Bago pa gawaran ng FRCA ang Basag, may kopya na ako. Kaso dahil walang panahon, mas piniling maalikabukan ito kesa basahin. Mabuti na lang at maginaw ang December at may kakaunting extra time.
Mahirap basahin ito kung may ihahatid ka sa madaling araw, magpapatay ka ng ilaw, nagbabantay ka ng bata, o biglang magigising ka sa kalagitnaan ng gabi. Masyadong psychological yung ibang stories na kakabahan ka sa sarili mong buhay at pamilya mo. Medyo nakakapraning. Maganda rin na sa pamamagitan ng mga kwento ay nabibigyang pansin ang mga bagay na karumaldumal na halos hindi na natin pinapansin sa dalas nilang mangyari.
Kailangan ng kaunting tapang sa pagbabasa ng Basag. Minsan kailangan din kabahan.