uri ng babasahin. lalong minamanhid nito ang pag-asa ko sa sangkatauhan.

iba-iba tayo ng karanasan kaya siguro iba-iba rin tayo ng reyalidad. naiintindihan ko na ang kurapsyon ng mga nasa kapangyarihan at kahirapan ay nagdudulot ng mas malaki at mas malalim na suliraning panlipunan. naiintindihan ko 'yon dahil minsan ko ring naranasang maging mahirap at matulog na kumakalam ang sikmura. pero kung ito ang gagawing dahilan ng mga manunulat para gumawa ng ganitong uri ng kuwento, baka nga iyon ang reyalidad nila. hindi ko sila masisisi.

1. na para bang pilit nilang pinagduduldulan na huwag sisihin ang mga dukha kung piliin man nilang maging marahas sa lahat ng pagkakataon. sa aking palagay, mas degrading ito para sa karamihan ng mga mahihirap dahil para bang gustong ipamukha ng manunulat na karahasan lang ang mayroon sila, pero sipag at utak, wala.

2. saka para bang gusto ng mga manunulat na 'to na gawin nating normal ang mga karahasan dahil para sa kanila, siguro, 'justifiable' naman 'yon dahil nga mahirap ang mga nasasangkot. okay lang na mang-hold-up ka, mahirap ka naman, e. okay lang na mag-droga ka, mahirap ka naman, e. okay lang na mang-agrabyado ka ng iba, mahirap ka naman, e. justifiable 'yon dahil api ka ng bulok na sistema.

bilang nagdaan sa hirap, na-o-ooffend ako sa totoo lang. para bang gustong ipamukha ng mga manunulat na 'to na kayong mga mahihirap, mga immoral, walang class, hindi p'wedeng pagkatiwalaan, walang utak para magpasya nang mas maayos. ito lang kayo: durugista, holdaper, buraot, mamamatay tao, bayolente, walang isip.

hindi lang ito ang mukha ng kahirapan. hindi ko rin maramdaman ang sinseridad ng mga manunulat na ito na magmulat ng katotohanan dahil sa totoo lang, mas marami pang totoong suliranin sa gitna ng kahirapan. hindi ko sinasabing i-romanticize o i-sugarcoat niyo ang kahirapan. may mga ganitong tagpo talaga, mga ganitong uri ng tao. pero sa lahat ng tauhan ng kuwentong ito, wala man lang naging matino at tuwid ang isipan? bakit? hindi ko matanggap! ewan ko. hindi ako pamilyar. pero siguro ganito talaga ang mga paksa ng transgressive fiction. siguro nga. at hindi na ulit ako magbabasa ng mga ganitong uri ng babasahin.

lumaki rin naman ako sa isang hostile na lipunan. kabisado ko ang bawat makikipot na eskinita, ang hitsura nito, ang mga taong nagtatago rito—mahirap man ang buhay at nasasangkot man sila sa mga maling gawain kung minsan, may mga pagkakakilanlan sila, hindi lang puro kalibugan at karahasan ang laman ng mga utak nila at saksi ako ro'n, firsthand.

bago ko talakayin ang ilan pa sa mga puna ko, narito ang mga bagay na nagustuhan ko sa librong ito:

1. madali lang akong nakasunod sa agos ng kuwento dahil pamilyar sa aking mga salitang ginamit ng manunulat. hindi malalim. walang halong pagpapanggap. karamihan mga salitang kalye na madalas din nating ginagamit sa pang-araw-araw. kaya kung gusto mong simulang magbasa ng filipiniana, maaaring mo itong subukan. please, check tw/s lang.

2. mahusay ang manunulat sa foreshadowing at subtle approach sa personal background ng ilang mga tauhan. it allows me to be smart. napanganga nga ako ng ikapitong kabanata at sa kuwento ni butsok at ang relasyon niya sa langis.

