Isang binukot o prinsesa noong ika-16 na siglo ang dinala sa kasalukuyang panahon upang mailigtas mula sa kasamaan. Mahahanap nga kaya siya ng kanyang prinsipe?
*****
Si Arissa Kim o mas kilala bilang Arki, palaban at walang inuurungan, tigapagtanggol ng mga naaapi. Wala siyang kamalay-malay na ang boyish na katulad niya ay isa palang prinsesa.
Si Rahinel, ang imortal na prinsipe na mahigit tatlong daang taon nang naghahanap sa prinsesang nakatakdang ipakasal sa kanya.
Dahil mapaglaro ang tadhana, nakilala ni Rahinel si Yumi, ang mala-diyosa sa kagandahan na bestfriend ni Arki, at napagkamalan ni Rahinel na si Yumi ang kanyang hinahanap.
Subalit sumiklab ang kaguluhan nang mabuksan ang portal, lumusob ang mga halimaw ni Sitan. Nadakip si Yumi at dinala sa mahiwagang lugar na tinatawag na 'Ibayo', ang kabilang mundo na puno ng pantasya.
Kasama ni Arki at Rahinel ang kanilang mga kaklase upang maglakbay at hanapin si Yumi.
Malaman na nga kaya ni Rahinel na si Arki ang huling binukot?