Jump to ratings and reviews
Rate this book

Balager

Rate this book

152 pages, Paperback

First published January 1, 2020

4 people are currently reading
41 people want to read

About the author

Emmanuel T. Barrameda

7 books16 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
12 (66%)
4 stars
4 (22%)
3 stars
2 (11%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 5 of 5 reviews
Profile Image for Coco.
50 reviews2 followers
January 2, 2023
Katulad ng ibang mga anthology ng CNF na binasa ko, matagal din bago ko natapos ang librong ito. Madali lang naman basahin dahil maganda ang pagkatagni-tagni ng mga salita. Ang mahirap ay yung habang nagbabasa ka ay babanggain ka ng mga sarili mong bagahe. Ang hirap pagsabayin sa utak ang binabasa mong kuwento ng iba na nakikipagbuno sa sarili mong kuwento. Pero dito nagtagumpay ang may-akda dahil hindi niya lang akong ginawang tagapagmasid sa buhay niya. Naging lunsaran ito upang mabalikan ko ang mga bagay na hindi ko na rin naman iniisip ngayon. Mahalaga rin palang alalahanin at kailangan ng balon sa sobrang lalim ng mga ito.

Kapag pagod na pagod yung utak ko sa mga gawain, itong Balager ang dinadampot ko palagi para makatakas. Iyon lang naman ang magagawa ko kapag napagod. Tumakas. Magpakalayo-layo kahit na nakaupo lang naman ako sa kung saan ako datnan ng pagbabasa. Kahanga-hanga para sa akin ang tapang ng may-akda na bumalik. Hindi lahat nakakabalik katulad ng hindi rin lahat ay may babalikan. Sa lahat ng tumakas at lumayo, lalong mahirap ang bumalik. Ang pinakamahirap siguro sa mga babasa ng librong ito ay ang maalala ang mga bagay na pinili nating takasan. Mga bagay na pinilit nating takasan dahil wala namang laban kung mananatili. Sa pagtakas, inisip natin na hinding-hindi naman na tayo babalik.

Akala ko ako lang ang may oras para mag-emote. May parte sa libro na parang yung karanasan ng main character sa The Perks of a Wallflower nang sinabi niyang, "We are infinite." Ito yung mga moment na nasa gitna ka ng biyahe o kahit saang lansangan tapos pakiramdam mo may malakas na background music o parang pang-KDrama moment. Sa bilis nang takbo ng mundo ngayon, parang kasalanan na ang mag-slow down. Pinili kong magkasala sa pagbabasa ng Balager. Minsan kailangan ding bagalan.

Ipinadala sa akin itong kopyang ito ni Sir Emman mula pa Catanduanes noong February. Pagkatapos ng Pwera Bisita na naging titser ko sa pagsulat ng kuwento, pinahinga ko lang ito sa bookshelf. Nang matapos ko basahin habang tina-type ang review na 'to, nakita ko ang dedics: "Ipabasa mo rin ang iyong pagba-Balager." Oo nga. Lakwatsero rin pala ako, pero pinili ko iyon. Mula high school kailangan kong bumiyahe mula Antipolo hanggang Sta. Mesa hanggang lumayo noong nag-college ako hanggang Taft na, araw-araw sa loob ng walong taon. Ewan ko kung naging sadista ba ako sa sarili ko at noong nagtrabaho ako ang biyahe ko ay mula Antipolo hanggang Balingasa, Quezon City naman, araw-araw sa loob ng tatlong taon. Sa librong ito ko naunawaan kung bakit iyon ang pinili ko, at ang mga sagot doon, siguro iyon ang isusulat ko sa takdang panahon kapag tinubuan na rin ako ng tapang.

Winner ng Best Book of Nonfiction Prose ang Balager sa 39th National Book Awards. Hindi ako nagkamali sa librong ito.
Lakwatsero rin kasi ako.
Profile Image for Irvin Sales.
70 reviews3 followers
February 10, 2023
Unang libro ni Emmanuel T. Barrameda na nabasa ko. Una ko itong nadiskubre nung ni-release ng NBDB ang finalists ng 39th NDBD awards. Dahil mag-isa din lang siya sa kategorya, walang dudang maipapanalo nito. Ngunit kahit man may iba pa siyang kalaban sa kategoryang iyon, hindi ako magtataka kung manalo pa rin ito.

Kakaiba ang Balager sa mga nabasa kong libro. Ngayon palang ako nakakita ng ganitong estilo ng pagkkwento. Malikhaing ikinuwento ni Barrameda ang kanyang mga suliranin, tagumpay, pagbagsak, pagbangon sa paglalakbay niya sa iba't ibang panahon ng kanyang buhay habang umiikot lamang ang kwento sa kanyang mga naging "serbis" o "mode of transportation".

Magaling na nakuha ni Barrameda ang atensyon ko sa pagbabasa. Hindi nakakabagot ang mga kwento niya at madaling maka-relate ang mga tao sapagkat lahat tayo'y may kanya-kanyang biyahe, kanya-kanyang pasanin sa buhay.
Profile Image for Nico.
102 reviews
June 4, 2023
Unang basa ko ito kay Emman. Itong librong ito dinala ako sa pagitan ng mga biyahe at mga kuwentong kahit hindi pa ako nakakapunta sa isla nila ay parang magkakaroon ka ng pagmamapa ng layo nito.

Lagi't laging may presensya ng pag-arangkada at pagtigil. Ang patuloy na paglilibot sa buhay.
Displaying 1 - 5 of 5 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.