Jump to ratings and reviews
Rate this book

Mga Tula 1965-1989

Rate this book
Edisyong omnibus ng mga tulang Filipino ni Rolando S. Tinio:
mahahanap dito ang lahat ng tula, salin, at awit sa Filipino ng tatlong aklat niya.

“Sa unang katipunan ko, sa Sitsit sa Kuliglig, tinalakay ang kongkretong kapaligiran, mga bagay man o tao, samantalang sa pangalawa, sa Dunung-dunungan, sinikap maiulat ang mga anino ng isip at diwa. Sa mga iyon, pumatnubay ang lagi at laging paalala ng mga guro at tulang Amerikano na kailangang manatiling ‘dry, hard and sophisticated’ ang makabagong berso; kailangang magsabakal ang puso sa pandayan ng ironiyang intelektuwal.

Sa sandaling pagdalaw ko sa Rusya noong 1974 at 1975, natutuhang magpakawala ng malalabsang damdamin sa pagsulat, na nagkataon namang nagbalik din sa akin sa tradisyon ng panulaang Pilipinong malambing at sentimental. Kaya’t walang pangingiming tinatalakay rito ang mga babasagin at malakristal sa aking kalooban, ang daigdig na pinaiinog ng lahat ng uri ng pagmamahal.”

— Rolando S. Tinio, Enero 1, 1989

mula sa Paunang Salita ng Kristal na Uniberso

323 pages, Paperback

First published January 1, 2019

10 people are currently reading
111 people want to read

About the author

Rolando S. Tinio

14 books19 followers
Rolando Tinio is a Philippine National Artist for Theater and Literature. He was born in Gagalangin, Tondo, Manila on March 5, 1937. As a child, Tinio was fond of organizing and directing his playmates for costumed celebrations. He was an active participant in the Filipino movie industry and enjoyed working with Philippine celebrities who he himself had admired in his childhood. Tinio himself became a film actor and scriptwriter. He is often described as a religious, well-behaved and gifted person. Tinio graduated with honors (a "magna cum laude" achiever) with a degree in Philosophy from the Royal and Pontifical University of Santo Tomas at age 18 in 1955 and an M.F.A. degree in Creative Writing:Poetry from the State University of Iowa.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
11 (57%)
4 stars
6 (31%)
3 stars
2 (10%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 3 of 3 reviews
Profile Image for Meeko.
108 reviews5 followers
November 15, 2020
I. Sitsit sa Kuliglig

Direktang isinulat ni Tinio ang mga bagay na pangkaraniwan na halos walang talinghagang ginamit. Simple ngunit may pagkaorihinal ang istruktura ng kanyang pagsulat na tila siya lamang ang nakagagawa.

Taliwas sa pamagat ng koleksyon, ang mga tulang kanyang isinulat ay may boses na humihiyaw sa bawat pahina at mulat sa pakikipaglaban ng masa ukol sa mga kaapihan ng nakararami na magpahanggang ngayon ay makabuluhan at napapanahon. Bawat isang tula sa koleksyong ito ay hindi kailanman magiging tila mga sitsit sa kuliglig.

II. Dunung-dunungan

May lalim at bigat ang bawat isang tula sa koleksyong ito. Tahasang pinuna ni Tinio ang dunong at kung paano nito naapektuhan ang tao at ang pagpapakatao nito, hindi lamang sa sarili kundi maging sa lipunang ginagalawan niya.

Lubhang mas mabigat ang ikalawang parte sa koleksyong ito sa pagdala ng may-akda sa atin sa kakila-kilabot na kasaysayan ng mga lugar kung saan naging isang malaking parte ng buhay ng mga taga-roon at ng kasaysayan sa buong mundo. Ngunit sa ikatlong parte ay pinagaan niya sa pamamagitan ng mga tula tungkol sa pagmamahal.

Sa mga huling parte ay malinaw na inilalahad ni Tinio na dapat ibahagi ang dunong na mayroon tayo hindi lang sa kapwa may-alam kundi higit sa lahat sa mga mas nangangailangan. At kailangan na gamitin ang dunong na ito hindi sa pansariling kapakanan kundi upang maitama ang batas ng tao na dapat ay pantay sa lahat.

III. Kristal na Uniberso

Sa huling koleksyong ito mas naging malalim at personal ang mga tulang isinulat ni Tinio. Tila binibigyan niya ng pagkakataong masilip ng mambabasa ang buhay niyang tunay at ganap sa bawat taludtod. Ang pinakapaksa rito ay ang pagmamahal—ang tamis at pait na dala nito, at ang lahat ng uri nito, maging sa sarili, sa ibang tao, sa asawa, anak at pamilya, at pati na rin ang pagmamahal na kung minsan ay nawawala, at puno ng galimgim. Naisulat rin niya nang magaan ngunit may laman ang mga awit na sumasalamin sa pananampalataya at pati na rin sa kainosentehan ng mga bata. Mahusay at maingat niyang inilahad ang karupukan ng pag-ibig sa paghahalintulad nito sa isang kristal na uniberso kung saan mababakas sa kanyang mga tula ang pwersang kailangan pakaingatan sapagkat mabilis mabasag sa ating harapan.
29 reviews
July 19, 2020
"Ang takipsilim, ay nagmamadaling
tutungo sa Timog na kagabihan--
at mga inusal ng hapon ay titikom
parang dahon, sugat, libingan."

Tinipon sa aklat na ito ang tatlong kalipunan ng tula ni Rolando S. Tinio, pambansang alagad ng sining sa panitikan: Sitsit sa Kuliglig (1972), Dunong-dunungan (1975), at Kristal na Uniberso (1989). Una kong nakilala si Tinio sa mataas na paaralan, bilang tagasalin sa Tagalog ng mga dula ni Shakespeare, at paglaon, sa kolehiyo, bilang makatang nagsulat ng mga konyong tula gaya ng Valediction sa Hillcrest. Gayunman, nitong nakaraang taon lang naikintal sa akin ang ganda ng kaniyang mga tula; makirot pala ang Valediction at hindi lang kokonyo-konyo. Kaya sa pagbasa ng mga tula sa aklat na ito, tila may isang unibersong liriko akong binubuklat. May pagkiling man ako sa matimpi at namimintog na rubdob ng nauna niyang mga aklat, hindi maikakaila ang magiit na aliw-iw ng musika sa kaniyang mga taludtod lalo na kapag nagsusulat siya ng mga awitin o ng mga tulang may sukat at tugma. Dapat natin siyang mabasa.

Mga Tula: 1965-1989 ni Rolando S. Tinio (2019, Ateneo Press)

9/10
Profile Image for ebag.
187 reviews
November 27, 2024
Opening a whole new world of poetics for me.

Reading these three volumes (Sitsit ng Kuliglig, Dunung-dunungan, Kristal na Uniberso) in succession was a beautiful witnessing of Tinio’s metamorphosis as a poet: rebellious grammatical acrobat turned into a magical imagist brimming with a mature sentimental warmth.

truly truly adored this bouquet of african daisies.

Lacaba, Brion are next.
Displaying 1 - 3 of 3 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.