Hanggang ngayon, pinagtatalunan pa rin kung ano ang pambansang ulam ng Filipinas. May nagsasabing adobo, dahil ito ang kinagisnang lutuin natin. May nagsasabi namang sinigang, dahil madaling ibagay ang mga sangkap nito. Yung iba, ang sigaw naman ay kinilaw, dahil ito raw ang wagas at pinakadalisay na pagkaing sumisimbolo sa buong bansa.
Ano nga ba ang pagkaing Filipino? O mas maigi, paano naging Filipino ang pagkain?
Samahan si Ige Ramos sa kaniyang paghahanap sa pambansang panlasa ng Filipinas at alamin kung bakit, sa lahat ng mga pagkaing kilala ang ating lahi, may isang katangi-tanging grupo ng pagkaing Filipino ang para sa kaniya'y sumasagisag sa panlasang tunay na atin.
Natuwa ako sa librong ’to! Nagbibigay-kaalaman ang libro at mabilis basahin ang panunulat ni Kuya Ige. Kung mayroon akong pupunahin, masyadong maikli ang libro. Parang mas marami pang puwedeng idagdag na mga sanaysay o kaalaman sa librong ito. Masaya. Masaya!
It's a good thing that we have new resources on local food history and knowledge that are accessible to many. I'm excited for the next installment of the series.
Simple at madaling maintindihan ang mga artikulo tungkol sa pagkaing Pilipino. Magandang panimula ang aklat sa larangan ng pagkilala sa natatanging kultura na nababalot sa pagkain
Sa loob ng isandaang pahina, binusog ako ni Ige Ramos ng iba't-ibang pagkaing Filipino — hindi lamang ng sangkap at istilo ng pagluluto, kundi pati ang pinagmulan, kasaysayan, agrikultura, at kapookan ng mga ito. Tamang-tama ang timpla ng mga sanaysay. Balanse saking panlasa ang istruktura. Kumbaga sa Ingles, "cravings satisfied!"
Simple and easy to understand. It examined different dishes and emphasized the importance of recognizing terroir, regional, and even hyper-local cuisine rather than insisting on having one national dish.
But the book also suggested what the national dish should be, if there is one. And it's not what we all thought it'd be.