3. maikli lang ang attention span ko, pero hinawakan ako ng librong ito. madaling basahin. kayang tapusin sa isang upuan lang. bukod kasi sa manipis lang naman ito (159 pages), maikli lang din ang bawat kabanata—short chapter but precisely written.

ituloy natin. isa sa mga rason kung bakit ayoko sa macarthur at galit na galit ako sa librong 'yon ay dahil sa sobrang buraot ng mga tauhan sa kuwento. imagine, nagnanakaw sila sa mga inosenteng tao, para lang may pambatak—sa totoo lang, galit na galit ako sa mga magnanakaw dahil minsan na 'kong muntik madukutan sa kahabaan ng buendia—at walang pinagkaiba ang librong ito sa macarthur. gano'n na gano'n si buldan at dodong. kinuha ko ang excerpt na ito mula sa libro:

“mas panlalaki raw ang panghoholdap at di hamak na mas makatao ang proseso, dahil bilang holdaper ay ipinaaalam mo sa mga biktima na kailangan na nilang magpaalam sa mga minamahal nilang gamit at salapi, 'di tulad ng mga mandurukot na iniiwanang praning ang kanilang mga biktima.” kabanata 4, pg. 24.

may 'raw' naman kaya posibleng ideya ito ng tauhan. pero, wtf pa rin? kailan pa naging makatao ang pagnanakaw sa kahit na anong paraan? dukutan ka pa nga lang, grabe na 'yung stress. paano pa kung holdapin ka? grabeng katangahan ito. alam ko 'yung trauma. kabisado ko. kaya galit ako sa mga magnanakaw. tangina nila at tangina rin ng librong 'to, for having this passage. siguro ganito talaga ang mga transgressive fiction, ano? ewan ko.

at ito pa:

“isa pa, mukhang sa 'kin lang nalilibang ang isang 'to. tang inang bata 'to, nalilibang sa pangha-hassle ng tao... amputanginang batang ito, tinuturuan daw ako ng leksyon. anong kademonyohan kaya ang ipinapasok ng ama nito sa kaniyang inosenteng bungo?” kabanata 26, pg. 120-121.

the audacity of this son of a bitch na magkomentaryo tungkol sa kaputang-inahan ng bata sa pangha-hassle ng tao (sa kanya)? gusto kong murahin 'tong si dodong. gago ka pala, e! dapat ang sinabi mo, “ganito pala'ng pakiramdam na hina-hassle ka ng ibang tao, ganito rin kasi'ng ginagawa ko noong hino-hold up ko 'yung mga inosenteng sibilyan sa paligid ko.” gano'n dapat! tangina mo! hindi ako naaawa sa 'yo habang nasa kulungan ka. walang-wala ang pangwa-watergun sa 'yo nung bata kumpara sa pagnanakaw at pagiging dahilan mo ng trauma sa ibang tao.

i'm trying to not choose violence for today's video pero nakaka-tangina talaga ng mga pananaw ng tauhan sa kuwentong ito—lalo na si dodong. the audacity of this fucking shit talaga! hindi yata alam ang golden rules. kung aware ang manunulat na ito ang consequence ng tauhan sa mga pinaggagawa niya, mahusay. pero kung ang gusto niya lang ay magalit ako sa mga pulis sa kawalang katarungan nila, ewan ko kung ano'ng klaseng kaisipan mayroon siya. kung tutuusin, pare-pareho lang kurap ang mga tauhan niya sa kuwento. 'di ka talaga maaawa sa kanila.

1. botong - nilason (lalaki ang perpetrator, base sa pagkakaintindi ko, si dodong)

2. dodong - pinahirapan ng mga pulis (lalaki ang mga perpetrator)

3. buldan - pinatay (lalaki ang perpetrator, si butsok)

4. butsok - may childhood trauma at sexually abused (lalaki ang perpetrator, si delfin), hinawaan ng sakit (babae ang perpetrator)

1. che - sexually abused, pinatay, tinorture, at posible pang ginahasa (lalaki ang perpetrator). isa pa, hindi ko maramdamang mahal siya ni dodong dahil sa tuwing nagkikita sila, ginagawa lang siyang parausan nito.
> reference: pinatay siya para, quote, “...hindi na 'mapakinabangan' ni dodong.” (kabanata 9, ikatlong parapo) at buong kabanata 2.

