Jump to ratings and reviews
Rate this book

G: Kuwentong Malayo Sa Katotohanan

Rate this book
“Hindi ako mapagpatol sa mga usapang lasing dati. Pero nasanay na ako. Tuwing Lunes o Martes ba naman ng gabi o madaling-araw, o depende sa trip ng babangka, may kuwentuhang lasing na naka-delayed telecast. Mukhang nasanay na sa usapang lasing (sa kapangyarihan) ang bansang ito. Kaya heto. G. Usapang lasing on steroids. Puro “Oo nga, ’no!” ang mabubulalas mo habang nagbabasa. Parang kuwentuhan (malayo sa katotohanan) na binabangkaan ng tito mong umaapaw sa wisdom pero hindi naa-appreciate ng lahi ninyo dahil eccentric at laging lasing. ’Tapos ikaw lang ang makikinig. Ikaw lang ang interesado. And before you know it, magkainuman na kayo. Masaya. Limot na pansamantala ang problema. Ganito ang epekto. Kaya tara, tagay, basa. G? G!”

Joselito D. De Los Reyes
Kolumnista, Rappler and Abante
Propesor ng Malikhaing Pagsulat
Unibersidad ng Santo Tomas


“Masinsinan kang kakausapin ng bagong nobelang ito ni TPC. At matapos ang huling pahina ay kakausapin mo ang sarili mo bilang isandamakmak na katanungan ang aanihin mo sa aklat na ito na walang makapagbibigay ng kasagutan kundi ang sarili mong - dilat, nag-iisip, at nakikiramdam.”

Juan Bautista
(Kuwentista)

192 pages, Paperback

Published December 13, 2020

7 people are currently reading
61 people want to read

About the author

TPC

23 books22 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
10 (45%)
4 stars
6 (27%)
3 stars
4 (18%)
2 stars
0 (0%)
1 star
2 (9%)
Displaying 1 - 5 of 5 reviews
Profile Image for RG.
8 reviews1 follower
July 20, 2021
Aktwal na rating: 3.5

Naging kritkal ako sa pagpapasya kung ano'ng magiging rate ko sa librong ito.

Ito ang pangalawang libro na nabasa ko kay TPC. Una ay 'yong Tagos (4 stars).
Makulay ang pagkakasalaysay ng buong istorya, talagang napag-isipan at hindi lang basta-basta. Simple lang naman ang konsepto, dahil dalawa lamang ang pangunahing karakter, si Peryo at si G(ang tinaguriang Diyos sa libro). Pero hindi ko ito matatawag na simpleng libro lang dahil sa mga mabibigat nitong tinalakay.

Nagandahan ako sa kung paano ang atake ng awtor sa paglalahad ng mga paksang nakapaloob sa bawat kabanata, at halos lahat ng mga 'yon, naihatid niya ng maayos na may kongkretong paliwanag. Sumang-ayon ako. Ilan din sa mga paksang napag-usapan sa libro ay napakaselan, na siyang lubos na pumukaw ng atensyon ko(hindi ko na sasabihin, basahin niyo na lang dahil para sa akin lang naman iyon. HAHA). Ang kaso lang, medyo sumablay para sa akin ang mga eksplenasyon. Nakulangan ako at medyo naguluhan. Dahil na rin siguro ay opinyon lang naman ng awtor iyon na may halo pa ring lohikal na paliwanag.

Gayunpaman, maganda pa rin ang kabuoang nilalaman. Maraming ipapa-realize sa'yo ang librong ito. Nakabubusog ang mga impormasyon na talaga namang magkakaroon ka ng ganang basahin at malaman dahil sa malikhaing pagku-kuwento ni TPC.

Naiintindihan ko na limitado ang kapasidad ng awtor sa pagtugon ng mga tinalakay niyang paksa, kaya't naging maingat siya sa kanyang mga ginamit na salita sa pagsagot.
1 review
January 21, 2021
Favorite book ko as of now. Sobrang ganda ng idea ng writer. Matatawa ka at mapapaisip habang binabasa to. Madaming realizations at what ifs ang makukuha dito kaya kung babasahin mo sa gabi, malamang mawawala ang antok mo.
Profile Image for Michaela Jen.
5 reviews
July 2, 2021
Super ganda nito!! Mapapa-isip ka talaga sa mga bullshit sa buhay. Astig gagi.
Profile Image for Mico.
25 reviews1 follower
November 30, 2022
3.5

I'll appreciate it more if I haven't read his previous work. It feels like the same, though this one is in a kind of a fiction form.
5 reviews
June 7, 2025
4 stars kasi nabitin ako sa ending..

Overall nakaka-excite syang basahin. Mabubusog ka talaga sa mga impormasyon—matatawa ka rin sa mga biro at kulitan nila G at Peryo. Marami ka ring mapapagtanto at malalaman sa mga bagay bagay sa mundo. Nagustuhan ko rin kung paano inilahad ni TPC ang mga opinyon nya sa mga sensitibong bagay.. super ganda and recommended!!
Displaying 1 - 5 of 5 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.