Jump to ratings and reviews
Rate this book

Kung ang Siyudad Ay Pag-ibig

Rate this book
Hindi lugar ang siyudad sa aklat na ito kundi isang kondisyon ng posibilidad, isang malawak na panginoring inaasam puntahan, panahanan, takbuhan at takbuhan
papalayo ng mga katawan. At ang Pag-ibig ng mga katawan sa koleksiyong ito—mga mamamayan, turista, migrante’t destiyero—ay hindi lamang mga pangarap, libog, at lunggating nakalakip sa bawat baka-sakali ng pandarayuhan kundi mga pang-araw-araw na pagluluksa’t pagsalag sa dahas ng hangganan ng teritoryo’t teritoryalidad ng kapangyarihan. May “pangako ng ginhawa” sa kondisyonalidad ng Kung ang Siyudad ay Pag-ibig: ipinupusta ng wika ng tula na hindi lamang tayo makahanap ng lugar at “makapagpanibagong-lungsod” kundi makalikha rin ng bagong daigdig na may “mas ginintuang parang, mas makikinang na dagat, at mas mahihiwagang disyerto” para sa ating dinarahuyo’t tinutupok sa mumunti nating sulok sa malupit na mundo.

109 pages, Paperback

Published January 1, 2019

3 people are currently reading
79 people want to read

About the author

Carlos M. Piocos III

6 books7 followers
Kasalukuyang guro sa Departamento ng Panitikan ng De La Salle University Manila. Nagtapos siya ng BA Comparative Literature (University of the Philippines Diliman), MA Critical and Cultural Theory (Cardiff University), at PhD Comparative LIterature (The University of Hong Kong).

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
10 (35%)
4 stars
14 (50%)
3 stars
3 (10%)
2 stars
1 (3%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 5 of 5 reviews
Profile Image for Nikki.
107 reviews
April 7, 2020
Review and insights written on my reading journal.

April 7, 2020. Living room. (Sobrang init. Naghubad ako ng t-shirt habang tinatapos itong basahin.)
Profile Image for Meeko.
108 reviews5 followers
November 11, 2020
Gusto kong pasukin at manatili sa utak ni Carlos Piocos III para halughugin at makihati sa abilidad niyang magsulat ng mga ganitong tula. Gusto kong malaman kung ano ang inspirasyon niya sa istilo ng pagsulat ng kanyang mga tula.

Malinaw na naihayag ni Piocos ang mensahe ng buong libro tungkol sa paglalakbay o pananatili sa isang Siyudad, na hindi kailanman naging isang lugar o tagpuan lamang, bilang isang nananahan o isang turista o parehas.

Madaling basahin at unawain ngunit mararamdaman ang bigat na dala-dala ng bawat tula. May kirot ang mga salita at talinghagang ginamit. Isang pagpapalakas sa boses ng mga api, ng mga namatay at naghahanap ng hustisya, ng sariling kalungkutan, ng pag-ibig.

Ang Siyudad pala ay maaari rin maging estado, paglaban, pagbangon, at pagsisimulang muli. Hindi lamang basta lugar, ito ay mas higit pa.
Profile Image for S.
4 reviews
January 5, 2025
Tunay nga na ang siyudad ay hindi lamang tumutukoy sa isang urbanisadong lugar, bagkus ang siyudad ay maaari ring tumukoy sa estado ng danas, dahas, at lalong-lalo na ng mga dinadahas.

32 ang tula sa loob ng libro ni Piocos pero pakiramdam ko'y lumundag ako sa iba't-ibang siyudad sa mundo habang sinusuring mabuti ang iba't-ibang kondisyong pinahihintulutan nito. May lalim sa mga pang-araw-araw na sitwasyong sama-samang hinabi upang talakayin ang kuwento ng mga buhay na migrante, OFW, ordinaryong mamamayang tinahak ang lungsod maging ng mga nangamatay tulad ng mga bakas na naiwan ng mga biktima ng iba't-ibang rehime mula sa Birkenau, Phnom Penh, at Maynila.

Kung iisipin, inilarawan ni Piocos ang pag-ibig na mayroong talim—doo'y mababasa mo ang pag-ibig sa kung papaanong ang isang katawang napadpad sa kalunsuran ay nalanghap ang lahat ng usok, libag, at karumihan ng lugar ngunit patuloy pa rin sa pagbagtas ng daan dahil patuloy na binabalikan ang dahilan kung bakit ang kanyang mga paa'y piniling tumapak doon. Ngunit hindi naman niluwalhati ni Piocos ang hirap at dahas na naranasan ng may mga katawan sa tula, bagkus, ipinakita nito ang tunay na mukha ng danas sa siyudad at kung papaano burahin ang mga karumihang ito.
Profile Image for Bianca.
654 reviews2 followers
August 22, 2025

Sa mga gabing katulad nitong pinananawanan ng mundo
ang aking paningin ay naglilista ako ng lahat ng makikita
sa loob ng aking kuwarto upang mapaniwala
ang sariling nandito pa rin ako.
Profile Image for aileen | tala_aklatan.
14 reviews1 follower
January 10, 2024
sobrang ganda. mapapatulala ka sa kawalan pagkatapos mo basahin. it is the kind of book you read to satiate a hunger for literary beauty.
Displaying 1 - 5 of 5 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.