2. penpen - dating kasama noon ni buldan na pinagsasaluhan nilang magkakaibigan hanggang sa mabuntis ito (mga lalaki ang perpetrator)
> reference: si penpen na 'sawsawan' ng buong grupo. (pg. 51)

3. starr/myla - nilumpo, sexually abused, at tinorture (lalaki ang perpetrator, si atsuo at renato)
> reference: kabanata 30

5. rosa - binubugbog ng asawa (lalaki ang perpetrator, si delfin)
> reference: kabanata 17—“ito'y pangyayaring (pambubugbog) 'pangkaraniwan' na lamang”

ayokong mag-assume na straight 'tong si ronaldo vivo jr. aba malay ko ba kung ano'ng kasarian niya. wala akong pakialam at wala rin akong balak malaman. ayoko lang mag-conclude at maging pala-desisyon lalo sa panahon natin ngayon kung kailan mas progresibo na ang gender inclusivity. pero kung straight talaga siya, well, shame on him for portraying women as shitty as hell sa kuwento niya.

marami-rami ding mga babae ang nabanggit sa librong ito pero ang ganap lang nila sa kuwento ay mamatay, maging parausan, sunud-sunuran, at punching bag ng mga lalaki. putangina! galit na galit ako sa kabanata 2 at 30. hindi ko kinaya 'yung graphic violence kina che at myla. katanggap-tanggap din ba 'to sa isang transgressive fiction? na ang mga babae ay dapat ganito tratuhin? kung oo, tanginang genre 'to.

kung hindi man, siguro walang babaeng role model 'tong manunulat kaya ganito na lang ang trato niya sa mga babae sa nobela niya. 'wag niyang idadahilan na ang mga lalaki rin naman sa kuwentong ito ay nakaranas ng pang-aabuso—totoo, tama naman, pero lalaki din ang perpetrator nila. ibang usapan 'yon. sa madaling salita, this story is problematic and has an obvious misogynistic approach... certainly!

hindi ko matanggap kung paano binigyang buhay ang mga babae sa kuwentong ito. idagdag pa na karamihan sa mga nagre-review ng librong ito at nagbibigay ng mataas na review ay, hula ko lang, straight na lalaki base sa mga pangalan nila. gandang-ganda sila. ang astig at lupit daw—libog na libog siguro sila noon habang nababasa nila kung paanong pahirapan ang mga babae sa lintek na librong 'to. kung tinigasan sila, well, tangina nila!

kung isa ka sa nagandahan sa librong ito, pero ni hindi na-point out kung gaano ka-problematic ang librong 'to, may mali sa 'yo. it's either you're misogynist o baka wala kang matinong babaeng role model sa buhay mo. hindi ka siguro nilulutuan ng masarap na pagkain ng nanay mo. ni wala ngang sustansya 'yung mga babae sa kuwentong 'to, e; parausan lang talaga at punching bag. mabuti pa si buldan at si butsok, meron. sabagay, pareho kasi silang lalaki, e.

maniwala kayo't sa hindi, hindi ganito ang mga babae sa isang hostile environment. paano ko nalaman? dahil hindi ganyan ang nanay ko, hindi ganyan ang mga malalapit kong babaeng kaibigan; matatapang sila, nakikipagsuntukan pa nga sa mga lalaki, at 'di papayag na maging sunud-sunuran lang lalo ng mga abusadong lalaking wala namang bayag... ewan ko. baka nga wala talagang matinong babaeng role model ang manunulat.

ang dami kong naramdamang galit sa librong 'to kaya kung may required book burning nationwide, ito at 'yung macarthur ni bob ong ang pipiliin ko—at least, may dalawang libro na 'kong p'wedeng sunugin.

sa kabilang banda, may puwang naman ang mga ganitong uri libro at tauhan sa literatura. pero para sa mambabasang gaya ko, wala. galit ako sa mga buraot at magnanakaw, sa mga karahasang wala namang saysay, sa mga babaeng walang sustansya dahil ganito sila gustong isulat ng 'lalaking' manunulat, at idagdag ko na rin 'yung para bang pagju-justify ng manunulat sa pagpatay ng isang tauhan dito sa kuwento dahil he's emotionally at sexually abused. ewan, siguro homophobic lang talaga 'yung manunulat? o baka parte 'yon ng isang transgressive fiction, 'no?

sa huli't huli, hindi na ulit ako magbabasa ng ganitong uri ng babasahin o ng kahit anong akda man ng manunulat.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Gigi.
92 reviews27 followers
October 18, 2020
Nagsimula ang nobela sa mga tauhang parang inaanod na lang ng buhay at walang kapangyarihang baguhin ang kinabukasan nila. Tingin ko tagumpay ito sa pagpapakita ng buhay ng mga nasa laylayan. Buo ang mundo at mayaman sa detalye ang kuwento. Pati dialogue, pag-iisip at action ng characters, para sa akin, ay totoo sa mundo nila.

