Jump to ratings and reviews
Rate this book

Lila: Mga Tula

Rate this book
Pagbubuntis at panganganak, pagiging maybahay, unang pag-ibig, alaala ng pagkabata, sarili, sariling katawan, kalikasan, mito, musika, wika, kamatayan, kasaysayan, karahasan, pagsipat ng lalaki, paglilimi sa lipunan, at ang Drug War ni Duterte ang ilan lamang sa mga paksa ng antolohiyang ito. Kung ang Lila ay isang pinta ng babaeng nakahubad, nakahubad siya para sa sarili. Siya ang nagpinta sa sarili.

122 pages, Paperback

First published January 1, 2019

26 people want to read

About the author

Roma Estrada

2 books

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
6 (46%)
4 stars
7 (53%)
3 stars
0 (0%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 4 of 4 reviews
Profile Image for Steno.
Author 5 books28 followers
May 17, 2021
Ang daming magagandang tula sa kalipunang ito ng mga babaeng makata ng LIRA. Hindi ko kilala ang karamihan sa kanila, pero masaya ako na nabasa ko ang kanilang akda sa librong ito. Good job sa project na ito.

Ang dami ko na kasing nabasang poetry book ng mga lalaking makata sa Pinas, pero iilan lang ang sa kababaihan, puro English pa lahat, kaya natutuwa ako sa aklat na ito. Bukod sa nakasulat sa Filipino, lahat din ng contributor ay babae. At mahuhusay sila.

Mayroong 86 na tula rito mula sa 36 na makata. Ilan sa mga naibigan kong akda ay ang mga sumusunod:

"Rebolusyon" ni Mary Gigi Constantino
"Tru Lab" ni Eloisa Francia
"Kabuwanan" ni Mia Lauengco
"Sa Paglubog ng Araw" ni Rhea Claire Madarang
"Pugon" ni Jenny B. Orillos
"Siesta" ni Ivie Urdas

Pinakatumatak naman sa akin ang "Putang Ina" ni Agatha Buensalida. Heto ang sipi:

PUTANG INA

Masahol sa puta ang pagiging maybahay.
Ibinibigay niya ang buong ari:
naghahanda ng piniritong longanisa
at itlog at sinangag
at kapeng barako
sa umaga,
inihahanda ang buong katawan sa gabi.

Astig, di ba? Maganda rin ang title poem na "Lila" ni Natalie Pardo-Labang. Heto ang sipi ng kanyang akda:

LILA

Ang una't huling bulaklak na ibinigay niya sa akin
Ang ipinangalan ko sa aming panganay dahil lumabas siyang kulang sa buwan at kulay talong
Ang mini skirt ng babaeng nakapulupot sa kanya nang aksidente ko silang makita sa mall
Ang namuong pasâ sa aking hita, braso, at mukha na ibinigay niya nang ako ay mag-usisa

Ang sakit lang ng pinagdadaanan ng mga babae, di ba? Napaka-unfair talaga ng patriyarkal nating mundo.

Pero hindi lang tungkol sa pagbubuntis, panganganak, pag-aasawa o pagmamahal ang nilalaman ng mga tula rito. Napakadiverse: may tungkol sa drug war, sa kalikasan, sa kasaysayan, sa wika, sa kamatayan, atbp.

Nainspire akong tumula matapos basahin ang librong ito. Basahin mo rin kahit hindi ka babae. Para ito sa lahat.
Profile Image for Helen Mary.
184 reviews15 followers
December 23, 2020
Sobrang ganda.😍 Parang mga bulaklak na namumukadkad sa ganda ang mga tula at humahalina sa lahat ng gustong magbasa.
Profile Image for Z666.
75 reviews26 followers
September 24, 2025
May higit pa sa pagkababae kaysa pisikal na katawan at pagkamahina, yaong mga makaluma na't opresibo pang mito na patuloy ang pagbansot sa isipan ng marami sa atin. Sa prekolonyal na lipunang Pilipino, hindi maling sabihing babaylan/babae ang sentro ng komunidad. Ibinabalik ng Lila: Mga Tula, kasama ng iba pang feministang proyekto ng ating panahon, ang ahensya at kalayaan sa kamay ng kababaihan.

(Nakakamangha ring malaman na mayroon akong kopya nitong libro na isa ata sa unang mga librong inilimbag ng Balangay Productions!)
Displaying 1 - 4 of 4 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.