Maraming magagandang linya at eksena at minsan parang tumutulay na sa poetry ang text dahil sa visuals nito. Naalala ko rin ang mga sulat ni Efren Abueg dito. Paborito ko ang chapter 29--Pula, lila, asul, berde, pilak. Dilim. Akala ko strobe lights lang sa isang nightclub pero may mas malalim pa pala itong ibig sabihin.

Minsan iniisip ko kung ano ba talagang point ng kuwento kasi hindi ko malaman kung anong goals ng characters. Pero tingin ko yun nga talaga ang point, paano ka magkaka-goal kung wala kang matatakbuhan? Kung hawak ng iba ang buhay mo?

Pero sa bandang huli'y pinakita ng nobela na meron pang kapangyarihan na higit pa sa pera o sa authority/gobyerno:
"Sabi ng demonyo, ipaubaya mo ang kapalaran sa kapangyarihang higit sa ating lahat: ang pagkakataon--na pare-pareho nating hindi hawak."

Sa huli'y nabigyan sila ng pagkakataong makalaya sa sitwasyon nila, hindi man malinis at hindi man sigurado o permanente, kahit papaano'y nagawa nilang umaksyon para may magbago. Medyo nabibilisan lang ako sa ending kasi hindi gaanong naipaliwanag kung paano eksaktong nagawa ni Butsok ang mga plano niya.

Para sa akin, mahalaga ang mga ganitong klase ng gawa at sana marami pang makabasa nito (Warning lang transgressive lit ito at never ending violence at sex, may R-18 warning sa likod ng book). Karamihan ng mga pina-publish ng traditional press natin ay tungkol sa middle class at kadalasan ay Manila-centric pa. Kaya salamat na rin sa tiyaga at sipag ng indie writers at press na makapaglabas ng ganitong kuwento. Sabi nga ng teacher namin, 80% (?) ng Pinas ay mahirap (hindi middle-class o taga-Manila) kaya kakaunti ang literature na sumasalamin sa sitwasyon ng bansa natin. Napakarami pang kuwentong hindi naisusulat.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Juan Bautista.
Author 25 books45 followers
February 20, 2016
Unang Nobela ng kuwentistang si Ronaldo S. Vivo Jr. Ang “Ang Kapangyarihang Higit Sa Ating Lahat” ay isang nobela na binuo ng pinagtagni-tagning masasalimuot na kuwento ng magkakaibigang Dodong, Buldan at Butsok. Patayan, droga, tirahan, gaguhan at marami pang iba. Hindi normal ang istilong ginamit sa pagsusulat, alam ni Vivo kung kailan niya maaaring laruin ang takbo ng istorya kaya naman napakahirap ibaba ng librong ito kahit ihing ihi ka na habang nakayukyok sa isang tabi at ninanamnam ang bawat eksena.

Isang beses akong napamura dahil may isang eksena na mas gugustuhin ko pang maglinis ng nagkalat na bituka ng tao sa kalsada nang padakot na walang guwantes; kaysa sapitin yung inabot ng isang karakter sa kamay ng mga putarages. Pero gaya ng sinabi ko kanina, bilang manunulat ay mahusay maglaro itong si Vivo.

Hindi ako naligaw habang binabasa ko ang libro. Hindi lang isang beses akong nakapagbasa ng ganitong istilo ng pagsusulat pero ‘di tulad ng kadalasan, hindi ko kinailangang bumalik nang ilang kabanata para maintindihan ang takbo ng napakawasak na nobelang ito. Napakagandang babasahin. At nanawagan ako sa mga mambabasa na matagal nang nagnanais na maantig ang mga puso, mapamura sa galit, at bumaligtad ang mga tarpilya. Basahin niyo ang nobelang ito ni Ronaldo S. Vivo Jr. At iba pang limbag ng mga kapatid natin sa Ungas Press.

Isang humahalipawpaw na LIMANG BITUIN para sa’yo VIVO! Mabuhay ka!
Profile Image for Miguel.
220 reviews14 followers
March 22, 2022
Walang sinabi si Bangin kay Dreamland. I think where this one ultimately succeeds is in breeding a world absent of hope or retribution. It's bogging; and as much as you want the characters to win, they can't against a system that has already established who gets to be on top. Like if Brocka did Manila By Night in this administration. The miasma of Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat will definitely linger with me.
Profile Image for Tobit.
16 reviews7 followers
June 16, 2021
Parang tsubibo, kada bagon may sakay.
Kada bagon, may nangyayari.
May nagkakantutan.
May kumakain ng buhay na manok.
May pulis, payaso, bugaw, sa isang bagon.
May mga binatilyong sinisipilyo ang shabu sa ngipin.
Nang biglang madidiskaril ang tsubibo.
Lahat iikot, isa-isang mapipirat.
Profile Image for upʞ.
26 reviews3 followers
October 19, 2021
Sobrang ayos nito! Parang Macarthur ni Bob Ong tapos i x5 mo sa tindi, lalim ng kuwento, at linaw sa lahat ng tauhan. Walang iniwang void sa background ng bawat character at mga pangyayari.

Ang kuwento, swak na kahit hindi mahilig magbasa ng mga nobela ay ma-hu-hook talaga 😉

Ang galing rin ng shifting ng author ng POVs from 1st to 3rd na parang hindi nakakalito, at yung pagpuputol ng bawat kabanata ay nasa tamang timpla rin.

Ang kalat ng dampa nina Dodong at Buldan, ang dilim ng looban, ang panlilimahid ng mga banyo, at ang puno ng kademonyohang bahay nina Mang Delfin; parang dinadala ako sa kahit saan mang karimarimang mga lugar, at nag enjoy naman ako.

Totoo, ang kuwento ay nagpapakita ng hindi-pangkaraniwang-karaniwang buhay ng mga tao; ang mga tauhan ay pwedeng nasa paligid lang natin, (maaaring maging tayo rin?), at iyon ang talagang nagpapaangat sa obra maestra na ito.

Sana mas marami pang ganitong akda ang mailathala sa mainstream reads. 💯
Profile Image for Mark Alpheus.
822 reviews9 followers
August 9, 2022
"Ako ang tatanga-tanga sa pagkakataong ito, dahil dapat ay lagi kong alam na wala silang 'di nalalaman. 'Di ako nag-ingat. Nakalimot akong mga pulis nga pala sila at 'di tao."

". . . higit na nakagigimbal ang mga bangungot habang gising."

Hindot na 'yan. Alam ko namang magiging malagim ang karahasan sa librong ito ayun sa nagrekomenda sa 'kin, ngunit 'di ko inasahang sa ganoong lebel.

Para akong maiiyak na matatae na ewan. Pero alam ko, solid 'tong libro. Grabe kung magpaikot ng istorya ang manunulat, nakagigimbal at nakakapraning. Yung istilo ng pagsulat sa tingin ko rin eh magiging maganda kung maisadula bilang audiobook. Kung magiging pelikula? Aba puta baka 'di ko kayanin.

Ang tanging puna ko lang dito eh kung paanong instrumento lang ang mga babaeng karakter sa kuwento ng mga lalaki, parang detalye lang sila at hindi nabigyan ng pagkakataon na sumabak sa aksyon.
3 reviews2 followers
September 23, 2015
Parang ganito 'yon eh, bumili ako ng pagkain tapos tinikman ko. Nagustuhan ko 'yong lasa tapos tumikim ako ulit. Hanggang sa ayaw ko nang tigilan dahil na adik na ako sa kakaibang lasa na sumisipa pa ang anghang sa dulo. Hindi ko na tinigilan hanggang masimot ko ang laman, hindi pa ako nakuntento hinimod-himod ko pa ng dila ko ang mga latak sa lalagyan. Ganoon ka-tindi ang tama ng nobelang ito. Mabuhay ka tol! Salamat sa Kapangyarihan!
Profile Image for Jer's Win.
1 review
March 30, 2015
Masasabi kong sapol ang panga at wasak ang ngalangala ko sa sipa ni Ronaldo Soledad Vivo Jr. May Amoy ang pag kakahimay ng Nobelang ito. iba't ibang kahibangan na tinatawanan lang ng ating lipunan. Sa bawat pahina ay dinuduruan ng galit na katotohanan. Ito ang ating panahon, ang sakit sa dibdib diba? wag mong iiyak, dumura ka nalng dahil ang dura ay mas "makapangyarihan" kesa sa Luha.
Profile Image for Jun.
10 reviews13 followers
November 8, 2021
Maganda siya. Transgressive talaga in every sense of the word. Hindi naman ako nasindak kasi sanay na ako sa ganitong material. Mahusay ang pagkaka-plot. Nagkamali ako sa lahat ng aking akala. Unpredictable ang tutunguhin ng kuwento.
Profile Image for Billy Ibarra.
192 reviews17 followers
June 23, 2022
Marahas ang nobela dahil sadyang marahas ang lipunang ating ginagalawan. Isang nobela na may kanya-kanyang istorya ang mga indibidwal na pinag-uugnay ng kolektibang danas sa kamay ng mga maykapangyarihan. Kung mahina ang sikmura mo, tibayan mo na kung babasahin mo ito.
Profile Image for Fernando Silva.
12 reviews1 follower
October 8, 2020
Pagdating sa salitang "WAKAS", sandaling naiwan akong tulala, galit na galit, masaya at sa huli'y naibsan ang aking damdamin na animo'y galing sa kubeta at nagluwal ng malaking tubol!
Profile Image for Emmzxiee.
324 reviews11 followers
May 21, 2021
Isang standing ovation with confetti ang dapat igawad sa akdang to. Sobrang galing!

Isang natural na pagsilip sa mundong ginagalawan ng krimen, droga, kahirapan at pag abuso ng kapangyarihan.
Profile Image for Gerald The Bookworm.
231 reviews439 followers
January 1, 2024
*Dinala ng paa sa bungad ng Dreamland. Naamoy ang mabangong sabong panlaba mula sa factory*

"Ito ba 'yung impyerno?"
"Ah, walawalawalawala"
"Ah, so ito daw 'yung kalye impyerno."
Profile Image for Ken  Mangaco.
10 reviews1 follower
September 13, 2024
Ang sabi ng paborito kong manunulat, ang sining, sa anumang porma at anyo nito, ay dapat nakaangkla sa katotohanan.

Nakakatawa dahil ang tema ng librong ito ay matutunghayan sa isang pagkurap lamang ng TV, o sa simpleng paglalakad-lakad sa mga pasilyo ng siyudad. Nakakatanga dahil ang realidad na ito ay hindi ganap na litaw sa kamalayan ko. Oo, pirmi palagi ang hawak ko sa cellphone ko kapag napapadaan sa Recto. Minamabuti kong isukbit paharap ang bag ko kapag sasakay sa MRT. Ang mga ganitong klaseng gawi, kadalasan, ginagawa ng tao nang hindi na niya namamalayan. Nakasanayan. Common sense. Siguro, ito ang problema.

"Paulit-ulit mang itanggi sa sarili, naging mapaghanap ang dikta ng katawang sinanay at ikinondisyon ng maraming beses sa karahasan."

Ang isang bagay, masama man o mabuti, kapag ipinupukpok nang paulit-ulit ay nagiging parte ng sistema. At kapag nangyari iyon, mahirap nang matukoy ang kinasisilidan ng moralidad sa buhay ng tao. Kung tama ba ito o kung mali. Ganitong aral ang ipinamudmod sa akin ng Kapangyarihan. Hindi naman na bago sa akin ang ganitong kuwento at tagpo. Pero hindi ito nabigo para paminsan-minsang patigilin ako sa pagbabasa para magnilay. Alam kong alam na natin lahat ang tungkol sa kasahulan ng mga may kapangyarihan. Pero kung hindi dahil sa mga katulad ni Vivo, hindi natin ito mapagtatanto. Patuloy lamang itong mamamahay sa ating peripheral vision.

Dalubhasa sa paghabi ng prosa si Vivo. Maingat pero tumpak ang bawat lapat ng mga tayutay. Sakto ang balanse ng lalim at babaw. Hindi nasobrahan sa paglalarawan, hindi rin naman nagkulang para hindi ka mapangiwi at mapabuntong-hininga.

Sa kabuuan, taglay nito ay kapiraso ng realidad. Higit pa, katotohanan. Isa itong paghehele. Ngunit hindi para pahimbingin ang natutulog nating kaluluwa; bagkus, upang gisingin tayo sa takot, pagdarahop, at alienasyon. Dahil sa huli, silang makapangyarihan pa rin naman ang mananaig, at tanging sarili natin ang ating kakampi. Ito ang nakasanayan. Ito ang katotohanan.
Profile Image for John.
300 reviews28 followers
October 5, 2025
Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat is technically the first book in Ronaldo Vivo Jr.’s Dreamland trilogy, but the author himself suggested that the best way to read the books is the sequence of Bangin, Suklam, and Kapangyarihan, which I followed. And it really was the best way, because Kapangyarihan closed the trilogy with a remarkable display of what Vivo is truly capable of: a writing prowess that felt so raw and earnest I couldn’t put the book down (I finished this in one sitting.)

Compared to the other two novels, this one was simpler and more streamlined and this made the book all the more effective. I enjoyed the book’s nonlinearity and though some timeline placements were confusing, it was mostly effective in building up the suspense and mystery across the novel. There was also strong characterization in this slim novel and that was impressive. It helped that the book focused on the two main guys, Dodong and Butsok, without incorporating too much of the other characters’ narration. And one of the best things Vivo did in this book was not including the policemen’s side of things too much; that they remain mostly anonymous in their plans, thoughts, and motivations made them even more sinister, and it brought further home what Vivo had been echoing the whole time: all cops are bastards. Though still my major criticism in this trilogy, especially in this one, was the unnecessary graphic depictions of violence against women. This was clearly seen in two scenes in the book where the very same sexual assault was done to a man and a woman, but guess which one was written more graphic?

Vivo wanted to show the dark reality the people in slums like Dreamland experience in their day-to-day life and it was displayed, in all its horror, in all three books. But only in Kapangyarihan did he successfully show the power this cruel world held in ultimately corrupting and leaving people morally bankrupt, even the most innocent ones. This novel is bleak—the bleakest among the three and only here was I truly and effectively shaken up by what Vivo tried to tell.
Profile Image for Peebles.
109 reviews3 followers
July 27, 2025
This has been the most brutal and graphic literature I've read. It's so dirty... I feel so dirty after reading this book. I hate this book but at the same time, WOW! There is nothing, NOTHING, like this novel in any books I've read. This means that every other author whose books I've read are cowards. Reserved. Sheltering us. Sheltering me, the reader.

I hate it. I hate police! ALL COPS ARE BASTARDS!! And this is true to life, I would know. Police in the Philippines are animals. I can't trust them. Don't trust them!

"Kanino tayo magsusumbong? Kanino tayo tatakbo? Siya rin ang batas."

Ronaldo Vivo Jr. has honestly described how the poor suffer abuse beyond anything I have ever known. And this has terrified me, the harsh truth of how desperate one can be. On how in most times than not, some people are driven to that desperation and loss of all sense of dignity. It makes me so angry at everything wrong in society. People stoop so low just to live. And the authorities abuse that desperation. Why do we even pay our taxes? Where does it fucking go??

I just want to pour bleach on my mind and forget what I've read. This is not a read for the weak. And I'm weak and soft and I just want to hide in my safety bubble. God, if I smoked cigarettes and drank alcohol, I'd be wallowing in vices now. I just want to eat ice cream and feel better.

But should you read this? Yeah, you probably should. Open your eyes. That's probably the least we can do. Be witness to what is happening around us.

"Ang pagsusulat ay boses ng panahon."
Displaying 1 - 30 of 164 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.